LOGINNatigilan lamang sa pag-iyak si Amelia nang marinig niya ang pag-ubo ni Monica.
Sunod-sunod itong umubo hanggang nanghina na ito at sumandal sa ina. Agad namang niyakap ni Amelia ang anak at nag-aalalang tumingin dito. Nanlaki ang kan’yang mga mata nang makita ang dugong lumabas sa bibig nito.
“Diyos ko po, anak! Baby don’t worry dadalhin ka ni mommy sa hospital,” hindi magkaka-ugagang sabi niya at agad na binuhat ito.
Nanginginig pa siya habang karga-karga ang anak, hinawakan naman siya sa mukha nito at hirap na hirap na nagsalita, “Mommy, I’m okay po.”
“No baby, mommy will take you to the hospital, okay?” Kita ni Amelia ang pamumutla nito, wala na ring kulay ang mga labi ng anak kaya dali-dali niyang sinugod ito sa hospital. Natatakot siya para sa anak ngunit wala siyang ibang magawa kundi magpakatatag dahil sa kan’ya lang nakasalalay si Monica.
Nang makarating sila sa hospital ay agad namang kinuhanan ng dugo si Monica at ngayon ay nasa hallway sila habang naghihintay ng resulta sa blood test nito.
“Mommy, hate po ba ako ni daddy?”nanghihinang tanong ni Monica sa ina habang karga-karga siya nito.
Hindi makasagot si Amelia. Hindi niya alam ang isasagot. Minsan hindi niya mapigilan na mapa-isip kung sana naging anak ni Dalton at Grace si Monica. Sana ay nasa masaya itong pamilya, naranasan sana nito na mahalin ng isang ama. Malas lang nito dahil siya pa ang naging ina nito.
Dahil siya ang ina ni Monica kaya pati ito ay nadadamay. Hindi si Monica ang kinamumuhiaan ni Dalton, kundi siya.
Muli na namang nagsinungaling si Amelia, “Hindi anak, siguro ay busy lang si daddy.”
Tumitig si Monica sa kan’ya. Lihim itong tumingin sa mga mata niya, nakikita niyang buong puso itong naniniwala sa kan’ya, walang bahid ng kung ano na makikita sa mga mata nito. Bagkos ay napa-iyak na lamang siya sa sunod na sinabi nito.
“Mommy, I always make you cry. Hiling ko mommy, maging happy ka. Always happy.” Ngumiti ito ngunit bakas pa rin ang panghihina at pagod sa mukha ng bata.
Nangigilid ang mga luha niyang hinalikan sa noo ang anak.
“Doc!" Dinig nilang sabi ng isang pamilyar na boses.
Napalingon ang mag-ina pareho sa malamig at baretonong boses na iyon. Nakita nila si Dalton habang kaakbay ang isang babae. Si Grace iyon.
“Daddy.’ Tawag ni Monica nang makita ang ama. May saya ito sa mga mata ngunit napakunot nang makita ang babaeng kasama nito.
Sa wakas ay napansin sila ni Dalton. May gulat pa itong makikita sa mga mata nang mapagtanto nitong nandito rin sila. Pati si Grace ay napalingonsa gawi nila. May kung anong dumaan sa mga mata nito nang makita si Monica at agad na hinawakan si Dalton sa dibdib.
“Dalton, masakit na,” daing nito na nakapabalik sa ulirat ni Dalton. Agad siya nitong inalalayan, hindi na pinansin pa ang mag-ina.
Agad na tumawag ito ng doctor at iniwan sila roon.
Nakatingin lang si Monica habang pinapanood ang papalayong ama, kapagkuwan ay tinignan niya ang ina at nagtanong. “Mommy, bakit po may kasamang ibang babae si daddy?”
Hindi agad nakasagot si Amelia, pakiramdam niya ay parang tinapaktapakan ang puso niya.
“Ah, baka katrabaho lang ng daddy mo sa work baby,” sagot niya. Hindi na niya talaga kayang magsinungaling sa anak pero ano pa bang magagawa niya?
“Pero bakit iniwan tayo ni daddy mommy? Why did he go with that girl po? What about us? Does he not care po ba sa atin?” tanong pa nito ulit.
Para namang may bumara sa lalamunan ni Amelia sa tanong ng bata. Pati ang bata nakahalata na, sino bang hindi? Harap-harapan mismo sila nitong iniwan at pinaramdam na wala itong pakialam.
“Siguro mas urgent ‘yung sa kan’ya anak,” sabi nalang niya.
Hindi na nagsalita pa si Monica at nanahimik nalang ito. Ngunit nang dahil doon mas nalulungkot siya sa anak.
Sa sandaling iyon bumuo ang pagkamuhi niya kay Dalton. Matatanggap niya ang pagtrato nito sa kan’ya pero hinding-hindi niya matatanggap na pati ang bata ay ganunin din niya. Bakit niya ba kasi minahal ang katulad nito? Bakit ang bulang niya para mahalin ang lalaking gaya ni Dalton?
“Daddy,” Rinig ni Amelia na tawag ulit ni Monica.
Lumabas na sila Dalton habang tulak-tulak si Grace na naka-wheel chair.
Tumingin si Dalton sa kanila at patagong umismid. “Bakit kayo nandito?” Tanong nito sa kanila.
“Sino po siya daddy?” Hindi na nasagot ang tanong ni Dalton nang magtanong din si Monica habang tinitignan ng mariin si Grace.
Nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Dalton, hindi mahanap ang tamang sagot sa bata. “Ah, she is—”
“Hi baby girl, I am your daddy’s….friend,” si Grace mismo ang sumagot. Malungkot na hinawakan niya ang kamay ni Dalton.
Sobrang nakaka-awa ang mukha nito, nakatingin ito sa sahig at aakmang maiiyak na.
Dumilim ang mukha ni Dalton at agad nagsalita, “Her name is Grace, she is my girlfriend.”
Nanlaki ang mga mata ni Monica at napatitig kay Grace, kapagkuwan ay bumaling ang tingin niya sa ina.
Sa puntong iyon ay hindi na maiitatago pa ni Amelia ang katutuhanan, mas mabuti nang sabihin niya nalang ang katutuhanan kaysa naman umasa pa ng umasa ang anak.
Bumugtong hininga muna siya bago inayos ang anak at hinawakan ang pisngi nito.
“Baby, mommy has something to tell you. Totoo at girlfriend siya ng daddy mo, she is your tita Grace. Pasensiya na kung nagsinungaling at tinago ito ni mommy sa’yo. Sa totoo ay wala na kami ng daddy mo. But we are always be your mommy and daddy kahit may iba na si daddy. We are still here for you,” mahinahon at mahabang litaniya sa anak.
Tumulo naman ang luha ni Monica. Bata pa ito pero maaga itong nag-mature kaya agad niyang naintindihan ang mga nangyayari. Tumingin ito kila Dalton at Grace habang umiiyak bago ibinalik ang tingin kay Amelia.
Bahagya namang nagulat si Dalton nang aminin iyon ni Amelia. Akala niya’y may gagawin pa itong hindi maganda at itatanggi nito ang kanilang relasyon. Sumulyap siya kay Amelia at napa-isip. Mali ba siya ng akala rito?
“Pero paano ka mommy? Si daddy po may Tita Grace, ako po may daddy at mommy, pero paano po ikaw?” Naguguluhan man ay naitanong iyon ni Monica sa kan’ya.
Napatigil naman si Amelia, bigla naman siyang nilukob ng lungkot, parang pinipiga ang kan’ya puso habang iniisip ang mga nangyayari.
Wala na siyang pamilya, at kalaunan ay mawawalan na rin siya ng anak, paano nalang siya kapag siya nalang mag-isa? Para naman siyang nawalan ng buhay nang maisip iyon.
“What do you mean baby, I still have you. Sige na,mag hi ka na kay tita Grace mo,” sabi nalang niya sa anak.
Habang tinitignan ang ama na may kahawak na ibang babae ay para namang na-pipi si Monica. Ngunit dahil sinabi ng kan’yang ina na bumati siya rito ay pinilit niya ang sarili na magpakawala ng maliit na ngiti kahit na dumadaloy parin ang mga luha sa pisngi. “Hello po, Tita Grace.”
Bahagyang namutla si Grace at halos hindi makatingin kay Monica.
“Hi.” Tipid nitong bati at ibinaling ang tingin sa ibang bagay.
Dahil sa interaksyon na iyon ay napa-isip ng malalim si Dalton. Walang imik na umupo siya katabi ni Amelia. Namayani naman ang katahimikan sa kanila.
Napasulyap si Grace sa apat at sa kaluob-luoban niya ay nakaramdam siya ng inis. Kung titignan ay para talaga itong pamilya, at nagbibigay iyon sakan’ya ng masamang pakiramdam.
Maya-maya pa ay dumating ang sekretarya ni Dalton na si Ronald at inimporma nito si Dalton na natapos niya niyang bayaran ang bills.
Nang akma nang aalis sila Dalton ay agad na ibinigay ni Amelia si Monica kay Ronald at hinarap si Dalton.
“Pwede ba tayong mag-usap?” Pigil niya rito.
Umasim naman ang mukha ni Dalton. “Ano na naman ang kailangan mo, Amelia?”
Bago pa maidikit ni Shaira ang kamay nito sa kan'yang dibdib ay agad na umaatras papalayo si Luther. Dumilim ang kan'yang mukha at matalim na tinignan si Shaira. Ngayon ay naaalala na niya kung saan niya ito nakita. Isa ito sa umapi kay Amelia noon sa Ikarus Haven. Iyon pa lang ay uminit bigla ang kan'yang ulo sa babaeng kaharap. "Yeah. I remembered," matigas at mabigat niyang usal. Tinapunan niya ito ng masamang tingin ngunit ang babaeng kaharap ay tila ba'y bulag sa mga tingin niya at mas namula pa ito at nagpa-cute. "You're one of those people who bullied Amelia right?" Tumawa si Shaira. "Oh come on, we didn't bully her. Nagsasabi lang kami ng totoo. Hindi mo kilala si Amelia, we were her classmates kaya alam namin ang totoong kulay ng babaeng 'yon.""Kung ako sa'yo iwasan mo na ang babaeng 'yon. Matter of fact h'wag kang magpadala sa pang-aakit nun. She's nothing but a seducer and a whore. Kita naman sa nangyari sakanila ng naging asawa niya. Mang-aagaw siya, she seduced Dalt
Hindi pa nga siya nakapagsalita nang marinig niya ang baritonong boses ni Luther sa kabilang linya. "Why didn't you pick up the call?"Hindi nagsalita si Amelia. Binagsak niya ang katawan sa malambot niyang kutson at nilaro ang iilang hibla ng kan'yang buhok. "Baby? Why aren't you saying anything?" Untag nitong muli at mahihimigan sa boses nito ang banayad ay nagsusumamong tono. Lumambot naman puso ni Amelia sa narinig. Hindi niya alam ngunit biglang uminit ang sulok ng kan'yang mga mata at kumibot ang kan'yang labi. "Akala ko kasi busy ka dahil 'Mm' lang ang sagot mo saakin kanina," nanghihimutok na saad ni Amelia kay Luther at narinig ni Luther ang dismayadong tono sa boses ng dalaga.Nawala ang pagkakunot ng noo ni Luther at napangiti sa inasal ng kasintahan. Mas lalo lang lumaki ang pagka-miss niya kay Amelia sa mga sandaling iyon. "One of my business partners wanted a drink with me, it wasn't too convenient," paliwanag ni Luther. Niyakap ni Amelia ang unan at hindi nagsalit
Iniisa-isang tinignan ni Luther ang mga nakuhang litrato ni Brent at nang may nagustuhan ay isinend niya iyon kay Amelia. Biglang nakatanggap ng notification si Amelia galing kay Brent. Kakatapos lang niya magsipilyo at manghilamos nang maisipan niyang tignang muli ang kan'yang selpon. Nagtataka niyang binuksan iyon at bumungad sakan'ya ang larawan ni Luther sa isang lugar na parang club. Sa litrato ay nakita niyang nakaupo ito sa sulok habang naninigarilyo. Sa ekspresyon nito ay makikita ang matinding pagkabagot at tila ba'y hindi ito makapaghintay umalis sa lugar na iyon.Sa kan'yang paligid, nakita ni Amelia ang maraming babaeng nagnanakaw-tingin sa lalaki, at tila ba'y sabik na naghihintay ng pagkakataong makausap ito at malandi. Imbes na mapangiti sa nakita ay napasimangot na lamang siya. Inis ang bumalot sa kan'yang sistema. Naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa kan'yang cellphone. Muling lumipat ang tingin niya kay Luther. Ang malamig na ekspresyon nito at ang kawalan
Napukaw sa pagkatulala si Dalton nang mapansin niya ang paglagay ng tasa sa kan'yang harapan. Tumaas ang tingin niya at bumungad sa kan'ya ang nakangiti at maaliwalas na mukha ni Grace."Pinagtimpla kita ng tsaa. Napapansin ko kasing pagod ka at wala sa focus. May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Grace. Hindi nagsalita si Dalton bagkos ay sumandal siya sa kan'yang swivel chair. Inabot niya ang tasa at wala sa sariling simimsim ng tsaa.Ilang araw rin ang nakaraan matapos ang huling pag-uusap nila ni Amelia. Hindi na niya ito nakaharap pang muli dahil natuon ang atensyon niya kay Grace lalo na't ngayon ay palagi siya nitong hinahanap at hindi na siya nito nilulubayan. Na-guilty naman siya dahil alam niya at ramdam niya ang pangungulila nito sakan'ya kaya mas pinili niyang ipokus ang atensyon sa babae. Inaamin niyang may parte sakan'ya na gustong makita si Amelia ngunit dahil abala siya sa pag-aasikaso kay Grace ay nawawala rin iyon sa kan'yang isipan. Napikit siya nang biglang
Ito na naman ang kakaibang damdamin niya sa tuwing nagkakalapit silang dalawa. 'Di niya alam kung dahil ba iyon sa pagtakbo niyo o dahil sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Walang emosyon na tumingin lang sakan'ya si Amelia. Walang gulat, walang saya, galit o 'di kaya'y pananabik man lang na palagi niyang nakikita sa mga mata nito noon. Wala, wala siyang nakuha ni isang emosyon kundi isang malamig at blanko lang na ekpresyon. Para namang namanhid ang sistema ni Dalton sa nakitang iyon."Sa loob tayo mag-usap," saad ni Amelia at agad na binuksan ang pinto. Hindi siya nito pinagtabuyan, nakaramdam naman ng konting tuwa roon si Dalton kahit papaano. Walang imik na sumunod si Dalton kay Amelia. Akmang hahawakan na sana niya ang kamay ng dalaga ngunit naiwan sa ere ang kamay niya nang bigla itong humarap. "Kung ang pakay mo rito ay tungkol kay Kevin, pwes wala ka nang dapat ipagalala pa. I've made up my mind at tinatanggap ko ang alok mo. I just talked to my lawyer para asikasuhin a
Agad na isinugod ni Dalton si Grace sa hospital, pagkarating nila roon ay agad itong nirekomenda sa emergency treatment at makalapas ng ilang minuto lang ay naging ligtas na ang kalagayan nito. Namumula at namamasa ang mga mata ni Grace nang tignan niya si Dalton sa mga mata, tila ba'y nagsusumamo at nanghihingi ng pasensya. Lunapit ang attending physician kay Dalton at nagsalita. "Hindi maganda ang kalagayan ni Grace Mr. Williams. Her condition is getting worse at kung magpapatuloy ito ay hindi malabong magkaroon siya ng suicidal tendencies. Please, take my advice seriously, baka sa susunod ay malagay na nga sa panganib ang buhay niya," anito. Napasimangot naman doon si Dalton. Naramdaman niya ang paghawak ni Grace sa kamay niya kaya napatingin siya rito. Nagsalubong ang kanilang mga mata at doon nakita niya ang repleksyon niya sa mga mata nito. Na tila ba'y siya lang ang nakikita nito at kailangan sa mga sandaling iyon. Bigla namang may kumirot sa kan'yang ulo at kapagkuwan ay







