LOGIN“Dalton, mag-usap kayo ni Amelia. H’wag kayong gumawa ng eksena, nakatingin ang bata,” biglang salita ni Grace.
Ayaw man nito na magkasama pa sila ni Amelia ngunit alam din naman niyang kailangan nga nilang mag-usap dalawa.
Napatingin si Dalton kay Grace at nakita niya ang lihim na hinaing nito. Napasimangot siya ngunit tumango nalang dahil sa sinabi nito.
Nagpakalayo sila ng konti. Hindi mahanap ni Amelia kung ano ang kan’yang unang sasabihin. Uti-unti namang nauubos ang pasensya ni Dalton nang dumaan ang isang minuto ay hindi pa rin nagsasalita si Amelia.
“Ano bang sasabihin mo?” Na-iiritang tanong niya kay Amelia.
“At dinala mo pa talaga ang bata rito. Wala ka bang ibang magawa at pati bata dinadamay mo sa mga katarantaduhan mo?” Dagdag ni Dalton.
Hindi niya talaga alam kung anong gustong gawin o kung anong umiikot sa ulo nito. Basta ang alam niya lang ay ayaw niyang makasama ang babae na gagawin ang lahat kahit gamitin pa ang sariling anak para lang makalapit sa kan’ya.
Bumugtong hininga si Amelia. “Nangako ka na bibigyan mo ng oras si Monica, pwede bang sa mga mga oras iyon ay h’wag mo sanang pagsamahin sila Monica at Grace. I hope you’ll never let them meet each other.”
Wala na siyang pakialam kung ano ang iisipin sa kan’ya ni Dalton, ang mahalaga ay ang kaligayahan ng anak niya,
Dahil sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na ngang nagalit si Dalton. “Sinasabi ko na nga ba. Hanggang ngayon ba ay kating-kati ka pa rin ba na agawin ako Amelia? At talagang sinasabi mo sa akin ‘yan para umakyat ka na naman sa kama ko. Kung hindi lang dahil sa’yo, wala sana si Monica. Ngayon ay kinukulong mo ako dahil may anak ako? Bakit ginusto ko ba?” Nanggagalaiting singhal nito kay Amelia.
Habang sinasabi ito ni Dalton ay unti-unti namang lumamig ang boses at ang mga mata nito.
Hindi naman sa hindi gusto ni Dalton ang anak, ang hindi niya lang gusto ay kung paano ito nabuo sa mundo.
Gusto mang bulyawan ni Amelia si Dalton ay wala siyang lakas ng loob. Kahit anong sabihin niya ay hindi pa rin naman ito maniniwala. Kahit anong pagtanggol niya sa sarili ay nanatilig sirado ang utak at tenga nito sa paliwanag niya.
Biktima lang din naman siya sa nangyari, ngunit lahat sila naniniwala na siya ang may pakana kung bakit may nangyari sa kanila ni Dalton dahilan para mabuntis siya.
Mismo siya rin ay nagulat nang makitang magkasama sila ni Dalton ng araw na iyon at wala ng mga saplot. Pareho lang naman nilang ‘di ginusto ang nangyari dahil wala sila sa wisyo ng mga oras na iyon. Siguro dahil gusto nilang may masisisi sa nangyari kaya siya ang pilit nilang sinisisi.
Naisip niya bigla ang anak. Dahil siguro hindi mahal ni Dalton si Monica kaya ito mawawala ng maaga, dahil hindi deserve ng bata ang gan’on. Siguro alam ng Diyos na maghihirap lang din naman at hindi ito magiging masaya.
“Dalton bakit mo nasasabi iyan sa sarili mong anak? Anak mo si Monica, Dalton.” Nahihirapan niyang wika rito. Bakit ba hindi nito kayang mahalin ang anak? Mabait at mapagmahal si Monica kay Dalton kahit pa ay hindi siya nagpaka-ama rito.
“So what? Hindi ko naman ginusto na magka-anak sa’yo ah! You know this day would come nang iluwal mo ‘yang batang ‘yan kahit hindi ko naman ginusto.” Walang prinong sabi ni Dalton.
Ang ganda sana nang buhay niya kung hindi lang dumating si Amelia, kaya hindi niya talaga mapigilan ang pagka-disgusto rito.
“Mommy?” tawag ng isang maliit at mangiyak-ngiyak na boses. Si Monica iyon at kasama si Grace.
Hindi na kasi makatiis si Grace kay lumapit na siya sa dalawa at pati si Monica ay dinala rin niya.
Ramdam ni Monica na hindi talaga siya gusto ng kan’yang ama kahit pa laging sinasabi ng mommy niya na busy lang ang daddy niya ngunit mahal pa rin siya nito. Pero nang marinig niya mismo sa ama niyang hindi siya nito gusto unang-una palang ay parang nahulog ang puso niya sa pagkadismaya.
“M-monica, anak…”Na-uutal na sambit ni Amelia sa ngalan ng anak.
Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Dalton ng makita ang umiiyak na bata. ‘Di niya sinasadya na masaktan ito pero nasabi niya ang dapat sabihin, at wala na siyang magagawa pa.
“You should continue,” sabi nalang ni Grace. Kahit nahihirapan dahil naka-wheel chair siya ay pilit niya pa rin hinahawakan si Monica para umalis na roon. Hindi iyon nagustuhan ni Monica at gusto nitong pumunta sa kan’yang ina kaya nagwala na ito.
“No. I don’t want you, I want my mommy,” umatungal ng iyak si Monica at iniwaksi ang kamay para kumawala sa pagkakahawak ni Grace.
Napahiyaw naman si Grace nang matamaan siya sa mukha dahil sa pagpupumiglas nito, napahawak naman siya sa kan’yang pisngi at tuluyan na ngang nabitawan ang kamay ng bata.
“Anak!”
“Grace!”
Sabay nilang sigaw ni Amelia at Dalton at lumapit sa mga taong mahahalaga sa kanila. Si Amelia sa anak nito at si Dalton kay Grace.
Agad namang niyakap ni Amelia ang anak habang nangagalaiti sa galit si Dalton ng makita ang konting kalmot sa mukha ng kasintahan.
“Okay ka lang ba anak?” Tanong ni Amelia.
Wala sa sariling hinablot ni Dalton si Monica at marahas na pinaharap ito kay Grace. “Apologize! Now!” may diin nitong sabi at malamig na tumingin sa anak.
Puno na nag luha ang mga mata ng bata, nakakaawa itong tignan pero ngayon ay may galit at determinasyon na itong makikita sa mga mata. “No! She is bad! Sinadya niya akong dalhin dito to hear what you said! I don’t want her, gusto ko lang ang mommy ko! Wahhhh!”
Malakas na iyak nito. Agad namang nagsalita si Grace. “Hindi sinasadya ng bata Dalton. Kasalanan ko rin okay, stop it.” Mahinahon na sabi ni Grace at hinawakan ang kamay ni Dalton.
Nalukot ang mukha ni Amelia nang makita kung gaano karahas ni Dalton kay Monica kaya agad niya itong kinuha at niyakap.
“You are just like your mother. Ang bata bata mo pa pero napakamaldita mo na,” singhal ni Dalton kay Monica. Dahil magkamukha si Monica at Amelia ay mas lalo siyang naiirita na tignan ito.
Kahit ang katigasan at kasakiman ng babae ay namana rin nito, mas lalo niyang kinamuhian ang anak.
“No, hindi bad si mommy! She is the best in the world kaya don’t talk to her like that!” sigaw naman ni Monica kay Dalton.
“Shhh, baby don’t talk like that.” Bulong ni Amelia sa anak.
Napaismid naman si Dalton at napa-iling. “Mag-ina nga kayo,” sabi nalang nito at iniwan sila habang tulak-tulak ang wheelchair ni Grace.
Yumakap si Monica kay Amelia ng mahigpit at umiyak ng umiyak. Pilit namang pinatahan ni Amelia ang bata dahil hindi maganda ito sa bata lalo nang may sakit ito.
“Mommy, I don’t like daddy na. He doesn’t want me or you mommy wahhhh!” Patuloy pa rin nito sa pag-iyak. “Mommy I don’t want to leave you, paano ka nalang po ‘pag wala na ako. I don’t want you sad mommy.” Dagdag pa nito.
Hindi niya talaga kayang iwan ang mommy niya. Ngunit sa mga sandaling iyon nakaramdam nalang si Monica nang matinding paninikip ng dibdib.
Nataranta naman si Amelia nang magsimula nang mangisay si Monica. Sumuka pa ito nang dugo kay mas nag-alala at natakot si Amelia.
“Monica, baby! No, no! Doc, doc! Tulong! Tulungan nito ang anak ko!” Nagsisigaw na si Amelia habang karga-karga ang anak.
“No baby, please baby h’wag mo takutin si mommy.” Hindi na napigilan ni Amelia na umiyak.
Bago pa maidikit ni Shaira ang kamay nito sa kan'yang dibdib ay agad na umaatras papalayo si Luther. Dumilim ang kan'yang mukha at matalim na tinignan si Shaira. Ngayon ay naaalala na niya kung saan niya ito nakita. Isa ito sa umapi kay Amelia noon sa Ikarus Haven. Iyon pa lang ay uminit bigla ang kan'yang ulo sa babaeng kaharap. "Yeah. I remembered," matigas at mabigat niyang usal. Tinapunan niya ito ng masamang tingin ngunit ang babaeng kaharap ay tila ba'y bulag sa mga tingin niya at mas namula pa ito at nagpa-cute. "You're one of those people who bullied Amelia right?" Tumawa si Shaira. "Oh come on, we didn't bully her. Nagsasabi lang kami ng totoo. Hindi mo kilala si Amelia, we were her classmates kaya alam namin ang totoong kulay ng babaeng 'yon.""Kung ako sa'yo iwasan mo na ang babaeng 'yon. Matter of fact h'wag kang magpadala sa pang-aakit nun. She's nothing but a seducer and a whore. Kita naman sa nangyari sakanila ng naging asawa niya. Mang-aagaw siya, she seduced Dalt
Hindi pa nga siya nakapagsalita nang marinig niya ang baritonong boses ni Luther sa kabilang linya. "Why didn't you pick up the call?"Hindi nagsalita si Amelia. Binagsak niya ang katawan sa malambot niyang kutson at nilaro ang iilang hibla ng kan'yang buhok. "Baby? Why aren't you saying anything?" Untag nitong muli at mahihimigan sa boses nito ang banayad ay nagsusumamong tono. Lumambot naman puso ni Amelia sa narinig. Hindi niya alam ngunit biglang uminit ang sulok ng kan'yang mga mata at kumibot ang kan'yang labi. "Akala ko kasi busy ka dahil 'Mm' lang ang sagot mo saakin kanina," nanghihimutok na saad ni Amelia kay Luther at narinig ni Luther ang dismayadong tono sa boses ng dalaga.Nawala ang pagkakunot ng noo ni Luther at napangiti sa inasal ng kasintahan. Mas lalo lang lumaki ang pagka-miss niya kay Amelia sa mga sandaling iyon. "One of my business partners wanted a drink with me, it wasn't too convenient," paliwanag ni Luther. Niyakap ni Amelia ang unan at hindi nagsalit
Iniisa-isang tinignan ni Luther ang mga nakuhang litrato ni Brent at nang may nagustuhan ay isinend niya iyon kay Amelia. Biglang nakatanggap ng notification si Amelia galing kay Brent. Kakatapos lang niya magsipilyo at manghilamos nang maisipan niyang tignang muli ang kan'yang selpon. Nagtataka niyang binuksan iyon at bumungad sakan'ya ang larawan ni Luther sa isang lugar na parang club. Sa litrato ay nakita niyang nakaupo ito sa sulok habang naninigarilyo. Sa ekspresyon nito ay makikita ang matinding pagkabagot at tila ba'y hindi ito makapaghintay umalis sa lugar na iyon.Sa kan'yang paligid, nakita ni Amelia ang maraming babaeng nagnanakaw-tingin sa lalaki, at tila ba'y sabik na naghihintay ng pagkakataong makausap ito at malandi. Imbes na mapangiti sa nakita ay napasimangot na lamang siya. Inis ang bumalot sa kan'yang sistema. Naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa kan'yang cellphone. Muling lumipat ang tingin niya kay Luther. Ang malamig na ekspresyon nito at ang kawalan
Napukaw sa pagkatulala si Dalton nang mapansin niya ang paglagay ng tasa sa kan'yang harapan. Tumaas ang tingin niya at bumungad sa kan'ya ang nakangiti at maaliwalas na mukha ni Grace."Pinagtimpla kita ng tsaa. Napapansin ko kasing pagod ka at wala sa focus. May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Grace. Hindi nagsalita si Dalton bagkos ay sumandal siya sa kan'yang swivel chair. Inabot niya ang tasa at wala sa sariling simimsim ng tsaa.Ilang araw rin ang nakaraan matapos ang huling pag-uusap nila ni Amelia. Hindi na niya ito nakaharap pang muli dahil natuon ang atensyon niya kay Grace lalo na't ngayon ay palagi siya nitong hinahanap at hindi na siya nito nilulubayan. Na-guilty naman siya dahil alam niya at ramdam niya ang pangungulila nito sakan'ya kaya mas pinili niyang ipokus ang atensyon sa babae. Inaamin niyang may parte sakan'ya na gustong makita si Amelia ngunit dahil abala siya sa pag-aasikaso kay Grace ay nawawala rin iyon sa kan'yang isipan. Napikit siya nang biglang
Ito na naman ang kakaibang damdamin niya sa tuwing nagkakalapit silang dalawa. 'Di niya alam kung dahil ba iyon sa pagtakbo niyo o dahil sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Walang emosyon na tumingin lang sakan'ya si Amelia. Walang gulat, walang saya, galit o 'di kaya'y pananabik man lang na palagi niyang nakikita sa mga mata nito noon. Wala, wala siyang nakuha ni isang emosyon kundi isang malamig at blanko lang na ekpresyon. Para namang namanhid ang sistema ni Dalton sa nakitang iyon."Sa loob tayo mag-usap," saad ni Amelia at agad na binuksan ang pinto. Hindi siya nito pinagtabuyan, nakaramdam naman ng konting tuwa roon si Dalton kahit papaano. Walang imik na sumunod si Dalton kay Amelia. Akmang hahawakan na sana niya ang kamay ng dalaga ngunit naiwan sa ere ang kamay niya nang bigla itong humarap. "Kung ang pakay mo rito ay tungkol kay Kevin, pwes wala ka nang dapat ipagalala pa. I've made up my mind at tinatanggap ko ang alok mo. I just talked to my lawyer para asikasuhin a
Agad na isinugod ni Dalton si Grace sa hospital, pagkarating nila roon ay agad itong nirekomenda sa emergency treatment at makalapas ng ilang minuto lang ay naging ligtas na ang kalagayan nito. Namumula at namamasa ang mga mata ni Grace nang tignan niya si Dalton sa mga mata, tila ba'y nagsusumamo at nanghihingi ng pasensya. Lunapit ang attending physician kay Dalton at nagsalita. "Hindi maganda ang kalagayan ni Grace Mr. Williams. Her condition is getting worse at kung magpapatuloy ito ay hindi malabong magkaroon siya ng suicidal tendencies. Please, take my advice seriously, baka sa susunod ay malagay na nga sa panganib ang buhay niya," anito. Napasimangot naman doon si Dalton. Naramdaman niya ang paghawak ni Grace sa kamay niya kaya napatingin siya rito. Nagsalubong ang kanilang mga mata at doon nakita niya ang repleksyon niya sa mga mata nito. Na tila ba'y siya lang ang nakikita nito at kailangan sa mga sandaling iyon. Bigla namang may kumirot sa kan'yang ulo at kapagkuwan ay







