Share

Kabanata  4

Author: Misya Lively
last update Last Updated: 2025-02-05 21:35:53
Nakaupo si Heather sa isang kwarto, nakasuot siya ng isang simpleng puting bestida at ngayo'y parang tulala lang siya.

Ilang araw na ang nakalipas nang sinabi ni Dr. Sanchez na pumayag na ang client niya na pakasalan siya dahil sa relihiyon niya.

At ngayon ay gaganapin na ang kasal na nirequest nya sa isang bahay sa Monday Village.

Isang palapag lang ang bahay na iyon at nasa isang exclusive na village eto nakatirik.

Sa lugar na eto, hindi masyadong nag-uusap ang mga tao at may mga sariling mundo lang ang mga tao, hindi sila nagbabatian o nagkikibuan.

Walang kapitbahay na nakakaalam ng nangyayari sa mga loob ng bahay at wala ring pakialam ang mga tao dahil normal na sa kanila ang pagiging pribado.

Dumating si Dr. Sanchez para sabihin na darating na ang client niya.

Parang tumigil ang mundo ni Heather, curious siya kung sino ang nag-rent ng sinapupunan niya at ang bumili ng egg cells niya.

Sino ang mapapangasawa niya at magiging biological father ng anak niya?

Sino kaya sila? Nakita na ba niya sila dati?

Tumayo si Heather nang bumukas ang pinto ng kwarto.

Pumasok ang isang mag-asawa  pero ang mas nakakagulat sa kanya ay nang makita kung sino ang dalawang taong papalapit sa kanya.

Paano ba naman? Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanila?

Si Xeron Montellano at ang asawa niyang si Rubecka Corpuz.

Si Xeron Montellano ay isang successful na young entrepreneur at businessman, nag-iisang anak rin siya nang mayamang pamilya ng mga Montellano, ang number one richest family sa loob ng Pilipinas.

Kaya pala sobrang sikreto ng deal na ito at ang daming pera ang ginastos para lang magkaroon ng anak.

Kilala naman nang lahat na sobrang loyal ni Xeron sa asawa niya, lagi siyang tumatanggi sa mga babaeng nag-a-approach sa kanya.

Kaya idol siya ng maraming babae.

Gwapo, mayaman, successful, at loyal pa?  Saan ka na? Sino ba ang hindi maiinlove sa kanya?

Habang papalapit sila, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Heather.

Huminto si Xeron at Rubecka isang metro lamang ang layo kay Heather.

"Ako si Xeron Montellano and this is my wife, Rubecka.  Alam mo naman na may asawa na ako diba? Kaya naman formal display lang ang kasal na ito, gaya ng gusto mo"

Unang beses niyang narinig ang boses ng lalaking nakikita lang niya sa TV, parang walang emosyon ang boses niya, malamig at flat.

Parang hindi naman siya ang mag-a-attend ng sariling kasal, parang ordinaryong event lang.

Tumango lang si Heather at hindi niya magawang tumingin ng diretso kay Xeron.

Lumapit naman si Rubecka kay Heather.

"Heather, salamat dahil pumayag ka sa offer namin ah," malumanay na sabi ni Rubecka.

"Naiintindihan ko kung bakit mo gustong magpakasal," dagdag ni Rubecka at bigla niyang tinaas ang baba ni Heather  para maitama ang mga mata nila.

"Pero sana ay tandaan mo na bahagi lang to ng deal natin. Sana maging professional ka, at huwag mong isipin na personal na bagay ang mga ito."

Magaan ang tono ni Rubecka pero sa mga mata at salita niya ay parang may malalim na meaning, na para bang pinapaalala kay Heather ang pagkakaiba ng estado nila.

Si Rubecka ay ang legal na asawa na mahal na mahal ni Xeron. Samantalang siya ay isang babaeng inuupahan para mabuntis at manganak ng anak para sa kanila.

"Gagawin ko lang po ang nakasaad sa deal natin, huwag po kayong mag-alala dahil alam ko ang tungkulin ko," sagot ni Heather at nakatingin saglit kay Rubecka bago siya yumuko ulit.

Alam niyang hindi siya dapat mag-overthink.

Alam ni Heather kung bakit ganoon ang sinabi ni Rubecka.

Bilang kapwa babae, nararamdaman niya ang nararamdaman ni Rubecka at ayaw niyang magdagdag ng sakit.

Desidido si Heather na gawin ang trabaho niya bilang surrogate mother ng anak nila. Hindi niya balak maging mang-aagaw o third party sa relasyon nila.

Sinabi na niya kung bakit gusto niyang pakasalan at hindi ito para agawin ang asawa ng iba.

Buong puso niyang ibibigay ang biological child niya para sa kaligayahan ng dalawang taong tumulong sa mama niya para magkaroon ng pag-asa na mabuhay.

Parang narinig ni Heather ang pagbuntong-hininga ni Rubecka bago siya bumalik sa tabi ni Xeron.

Pagkatapos noon, wala nang ibang sinabi pa kaya naman nagpatuloy na ang kasal.

Simple at maikli lang ang kasal.

Walang mga dekorasyon, walang grand reception sa bahay at lalong walang mga bisita.

Ilang tao lang ang dumalo, para lang matupad ang requirements ng kasal.

Bukod kay Heather, Xeron at Rubecka, nandoon si Dr. Sanchez at ilang tao na hindi kilala ni Heather.

Sa side naman ni Heather ay nandoon lang si Franky pinsan niya at anak ng kapatid ng yumaong tatay ni Heather.

Siya ang naging saksi ni Heather.

Wala na kasi ang tatay, lolo, at tito ni Heather at tanging si Franky na lang ang natitirang kamag-anak sa side ng tatay niya.

Sa deal nila, wala namang nabanggit tungkol sa mga regalo pero may inihanda pala si Xeron para kay Heather.

Pera at isang set ng alahas may mga necklace, bracelet, at earrings bilang mga regalo.

Walang singsing.

Hindi naman nag-aalala si Heather na walang singsing.

Ang importante sa kanya ay natupad ang request nyang ng kasal. Tsaka, hindi naman talaga kailangang magbigay ng singsing sa kasal.

Hindi naman panghabang-buhay ang kasal na ito dahil pagkatapos niyang manganak ay matatapos na ang relasyon nila at maglalaho na lang ang kasal na ito.

Pagkatapos ng Ceremony ay nag-picture lang sila ng sandali ngunit wala namang memorable sa ganap na ito.

Pagkatapos ay umalis din agad si Xeron kasama si Rubecka.

Ganyan ang kasal na pinagdaanan ni Heather.

Walang mga luha ng tuwa, walang mga ngiti ng kaligayahan. Tanging formal lang dahil gusto niya bilang bahagi ng deal.

Hindi ito ang pangarap na kasal na nasa isip ni Heather pero ito ang pinili niya dahil kailangan niyang pumili sa pagitan ng buhay niya at ng buhay ng mama niya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 70  

    Alas-singko na ng hapon pero hindi pa rin bumabalik si Xeron sa opisina niya. Hininto ni Robin ang kotse sa harap ng malaking bahay sa isang exclusive subdivision, at bumaba nanan si Xeron. Imbes na bumalik sa opisina ay nagdesisyon ni Xeron umuwi na lamang. Pumasok siya sa bahay at nakita si Rubecka na nakasandal sa sofa, may kakwentuhan sa telepono, maybe isa sa mgakaibigan niya.  Wala etong kamalay-malay na nakauwi na ang asawa niya. Napa-ubo si Xeron para manotice siya ng asawa.Ilang sandali na kasi siyang naghihintay pero hindi pa rin tumitigil si Rubecka sa pakikipag-usap sa telepono. “Xer?” Nagulat si Rubecka nang lumingon at makita si Xeron na nakasandal sa pagitan ng sala at dining room, nakasabit ang jacket sa braso. Hindi naman siya umuwi ng maaga ganito kaaga at hindi rin siya nagpaalam kay Rubecka. Lumapit si Xeron kay Rubecka at huminto sa harap niya.  Inilagay niya ang bag niya sa mesa at nilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya, tapos nag

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 69  

    Kakalabas lang ni Mono sa delivery room matapos tumulong sa dalawang normal na panganganak. Gusto na niyang magpahinga, kumain, at siguro, mag-power nap kahit kalahating oras lang dahil ubos na ang lakas niya at pagod na siya.Sana naman, walang emergency call na darating. “Si Mr. Xeron po doc, naghihintay sa inyo sa labas” sabi ng isang senior nurse, itinuro ang exit door. Xeron? “Paki-clarify naman kung gaano na siya katagal na naghihintay sakin” pakiusap ni Mono. “Halos mga isang oras na po ata?”sagot ng nurse na medyo nag-aalangan at nagkibit-balikat. Hindi na nagtanong pa si Mono  at lumabas para hanapin si Xeron. May importante sigurong sasabihin sa kanya si Xeron kaya nagawa nitong maghintay ng halos isang oras at iwang ang trabaho neto nang halos isang oras sa loob ng isang araw. Pagkatapos mag-ikot sa delivery area, nakita niya sa wakas si Xeron na nakaupo sa isang bench sa park at naninigarilyo. Nakabukas ang ilang butones ng kanyang polo at nakarolyo ang m

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 68  

    Kumuha si Heather ng isang sanga ng puting sampaguita sa garden ng bakuran. Kahit na ang araw ay maaliwalas ay hindi parin neto mabago ang nararamdaman ni Heather, ang bigat-bigat parin ang loob niya. Huminga siya ng malalim at napapikit habang kalmadong inaamoy ang sampaguita. Sana lang, ganito ka-saya at ka-relaxing ang buhay niya. Di pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Kahit anong pilit niyang kalimutan, lalo na ang mga masasakit na salita ni Rubecka ay hindi niya magawa, paulit-ulit lang sa utak nya ang mga ito. Malalim na ng iniisip niya kaya hindi niya narinig ang ingay mula sa bahay. “Where is that woman?” Si Xeron ay pulang-pula ang mukha at nagmamadaling pumasok sa bahay. “Si Miss Heather po?” Nauutal na tanong ni Sara, mukhang hinahanap nga neto si Heather. “Sino pa ba? where is she?!” Singhal ni Xeron sa ginang. Dumiretso siya sa kwarto ni Heather at padabog na binuksan ang pinto. Wala si Heather. Hinanap niya ito sa buong bahay, ngunit

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 67  

    "Magandang gabi po, Ma'am Rubecka. Gusto niyo daw po akong makausap?" bati ni Heather, nakangiti siya at nakataas ang ulo. Parang biglang nagkalakas nang loob si Heather, hindi na siya natatakot or nahihiya kay Rubecka. Dahil ba kay Xeron? Nagulat naman si Rubecka nang makita ang pagbabago ng ugali ni Heather, mas naging confident at matapang na siya ngayon. "Tsk" bulong ni Rubecka at saka umirap at tumayo mula sa pagkakaupo. Nginisian niya ng puno nang pang-iinsulto si Heather habang pinagmamasdan ang dalaga. "Heather, narinig kong pumunta ka kahapon sa Puerto Prinsesa" sabi ni Rubecka habang umiikot-ikot sa harap ni Heather, nakalagay ang mga kamay sa kanyang bewang. ‘Ah, kaya pala ako hinahanap ni Ma'am Rubecka? Kasi nakita ko si Xeron?’ Naisip ni Heather. Tumigil si Rubecka sa paglalakad at humarap kay Heather, hinihintay ang sagot ng dalaga. "Yes po, Ma'am Rubecka. Pumunta po ako sa Puerto Prinsesa kahapon, si Sir Xeron po ang nag-utos sa akin na pumunta." Matapa

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 66  

    Beep beep beep… Nagising si Heather sa tunog ng alarm. Pagkaalis kasi ni Xeron ay pansamantalang nanatili lang si Heather sa villa. Nakahiga lang siya sa kama at nanood ng TV.  Wala siyang gana lumabas. Hanggang sa nakatulog siya dahil sa boring na palabas sa TV.  Nagising nalang din siya dahil sa alarm niya. Walang gana siyang bumangon, pero kailangan niya.  Pumasok siya sa closet at nagbihis ng tahimik.  Wala naman siyang masyadong aayusin at dadalhin dahil karamihan ng mga damit at gamit niya ay nasa maleta pa rin niya. Habang isinasara niya ang maleta, nakita niya ang damit ni Xeron na suot niya kanina. Naka-display ito sa rack. Kinuha ni Heather ang damit at inamoy ito ng malalim. Pinikit pa niya ang mga mata at inamoy ang bango ni Xeron na nakadikit sa damit.  Hindi niya alam kung ang damit ba o ang villa ang may amoy ni Xeron. Kahit ano pa man iyon, ang panlalaking amoy na iyon ay nakadikit na sa isip niya. Naisipan niyang dalhin pauwi ang damit kaya

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 65  

    "Wait lang, Xeron anak. Parang okay na ang pakiramdam ko, parang hindi na kailangan ng operasyon 'di ba?  'Di ba, Rubecka?"  Agad na umalma si Angie nang marinig ang salitang ‘operasyon’.Agad siyang humingi ng tulong kay Rubecka para kumbinsihin si Xeron. "Yes… Yes, love. Parang gagaling na si Mommy if ipapahinga niya lang to."  Napilitang sumang-ayon si Rubecka para mapanatag ang ina. "Huwag kayong mag-alala, Mrs. Angie" singit ni Dr. Nazarette “As a doctor, I highly recommend you to undergo surgeries as earliest as posible. Kasi kung hindi, baka magka-heart attack ka si Mrs. Angie at hindi ko masasabi kung kakayanin niya pa ang susunod na atake." Nag-isip sandali si Xeron.  "Nangyari na ba 'to dati?" tanong niya. "Of course! But I must admit, there's only a 70% chance of success" sagot ni Dr. Nazarette.  Namutla si Angie. "Here's the thing, Sir Xeron, Mrs. Angie. It's better talaga to have a surgery kesa naghintay pa tayo lumala. That's why I recommend this1" paliwanag

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 64  

    Nasa first-class section ng eroplano Xeron ngayon, may binigay naman si Ross sa amo na isang dokumento. “This is a another report nang mga imbestigador tungkol kay Mr. Fernando at Mr. Raziño.” “What did they see, this time?” tanong ni Xeron habang binubuksan ang dokumento. “According to the documents sir, matagal na pala magkasosyo si Mr. Fernando at Mr. Raziño, hindi lang kamakailan, kundi halos ilang taon na” paliwanag ni Ross.  Tinuro niya ang taon kung kailan natagpuan ng imbestigador nila ang mga bakas ng pakikipagtulungan ng dalawa sa underworld. Kumunot ang noo ni Xeron.  Labing-isang taon!! ang tagal naman pala!  Hindi niya akalain na ganto ang magagawa ng father in law nya.No wonder Fernando found it so hard to cut ties with the high-profile smuggler. “Find out what kind of collaborations they have done” sabi ni Xeron habang nakahawak sa baba niya. In the world of dark market, hindi imposibleng, isang ilegal na gawain lang ang ginagawa ng isang tao.  Kasi,

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 63  

    Nang magising si Xeron ay tanghali tapat na. Ngunit tulog na tulog pa si Heather sa tabi niya. Ang himbing ng tulog, para siyang anghel o di kaya'y sanggol. Marahang hinahaplos ni Xeron ang buhok ng dalaga, ayoko niyang gisingin at istorbohin ang tulog nito. Alas-nuebe na nang tanghali ng silipin bi Xeron ang relo sa side table.  Dahan-dahan naman siyang bumangon, pagkatapos ay maingat na naglakad papuntang banyo upang maligo.Pagkatapos maligo nang binata at mag-ayos nang sarili, binuksan na ni Xeron phone niyang pinatay nya kagabi para walang makaistorbo sakanila ni Heather. Ting! Ting! Ting! Sunod-sunod na tubig ng phone niya dahil sa dami nang notifications.  Aba, syempre naman!  Halos 12 oras ba naman nya itong pinatay. Ang mga tawag at text galing kina Rubecka, Ross, Alexis, at Trace ang  agad na bumungad sa binata. At syempre, Si Rubecka agad ang hinanap ni Xeron.  Sunod-sunod din kasi ang tawag niya kagabi at kanina pa.  Nagaalala siya dahil baka kung may ano

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 62  

    Huminga nang malalim si Heather matapos ay saka dahan dahang huminga nang palabas. Ang sarap ng tulog niya.  Parang ngayon lang siya nakatulog nang ganito ka-gagaan kahit dilat na ang mga mata niya ay nanatili parin siyang nakahilata at relax na relax. Tahimik na tahimik ang villa na kinaroroonan nya. Walang istorbo.  Sa totoo lang ay parang nananaginip pa rin siya dahil ang ganda ng pakiramdam niya ngayon to the point na parang na hindi totoo. Sobrang saya nya. Naalala niya ang nangyari kagabi… o dapat sabihin, ang nangyari buong magdamag. Namula ang pisngi ni Heather.  Hindi lang pala minsan nila ginawa ni Xeron ‘yun.  Hindi lang sa kama. Pati sa sofa at sa harap pa nga ng mga glass wall! Those glass walls witness their heated encounters, her with Xeron. Hindi niya maintindihan kung bakit sila ganoon ka-wild kagabi.  Siguro dahil sa ambiance ng lugar? O may iba pang dahilan? Napabalik siya sa realidad.  Mas lalong luminaw ang paningin niya habang nakat

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status