แชร์

Kabanata  3

ผู้เขียน: Misya Lively
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-05 21:35:53
"Pwede ba tayong mag-usap Ms. Ñuevas? Tayong dalawa lang." Si Dr. Sanchez. Bigla etong sumulpot sa resto habang nagtatrabaho si Heather.

Nagulat si Heather!  Anong kailangan nito? Akala niya tapos na ang usapan nila?

Ilang araw kasi ang nakakaraan, nalaman nila na allergy pala si Heather sa isang sa mga sangkap ng ini-inject na fertility hormone.  Buti na lang at dumating agad si Dr. Sanchez para iligtas siya.

Pero ang nakaka-gulat kasi ay hindi agad nila na-detect yung allergy niya!

Ang sabi naman ni Dr. Sanchez, hindi naman daw talaga delikado yung sangkap na iyon.  Pero kinilala ng katawan ni Heather na delikado ito.

Kaya pala hindi nila napansin agad.

Ang masaklap lang ay andun yung pinaka sangkap sa lahat ng fertility hormones!  Importante pa naman yun para sa magiging quality ng itlog na gagamitin ng donor.

Kung pipilitin naman nila, maapektuhan daw ang pagka-fertile ni Heather sa future. Kaya hindi na nila matutuloy pa ang usapan nila.

Sobrang nalungkot si Heather.

Wala na siyang pag-asa makuha ang pera para sa heart transplant ng mama niya.

Pero hindi naman ito naging dahilan ni Heather para sumuko.  Para sa kanya, hindi lang siguro yun ang tadhana niya.

Naniniwala siya na may mga darating pang ibang opportunity kung magdadasal at mag-eeffort lang siya.

"Doc, ano pong kailangan ninyo?"

Sa loob ng sasakyan ni Dr. Sanchez sila nag-usap para walang makarinig.

"Gusto mo pa bang makuha yung pera?" tanong ni Dr. Sanchez kay Heather.

Kumunot ang noo ni Heather.

 "Ano po yon, Doc?"

Hindi naman ito ang unang beses na may lalaking manyakis na nanghingi ng pabor gamit ang pera sa kanya pero laging tumatanggi si Heather.

Kailangan niya man ng pera, mas gusto niya pa ang nag-doble trabaho kaysa magtrabaho para sa mga lalaking manyakis.

"Ms. Nuevas, gusto pa rin ng client ko na maging donor at surrogate mother ka para sa anak nila."  Nawala ang mga negatibong iniisip ni Heather dahil sa paliwanag ni Dr. Sanchez.

"Hindi ba sabi niyo, hindi na ako pwedeng maging donor?" Naguguluhan si Heather.

Bakit biglang inaalok ulit siya?

"Ganito kasi yon," sabi ni Dr. Sanchez at para bang naghahanap ng tamang salita.

"Hindi naman sa hindi ka na pwedeng maging donor.  Mas tamang sabihin na hindi ka pwedeng maging donor sa IVF."

Pinoproseso naman ni Heather ang sinabi ng doktor, pero hindi pa rin siya sigurado kung tama ang naiintindihan niya.  Pareho ba ang iniisip nila?

"Ms. Ñuevas, inaalok kita na maging surrogate mother at donor sa pamamagitan ng natural conception."  Kahit kalmado, ramdam ni Heather ang awkwardness ng doktor sa mga sinasabi.

Natural conception?  Ano yon...?

Nakatingin lang si Heather  kay Dr. Sanchez.

"Yung natural conception na sinasabi ninyo, Doc.... pasensya na— tama ba na kailangan kong makipag-sex sa client ninyo?"

'Yun ba ang ibig sabihin ni Dr. Sanchez? Sana mali ang iniisip niya.

"Oo. Yan ang sinasabi ko." nahihiyang amin ni Dr. Sanchez at parang may guilt sa mga mata ng doctor.

Nagbago ang mukha ni Heather.

Kahit hindi naman bastos ang tono ng doktor, nahihiya pa rin siya.

"Ms. Ñuevas, hindi ito tungkol sa pakikipag-sex para lang maplease ang isa't isa. Para lang ito sa natural na way para mabuntis ka ng magiging anak nila nang walang risk na maging baog ka o magkaroon ng sakit dahil sa allergic reactions." agad na paliwanag ni Dr. Sanchez para ma-clear na hindi ito pagbebenta ng katawan, kundi para mabuntis lamang si Heather.

Nakatulala pa rin si Heather.  "Bakit ako pa? Bakit hindi na lang sila maghanap ng ibang surrogate mother?”

Pwede naman silang gumamit ng IVF sa ibang babae, diba?  Bakit mapilit sila sa kanya to the point na pumayag sila sa natural conception?

"Mahal na mahal ng client ko ang asawa niya maski siya ay ayaw niya talaga sana gawin 'to.  Pero dahil sa magandang genetic criteria mo, ikaw pa rin ang pinili nila, Ms. Ñuevas."  Dinidiin ni Dr. Sanchez ang salitang 'genetic'

Hindi naman bastos ang tono ni Dr. Sanchez, Professional parin siya kahit na sensitive ang topic nila at hindi nakakabastos ang mga ginagamit nyang salita.

“Anong genetic criteria?”  Gusto malaman ni Heather.

“Marami.  Isa na dyan, ang blood type mo, perfect eto para maging biological mother ng bata."

Naiintindihan na ni Heather.

AB negative ang blood type niya at rare daw ang ganun, halos less than 1% lang sa buong mundo.

Naiintindihan niya kung bakit mapilit sila. Pero may ibang iniisip si Heather.

"Pasensya na po, Doc. Pero hindi ko po ata kaya," sagot ni Heather pagkatapos mag-isip.

Huminga ng malalim si Dr. Sanchez.

 "Ms. Ñuevas, alam kong kailangan mo ng pera para sa mama mo at willing magbayad ng malaki yung client ko."

"Hindi lang yon, babayaran ka rin nila ng hundreds of millions at sasagutin na rin nila lahat ng gastusin ng mama mo pati na yung 10 million na kailangan para sa heart transplant."

Kailangan niya talaga ng pera, pero…

"Mabait ka, Ms. Ñuevas. Sa pagpayag mo rito, hindi mo lang matutulungan ang mama mo pati na rin ang iba na nangangailangan" dagdag pa ni Dr. Sanchez at itinuon niya na ang kabutihan ang motibo na makaka-udyok sa tao na tumulong.

Tumahimik si Heather.

Nag-aaway ang isip niya.

Hindi naman sa ayaw ni Heather tumulong o hindi naman niya kailangan ang pera, pero kasi kung kailangan niyang makipag-sex sa isang estranghero, hindi niya at kaya ang ganon.

Ayaw niyang magkasala.

Ayaw niyang mag-commit ng adultery.

Hindi ba pakikipag-sex sa lalaking hindi niya asawa ay pangangalunya?

Lagi pa namang sinasabi ng yumaong tatay niya na ingatan niya ang kanyang puri.

Dapat daw may dignidad ang isang babae para may halaga siya hindi lang sa mata ng Diyos kundi pati rin ng ibang tao.

Dahil sa sinabi ng tatay niya, hindi kailanman naisip ni Heather na makipag-sex sa ibang lalaki, maliban na lang kung…

"May isang kundisyon nalang po ako, Doc. Kung okay lang sa kanila yon ay gagawin ko po," sabi ni Heather na naglakas-loob na magdagdag ng kundisyon.

"Sige, sasabihin ko sa kanila.  Ano yun?"  Mukhang hindi masaya ang itsura ng doktor pero ngumiti pa rin siya.

Lumunok si Heather bago magsalita "Gusto ko pong mapakasalan."  Tapos binago niya agad "…para lang po sa relihiyon."

Napatitig si Dr. Sanchez kay Heather.

Alam ni Heather ang iniisip ng doktor kaya nagpaliwanag siya ulit.

"Doc, kailangan ko po talaga yung pera pero natatakot po akong magkasala sa diyos."

"Tsaka, ayaw ko pong maging anak sa labas ang baby. Paano ko po 'yon sasagutin sa huli?"

Ayaw niyang mali ang pagkakaintindi sa kanya.

Nakatulala pa rin si Dr. Sanchez, parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Heather.

"Pwede po nilang i-divorce ako pagkatapos manganak, okay lang sa akin. Ang gusto ko lang po ay magamot ang mama ko, wala na pong iba."  Pinagtibay ni Heather na wala siyang ibang motibo.

Ilang sandali pa ay nagsalita si Dr. Sanchez, "Sige, sasabihin ko.  May iba pa ba?"

Umiling naman si Heather, sobra na ang hiling nya.

Ang gusto niya lamang ay gumaling ang mama niya.

Tumango si Dr. Sanchez at nangakong sasabihin niya ang desisyon mamaya.
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 70  

    Alas-singko na ng hapon pero hindi pa rin bumabalik si Xeron sa opisina niya. Hininto ni Robin ang kotse sa harap ng malaking bahay sa isang exclusive subdivision, at bumaba nanan si Xeron. Imbes na bumalik sa opisina ay nagdesisyon ni Xeron umuwi na lamang. Pumasok siya sa bahay at nakita si Rubecka na nakasandal sa sofa, may kakwentuhan sa telepono, maybe isa sa mgakaibigan niya.  Wala etong kamalay-malay na nakauwi na ang asawa niya. Napa-ubo si Xeron para manotice siya ng asawa.Ilang sandali na kasi siyang naghihintay pero hindi pa rin tumitigil si Rubecka sa pakikipag-usap sa telepono. “Xer?” Nagulat si Rubecka nang lumingon at makita si Xeron na nakasandal sa pagitan ng sala at dining room, nakasabit ang jacket sa braso. Hindi naman siya umuwi ng maaga ganito kaaga at hindi rin siya nagpaalam kay Rubecka. Lumapit si Xeron kay Rubecka at huminto sa harap niya.  Inilagay niya ang bag niya sa mesa at nilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya, tapos nag

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 69  

    Kakalabas lang ni Mono sa delivery room matapos tumulong sa dalawang normal na panganganak. Gusto na niyang magpahinga, kumain, at siguro, mag-power nap kahit kalahating oras lang dahil ubos na ang lakas niya at pagod na siya.Sana naman, walang emergency call na darating. “Si Mr. Xeron po doc, naghihintay sa inyo sa labas” sabi ng isang senior nurse, itinuro ang exit door. Xeron? “Paki-clarify naman kung gaano na siya katagal na naghihintay sakin” pakiusap ni Mono. “Halos mga isang oras na po ata?”sagot ng nurse na medyo nag-aalangan at nagkibit-balikat. Hindi na nagtanong pa si Mono  at lumabas para hanapin si Xeron. May importante sigurong sasabihin sa kanya si Xeron kaya nagawa nitong maghintay ng halos isang oras at iwang ang trabaho neto nang halos isang oras sa loob ng isang araw. Pagkatapos mag-ikot sa delivery area, nakita niya sa wakas si Xeron na nakaupo sa isang bench sa park at naninigarilyo. Nakabukas ang ilang butones ng kanyang polo at nakarolyo ang m

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 68  

    Kumuha si Heather ng isang sanga ng puting sampaguita sa garden ng bakuran. Kahit na ang araw ay maaliwalas ay hindi parin neto mabago ang nararamdaman ni Heather, ang bigat-bigat parin ang loob niya. Huminga siya ng malalim at napapikit habang kalmadong inaamoy ang sampaguita. Sana lang, ganito ka-saya at ka-relaxing ang buhay niya. Di pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Kahit anong pilit niyang kalimutan, lalo na ang mga masasakit na salita ni Rubecka ay hindi niya magawa, paulit-ulit lang sa utak nya ang mga ito. Malalim na ng iniisip niya kaya hindi niya narinig ang ingay mula sa bahay. “Where is that woman?” Si Xeron ay pulang-pula ang mukha at nagmamadaling pumasok sa bahay. “Si Miss Heather po?” Nauutal na tanong ni Sara, mukhang hinahanap nga neto si Heather. “Sino pa ba? where is she?!” Singhal ni Xeron sa ginang. Dumiretso siya sa kwarto ni Heather at padabog na binuksan ang pinto. Wala si Heather. Hinanap niya ito sa buong bahay, ngunit

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 67  

    "Magandang gabi po, Ma'am Rubecka. Gusto niyo daw po akong makausap?" bati ni Heather, nakangiti siya at nakataas ang ulo. Parang biglang nagkalakas nang loob si Heather, hindi na siya natatakot or nahihiya kay Rubecka. Dahil ba kay Xeron? Nagulat naman si Rubecka nang makita ang pagbabago ng ugali ni Heather, mas naging confident at matapang na siya ngayon. "Tsk" bulong ni Rubecka at saka umirap at tumayo mula sa pagkakaupo. Nginisian niya ng puno nang pang-iinsulto si Heather habang pinagmamasdan ang dalaga. "Heather, narinig kong pumunta ka kahapon sa Puerto Prinsesa" sabi ni Rubecka habang umiikot-ikot sa harap ni Heather, nakalagay ang mga kamay sa kanyang bewang. ‘Ah, kaya pala ako hinahanap ni Ma'am Rubecka? Kasi nakita ko si Xeron?’ Naisip ni Heather. Tumigil si Rubecka sa paglalakad at humarap kay Heather, hinihintay ang sagot ng dalaga. "Yes po, Ma'am Rubecka. Pumunta po ako sa Puerto Prinsesa kahapon, si Sir Xeron po ang nag-utos sa akin na pumunta." Matapa

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 66  

    Beep beep beep… Nagising si Heather sa tunog ng alarm. Pagkaalis kasi ni Xeron ay pansamantalang nanatili lang si Heather sa villa. Nakahiga lang siya sa kama at nanood ng TV.  Wala siyang gana lumabas. Hanggang sa nakatulog siya dahil sa boring na palabas sa TV.  Nagising nalang din siya dahil sa alarm niya. Walang gana siyang bumangon, pero kailangan niya.  Pumasok siya sa closet at nagbihis ng tahimik.  Wala naman siyang masyadong aayusin at dadalhin dahil karamihan ng mga damit at gamit niya ay nasa maleta pa rin niya. Habang isinasara niya ang maleta, nakita niya ang damit ni Xeron na suot niya kanina. Naka-display ito sa rack. Kinuha ni Heather ang damit at inamoy ito ng malalim. Pinikit pa niya ang mga mata at inamoy ang bango ni Xeron na nakadikit sa damit.  Hindi niya alam kung ang damit ba o ang villa ang may amoy ni Xeron. Kahit ano pa man iyon, ang panlalaking amoy na iyon ay nakadikit na sa isip niya. Naisipan niyang dalhin pauwi ang damit kaya

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 65  

    "Wait lang, Xeron anak. Parang okay na ang pakiramdam ko, parang hindi na kailangan ng operasyon 'di ba?  'Di ba, Rubecka?"  Agad na umalma si Angie nang marinig ang salitang ‘operasyon’.Agad siyang humingi ng tulong kay Rubecka para kumbinsihin si Xeron. "Yes… Yes, love. Parang gagaling na si Mommy if ipapahinga niya lang to."  Napilitang sumang-ayon si Rubecka para mapanatag ang ina. "Huwag kayong mag-alala, Mrs. Angie" singit ni Dr. Nazarette “As a doctor, I highly recommend you to undergo surgeries as earliest as posible. Kasi kung hindi, baka magka-heart attack ka si Mrs. Angie at hindi ko masasabi kung kakayanin niya pa ang susunod na atake." Nag-isip sandali si Xeron.  "Nangyari na ba 'to dati?" tanong niya. "Of course! But I must admit, there's only a 70% chance of success" sagot ni Dr. Nazarette.  Namutla si Angie. "Here's the thing, Sir Xeron, Mrs. Angie. It's better talaga to have a surgery kesa naghintay pa tayo lumala. That's why I recommend this1" paliwanag

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 64  

    Nasa first-class section ng eroplano Xeron ngayon, may binigay naman si Ross sa amo na isang dokumento. “This is a another report nang mga imbestigador tungkol kay Mr. Fernando at Mr. Raziño.” “What did they see, this time?” tanong ni Xeron habang binubuksan ang dokumento. “According to the documents sir, matagal na pala magkasosyo si Mr. Fernando at Mr. Raziño, hindi lang kamakailan, kundi halos ilang taon na” paliwanag ni Ross.  Tinuro niya ang taon kung kailan natagpuan ng imbestigador nila ang mga bakas ng pakikipagtulungan ng dalawa sa underworld. Kumunot ang noo ni Xeron.  Labing-isang taon!! ang tagal naman pala!  Hindi niya akalain na ganto ang magagawa ng father in law nya.No wonder Fernando found it so hard to cut ties with the high-profile smuggler. “Find out what kind of collaborations they have done” sabi ni Xeron habang nakahawak sa baba niya. In the world of dark market, hindi imposibleng, isang ilegal na gawain lang ang ginagawa ng isang tao.  Kasi,

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 63  

    Nang magising si Xeron ay tanghali tapat na. Ngunit tulog na tulog pa si Heather sa tabi niya. Ang himbing ng tulog, para siyang anghel o di kaya'y sanggol. Marahang hinahaplos ni Xeron ang buhok ng dalaga, ayoko niyang gisingin at istorbohin ang tulog nito. Alas-nuebe na nang tanghali ng silipin bi Xeron ang relo sa side table.  Dahan-dahan naman siyang bumangon, pagkatapos ay maingat na naglakad papuntang banyo upang maligo.Pagkatapos maligo nang binata at mag-ayos nang sarili, binuksan na ni Xeron phone niyang pinatay nya kagabi para walang makaistorbo sakanila ni Heather. Ting! Ting! Ting! Sunod-sunod na tubig ng phone niya dahil sa dami nang notifications.  Aba, syempre naman!  Halos 12 oras ba naman nya itong pinatay. Ang mga tawag at text galing kina Rubecka, Ross, Alexis, at Trace ang  agad na bumungad sa binata. At syempre, Si Rubecka agad ang hinanap ni Xeron.  Sunod-sunod din kasi ang tawag niya kagabi at kanina pa.  Nagaalala siya dahil baka kung may ano

  • The CEO's Surrogate Second Wife   Kabanata 62  

    Huminga nang malalim si Heather matapos ay saka dahan dahang huminga nang palabas. Ang sarap ng tulog niya.  Parang ngayon lang siya nakatulog nang ganito ka-gagaan kahit dilat na ang mga mata niya ay nanatili parin siyang nakahilata at relax na relax. Tahimik na tahimik ang villa na kinaroroonan nya. Walang istorbo.  Sa totoo lang ay parang nananaginip pa rin siya dahil ang ganda ng pakiramdam niya ngayon to the point na parang na hindi totoo. Sobrang saya nya. Naalala niya ang nangyari kagabi… o dapat sabihin, ang nangyari buong magdamag. Namula ang pisngi ni Heather.  Hindi lang pala minsan nila ginawa ni Xeron ‘yun.  Hindi lang sa kama. Pati sa sofa at sa harap pa nga ng mga glass wall! Those glass walls witness their heated encounters, her with Xeron. Hindi niya maintindihan kung bakit sila ganoon ka-wild kagabi.  Siguro dahil sa ambiance ng lugar? O may iba pang dahilan? Napabalik siya sa realidad.  Mas lalong luminaw ang paningin niya habang nakat

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status