Nang makauwi sa kanila si Alex ay halos mapatulala pa rin ito at hindi makapaniwala. Hindi pa rin mag-sink in sa utak niya na nagdadalang tao siya. Nagbunga ang kasalanang nagawa niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na isang kilala at makapangyarihang tao ang nakabuntis sa kanya, o mas lalo lang iyong magbibigay ng sakit ng ulo sa kanya. Isang simpleng buhay lang naman ang gusto ni Alexandra. Pero ngayong mukhang matatali na siya sa isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa bansa, hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya na tanggapin ang alok ni Doc. Zacaharias.
Iyak pa rin siya nang iyak. Nasasaktan siya. Kung hindi siya gumawa ng mali, 'di sana kasal na sila ngayon ni Triton. 'Di sana, namumuhay na siya kasama ang lalaking pinangarap niya at hindi ang isang babaerong Zachary Luthman ang pakakasalan niya.
Napakurap-kurap siya nang maamoy ang pagkain na galing sa maliit niyang kusina. Doon niya lang naisip na baka may iba
Hello po! Comment down, leave a review on the app, and send me your support. THANK YOU SO MUCH! Lalo na sa mga nagbibigay ng gems sa story ko. Much appreciated po. Mwuah!
Nang makarating sina Alexandra sa mansion ng mga Luthman ay tila nanumbalik na naman lahat ng mapait na nangyari sa buhay niya mahigit isang buwan lang ang nakalilipas. Hindi niya inakala na sa isang simpleng pagkakamali na yon ay mababago ng napakalaki ng buhay niya. Isang buwan pa lang ang nakakalipas pero para sa kanya ay sobrang dami nang nangyari at sa isang kisap mata, nawala ang lalaking pinakamamahal niya. Naalala niya ang bawat sulok ng mansion na ito kung saan ginanap noon ang party. Naalala niya kung gaano siyang parang tangang nagpakalasing. Naalala niya kung paano niyang pinasok ang kuwarto na sumira ng kasal niya dapat. Wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Everything is her fault. Hindi niya namamalayan na napaluha na pa la siya. Natigilan si Zach nang mapansin niya na hindi na nakasunod sa likoran niya ang dalaga. Nilingon niya. "Ano? Magda-drama ka na lang ba diyan?" Puna niya rito.
Nakabusangot si Alexandra habang nilalagay sa kanyang malaking walk-in cabinet sa loob ng kwarto ang mga damit niya. Ano'ng sabi niya? Mga basura lang itong dala ko? Bwiset talaga ang lalaking 'yon. Manganganak yata ako sa kanya ng wala sa oras! Inis na inis na aniya sa isipan habang iniisa-isa ang mga damit na dala-dala niya. Masyadong malaki ang kuwarto para lang sa kanya. Masyadong malungkot. Napakalungkot naman talagang mag-isa sa ganito kalaki at kagarang bahay. Pakiramdam niya ay mabibingi siya sa katahimikan nito. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan. "Ma'am, Alexandra. Kakain na raw po. Tara na po sa baba." Yaya ng isa sa mga katulong. Alam na alam agad niya iyon dahil ang mga katulong lang ang natawag ng ma'am sa kanya kahit pakiramdam niya ay hindi naman siya karapat-dapat na tawagin ng gano'n. Para sa kanya, parehas lang silang mga ordinaryong tao na walang mataas na antas sa lipunan. Napatigil siya sa
Kinaumagahan, maagang nag-ayos si Alex para pumasok sa trabaho. Maliit pa man din ang tiyan niya. Kaya pa niyang magtrabaho. Pakiramdam niya kasi ay mas magkakasakit siya lalo kapag namalagi lang siya sa bahay na walang ginagawa. Better go to work nang mapakinabangan naman siya ng mga Luthman. Pagdating doon ay halos suriin na naman siya ng tingin mga kasamahan niya sa trabaho. Mula ulo hanggang paa kung makatingin ito sa kanya. Akala niya ay makakaligtas na siya sa mga mapangmatang mga tingin ng mga ito, pero nagkakamali siya. Hindi na nga yata sila natatapos sa pangungutya sa kanya. Wala bang katapusan ang lahat nang mga ito?"Ang kapal talaga ng mukha niya ano? Pagkatapos niyang duro-duruin ang CEO natin noong nakaraan? Papasok siya dito na taas noo at parang walang nangyari? Oh my gosh, nakakahiya!" sabi ng isa."Oo nga, dai! Makapal talaga. Ewan ko nga rin kung bakit gano'n na lang ang lakas ng loob niyan na pumasok pa pagkatapos nang lahat lah
Isang buwan matapos ang intimate wedding nina Alex at Zachary ay walang pinagbago ang trato nila sa isa't isa. Para pa rin silang mga aso at pusa kung magbangayan at mag-away minsan sa mansion. May dalawang buwan na rin ang tiyan ni Alex. Kung may kabutihan mang pinapakita si Zach, hindi iyon para kay Alex kundi para lang sa magiging anak nila. Umaga nang magising si Alex ay sa baba na siya agad dumiretso. Isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang awayin siya ni Lily sa kumpanya kaya ngayon, heto siya at nagmumukmok na lang sa mansion. Mabuti na lang at mababait ang mga maids ng mga Luthman. She instantly found a family. "Magandang umaga, manang. Ano pong niluluto niyo? I can help," wika ni Alexandra sa isang katulong na abala ngayon sa pagluluto ng agahan. Umiling-iling ang matanda. "Ay, nako, Ma'am Alex, huwag na. Kapag ikaw nakita ni Sir Zach na patulong-tulong dito, malalagot tayo, e." "Pero manang
Harap-harapan pa na nakasalubong ni Alex sina Zach at ang babae nito. Napakunot siya ng noo at pilit na inaalala kung ito ba ang babae rin na naabutan niyang nasa kama ng asawa niya kagabi. Pero hindi. It was a different woman--again! Hindi ba talaga ito titigil? Harap-harapan ba talaga kahit sa pamamahay mismo nila? "Oh, good evening. You are perhaps one of Zach's maid?" wika ng babae sa maarte nitong tinig. Napakagat ng labi niya si Alex. She is pissed now. Naniningkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang lapastangang babaeng iyon. How dare she call her a maid? Mukha na ba siyang maid sa ayos niya ngayon? Napatingin si Alex sa sarili niya. Sinuri niya ang kanyang suot. Tsk. Ano naman kung simpleng t-shirt lang at shorts ang suot ko? Does that mean I am a maid already? Minsan hindi rin nag-iisip ang babaeng 'to, e. Napahilot ng kanyang sentido si Zach. He has been stressed in his work lately. Sobrang d
ANONG oras nang nagising si Zachary gawa ng sobrang pagod niya kagabi. Dagdagan pa kasi ng napakarami niyang iniisip. Kung hindi pa siya bubulabugin ng Daddy niya through call ay hindi pa siya sapilitang babangon. "Dad? What's wrong with you in this early hour?" nagmamaktol na sagot nito. Naupo siya at sumandal sa head board ng kama niya habang kinukusot-kusot pa ang kanyang mga mata. He is still sleepy as f*ck. Ito talaga ang pinakaayaw niya sa lahat. Iyong iniistorbo ang tulog niya. But he can't really protest to his Dad. Kumbaga, kahit anong mangyari, ito pa rin ang batas. "Bring your wife for a check up today. I have scheduled her with her OB." Nagpantig agad ang tenga ni Zach. To think na hindi sila ayos ni Alex. Nag-away pa nga sila kagabi. And he admit, nakagawa siya ng mali. For sure, hindi magiging madali ang pakikipag-usap niya sa dragon na 'yon. Geez? Bakit ngayon pa
BEFORE Zachary left Alexandra’s empty room, nahagip pa ng kanyang mga mata ang isang papel na nakapatong sa ibabang ng kama nito. Napataas ang isang kilay niya kasabay ng pangungunot ng kanyang noo. He came to wonder what that paper is all about. Binalikan niya iyon at dinampot saka siya naupo sa kama. Dahan dahan niyang binuksan ang papel na iyon at binasa. From Alex: Alam kong sa papel lang tayo kasal at bata lang ang habol mo, pero hindi ko kayang makasama ang isang walang kwentang katulad mo sa iisang bahay. Sisikapin kong buhayin ang anak ko nang mag-isa, Zachary. Enjoy all the girls that you want. Iyon ang nakasulat sa liham. Zachary found himself na niyuyukot ang papel na iyon. He is doomed now. Kailangan niyang mahagilap si Alex bago pa siya hanapin ulit ng Daddy niya. But how? Saan siya magsisimula? His guilt is hunting him now. If something happens to her, he is to be blamed dahil sa kapabayaan niya.
NAGSABI na lamang si Alex sa mga katulong na lalabas lang siya saglit. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niyang ito. Desisyon na magpakita kay Triton. Hindi niya alam kung ano ang ipinagbago ng isip nitp dahilan para muli siya nitong contact-in. Nagtataka siya and at the same time ay maluha luha habang pinakikinggan niya ang boses nito sa cell phone kanina. She badly missed his voice. His smile, his laugh, everything about him. Sabik na sabik siyang makita ang lalaking hanggang ngayon, alam niyang laman pa rin ng puso niya. Triton just texted her the address at siya naman itong aligaga ay natatarantang tinungo agad ang address na sinasabi nito. Halo halong emosyon ang dala niya. Kaba, lungkot, panghihinayang, at pagkasabik. Sabik na makita ang lalaking dapat naman talaga niyang pakakasalan. Nakasuot lang siya ng isang simpleng extra large gray plain shirt saka nag leggings. Hindi pa naman gaanong malaki ang kanyang tiyan so it’s