Share

KABANATA 2

Author: marimonyika
last update Last Updated: 2025-06-13 19:58:56

Naiyukom ni Amelia ang kan’yang palad. Matagal na niyang tanggap na hindi talaga siya nito kayang mahalin ngunit ibang usapan na kapag anak na niya ang damay.

Masasakit na salita kaya niyang tanggapin pero ang kamuhian ang anak niya at ituring na bastarda ito, iyon ang hindi niya matatanggap.

Pinatatag niya ang kan’yang sarili at walang sabi-sabing sumulpot sa harapan ng mga ito. Nagbago naman ang mukha ni Dalton nang makita siya, malamig ang mga matang tumingin ito sa kan’ya.

Nakaupo ito sa isang sofa katabi ang isang maganda at sopistikadang babae. Si Grace, ang dating kasintahan ni Daton. Kay sobrang ganda naman talaga nito. Morena at may balingkinitan na katawan, nakalugay ang mataas at tingkad nitong buhok at may maliit na nunal ito sa may ibabang labi na nagpapadagdag sa alindog nitong taglay.

Nang makita siya nito ay agad na nanlaki ang mga mata nitong napabaling kay Dalton.

“Bakit nandito ang asawa mo, Dalton? Birthday ng anak ko ngayon at pinapunta mo pa talaga itong babaeng ‘to?” Nanlilisik na napatingin ang ama ni Grace kay Dalton. Hindi rin maganda ang tingin na ipinukol nito kay Amelia.

“A-amelia.” Na-uutal na sambit ni Grace sa kan’yang pangalan. “Bakit ka nandito? Dalton, bakit hindi mo sinabi sa akin?” Tanong nito kay Dalton sa mahinang boses.

Napasimangot si Dalton sabay sabi, “If you’ll excuse us, we need to talk for a wh—“ Hindi na natuloy ang sasabihin ni Dalton nang bigla sumabat si Amelia.

“No need, hindi na importante kung malaman man nila o hindi,” kalmadong sabi niya. Alam na rin naman ng lahat na magdi-divorce silang dalawa.

Walang emosyon na tumingin siya kay Dalton. Hindi niya alam ngunit sa mga oras na iyon ay para siyang namanhid. Kay tagal niya ring minahal si Dalton, sobra-sobra kaya nagawang niyang babain ang sarili niya para lang dito, sapagkat ngayon ay parang sinampal siya ng realidad na kailanman ay hinding-hindi ito magiging sa kan’ya.

Isa lang ang nasa isip niya ngayon, na matupad ang kagustuhan ng kan’yang anak.

Nakita ni Amelia na humawak si Grace sa braso ni Dalton. Malamig na napatingin si Dalton kay Amelia. “Hindi magbabago ang isip ko Amelia. My conditions are still the same, kung may gusto kang idagdag sabihin mo nalang para matapos na,” sabi ni Dalton walang himig na kung ano sa mga boses.

Nanatiling kalmado pa rin si Amelia, wari’y walang pakialam sa paligid. “Ang gusto ay maging ama ka kay Monica sa loob ng isang buwan simula ngayong araw, iyon lang.”

Hindi na napigilan ng kapatid ni Grace na si Kevin na mapatayo at sigawan si Amelia. “At ang kapal naman talaga ng mukha mong sabihin iyan. Nang dahil sa’yo kaya hindi magiging masaya ang ate ko, hindi ba’t ikaw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay!”

Naluluhang humawak na rin si Grace kay Kevin, inaawat ito, “Kevin, stop it, h’wag mong sabihin iyan.” Pigil niya at may lungkot na makikita sa mukha.

“Hindi ate eh, siya ang dahilan kung bakit na-depress ka. Hanggang ngayon nga ay hindi pa nga gumagaling tas susulpot na naman itong babaeng ‘to rito?” galit na singhal nito.

Dumilim ang mukha ni Dalton sa kan’yang sinabi. Bahagyang napa-isip ito bago tumingin ng walang emosyon kay Amelia. “Hindi pwede.”

“Hindi ko kailangan ng pera, o ni ano sa kayamanan mo. Properties and shares, wala akong pakialam. Iyon lang ang kondisyon ko wala nang iba. I will sign the divorce papers as long as magpaka-ama kay Monica ng isang buwan,” agad na wika niya rito. Nagmamatigas.

Susugurin sana siya ni Kevin ngunit agad na nahawakan ito nang ina. Bagkos hindi ito sumuko at kinuha ang isang glass champagne at inihagis iyon sa may paanan ni Amelia.

Umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag ng baso sa oras na iyon ngunit hindi pa rin nagpatinag si Amelia.

“At talagang may gana ka pa mag-request, ang kapal talaga nang mukha mo. Bakit ba hindi mo nalang hayaan sila ate at kuya Dalton na maging masaya!” sigaw nito.

“Dalton kung gusto mong mawala na ako sa buhay mo, ito lang ang kahilingan ko. Kung hindi, you’ll stay stuck with me,” kalmadong sabi niya.

Nakatanggap ng masasamang tingin si Amelia sa tinura niyang iyong ngunit wala na siyang ibang magagawa pa. Gagawin niya ang lahat para sa anak, at saka bakit siya pa ang masama? Siya ang nagdusa ng pitong taon sa lalaking ito, iyon tiniis niya para lang maging buo ang kanilang pamilya ngunit anong ginawa ni Dalton? Ang sisihin siya? Biktima rin naman siya rito, bakit parang kasalanan niya ang lahat?

“Kung hindi ka papayag ay hindi ako pipirma ng divorce,” pagsasalita ulit niya.

Matalim na tinignan siya ni Dalton, kita na rin ang galit sa mga mata nito.

Bumugtong hininga si Grace at humarap kay Dalton. “Sige na pumayag ka na, Dalton.”

“Ate!” Reklamo agad ni Kevin. “Hahayaan mo na naman ba ang babaeng ito na sirain kayo ni kuya? At ano, magkakasakit na naman?”

“Oo nga, why is my daughter ang palaging nagpaparaya. At ikaw babae ka, hindi ka welcome sa bahay ko kaya ang kapal naman talaga nang mukha mo na pumarito para lang sirain ang araw naming,” hindi napigilan na magsalita ng in ani Grace.

“Mom,” saway ni Grace sa ina at kinuha ang kamay ni Dalton.

“Pumayag kana. May tiwala naman ako sayo. Para narin sa ating dalawa ito hindi ba?” Sumilay ang maliit nitong ngiti sa labi at bahagyang sumulyap kay Amelia.

Napatiimbagang nalang si Dalton at walang emosyong tumingin kay Amelia.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 47

    Kasalukuyang kinakaharap ni Dalton ang galit ng investors at ng board of directors nang malaman ng mga ito ang kalagayan ng kompanya. Wala siyang alam kung paano iyon kumalat ngunit dahil dito ay napurnada ang planong niyang siraan si Amelia. Ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin. Biglang nagsilayasan ang mga investors at tuluyan na ngang nanganganib ang kompanya. Hindi naman niya pwedeng bitawan ang Williams Corp dahil sa koneksyon na kailangan niya para sa ibang subsidiaries niya. "Bakit hindi niyo magawa-gawa ang trabaho niyo! All you have to do is to make sure that you supress the articles about the embezzlement. Mahirap bang gawin iyon? You call yourselves the PR Team when you can't even do simple things like this?" Galit na sinigawan ni Dalton ang mga empleyado niya sa Public Relations Department. Nagkatinginan naman ang mga empleyado. Totoo namang ginawa na nila ang lahat ngunit hindi pa rin mawalawala ang naturang post. Isa pa, hindi nila kasalanan ang problema na kinaha

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 46

    Madilim ang mukha ni Amelia habang natitig sa screen ng kanyang cellphone. Sa makalipas na mga araw ay hindi muna siya lumabas ng penthouse ni Luther dahil sa panibagong umiikot na isyu, at sa pagkakataon na iyon ay siya na ang pokus ng kumakalat na balita. Sa isang website ay nakasulat roon kung paano niya inagaw si Dalton kay Grace and ginamit ang anak nila para itali sakanya si Dalton. Doon din ibinunyag ang umano'y pagmanipula niya kay Henry upang ibagay sa kanya ang halos lahat ng kayamanan nito. Bumaliktad ang isyu at naging kontrabida siya sa pagmamahalan at buhay nila Dalton at Grace. Pero kung siya ang tatanungin, may pakialam ba siya? Wala. Nitong mga nakaraang araw ay abala siya sa pagkokolekta ng mga abidensiya tungkol sa pagnakaw ni Dalton ng pera sa kompanya.Ngayon ay may sapat na siyang ebidensiya at sa kalagitnaan ng mga iyon ay nalaman niyang palubog na ang Williams Corp. Dahil sa malalim na iniisip ay hindi namalayan ni Amelia ang paglapit sa kanya ni Luther sa l

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 45

    "Stop it! That's enough!" Nagtitimping hiyaw ni Dalton. Naiinis siya sa dalawang babae, ang laki na nga ng problema niya dinagdagan pa ng mga ito. Hindi na siya bata para pagalitan. "I'll arrange a caretaker para kay Dad," malamig na aniya. Lumaki siyang nanny lang din ang nagalaga sakanya kaya walang mali roon kung ang magalaga man sa kanyang ama ay ibang tao. Panigurado ay hindi rin aalagaan ni Veronica ang asawa dahil wala itong oras para rito.Nanigas sa katayuan si Veronica, pakiramdam niya ay hindi anak ang kaharap niya kundi estranghero. Nangigigil si Veronica sa galit ngunit pinigilan niya ang sarili na magpadala sa bugso ng damdamin. "Nevermind, anong gagawin mo kay Amelia? Hiwalay na kayo at nasa kanya ang halos lahat ng yaman ng lolo mo. Paano kung may gawin ang babaeng 'yon na ikasisira ng pangalan natin?" Usisa ni Veronica at nagsimula nang mag-isip ng masama. "I'll think about it," sabi nalang ni Dalton at umalis nang walang paalam. Sumunod sa kanya si Grace at hin

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 44

    Gustong masuka ni Amelia sa mga naririnig. Tao pa ba ang mga ito, paano ba nabubuhay ang mga ito Eh wala naman itong mga puso. Pagod na siya sa mga naririnig na pwede pa silang mag-anak ni Dalton, kesyo daw pwede pa nilang bumuo at 'wag na pagtuonan ng pansin ang pagkamatay ni Monica. Naririnig ba nito ang mga sarili? Paano naaatim ng mga ito na sabihin iyon sa sariling kadugo. Ngunit siya bilang ina ni Monica ay hindi hahayaan na tratuhin ng ganoon ang anak niya, na para bang dapat lang itong mawala dahil hindi naman ito malusog, na hindi karapat-dapat pahalagahan dahil sa sakit nito."Alam niyo wala na akong pakialam sa mga pinagsasabi niyo. Nandito ako para sabihin sa inyo na imposible na magkaayos pa kami ni Dalton. Since ang taas ng tingin niyo sa sarili niyo edi maghanap kayo ng ipapares sa anak n'yong demonyo. Ay wait, hindi na pala kailangan kasi may bumukaka na nag-aabang kaya h'wag kayong mag-alala sooner or later magkakaroon rin kayo ng apo na kagaya niyo. Pamilyang mga w

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 43

    "My brother was supposed to be the heir of our family. I chose to live differently and became a professor but he died suddenly kaya I was forced to take over the family business. The reason why kung bakit ako umalis noon, we are about to expand our business in italy but may nakaaway ang kapatid ko and then he died." Pagkuwento ni Luther habang pinupokus ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi alam ni Amelia ang sasabihin. Sikat ang pamilyang Dio Gracia dahil sa reputansyon, kapangyarihan at yaman na angkin ng mga ito. Ngunit hindi ito kagaya ng ibang maimpluwensiya na pamilya na halos ipangalandakan ang mayroon sila, sa halip ay tahimik lang ang mga ito at halos hindi nakikipaghalubilo sa iba. Marami kasing magkapareho ng apelyido pero hindi naman magkaano-ano kaya akala ni Amelia ay mayaman lang talaga si Luther at wala itong koneksyon sa matanyag na mga Dio Gracia. Hindi na nagsalita pa si Amelia, tumanaw nalang siya sa bintana ng kotse ni Luther. Katahimi

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 42

    "Thank you Luther, pero hindi ko pwedeng iwan ang bahay. Bigay saakin 'to nila mama at papa and also they are here," nangingilid ang luhang saad ni Amelia. Tumingin siya sa larawan ng pamilyang iniwan siya. "But you can't stay here. Atleast if you're in my place I can ensure your safety. And they will always be with you, Amelia. I know hindi rin nila gusto na malagay sa panganib ang buhay mo." Pagkukumbinsi ni Luther sa kanya. Napaisip si Amelia. May punto ito, siguro ay kailangan nga niyang maghanap ng matutulyan pansamantala. "Okay, payag na ako pero hindi ako titira sa bahay mo." Pagmamatigas ni Amelia kay Luther. "Baka pati ikaw madamay sa isyu. Ano nalang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang nakatira ako sa iba?" Kumunot ang noo ni Luther. "I have tight security. Hindi sila makakapasok ng basta basta sa bahay ko you don't have to worry about that." Pagrarason naman nito. Umiling si Amelia. "Hindi nga. I need to be careful Luther. Bantay sarado ako ngayon nila Dalto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status