Share

Chapter 3 Angry Parent

"Okay ka na ba dito?" concerned na tanong ni Connor.

Natatawa nalang ako dahil nakailang tanong na siya niyan at paulit-ulit lang naman ang sagot ko sa'kanya.

"Bulag lang ako pero, dito na ako lumaki kaya kabisado ko na dito!" kahit hindi ko sila nakikita ay alam kong puno ng pag-aalala ang expression nila.

'Kanina kasi nung nalaman ng mga ito na bulag ako ay hindi na ang mga ito mapakali, especially si Connor na akala mo maiiyak sa sobrang pag-aalala. Maya't-maya din ako tinatanong kung comportable ako. Lalo na nung pasakay kami sa kotse, siguro ay natatakot na sila na baka maulit ang nangyari kahapon sa hospital.'

Mabuti nalang at hindi nila pinagsamantalahan kagabi ang pagiging bulag ko.

'hindi madalas mangyari sa'kin ang panic attack pero kadalasan nangyayari sa'kin yun kapag may kinalaman sa aksidente at hospital, para akong bumabalik sa nakaraan kapag nangyayari iyon.'

'nasabi ko na din kanina sa kanila na bulag ako kahit ayoko wala akong choice dahil halatang-halata na.'

Tumalikod na ako at balak na sanang buksan ang pinto nang may magbukas nito para sa'kin ang akala ko ay isa sa dalawang kasama ko ang nagbukas kaya naman balak ko pa sana magpasalamat pero na'realize ko na hindi ang mga kasama ko iyon ng isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko. Lumikha iyon ng malakas na tunog at pamamanhid ng pisngi ko na tinamaan. PAK!

"Saan ka nangggaling na babae ka!?" galit na tanong ni Mommy at hindi na hinintay ang sagot ko dahil muli na naman ako nitong sinampal. At this time mas malakas na iyon. PAK!

"What the fuck are you doing!?" bulyaw ni Blake dito at naramdaman ko na hinila ako nito palayo kay Mommy.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito at hinaplos ang pisngi ko na nasaktan. Tanging pagtango lang ang ginawa ko.

Pero hindi nagpatalo si Mommy dahil hinila din ako nito pabalik.

"At talaga naman naghanap ka pa ng kakampi na bata ka, sino itong mga ito, ha? Mga lalaki mo ba sila? Sakanila ka ba nagpalipas ng gabi? Malandi ka! Dapat ikaw nalang ang namatay hindi ang daddy mo!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, this is the first time na nagsalita ng ganito kasakit si Mommy sa buong buhay ko. Dati kahit na gaano siya kagalit ay hindi niya ako ini-insulto, ngayon lang.

"Watch your words old lady!" Puno ng pagbabanta na turan ni Blake.

Hinarap ko si Blake at umiling ako para patigilin na ito.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang nanginginig kong katawan bago ako nagpasya na lumayo kay Blake para puntahan si Mommy.

Ayaw akong bitawan ni Blake pero wala itong nagawa dahil nagpumilit akong makalayo.

"Sorry Mommy." paghingi ko ng paumanhin habang nakayuko.

"Seriously!? You're apologizing!?" I know they're frustrated and concerned but my life is really a mess right now and I don't wanna drag them into the mud that I am into.

"Okay lang ako, umalis na kayo salamat sa paghatid." ako na ang kusang nagtaboy sa mga ito, bago palihim na humingi ng tawad at nagpaalam habang nagpupunas ng luha.

Patalikod na ako para sana pumasok ng bahay ng marinig ko ang boses ng kapatid kong babae.

"Oh, what a hot creature you are."

"Get your hands off me!" Matigas na utos ni Blake.

Hindi ko alam kung bakit may kakaibang kirot akong naramdaman sa dibdib ko ng marinig ko ang boses ni ate samantha na kinakausap si Blake. Hindi na ako nagtagal sa labas ng bahay dahil hindi ko kayang marinig ang conversation ng dalawa.

"Kailan ka pa natutong maglandi Sabina!?" Akala ko ay ako lang ang pumasok sa bahay because it's too quiet but hearing my mom's sharp voice and eerie sound of her heels sent chills to my spine.

"Mommy, hindi po ako lumandi." hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na sumagot ng tuwid sa tanong ni Mommy.

"Hindi naglandi? Hindi ka umuwi buong gabi tapos inihatid ka dito ng dalawang lalaki pa, ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga tao? Ano kinakati ka na ba at nakuha mong hindi umuwi. Kung kailangan mo ng gagalaw sayo sana sinabi mo at ng ibinigay kita dun sa driver ng kapitbahay natin." hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Mommy pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa pinaghalong hiya at galit.

"Mom, hindi ako ganyang klase ng babae!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Huwag mo akong pagtataasan ng boses you whore!" sigaw nito at isang panibagong hapdi ang naramdaman ko sa pisngi ko dahil sa paglapat ng kamay nito. PAK!

"Don't you dare ruin my family's name, you ungrateful child." ramdam ko ang takot sa pagkatao ko pagkarinig sa pagbabanta ng nanay ko.

"Y-Yes Mom." puno ng takot na tugon ko.

"Maghanda ka ng almusal at huwag mong kalimutan na linisin ang bahay pati ang sarili mo dahil ayokong madumihan ang bahay ko ng mikrobyo sa kung saang lupalop ka nangaling." utos ni Mommy

Tumango ako kahit hindi ko sigurado kung nakita ba nito iyon.

Kahit hirap ay sinimulan ko ang paghahanda ng almusal.

Makalipas ang kalahating oras na paghahanda ng agahan ay sinimulan ko naman ang paglilinis ng bahay.

Abala ako sa paglilinis ng sala ng may malakas na amoy ng pabango at langsa ang bumalot sa pang-amoy ko.

Kinuskos ko ang ilong ko para mabawasan ng konti ang amoy pero no use dahil pakiramdam ko kumapit na ito sa ilong ko maging sa lalamunan ko na gusto ko nalang masuka.

'Samantha is definitely gorgeous but she smells.'

"So, saan mo nakilala ang dalawang hottie na iyon?" Maarteng tanong nito.

Si samantha ay hindi mo maaasahan sa trabaho dito sa bahay, buhay prinsesa ito, pero pagdating sa mga lalaki ay updated.

"They helped me yesterday." simpleng sagot ko at bumalik sa pagpupunas.

"So they fucked you." hindi tanong iyon alam ko dahil sa tono na ginamit nito, more like an accusation with a hint of insult kahit wala naman akong ginawa para akusahan at insultohin niya ako.

"Hindi ako gaya ng iniisip mo ate." Matalim na sagot ko dahil napipikon na ako sa mga panghuhusga nila.

"Dapat lang because from now on I have my eye on them." palihim akong umingos pero wrong move dahil nakita pala ako nito and the next thing I knew she's pinning my head down into the glass table. "Huwag mo akong ingusan, you slut!" sigaw nito at sinampal ako ng malakas.

PAK!

Pakiramdam ko ay nabingi ako sa lakas ng sampal nito pero wala akong magawa kundi ang umiyak sa sulok.

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal na nakaupo sa isang sulok habang umiiyak. "Daddy, miss na miss na kita" wala sa sariling ani ko hoping na may makukuha akong sagot pero alam ko na malabong mangyari iyon dahil wala na siya at hindi na babalik.

Blake point of view

Exactly 12 in the afternoon ng makarating kami galing sa bahay nila Sabina. At simula ng umalis kami doon hanggang sa makarating kami sa tinutuluyan namin ay hindi na nawala sa isip ko si Sabina at ang nangyari kanina.

"Bro I'm tired, padeliver ka naman ng pagkain oh." nawala ang malalim na iniisip ko ng marinig ko ang child-like voice ni Connor. Connor and I are friend since we were kids kaya naman sanay na ako sa mga ganyan niyang salita. Pero minsan hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo dahil sa pagiging childish nito.

"Okay." ani ko at naglakad na papunta sa kwarto.

"Hintayin mo nalang yung pagkain, maliligo lang muna ako." hindi ko na hinintay ang sasabihin nito tinalikuran ko na at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Habang naglalakad ay nagtext na din ako ng isa sa staff nitong condo para dalhan kami ng pagkain.

Nang makapasok ako sa kwarto ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at nagsimulang katikutin ang cellphone ko. Nagtipa ako ng numero at pagkatapos ng ilang ring ay pumailanlang ang boses ng nasa kabilang linya.

"Boss, ano yun?" masiglang pambungad nito sakin.

"Gustav, may papa-imbestigahan ako sayo, at kailangan ko ng resulta nito sa lalong madaling panahon." pagkatapos kong magsalita ay nadinig ko ang halakhak ng nasa kabilang linya.

"Sino ba itong ma-swerteng nilalang na ito boss at bakit masyado ka yatang nagmamadali?" nang-aasar na tugon nito sa inutos ko.

Gustav is one of my trusted employee, itinuturing ko na din itong kaibigan. Pero minsan ay nagsisisi ako kung tama ba ang desisyon ko na kaibiganin ito dahil sa likas itong alaskador.

"Gusto mo na yata mawalan ng trabaho." banta ko dito at dinig ko ang magkakasunod na paglunok nito. Lihim akong napangisi at napailing.

'Everyone says na nakakatakot daw ako at sa ganitong mga pagkakataon ko ginagamit ang takot ng iba para sa benefits ko.'

"Sino ba ang gusto mong pa-imbestigahan, boss?" seryosong tanong nito, wala na ang kahit anong hint ng pagiging childish.

"Sabina Denise Taylor." yun palang ang nasasabi ko ay dinig ko na ang pagpipigil ng tawa ni Gustav. Unti-unting sumama ang expression ko at tumalim ang tingin ko sa kisame.

"Gustav Mauritius Montelibano!" bulyaw ko dito.

"Kailan mo kailangan ang result nito Boss Blake?" napasimangot ako dahil halata pa din ang pagpipigil nito ng tawa.

"As soon as possible." ani ko bago pinatay ang tawag.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Gustav ay tinignan ko ang litrato ng taong kahapon pa nagpapabalik-balik sa isip ko.

"What's with you?" wala sa sariling ani ko habang nakatingin sa nakangiti nitong mukha.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin sa screen ng cellphone ko ng magulat ako sa malakas at biglaang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Bro, may pagkain na!" malakas na sigaw ni Connor.

"Shit!" malutong na mura ko dahil sa sakit ng bumagsak ang hawak kong cellphone sakto sa buto ng ilong ko.

"I'm going to kill you!" babala ko kay Connor.

Nagtaas ito ng dalawang kamay bago nagtatakbo palabas ng kwarto. Pero bago ito tuluyang makalabas ay may sinabi ito na nagpakilos sakin ng mabilis. "Nasa sala si Gustav hinahanap ka."

Mabilis ang pagkilos ko pa-sunod kay Connor para makita si Gustav. Pagkadating ko sa sala naabutan ko itong prenteng nakaupo habang abala sa cellphone nito.

"Gus" tawag ko dito para kunin ang atensiyon nito. Seryoso kaming nagtinginan na dalawa.

"Sabina Denise Sullivan, 20 years old resident of Saint Louis Ville Quezon City Taylor daughter of Vivien Sullivan and Eduard James Taylor."

Tigagal akong napatingin kay Gustav dahil sa mga pangalan na binanggit nito. Habang isang malakas na tunog ng pagbagsak ang bumingi sa'kin.

BLAG!

Tinignan ko ang naging sanhi ng pagbagsak niyon at kita ko ang mukha ni Connor na sobrang putla.

"Connor." tawag ko dito. Dahan-dahan itong lumingon sa'kin at parang maiiyak ito.

"W-We need to g-get her, b-bro."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Agent(J)
hala.. bakit ganon nlng ang reaction ni Connor?!!
goodnovel comment avatar
Brenda Polido
luh anyare kay connor hehehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status