Share

Chapter 2 Almost an accident

"DADDY!" napabalikwas ako ng bangon mula sa isang masamang panaginip. Dama ko ang pagtulo ng malamig na pawis sa pisngi ko.

Pilit kong pinapakalma ang malalim kong paghinga at ang nagwawala kong puso na kasing lakas ng kulog ang kalabog dahil sa sobrang kaba habang inaalala ang nangyari sa nagdaang mga oras.

Nang makarinig ako ng malakas na boses sa hindi kalayuan. It was a loud yet relief voice.

"Finally, you're awake!" Someone exclaimed

Pinaling ko ang mukha ko sa direksiyon na pinagmulan ng boses.

"Sino ka, nasaan ako? At nasaan ang daddy ko?" Magkakasunod na tanong ko nang hindi humihinga.

"Daddy? Wala kang kasama ng idala kita dito. At ang sagot sa tanong mo kung nasaan ka ay nasa hospital, dinala kita dito kasi daddy ka ng dad-." Sagot nito na halata sa boses ang pagkakairita.

Hindi ko pinatapos ang gusto nitong sabihin kaagad na akong nagtanong.

"Hospital? Hindi mo dapat ako dinala dito! Anong oras na!?" Kinapa ko ang dingding ng kinahihigaan ko umaasa na mahanap ko ang orasan pero wala akong mahanap.

'orasan, orasan nasaan ka na? Shit'

I start having panic attack ng wala akong mahanap na orasan.

Deep breaths after deep breaths.

"Hey, calm down." Pagpapakalma nito at naramdaman ko nalang ang mahigpit na hawak nito sa mga kamay ko. Pinipigilan ako sa pagkilos.

"Calm down!? Hindi mo dapat ako idinala dito!" Hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses kasabay din niyon ay naitulak ko ito para makawala ako sa pagkakahawak nito.

Hindi ko alam kung ano ang naging reaction nito sa ginawa ko pero wala na akong pakialam.

"Kailangan ko ng umuwi." Sambit ko at mabilis na umalis sa hospital bed pero wrong move dahil wala ang walking stick ko kaya naman halos sumubasob ako ng hindi ko matantiya ang aapakan ko. Mabuti nalang at may mga bisig na sumalo sa'kin.

"What the hell are you thinking!?" Galit na tanong ng taong nagligtas sa'kin mula sa pagkakasubsob.

"Bitawan mo ako!" Tinabig ko ang kamay nito na nakahawak sa'kin.

"Hindi mo naiintindihan kailangan ko ng umuwi!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses. Isipin palang kasi na andun na si ate at mommy inaatake na ako ng sobrang takot.

Hinawakan ako nito sa balikat at inalog-alog na para akong isang laruan.

"Will you please calm down and let me call the doctor!"

"No!" Galit na sigaw ko at mas lalo akong nagwala.

"Nasaan na ba kasi yung daddy ko!?"

I start hyperventilating habang kung saan saan pumapaling umaasa na makita ang mukha ni daddy pero wala.

"Calm down miss-DOC I NEED HELP!" Sa umpisa ay mahinahon ang boses nito pero ng hindi ako nakinig ay sumigaw na ito. Mahigpit ang yakap nito sa'kin.

"YO, BRO IS SHE AWAKE!?" Sigaw ng kung sino at malakas na lumagabag ang pinto at kasabay nun ay ang mga yabag na magkakasunod papunta sa direksiyon na kinaroroonan ko.

"Help m-" buong pagmamakaawa na hindi ko na natapos dahil sa sakit na naramdaman ko na tumusok sa braso ko. Napahawak ako ng mahigpit sa braso nito dahil sa sakit.

Unti-unti ko nalang naramdaman ang pagod at kagustuhan na makatulog kaya naman pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang mga kamay ko na bumagsak sa kama.

Blake point of view

Ngayon lang ako natakot at naawa para sa isang tao.

"What happened to her doc?" Tanong ko sa doctor habang hindi inaalis ang tingin sa babae na tinulungan namin kanina.

Hindi ko maiwasan ang magtaka sa inakto nito kanina ng malaman na nasa hospital ito it's like she's having a-

"Panic attack." Said the doctor

Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin sa doctor na nasa harapan ko. Katulad ko ay nakatingin din ito sa babae.,

'So tama ang hinala ko,' ani ko sa loob-loob ko.

"Paano nangyayari yun doc?" Curious na tanong ni Connor na kagaya ko ay seryosong nakatingin sa babaing kasalukuyan na natutulog ng mahimbing.

"Depende, pero kadalasan ay dahil sa trauma." Sa sinagot ng doctor ay napaisip ako.

'Are you traumatized?' Tanong ko sa isip ko

"Hindi naman siya mukhang traumatize." Said Connor na ngayon naman ay pinaglalaruan ang kulay abo nitong buhok.

"Hindi natin alam ang karanasan ng isang tao. Sige mag-rounds na muna ako pwede na siyang lumabas any moment na magising siya." Hindi na hinintay ng doctor ang sagot namin pagkatapos nitong mag-iwan ng malalim na salita ay umalis na ito at iniwan kami.

"Connor?" Pagtawag pansin ko sa kaibigan ko.

"Hmm?" Sagot nito

"Ayusin mo na ang bill natin, aalis na tayo." Utos ko dito.

Kumunot ang noo nito at nagtatakang tumingin.

"Paano siya?" Tanong nito habang nakaturo sa babae.

Napabuntong hininga ako.

"Dadalhin natin siya." Kaagad nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko pagkarinig sa sinabi ko. Hindi ito makapaniwala sa narinig.

"What!?" I exclaimed dahil sa mga titig nito.

"You're usually a terrible person, lahat ng employee mo takot sayo, even your parents. Simula ng naging CEO ka ng Jenkins Telecom Empire kinatakutan ka na. Remember the time you beat up someone because may nasabi itong masama kay Carina? Everyone feared you that time, so what's the change of heart, bakit gusto mong tulungan ang babaeng ito?"

"Ganon na ba ako kasama ha?" Sarkastikong tanong ko at ang loko humalakhak na parang wala kami sa hospital.

But what he said is true, masama akong tao kaya nakapagtataka na gusto kong iligtas ang babaeng ito.

"Hahaha, chill bro," depensa nito at nagtaas ng kamay.

"Let's go bago pa siya magising" pag-aaya ko dito.

Kaagad na kaming kumilos, mula sa pagbabayad ng bill hanggang sa maisakay namin ito sa kotse. Nakailang beses pa kaming nakipagpilitan sa mga nurses at doctor na i-discharge na kami hanggang sa pumayag na din ang mga ito pero ang kapalit nung pagpayag nila ay pag-signed ko ng waiver.

"Anong plano mo kapag nagising siya?" Napaisip ako sa tanong nito.

'ano nga ba?' Ng wala akong maisip ay nagkibit-balikat nalang ako.

"What about Carina?" Muli ay tanong nito.

"What about her?" Tanong ko pabalik.

"Kilala mo naman ang tao na yun kahit yata poste ang kasama mo pagseselosan."

Huminga ako ng malalim.

'carina is my ex-girlfriend and she's obsessed with me, until now kaya wala akong matinong relasyon dahil sa kanya, she always gets in the way.'

"Saka ko na po-problemahin si Carina, ang importante ngayon ay maidala na natin ito sa condo." Pagkasabi ko niyon ay pinaharurot ko na ang sasakyan pauwi sa tinutuluyan ko dito sa manila.

'Malaki kasi ang posibilidad na maulit yung nangyari kanina sa hospital.'

End of Someone pov

Sabina Pov.

"Nakita mo ba yung mukha ni Carina kanina? Hahaha she looks like she ate a whole lemon."

Naulinigan ko ang mahihinang boses na nag-uusap mula sa hindi kalayuan.

'nasaan ako?' sinamyo ko ang hangin at maluwag akong napahinga ng hindi amoy ng sterile place ang naamoy ko kundi pabango ng lalaki.

'lalaki?' napabalikwas ako ng bangon dahil sa napagtanto.

"Mabuti naman at gising ka na." Said a baritone yet relief tone of someone.

'is he the guy from earlier? Because I recognized his voice'

"Nasaan ako?" Tanong ko at nagsimulang kapain ang paligid at sarili. Muli akong napahinga ng maluwag dahil nakapa ko na may suot pa akong damit.

"Nandito ka sa condo ko, at bago ka magsalita. Bukas ka na namin ihahatid, pagod na kami at kailangan ng pahinga."

Napatigil ako sa tangkang pagsasalita dahil inunahan na ako nito sa mga gusto kong sabihin.

'am I that easy to read? Maybe'

"Pero kailangan ko ng umuwi!" Giit ko.

Dinig ko ang magkakasunod na pagpalatak.

"Ihahatid kita bukas ng umaga, I promised. Pagbigyan mo lang kami na makapagpahinga. We had a long day." Mahinahong paliwanag nito.

'I guess I don't have a choice.'

"Okay, pero saan ako matutulog?" Tanong ko. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang condo niya pero mainam ng sigurado.

"Dito sa tabi ko!" Seryosong sagot nito at halos manigas ako sa kinauupuan ko ng makaramdam ako ng presensya sa tabi ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Brenda Polido
pag ex ex na wala ng balikan depende nlng kong true love kau
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status