Share

The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife
The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife
Author: marimonyika

KABANATA 1

Author: marimonyika
last update Huling Na-update: 2025-06-13 19:51:26

Hindi alam ni Amelia kung iiyak ba siya o magwawala sa sinabi ng doktor sa kaniya nang tanungin niya ito sa kalagayan ng kan'yang anak.

"I'm sorry Mrs. Williams. Nasa terminal stage na ang sakit ng anak niyo. I don't want to give you false hope, the chances are very low. And based on findings, aggressive rin ang kan'yang cancer." Anunsyo ng doktor sa kan'ya dahilan para siya ay manglumo.

"Doc, wala na po ba talagang magagawa? Kahit ano po, gawin niyo po para sa anak ko." Umiiyak na pakiusap niya sa doctor ngunit umiling lang ito.

"Chemotherapy will do no good on her, and further test and oral intakes would only damage her organs so I would not recommend, hindi na kaya ng katawan niya Mrs. Williams," sabi nito at marahang tinapik ang kan'yang balikat.

"I'm sorry po talaga, pero hanggang dito nalang ang magagawa namin. All we can do, is to ease her pain as much as we can and make her happy until her last moments," sabi nito bago ito nagpaalam na umalis at iniwan siya sa hallway.

Tuluyan nang napa-upo si Amelia at napahagulgol ng iyak. Wala na siyang pakialam kung tignan man siya ng maraming tao. Sobrang sikip ng kan'yang puso, parang pinipiga at halos hindi na siya makahinga.

Bakit ang anak niya pa? Masiyado pa itong bata, pitong taong gulang pa lamang ito at may ganito na itong sakit. Kung pwede lang sana na siya nalang, h'wag lang ang anak niya mas gugustuhin niyang siya nalang ang magdusa h'wag lang ito.

"Mommy, why ka po sad?" Tumingin si Monica sa kan'ya at tinanong siya sa cute nitong boses na may halong pag-aalala. "May ginawa po ba akong hindi maganda mommy? Do I make you unhappy?" Tanong nito at habang may luhang nagbabadya sa mga mata nito.

Para namang may pumiga sa puso ni Amelia sa narinig galing sa anak. Napapa-iyak na rin siya habang nakatingin dito. Malaki na rin ang ipinayat ng kan’yang anak. Masigla naman ito pero nakikita niyang ang pagbabago nito nitong nakaraan na mga buwan at na-diagnose nga ito na may Leukemia. Halos isang buwan na rin silang namalagi sa hospital ngunit wala talagang makitang maayos na treatment para kay Monica. Ginawa ng mga ito ang lahat ngunit hindi wala pa ring progress sa treatment nito.

Hindi niya akalain na anim na buwan na lamang ang natitira sa buhay ng kan'yang anak.

Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin niyang naririnig ang sinabi sa kan'ya ng doctor. Pakiramdam niya ay nanginginig siya dahil sa sobra-sobrang emosyon.

"Mommy, I'm sorry kasi I made you sad." Narinig niyang sabi nito. Umiling naman si Amelia at pilit na ngumiti.

Walang magulang at walang natuturing na mga kaibigan si Amelia na kan’yang masasandalan. Kasal man siya kay Dalton pero sa papel lang talaga sila mag-asawa. Si Monica nalang ang natitirang pag-asa niya sa mundo para magpatuloy na mabuhay, kung mawawala man si Monica ay hindi na niya alam ang kan'yang gagawin.

"Hindi baby, wala kang kasalanan. Sa totoo ay masaya si mommy kasi malapit ka ng gumaling. Uuwi na nga tayo today eh," sabi niya nalang rito at maingat na niyakap ang anak.

Nangislap naman ang mga mata nito at sumigla ang boses. "Talaga mommy? Will daddy come see me today? It’s my birthday po," Masayang tanong nito, puno ng ekspektasyon ang mga mata ngunit bigla ring nawala nang may naalala.

Sa nakita ay hindi maiwasan ni Amelia na maawa sa anak. Buong buhay nito ay hindi man lang ito naramdaman ang pagmamahal ng sariling ama.

Marahan na hinaplos niya ang maliit nitong mukha. Tumulo nalang ang luha niya pero pilit parin niyang pinasaya ang boses.

"H'wag kang mag-alala anak, mommy will make sure na pupunta si daddy dito para sa’yo. Happy birthday baby ko, mahal na mahal ka ni mommy," sabi pa niya sa anak sabay halik sa noo nito.

Hindi rin nagtagal ay nakatulog din si Monica.

Napapikit si Amelia. Alam niyang alam ni Monica na kaya wala ang daddy nito palagi ay dahil hindi naman talaga mahal ng daddy nito ang kan'yang mommy. Kung tutuosin ay hindi talaga pamilya ang turing sa kanila ni Dalton. Ngunit, masiyado pang bata ang kan'yang anak upang maintindihan ang kanilang sitwasyon. Ang gusto lang nito ay konting pagmamahal galing sa ama.

Ngayon na may taning na ang buhay nito, pagkakaitan pa ba niya ang kagustuhan ng anak?

Kinuha niya ang kan’yang cellphone at tinawagan ang sekretarya ni Dalton na si Ronald.

Si Dalton Williams, ang asawa niya ay isang CEO sa family business nila dito sa pilipinas, ang Williams Corp. na naging isa sa mga tanyag na businesses sa bansa. Si Dalton lang ang nasa pinas dahil ang pamilya nito ay nasa Canada dahil nandoon naman talaga naka-base ang kanilang family business.

“Nasaan si Dalton? Gusto ko siyang maka-usap. Sabihan mong may mahalaga akong sasabihin sa kan’ya,” sabi agad niya sa kabilang linya nang masagot na nito ang kan’yang tawag.

May konting katahimikan muna bago niya narinig ang boses nito, “Ma’am nasa birthday po ni Miss Grace si Sir Dalton. Kung may sasabihin po kayo pwede pong sabihin niyo nalang po sa akin at ako na po ang magsasabi sa kan’ya bukas,” sagot nito.

Parang may bumara naman sa kan’yang lalamunan nang marinig niya ang pangalan ni Grace. May namuong inis sa kan’yang kaloob-looban at hindi napigilan na tumaas ang boses.

“Sabihan mo siya na ito na ang huling beses na tatawag ako sa kan’ya. Kaya hindi ako titigil ‘pag hindi ko siya makaka-usap,” aniya bago pinatay ang tawag.

Dumaan ang limang minuto bago siya nito tinawagan at sinabi ang lokasyon kung nasaan si Dalton. Sa mansion ng mga Del Fuego.

Nang makarating si Amelia ay agad naman siyang sinalubong ni Ronald. Inihatid siya nito kung nasaan si Dalton at nang makalapit sila sa lounge area ay narinig niya ang pag-uusap ng mga ito.

“Dalton Hijo, sabihin mo nga sa amin ang katotohanan. Talaga bang mahal mo itong aming anak? Hindi ba’t may asawa ka na’t anak, wala ka bang nararamdaman sa asawa mo?” Tanong ng isang ginang na sa tantiya niya’y ina ni Grace.

Bigla naming namutla si Amelia, naghihintay sa sagot nito.

Wala ni isang umimik sa kanila at namayani ang katahimikan ng ilang Segundo bago mahinang napatawa si Dalton. “Of course, no Tita. You all know kung ano ang nagyari sa amin ni Amelia. Also, I refuse to even be on the same place with her. She’s just a pathetic woman, and that child? Hindi ko nga alam kung anak ko nga iyon,” sabi ni Dalton.

Parang binuhusan naman siya ng malamig na tubig sa narinig, lalo na nang marinig niya ang tawanan ng mga ito. Parang sinaksak ng paulit-ulit ang kan’yang puso.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mrss Castil
nice story
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 47

    Kasalukuyang kinakaharap ni Dalton ang galit ng investors at ng board of directors nang malaman ng mga ito ang kalagayan ng kompanya. Wala siyang alam kung paano iyon kumalat ngunit dahil dito ay napurnada ang planong niyang siraan si Amelia. Ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin. Biglang nagsilayasan ang mga investors at tuluyan na ngang nanganganib ang kompanya. Hindi naman niya pwedeng bitawan ang Williams Corp dahil sa koneksyon na kailangan niya para sa ibang subsidiaries niya. "Bakit hindi niyo magawa-gawa ang trabaho niyo! All you have to do is to make sure that you supress the articles about the embezzlement. Mahirap bang gawin iyon? You call yourselves the PR Team when you can't even do simple things like this?" Galit na sinigawan ni Dalton ang mga empleyado niya sa Public Relations Department. Nagkatinginan naman ang mga empleyado. Totoo namang ginawa na nila ang lahat ngunit hindi pa rin mawalawala ang naturang post. Isa pa, hindi nila kasalanan ang problema na kinaha

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 46

    Madilim ang mukha ni Amelia habang natitig sa screen ng kanyang cellphone. Sa makalipas na mga araw ay hindi muna siya lumabas ng penthouse ni Luther dahil sa panibagong umiikot na isyu, at sa pagkakataon na iyon ay siya na ang pokus ng kumakalat na balita. Sa isang website ay nakasulat roon kung paano niya inagaw si Dalton kay Grace and ginamit ang anak nila para itali sakanya si Dalton. Doon din ibinunyag ang umano'y pagmanipula niya kay Henry upang ibagay sa kanya ang halos lahat ng kayamanan nito. Bumaliktad ang isyu at naging kontrabida siya sa pagmamahalan at buhay nila Dalton at Grace. Pero kung siya ang tatanungin, may pakialam ba siya? Wala. Nitong mga nakaraang araw ay abala siya sa pagkokolekta ng mga abidensiya tungkol sa pagnakaw ni Dalton ng pera sa kompanya.Ngayon ay may sapat na siyang ebidensiya at sa kalagitnaan ng mga iyon ay nalaman niyang palubog na ang Williams Corp. Dahil sa malalim na iniisip ay hindi namalayan ni Amelia ang paglapit sa kanya ni Luther sa l

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 45

    "Stop it! That's enough!" Nagtitimping hiyaw ni Dalton. Naiinis siya sa dalawang babae, ang laki na nga ng problema niya dinagdagan pa ng mga ito. Hindi na siya bata para pagalitan. "I'll arrange a caretaker para kay Dad," malamig na aniya. Lumaki siyang nanny lang din ang nagalaga sakanya kaya walang mali roon kung ang magalaga man sa kanyang ama ay ibang tao. Panigurado ay hindi rin aalagaan ni Veronica ang asawa dahil wala itong oras para rito.Nanigas sa katayuan si Veronica, pakiramdam niya ay hindi anak ang kaharap niya kundi estranghero. Nangigigil si Veronica sa galit ngunit pinigilan niya ang sarili na magpadala sa bugso ng damdamin. "Nevermind, anong gagawin mo kay Amelia? Hiwalay na kayo at nasa kanya ang halos lahat ng yaman ng lolo mo. Paano kung may gawin ang babaeng 'yon na ikasisira ng pangalan natin?" Usisa ni Veronica at nagsimula nang mag-isip ng masama. "I'll think about it," sabi nalang ni Dalton at umalis nang walang paalam. Sumunod sa kanya si Grace at hin

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 44

    Gustong masuka ni Amelia sa mga naririnig. Tao pa ba ang mga ito, paano ba nabubuhay ang mga ito Eh wala naman itong mga puso. Pagod na siya sa mga naririnig na pwede pa silang mag-anak ni Dalton, kesyo daw pwede pa nilang bumuo at 'wag na pagtuonan ng pansin ang pagkamatay ni Monica. Naririnig ba nito ang mga sarili? Paano naaatim ng mga ito na sabihin iyon sa sariling kadugo. Ngunit siya bilang ina ni Monica ay hindi hahayaan na tratuhin ng ganoon ang anak niya, na para bang dapat lang itong mawala dahil hindi naman ito malusog, na hindi karapat-dapat pahalagahan dahil sa sakit nito."Alam niyo wala na akong pakialam sa mga pinagsasabi niyo. Nandito ako para sabihin sa inyo na imposible na magkaayos pa kami ni Dalton. Since ang taas ng tingin niyo sa sarili niyo edi maghanap kayo ng ipapares sa anak n'yong demonyo. Ay wait, hindi na pala kailangan kasi may bumukaka na nag-aabang kaya h'wag kayong mag-alala sooner or later magkakaroon rin kayo ng apo na kagaya niyo. Pamilyang mga w

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 43

    "My brother was supposed to be the heir of our family. I chose to live differently and became a professor but he died suddenly kaya I was forced to take over the family business. The reason why kung bakit ako umalis noon, we are about to expand our business in italy but may nakaaway ang kapatid ko and then he died." Pagkuwento ni Luther habang pinupokus ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi alam ni Amelia ang sasabihin. Sikat ang pamilyang Dio Gracia dahil sa reputansyon, kapangyarihan at yaman na angkin ng mga ito. Ngunit hindi ito kagaya ng ibang maimpluwensiya na pamilya na halos ipangalandakan ang mayroon sila, sa halip ay tahimik lang ang mga ito at halos hindi nakikipaghalubilo sa iba. Marami kasing magkapareho ng apelyido pero hindi naman magkaano-ano kaya akala ni Amelia ay mayaman lang talaga si Luther at wala itong koneksyon sa matanyag na mga Dio Gracia. Hindi na nagsalita pa si Amelia, tumanaw nalang siya sa bintana ng kotse ni Luther. Katahimi

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 42

    "Thank you Luther, pero hindi ko pwedeng iwan ang bahay. Bigay saakin 'to nila mama at papa and also they are here," nangingilid ang luhang saad ni Amelia. Tumingin siya sa larawan ng pamilyang iniwan siya. "But you can't stay here. Atleast if you're in my place I can ensure your safety. And they will always be with you, Amelia. I know hindi rin nila gusto na malagay sa panganib ang buhay mo." Pagkukumbinsi ni Luther sa kanya. Napaisip si Amelia. May punto ito, siguro ay kailangan nga niyang maghanap ng matutulyan pansamantala. "Okay, payag na ako pero hindi ako titira sa bahay mo." Pagmamatigas ni Amelia kay Luther. "Baka pati ikaw madamay sa isyu. Ano nalang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang nakatira ako sa iba?" Kumunot ang noo ni Luther. "I have tight security. Hindi sila makakapasok ng basta basta sa bahay ko you don't have to worry about that." Pagrarason naman nito. Umiling si Amelia. "Hindi nga. I need to be careful Luther. Bantay sarado ako ngayon nila Dalto

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status