Home / Romance / The CEO's Temporary Wife / Chapter 7 Magsampa Ka ng Reklamo

Share

Chapter 7 Magsampa Ka ng Reklamo

Author: Nevaeh Skye
last update Last Updated: 2024-11-12 22:44:41

Natigilan si Julius. Bahagyang nanlamig ang kanyang kamay nang kunin niya ang chess piece, at pagkatapos ay dahan-dahang ibinaba niya ito.

"Oo lolo, pinili ko siya sa umpisa dahil magkamukha sila ni Gia. Pero sa ngayon ay mahal ko na siya."

Napangiti ng maluwag ang matanda.

"Mabuti naman at talagang gusto niyo ang isa't isa. Ngayong nakita kitang ikinasal na sa mahal mo, wala na akong maaring hilingin pa sa buhay na ito kundi ang magkaroon ng apo. Bilisan mo at nang mahawakan ko na ang apo ko sa tuhod."

Si Mr. Glen Samonte ay mahigit 80 taong gulang na ngayon. Kapag ang mga matatanda ay umabot na sa isang tiyak na edad, ang buong katawan nila ay unti-unti nag pumapalya. 

Umangat ang mga mata ni Julius mula sa chess board at bahagyang tumango.

Samantala, nasa labas ng silid si MJ at kausap ang kanyang nanay-nanayan sa cellphone.

“Umuwi ka na rito, suwail na anak at pakasalan mo si Wilson! Malilintikan ka sa akin, babae ka!”

“Ma, kagaya ng sinabi ko kahapon. Ayoko! Ayoko! Ayoko!”

Nag airplane mode si MJ at pumasok na sa executive room ng ospital.

Oras na ng hapunan at nagpumilit ang matanda na sa labas sila kakain. May espesyal na pribilehiyo ang matanda sa ospital na iyon dahil isa ito sa mga Board of Directors ng ospital. May waiver din itong pinirmahan na absuwelto ang ospital kung ano man ang mangyari sa matanda sa labas.

Pumunta sila sa isang restaurant na malapit lang sa ospital, ang Phát Phố, isang Vietnamese restaurant sa loob ng Robinsons Cybergate. Gustuhin man nilang pumunta sa mga 5-star restaurants ay bawal dahil malayo ang mga ito. Kailangang within 5-kilometer radius lang mula sa ospital ang pwedeng puntahan ng matanda.

Nag-order si Julius ng ilang pagkaing gusto ng matanda, at iniabot ang menu kay MJ. May bahid ng layaw sa baritono nitong boses. "Tingnan mo kung ano ang gusto mong kainin para i-order natin, love."

Kinuha ni MJ ang menu at nag-order ng ilang putahe na pinakamura. Hindi nagtagal, dinala ng waiter ang lahat ng mga pagkain sa mesa nila.

Si Julius, dahil nasa harap ng kanyang lolo, ay nagdrama na naman. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ni MJ at paminsan-minsan ay sinusubuan  niya ito. Si MJ ay hindi rin pahuhuli sa aktingan. Papikit pikit pa ito sa kanyang mga mata na tila nasasarapan sa pagkain.

“Hmm, thanks love. Lalong sumarap ang pagkain dahil sinubuan mo ako.”

Muntik nang mabilaukan si Julius dahil sa sinabi ni MJ. Lihim niya itong pinandidilatan ng mata dahil sumosobra na ito. Lalo nagpasaway si MJ. Gusto niyang makapaghiganti dahil pinaghintay siya nito ng matagal sa labas ng subdivision noong nakaraang araw.

Dinampot ni MJ ang inorder niyang chilled shrimp at inilagay sa plato ni Julius. "Ayan, love, paborito mong ulam, kain lang ng kain!"

Hindi pa nakontento, sinubuan din niya ang lalaki. Nagtaka siya kung bakit tikom na tikom ang bibig ni Julius kaya pilit niyang ipinasok ang kutsara para matapos na ang kanyang kalbaryo. Walang nagawa si Julius kundi nguyain ang pagkaing nasa loob na ng kanyang bibig.

Tinitigan siya ni Julius habang ngumunguya ito, isang babala ang sumilay sa kanyang ekspresyon, animo’y galit na galit sa kanya.

Natigilan ang matandang nakaupo sa tapat. "Huh? Pinakaayaw ni Julius ang hipon dahil allergic siya rito. Isang beses lamang siya nakatikim ng hipon noong bata pa siya at namamaga ang kanyang buong katawan. Mabuti na lang at naagapan agad."

Nang marinig ito, ngumiti si MJ na parang tusong matsing.

"Lolo, hindi mo ba alam! Pinakagusto kong pagkain ang hipon, at nagustuhan na rin ito ni Julius! Ewan ko ba’t hindi na siya allergic sa hipon, di ba, love?"

"Talaga?" Napangiti ng maluwag ang matanda, "Kapag matagal na palang nagsasama ang dalawang tao, magbabago rin ang kanilang mga gusto. Isipin mo, ganyan din ang lola mo. Mahilig siya sa chocolates, pero hindi ko iyon gusto noong una. Sa mahabang panahon na magkasama kami, nagustuhan ko na rin."

Pinigilan ni Julius ang kanyang galit at kumain ng dalawa pang hipon dahil matiim na nakatingin sa kanya ang matanda. Nakonsensya ng bahagya si MJ, ngunit nang makita niya ang galit sa mga mata ni Julius, muli siyang lihim na nagsaya. “Nakaganti na rin ako sa wakas!”

Pagkatapos ng hapunan, nang umalis sila sa restaurant at bumalik sa ospital, sinabi ng matanda, "Okay, alam kong abala kayo sa trabaho, pwede na kayong umalis. Dalawin ninyo ako paminsan-minsan"

"Sige lolo, aalis na kami."

Nakangiting nagpaalam si MJ sa matanda.

Mahigpit ang pagkahawak ni Julius sa kamay ni MJ habang naglalakad silang magkatabi. Halos kaladkarin siya nito patungo sa sasakyan.

"Ang sakit naman ng pagkahawak mo, Sir Julius. Pero hindi ako bibitaw dahil nakatingin pa rin si Lolo sa likod!"

"May lakas loob ka pang magreklamo?" Malamig na sabi ni Julius. “Nagsimula na nga akong mangati dahil sa ginawa mo. Dadaan muna tayo sa pharmacy para makabili ng antihistamine. Bakit naman sa dinami daming pagkain sa mesa ay hipon pa ang napili mong ipakain sa akin? Hindi ba kasali sa binigay ko na listahan sa iyo ang mga bawal kong kainin?” 

Hindi na lang umimik si MJ. Paano kasi’y hanggang sa brief size lang siya nakatutok sa pagbasa.

Pagkasakay sa kotse, umupo si MJ sa passenger seat. Alam ni Julius na nanonood pa rin ang matanda sa labas, kaya nagkusa siyang ikabit ang seatbelt ni MJ, pero natakot ang huli sa madilim na awra ng lalaki.

"Sir Julius, I was wrong. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nalito ako sa paborito mong pagkain at sa pinakaayaw mong pagkain!"

"Hindi mo talaga sinasadyang gawin yun?" Tinitigan siya ni Julius.

"Hindi ko talaga sinasadyang gawin iyon." Matigas na tugon ni MJ.

Pero sinadya niya talaga. Lihim na napatawa si MJ.

Napansin ni Julius ang lihim niyang ngiti. Pinaandar nito ang sasakyan at umalis. Puno ng kalungkutan ang boses nito nang ito’y magsalita.

"Alam mo ba na dahil sa ginawa mo ay malamang na magduda si Lolo na peke ang ating kasal?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Temporary Wife   Chapter 30 Pauwi na si Lolo

    "May pagka-Marites ka talaga! Nakikinig ka sa mga usap-usapan kahit hindi ka kasali!" Nagalit si MJ, medyo namumula ang mukha.“Ba’t kaya ganito ang taong ito? Mayaman sana pero may pagka Marites!"If I remember correctly, nakatayo ka sa harap ng kotse ko. You’re invading my space, yet you accuse me of spying on you?"Mabagal ang pagsasalita ni Julius at malamig ang boses nito, ngunit nagawa niyang patahimikin si MJ..Nabulunan si MJ at pasimpleng sumuko. Sa kahihiyan, pinilit niyang basagin ang katahimikan at ngumiti. “Dahil narinig mo po ang mga pinagsasabi ko, maari ba kitang ipagluluto? Ito ay simpleng pasasalamat ko sa mga tulong mo sa akin.”"No." Anak ng….Tsk, walang awa talaga ang taong ito. Mahirap bang ako’y pagbigyan?Wala talagang masabi si MJ pagkatapos siyang tinanggihan ni Julius.Mula noong bata pa siya, tinuruan na siya na dapat magpasalamat ang mga tao sa mga tumulong sa kanila. Palagi niyang naaalala ang paulit-ulit na pagliligtas sa kanya ni Julius, kasama na ang

  • The CEO's Temporary Wife   Chapter 29: Paghihiganti

    Biglang nagpupumiglas si Jackie nang buong lakas, na parang baliw. "Hindi ako aalis sa kompanyang ito! Over my dead body! I am the Director of the Department of Design! Walang sinuman ang pwedeng makapagpaalis sa akin maliban kay Sir Julius!""Bilang isang designer, hayagang nangopya ka sa drawing ng ibang tao, at may lakas ka pa ng loob na sabihin na ayaw mong umalis? Maaari kitang tanggalin sa trabaho ngayon din!"Mamula-mula ang mga mata ni Jackie, at biglang sinugod si MJ, "Are you satisfied now? Nagawa mo na ang nais mo na maglagay ng trap para sa akin!"Akmang sasabunutan sana ni Jackie si MJ, ngunit pasimple umatras ang huli at kinantyawan siya."Umalis ka na at magsama na kayo ni Direktor Dale.""Guards, escort her outside!" Sa utos ni Mr. Dolino, agad na nilapitan ng mga security guards si Jackie at kinaladkad ito palabas dahil nagpupumiglas ito. Mistulang tigre ito na kinalmot ang isa sa mga guards. Duguan ang mukha ng kawawang tao. Kakagatin sana niya ang isang guard sa br

  • The CEO's Temporary Wife   Chapter 28 Sino Ang May Sala?

    Nanginig ang anit ni Jackie. Huminga ito nang malalim, at ngumiti ng may pag-aalinlangan. "Ay, oo nga pala, nakalimutan ko palang banggitin iyon. I should know. I designed it. Masyado ka namang maselan dahil napansin mo ito. Go back to your seat at maupo ka na."Hindi gumalaw si MJ at nanatili lang ito sa harapan, na may inosenteng ekspresyon sa kanyang mukha."Direktor Jackie, hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ang dami kong alam tungkol sa disenyo mo?"Nakaramdam si Jackie ng panginginig sa kanyang buong katawan. Talagang dehado siya kay MJ na kalma lang at puno ng kumpiyansa sa sarili. Napaisip siya na gumagawa lamang si MJ ng eksena. Isa pa, wala itong hawak na matibay na ebidensya."At bakit andami mong alam? Espiya ka ba? Ha? Are you spying on me?"“I am the one who drew this design.”Namangha ang lahat ng nakarinig. Kung gayon ay hindi si Direktor Jackie ang may-ari ng mga disenyo! Umugong ang balita sa buong silid.“What a joke! Stop with your lies, MJ. You don’t have any e

  • The CEO's Temporary Wife   Chapter 27 Ika-sampung Anibersaryo

    Nang bumalik si MJ sa Design Department, bitbit nito ang kanyang computer at mukhang malungkot. Mabilis na lumapit sa kanya si Janisa at nagtanong, "Anyare? Bakit hiniling sa iyo ni Sir Julius na dalhin ang iyong computer sa kanyang office? Anong pakay niya?"Lingid sa kanilang kaalaman, nakikinig pala si Jackie sa kanilang usapan. Nagtago ito sa likod ng isang poste para hindi nila mapansin.Napabuntong-hininga si MJ at nagkunwaring pagod. "Gustong makita ni Sir Julius ang mga design drawings ko, pero sira ang computer niya. Napagbuntunan tuloy ako ng kanyang galit dahil sira rin ang computer ko."Nababanaag ang pangamba sa mukha ni Janisa. "Kakatakot naman. Pakiramdam ko ay pinagalitan din ako ni Sir Julius. Sana ay okay ka lang."Ang mga taong nakapaligid sa kanila ay nagpanting ang mga tainga. Dahil sa narinig ng mga ito, gumaan ang kanilang pakiramdam dahil naliwanagan sila. Base sa pahayag ni MJ, tila hindi interesado si Sir Julius sa babae. Sa katunayan ay minamaliit siya nito.

  • The CEO's Temporary Wife   Chapter 26 Si Jed

    Biglang lumingon si Julius sa kanyang kaibigan at nagtagpo ang kanilang mga mata. Kinindatan siya nito at ginawaran siya ng ngiting-aso. Pinanlakihan niya ito ng mata bilang ganti. Samantala, parang nasa cloud nine pa rin si MJ dahil sa saya. Mayroon na siyang ebidensya laban kay Jackie. “Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang mo, Miss Jackie,” sabi ni MJ sa sarili.Naaalala niya bigla si Julius. Yumuko siya rito bilang pasasalamat. “Maraming salamat po, Sir Julius.”"Sa halip na pasalamatan mo ako, maaari bang pumunta ka na sa iyong mesa at magtrabaho na." Walang pag-aalinlangan na sinabi ni Julius. Walang pag-aalipusta sa kanyang mga mata. Sa halip, isang makabuluhang ngiti ang masilayan sa kanyang mga labi.“Silly girl. No wonder her talent doesn’t get recognized after years of working in this company. She’s used by people as a stepping stone and oftentimes as a scapegoat. How can she be so naive?” naisip ni Julius, dismayado sa babae.Nasanay na si MJ sa tono ng boses ni Juli

  • The CEO's Temporary Wife   Chapter 25 Virus

    "In that case, your wish is my command."Muling sumulyap si Julius sa screen ng computer. Bigla itong tumawa ng malakas na para bang nang-iinsulto at tumingin muli sa direktor. May pagkamuhi sa mga mata nito. Pagkatapos noon ay tumalikod na ito at umalis.Nanginginig si Jackie habang nakatingin sa likod ng papaalis na lalaki. Recalling his cold eyes just now, hindi niya maiwasang mataranta.Ano kaya ang ibig sabihin ng kanyang boss? Sa tono ni Julius, parang may alam ito sa kanyang ginawa. Nagkausap kaya sila ni MJ tungkol sa mga disenyo? Labis na bumabagabag sa isip niya ang sitwasyong kanyang kinasasangkutan sa ngayon.“Hindi, hindi dapat. Sira ang computer ni MJ

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status