Share

KABANATA 3

Author: marimonyika
last update Huling Na-update: 2025-06-13 20:02:42

“Alright, for one month ay magiging ama ako kay Monica, as long as you keep your promise. If you play tricks on me Amelia, magbabayad ka talaga sa akin. Makikita mo talaga ang galit ko at pagsisisihan mo talaga ‘yon,” may diin na wika ni Dalton sa kan’ya.

Sumilay naman ang maliit na ngiti sa mga labi ni Amelia, “Oo naman, as long as magpaka-ama ka at bigyan mo ng oras si Monica, gagawin ko na ang gusto mo.”

Iyon lang ang pakay niya kaya siya pumunta roon, aalis na sana siya nang may maalala siya. Muling bumaling ang tingin niya kay Dalton. “Nga pala, birthday ni Monica, make sure na may regalo ka sa kan’ya,” sabi niya at muling tinignan ang mga tao roon bago umalis na nang tuluyan.

Bumalik siya sa hospital at nilakad muna ang discharge papers ng anak bago sila umuwi sa bahay. Nakayap siya sa kan’yang anak habang tinitignan ang nadadaanan nilang mga bahay at sari-sari stores.

“Mommy talaga bang uuwi si daddy ngayon? Hindi na po ba siya busy sa work?” Narinig niyang tanong ng anak niya sa kan’ya.

Kanina pa ito tanong ng tanong sa kan’ya about sa kan’yang ama, na para bang hindi ito makapaniwala na talaga makikita na niya ang daddy niya. Halata ang pangungulila at pananabik sa boses nito.

Siya ang nasasaktan para sa anak, minsan lang kasing umuuwi si Dalton sa kanilang bahay, o mas tamang sabihin na bihira lang ito kung pumunta roon. Nakikita lang ni Monica ang ama sa mga magazines o kundi sa T.V ‘pag na-fefeature ito sa isang interview.

“Oo anak, at saka may regalo rin si daddy mo sa’yo,” sabi niya sa anak habang hinahaplos ang buhok nito.

“Talaga mommy? I’m so excited to see daddy po. Pero mommy, h’wag mo sanang sabihin kay daddy na I’m sick baka po kasi magalit si daddy,” sabi pa nito.

Natigilan naman si Amelia. Ang anak niya, ang kaisa-isang pamilya na mayroon siya ay mawawala na rin sa kan’ya. Paano nalang siya kung tuluyan na itong mamaalam sa kan’ya?

Iwinaksi ni Amelia ang isiping iyon at pinagtuonan nalang ng pansin ang dapat niyang gawin para sa anak. Kung mawawala man ito, gusto niyang magpaalam ito na may ngiti sa labi, na maisipan nitong mahal ito ng ama kahit hindi naman talaga.

“Okay baby, promise ni mommy iyan,” sagot na lamang niya at pinatakan ng halik ito sa noo.

“Mommy, I love you. Mas mahal kita kesa kay daddy,” sabi ni Monica at ngumiti.

Napatawa na lamang siya. Nang makarating sila sa bahay ay agad niyang inutusan ang kasambahay na kunin ang mga gamit nila sa kotse.

“Manang, nandiyan po ba si Dalton?” tanong niya rito.

“Opo madam, nasa living room po si sir,” sagot naman nito.

Pumasok sila at nadatnan nila si Dalton na nakaupo sa sofa habang nanonood ng news sa T.V.

Nakita ni Amelia ang panglalaki ng mga mata at malapad na ngiti ni Monica nang makita ang ama. Tinapik niya ito sa balikat at napangiti na rin.

“Go to your daddy na,” Udyok niya sa anak. Bumitaw naman ito sa pagkakahawak sa laylayan ng kan’yang dress at dali-daling lumapit ito sa ama.

“Daddy,” tawag nito nang makalapit. Bahagyang nanigas naman si Dalton nang marinig ang boses ng bata. May kung anong dumaan sa mga mata nito ngunit nang bumaling ito sa bata ay bumalik ang seryoso nitong mukha.

Kamukha kasi nang bata ang ina nito na si Amelia kaya hindi niya maatim na tignan ito ng matagal. Kahit ni-isa man lang wala itong namana sa kan’ya.

“Here, a birthday gift,” sabi nalang ni Dalton at ibinigay ang isang maliit na kahon kay Monica. Ni hindi man lang nito binati ang anak ng magandang kaarawan. Ngunit kahit ganoon ay hindi parin makapaniwala si Monica na bigyan siya ng ama ng regalo.

Napasimangot si Amelia kung gaano ka walang sinseridad si Dalton kaya lumapit siya sa mga ito.

“Baby, why don’t you open the gift na binigay ni daddy sa’yo,” sabi ni Amelia.

Nasasabik naman iyon na binuksan ni Monica pero nang makita ang nasa loob ay nawala ng konti ang kan’yang ngiti, ibinalik niya ulit ang saya sa mukha at tumingin sa ama.

“Daddy, thank you. Nagustuhan ko po ang regalo niyo.” Pasasalamat ni Monica habang hawak ang isang diamond necklace.

Inis naman na napabaling si Amelia sa asawa.

“Ah baby, it’s getting late na why don’t you go to bed. ‘Di ba you need to rest na?” wika ni Amelia kay Monica. “Bukas ay ipapasiyal ka ng daddy mo.”

Agad naman na tumalima ang anak, pagkatapos ibilin si Monica sa kasambahay ay nilapitan niya si Dalton at kinuha ang regalo nito sa anak.

“Seriously? Diamond neckace talaga ang ni-regalo mo? Wala ka bang ibang maisip na i-regalo sa anak mo kahit teddy bear man lang? Bata pa ang anak mo, aanhin niya naman itong binigay mo?” asik niya kay Dalton.

Walang ganang sumandal si Dalton sa sofa at sumagot. “I don’t have time to buy a gift. That’s supposed to be for Grace, ibinigay ko nalang kay Monica.”

“Don’t worry hindi na ito mauulit, bawi nalang ako next time.” Dagdag nito.

Napapikit sa inis si Amelia. Gusto niyang sabihin na wala ng susunod pa.

“Nevermind. Monica loves story time that’s why you read her bedtime stories tonight,” aniya.

“No, ayoko ko,” agad na tanggi ni Dalton at may kunot ito sa noo.

Gustong mapa-irap ni Amelia ngunit ayaw niyang mapahaba ang kanilang pag-aaway. “Fine. I’ll read but you need to be with her. Alam kong ayaw mo akong makasama pero tiisin mo para sa usapan natin. You can go back to Grace ‘pag natulog na ang bata pero h’wag mong kakalimutan na ipasyal si Monica bukas,” saad niya.

Napaingos ito at wala nang nagawa at tumayo. Magkasabay silang pumunta sa kwarto ni Monica. Sa halos pitong taon nilang mag-asawa ni isang beses ay hindi ito nakapunta sa kwarto ng anak, ngayon lang.

Sobrang tuwa naman ni Monica nang makita ang ama. Habang kinukwentuhan siya ng kan’yang ina ay palihim niyang sinusulyapan ang kan’yang daddy.

Gusto nang umalis ni Dalton doon ngunit nang maisip niya si Grace ay pinipigilan niya ang sarili.

Malamyos ang boses ni Amelia habang binabasa ang paboritong storybook ng anak. Tinignan ni Dalton si Amelia habang nagbabasa. Ang ilaw na galing sa lampshade ay nagbibigay ng malumanay na imahe sa asawa. Naka-braid ang mahaba at kulot nitong buhok, pati ang mahaba nitong pilik mata ay nagbibigay ng kiliti sa kan’yang kaiboturan.

Pinagkatitigan niya ang malambot at mapupula nitong mga labi. Lumambot naman ang kan’yang ekspresyon at tahimik na nakinig sa mga ito.

“Mommy, gusto ko po ng milk,” sabi ni Monica sa ina pagkatapos ng kwento. Tumingin si Amelia sa asawa at anak at agad ding umalis para iwan sila. Siguro ay maganda rin na iwan ang mag-ama para mag-usap.

Tatayo na rin sana si Dalton ngunit pinanlakihan siya ng mga mata ni Amelia kaya napabalik nalang siya ng upo.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa pero ramdan ni Dalton na may gusto sabihin ang bata.

“What’s wrong?” tanong niya kay Monica. Napangiti ulit ang bata sa kan’ya, hindi makapaniwala na kinausap siya ng ama nito.

“Daddy, thank you kasi umuwi ka po sa birthday ko,” sabi ni Monica sa mahinang boses. Nahihiya pa itong napaiwas ng tingin bago nagsalita na naman, “I love you a lot daddy.”

Napataas ang kilay ni Dalton, hindi mawari kung bakit gustong-gusto siya nito na hindi naman siya nagapaka-ama rito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 47

    Kasalukuyang kinakaharap ni Dalton ang galit ng investors at ng board of directors nang malaman ng mga ito ang kalagayan ng kompanya. Wala siyang alam kung paano iyon kumalat ngunit dahil dito ay napurnada ang planong niyang siraan si Amelia. Ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin. Biglang nagsilayasan ang mga investors at tuluyan na ngang nanganganib ang kompanya. Hindi naman niya pwedeng bitawan ang Williams Corp dahil sa koneksyon na kailangan niya para sa ibang subsidiaries niya. "Bakit hindi niyo magawa-gawa ang trabaho niyo! All you have to do is to make sure that you supress the articles about the embezzlement. Mahirap bang gawin iyon? You call yourselves the PR Team when you can't even do simple things like this?" Galit na sinigawan ni Dalton ang mga empleyado niya sa Public Relations Department. Nagkatinginan naman ang mga empleyado. Totoo namang ginawa na nila ang lahat ngunit hindi pa rin mawalawala ang naturang post. Isa pa, hindi nila kasalanan ang problema na kinaha

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 46

    Madilim ang mukha ni Amelia habang natitig sa screen ng kanyang cellphone. Sa makalipas na mga araw ay hindi muna siya lumabas ng penthouse ni Luther dahil sa panibagong umiikot na isyu, at sa pagkakataon na iyon ay siya na ang pokus ng kumakalat na balita. Sa isang website ay nakasulat roon kung paano niya inagaw si Dalton kay Grace and ginamit ang anak nila para itali sakanya si Dalton. Doon din ibinunyag ang umano'y pagmanipula niya kay Henry upang ibagay sa kanya ang halos lahat ng kayamanan nito. Bumaliktad ang isyu at naging kontrabida siya sa pagmamahalan at buhay nila Dalton at Grace. Pero kung siya ang tatanungin, may pakialam ba siya? Wala. Nitong mga nakaraang araw ay abala siya sa pagkokolekta ng mga abidensiya tungkol sa pagnakaw ni Dalton ng pera sa kompanya.Ngayon ay may sapat na siyang ebidensiya at sa kalagitnaan ng mga iyon ay nalaman niyang palubog na ang Williams Corp. Dahil sa malalim na iniisip ay hindi namalayan ni Amelia ang paglapit sa kanya ni Luther sa l

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 45

    "Stop it! That's enough!" Nagtitimping hiyaw ni Dalton. Naiinis siya sa dalawang babae, ang laki na nga ng problema niya dinagdagan pa ng mga ito. Hindi na siya bata para pagalitan. "I'll arrange a caretaker para kay Dad," malamig na aniya. Lumaki siyang nanny lang din ang nagalaga sakanya kaya walang mali roon kung ang magalaga man sa kanyang ama ay ibang tao. Panigurado ay hindi rin aalagaan ni Veronica ang asawa dahil wala itong oras para rito.Nanigas sa katayuan si Veronica, pakiramdam niya ay hindi anak ang kaharap niya kundi estranghero. Nangigigil si Veronica sa galit ngunit pinigilan niya ang sarili na magpadala sa bugso ng damdamin. "Nevermind, anong gagawin mo kay Amelia? Hiwalay na kayo at nasa kanya ang halos lahat ng yaman ng lolo mo. Paano kung may gawin ang babaeng 'yon na ikasisira ng pangalan natin?" Usisa ni Veronica at nagsimula nang mag-isip ng masama. "I'll think about it," sabi nalang ni Dalton at umalis nang walang paalam. Sumunod sa kanya si Grace at hin

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 44

    Gustong masuka ni Amelia sa mga naririnig. Tao pa ba ang mga ito, paano ba nabubuhay ang mga ito Eh wala naman itong mga puso. Pagod na siya sa mga naririnig na pwede pa silang mag-anak ni Dalton, kesyo daw pwede pa nilang bumuo at 'wag na pagtuonan ng pansin ang pagkamatay ni Monica. Naririnig ba nito ang mga sarili? Paano naaatim ng mga ito na sabihin iyon sa sariling kadugo. Ngunit siya bilang ina ni Monica ay hindi hahayaan na tratuhin ng ganoon ang anak niya, na para bang dapat lang itong mawala dahil hindi naman ito malusog, na hindi karapat-dapat pahalagahan dahil sa sakit nito."Alam niyo wala na akong pakialam sa mga pinagsasabi niyo. Nandito ako para sabihin sa inyo na imposible na magkaayos pa kami ni Dalton. Since ang taas ng tingin niyo sa sarili niyo edi maghanap kayo ng ipapares sa anak n'yong demonyo. Ay wait, hindi na pala kailangan kasi may bumukaka na nag-aabang kaya h'wag kayong mag-alala sooner or later magkakaroon rin kayo ng apo na kagaya niyo. Pamilyang mga w

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 43

    "My brother was supposed to be the heir of our family. I chose to live differently and became a professor but he died suddenly kaya I was forced to take over the family business. The reason why kung bakit ako umalis noon, we are about to expand our business in italy but may nakaaway ang kapatid ko and then he died." Pagkuwento ni Luther habang pinupokus ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi alam ni Amelia ang sasabihin. Sikat ang pamilyang Dio Gracia dahil sa reputansyon, kapangyarihan at yaman na angkin ng mga ito. Ngunit hindi ito kagaya ng ibang maimpluwensiya na pamilya na halos ipangalandakan ang mayroon sila, sa halip ay tahimik lang ang mga ito at halos hindi nakikipaghalubilo sa iba. Marami kasing magkapareho ng apelyido pero hindi naman magkaano-ano kaya akala ni Amelia ay mayaman lang talaga si Luther at wala itong koneksyon sa matanyag na mga Dio Gracia. Hindi na nagsalita pa si Amelia, tumanaw nalang siya sa bintana ng kotse ni Luther. Katahimi

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 42

    "Thank you Luther, pero hindi ko pwedeng iwan ang bahay. Bigay saakin 'to nila mama at papa and also they are here," nangingilid ang luhang saad ni Amelia. Tumingin siya sa larawan ng pamilyang iniwan siya. "But you can't stay here. Atleast if you're in my place I can ensure your safety. And they will always be with you, Amelia. I know hindi rin nila gusto na malagay sa panganib ang buhay mo." Pagkukumbinsi ni Luther sa kanya. Napaisip si Amelia. May punto ito, siguro ay kailangan nga niyang maghanap ng matutulyan pansamantala. "Okay, payag na ako pero hindi ako titira sa bahay mo." Pagmamatigas ni Amelia kay Luther. "Baka pati ikaw madamay sa isyu. Ano nalang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang nakatira ako sa iba?" Kumunot ang noo ni Luther. "I have tight security. Hindi sila makakapasok ng basta basta sa bahay ko you don't have to worry about that." Pagrarason naman nito. Umiling si Amelia. "Hindi nga. I need to be careful Luther. Bantay sarado ako ngayon nila Dalto

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status