Kinaumagahan, maagang nag-ayos si Alex para pumasok sa trabaho. Maliit pa man din ang tiyan niya. Kaya pa niyang magtrabaho. Pakiramdam niya kasi ay mas magkakasakit siya lalo kapag namalagi lang siya sa bahay na walang ginagawa. Better go to work nang mapakinabangan naman siya ng mga Luthman. Pagdating doon ay halos suriin na naman siya ng tingin mga kasamahan niya sa trabaho. Mula ulo hanggang paa kung makatingin ito sa kanya. Akala niya ay makakaligtas na siya sa mga mapangmatang mga tingin ng mga ito, pero nagkakamali siya. Hindi na nga yata sila natatapos sa pangungutya sa kanya. Wala bang katapusan ang lahat nang mga ito?
"Ang kapal talaga ng mukha niya ano? Pagkatapos niyang duro-duruin ang CEO natin noong nakaraan? Papasok siya dito na taas noo at parang walang nangyari? Oh my gosh, nakakahiya!" sabi ng isa.
"Oo nga, dai! Makapal talaga. Ewan ko nga rin kung bakit gano'n na lang ang lakas ng loob niyan na pumasok pa pagkatapos nang lahat lah
Isang buwan matapos ang intimate wedding nina Alex at Zachary ay walang pinagbago ang trato nila sa isa't isa. Para pa rin silang mga aso at pusa kung magbangayan at mag-away minsan sa mansion. May dalawang buwan na rin ang tiyan ni Alex. Kung may kabutihan mang pinapakita si Zach, hindi iyon para kay Alex kundi para lang sa magiging anak nila. Umaga nang magising si Alex ay sa baba na siya agad dumiretso. Isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang awayin siya ni Lily sa kumpanya kaya ngayon, heto siya at nagmumukmok na lang sa mansion. Mabuti na lang at mababait ang mga maids ng mga Luthman. She instantly found a family. "Magandang umaga, manang. Ano pong niluluto niyo? I can help," wika ni Alexandra sa isang katulong na abala ngayon sa pagluluto ng agahan. Umiling-iling ang matanda. "Ay, nako, Ma'am Alex, huwag na. Kapag ikaw nakita ni Sir Zach na patulong-tulong dito, malalagot tayo, e." "Pero manang
Harap-harapan pa na nakasalubong ni Alex sina Zach at ang babae nito. Napakunot siya ng noo at pilit na inaalala kung ito ba ang babae rin na naabutan niyang nasa kama ng asawa niya kagabi. Pero hindi. It was a different woman--again! Hindi ba talaga ito titigil? Harap-harapan ba talaga kahit sa pamamahay mismo nila? "Oh, good evening. You are perhaps one of Zach's maid?" wika ng babae sa maarte nitong tinig. Napakagat ng labi niya si Alex. She is pissed now. Naniningkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang lapastangang babaeng iyon. How dare she call her a maid? Mukha na ba siyang maid sa ayos niya ngayon? Napatingin si Alex sa sarili niya. Sinuri niya ang kanyang suot. Tsk. Ano naman kung simpleng t-shirt lang at shorts ang suot ko? Does that mean I am a maid already? Minsan hindi rin nag-iisip ang babaeng 'to, e. Napahilot ng kanyang sentido si Zach. He has been stressed in his work lately. Sobrang d
ANONG oras nang nagising si Zachary gawa ng sobrang pagod niya kagabi. Dagdagan pa kasi ng napakarami niyang iniisip. Kung hindi pa siya bubulabugin ng Daddy niya through call ay hindi pa siya sapilitang babangon. "Dad? What's wrong with you in this early hour?" nagmamaktol na sagot nito. Naupo siya at sumandal sa head board ng kama niya habang kinukusot-kusot pa ang kanyang mga mata. He is still sleepy as f*ck. Ito talaga ang pinakaayaw niya sa lahat. Iyong iniistorbo ang tulog niya. But he can't really protest to his Dad. Kumbaga, kahit anong mangyari, ito pa rin ang batas. "Bring your wife for a check up today. I have scheduled her with her OB." Nagpantig agad ang tenga ni Zach. To think na hindi sila ayos ni Alex. Nag-away pa nga sila kagabi. And he admit, nakagawa siya ng mali. For sure, hindi magiging madali ang pakikipag-usap niya sa dragon na 'yon. Geez? Bakit ngayon pa
BEFORE Zachary left Alexandra’s empty room, nahagip pa ng kanyang mga mata ang isang papel na nakapatong sa ibabang ng kama nito. Napataas ang isang kilay niya kasabay ng pangungunot ng kanyang noo. He came to wonder what that paper is all about. Binalikan niya iyon at dinampot saka siya naupo sa kama. Dahan dahan niyang binuksan ang papel na iyon at binasa. From Alex: Alam kong sa papel lang tayo kasal at bata lang ang habol mo, pero hindi ko kayang makasama ang isang walang kwentang katulad mo sa iisang bahay. Sisikapin kong buhayin ang anak ko nang mag-isa, Zachary. Enjoy all the girls that you want. Iyon ang nakasulat sa liham. Zachary found himself na niyuyukot ang papel na iyon. He is doomed now. Kailangan niyang mahagilap si Alex bago pa siya hanapin ulit ng Daddy niya. But how? Saan siya magsisimula? His guilt is hunting him now. If something happens to her, he is to be blamed dahil sa kapabayaan niya.
NAGSABI na lamang si Alex sa mga katulong na lalabas lang siya saglit. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niyang ito. Desisyon na magpakita kay Triton. Hindi niya alam kung ano ang ipinagbago ng isip nitp dahilan para muli siya nitong contact-in. Nagtataka siya and at the same time ay maluha luha habang pinakikinggan niya ang boses nito sa cell phone kanina. She badly missed his voice. His smile, his laugh, everything about him. Sabik na sabik siyang makita ang lalaking hanggang ngayon, alam niyang laman pa rin ng puso niya. Triton just texted her the address at siya naman itong aligaga ay natatarantang tinungo agad ang address na sinasabi nito. Halo halong emosyon ang dala niya. Kaba, lungkot, panghihinayang, at pagkasabik. Sabik na makita ang lalaking dapat naman talaga niyang pakakasalan. Nakasuot lang siya ng isang simpleng extra large gray plain shirt saka nag leggings. Hindi pa naman gaanong malaki ang kanyang tiyan so it’s
HINDI na nagawang kumibo pa ni Alexandra hanggang sa makauwi sila. Inis na inis siya kay Zach dahil nagagawa nito kung ano gusto niya. How dare he kiss her just like that?? Fine, it’s not her first kiss pero kahit na! Nandidiri siya. Nandidiri siya dahil iniisip niya na sa dami ng babae ni Zachary, for sure, napakaraming bibig na ang nakahalik sa kanya which she find gross. Eww! Aniya sa isipan. Nang makarating sila sa mansiyon ay mabilis na nag-park ng kanyang kotse ang binata. Bago bumaba ay nagsalita pa ito. “Kung alam ko lang na halik lang ang makakapagpatahimik sa ‘yo, I should have kissed you often.” Pinandilatan siya ng mga mata ni Alexandra. Nababaliw na ba siya? “As If I like that kiss!” Pasigaw na protesta niya. Ngumisi si Zach. “You do! Ni hindi ka nga nakagalaw. Hindi mo ako tinulak. You enjoyed it, don’t you?” Nahihiyang napaiwas ng tingin si Alex. Bwiset kasi na katawan niya. Traidor. She badl
NAPAGPASYAHAN ni Zachary na dalhin ang asawa niya sa opisina. Hindi siya nag-alinlangan kahit na alam niyang maraming mga Marites doon na for sure ay pagpipiyestahan na naman ito. Hindi naman siya pagiging concern pero, baka kasi kapag iniwan niya ito sa mansiyon ay baka umalis na naman ang asawa niya at hindi na naman niya ito mahagilap. Nagkataon lang kamakailan na naisipan niyang puntahan ito kila Sandra at saktong nakasakay si Alex palabas para kitain ang ex boyfriend niya ay nakita niya ito kaya nasundan niya. Well, sa dami ba naman ng puwede niyang puntahan, bakit kay Sandra pa? Of course, Zach would consider Sandra na unang pupuntahan ni Alex kapag nagkaproblema ito because they are friends. Iniwan niya muna si Alex sa may lobby dahil may kinausap pa itong client over the phone. Si Alex naman ay pumirma na lamang sa upuan habang naghihintay sa asawa niya. Hindi niya mapigilang hindi mapatingin sa paligid. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula noong hu
HINDI maipaliwanag ni Alex kung ano ang exact term sa nararamdaman niya pero, she felt a little lighter even more today kumpara noong mga unang araw niya sa manisyon. Noong unang mga araw na masasabi niya na parang nakatira siya sa isang malaking bahay kasama ng anak ni satanas. Pero ngayon, pakiramdam niya ay gumaan ang bigat na dinadala niya ng mga nakaraang buwan. She finally saw its beauty. Siguro dahil na rin sa nagkausap na sila ni Triton. Nagkausap na sila at nalaman nila na wala silang kasalanan kung bakit hindi na nila nagawa pang ayusin ang lahat dahil kay Mrs. Chu na siyang humarang at naging isang malaking balakid sa daan nila. Noon pa man, hindi na ito boto sa kanya kaya wala na siyang aasahan pa dapat. Nanghihinayang lang siya. Nanghihinayang siya sa mga buwan at araw, sa mga oras na kung sana ay mas maaga nilang natagpuan ni Triton ang isa’t isa ay baka walang nakapigil ngayon sa pag-iisang dibdib nilang dalawa. ‘Di sana, ikinasal sila. Hindi niya aakalain