Share

Chapter 5 Moving in with the CEO?

Mahigpit ang kapit sa'kin ni Blake habang inaalalayan ako nito papunta sa kung saan.

"You're here!? Bilib na talaga ako sa'yo bro, wala ka talagang gusto na hindi mo nakuha," isang hindi makapaniwalang sigaw ang narinig ko. Sigaw na halos bumasag sa eardrums ko.

"Anong ginagawa ko dito Blake?" Seryosong sagot ko. Naramdaman ko ang paninigas ng kamay ni Blake na nasa beywang ko.

"Bro Blake, thank you for bringing her here," muli kong narinig ang cheery voice nito. Napangiwi ako pagkarinig sa pangalan na tinawag nito.

"Ano naman ang ginagawa mo dito Connor? Wala ka bang trabaho at lagi kang nandito?" Inis na tanong ko pero nandoon ang pagtataka kasi lagi itong kabuntot ni Blake.

"Kailangan ko pa bang magtrabaho? I'm rich and awesome." Proud na sagot nito. Kaagad nag-init ang ulo ko dahil sa naging sagot nito. "Nagpapatawa ka ba!?" Galit na bulyaw ko dito.

"Connor's a photographer and a bar owner." Monotonous na sagot ni Blake.

"Pwede ba kitang makausap Blake?" Walang emosyon na tanong ko.

"Later," tipid na sagot nito at inakay ako papunta sa sofa pero napahinto kami dahil sa pagbukas ng pinto.

"Sir Blake saan ko ilalagay itong mga damit na pinabili mo? Tanong ng estrangherong boses.

"Anong damit ang sinasabi nun Blake?" Nagtatakang tanong ko. Dinig ko ang magkakasunod na buntong hininga ni Blake

"Daniel, get out!" Blake's voice boomed around the four corner walls of this room.

Dinig ko ang pagpalatak ni Connor. Kumawala ako sa pagkakahawak ni Blake, naglakad ako habang kinakapa ang dinadaanan para makaiwas sa pagbangga.

"Damn!" Narinig ko ang malutong na mura mula kay Blake pero kasabay din niyon ay naramdaman ko na para akong lumulutang. Hanggang naramdaman ko ang malambot na bagay. It turns out na binuhat pala ako nito at ini-upo sa sofa. Lumundo ang sofa sa katabi ko. Kaya alam kong umupo ito sa tabi ko.

"Huwag mo na ulit gagawin ang bagay na iyon!" Galit na anas ko.

"What!?" Bulyaw nito.

"Hey!" Sigaw ni Connor at nakarinig ako ng mabilis na yabag.

"Lumabas ka muna Connor," utos ko dito na kaagad nitong tinutulan. "No way!"

"Ge-!" I was about to shout when I heard a deep sigh and footsteps na papalayo sa amin.

Pinalipas ko muna ang ilang segundo bago ako nagsalita. "Bakit mo ginawa iyon?"

"What did I do?" Mahinahong tanong nito na animo'y hindi nito alam ang sinabi ko.

"Huwag kang umakto na parang hindi mo alam ang ginawa mo!" Galit na bulyaw ko dito. Dama ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa inis pero hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayong nakaupo ako sa tabi nito.

"Wala akong alam na ginawa kong masama!" Mas malakas na ganting bulyaw nito.

Nag-init ang sulok ng mata ko dahil sa ginawa nitong pagsigaw.

"Huwag mo akong sigawan!" Tuluyan na akong napaluha. Mababaw lang ang luha ko kaya yung mga simpleng bagay kagaya ng pagsigaw ay naiiyak na ako. Tumayo ako at balak na sanang umalis dahil mukhang hindi kami makakapag-usap ng matino. Pero napahinto ako ng mahigpit ako nitong hinawakan at naramdaman ko nalang ulit ang sarili ko na nakaupo pero this time hindi na sa sofa kundi sa kandungan nito. Paano ko nalaman? Iba kasi ang lambot ng sofa sa inuupuan ko ngayon.

"Sorry kung ginawa ko iyon. Hindi ko lang talaga kaya na sinasaktan ka nila," mahinahong ani nito at naramdaman ko ang kamay nito na unti-unti ng gumagapang sa baywang ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko, malakas ang kabog ng dibdib ko habang pinapakiramdaman ko ang kamay nito sa baywang ko.

"Hugging you?" kakaiba ang tono ng boses nito ngayon. It was low and husky.

"Salamat sa tulong mo, pero hindi pwede na manatili ako dito." Sambit ko. Unti-unti kong naramdaman ang pagkalas ng mga kamay nito sa'kin. I was disappointed sa ginawa nitong aksiyon.

'what the hell is happening to me?' tanong ko sa isip ko.

"Ano ba ang problema mo? Ikaw na nga ang tinulungan ganyan ka pa." He asked annoyingly.

Nagbuntong hininga ako bago nagsalita, "hindi mo naiintindihan."

"Ipaliwanag mo sa'kin para maintindihan ko," sambit nito at muling ibinalik ang mga kamay sa pagkakayakap sa'kin.

"Mommy ko yun, kaya naman naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit nito." Napalatak ito pagkarinig sa sinabi ko, kaya naman napanguso nalang ako.

"Don't pout, or I will kiss you," banta nito.

Mabilis kong inalis ang pagkakanguso ko dahil baka totohanin nito ang banta tungkol sa paghalik sa'kin.

"You're so cute," mahinang bulong nito at naramdaman ko ang kamay na humawak sa pisngi ko. Amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"A-Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko. Mas dumoble ang kabog ng dibdib ko lalo na ng maramdaman ko ang ilong nito sa ilong ko.

He's just inches away from my face.

"I'm going to kiss you," bulong nito. Pumikit ako at hinintay ang paglapat ng labi nito sa labi ko pero hindi iyon nangyari dahil nung malapit ng maglapat ang mga labi namin ay biglang tumunog ang cellphone nito.

"Fuck!" Mura nito at naramdaman ko na kinukuha nito ang cellphone sa bulsa. Tatayo na sana ako sa pagkaka-kandong dito para madali nitong makuha ang cellphone pero hindi ako nito hinayaang makaalis kaya naman hinayaan ko nalang ito.

"Hello," seryosong bati nito sa kausap sa cellphone.

Hinintay ko ang sagot nung nasa kabilang linya, dahil sa magkalapit lang kami ay umaasa ako na maririnig ko ng maayos ang sagot nito but I was wrong, because all I heard was mappled voices na parang galit.

"What the fuck do you want from me!?" Galit na sigaw nito. Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil ngayon ko lang narinig na galit ito. Mukhang napansin nito ang paninigas ko kasi narinig ko ang buntong hininga nito at naramdaman ko din ang pag-loose ng yakap nito. Sinamantala ko iyon para makaalis sa kandungan nito. Hindi naman ako nito pinigilan.

"Annika, stop calling me." May pinalidad na sambit nito.

'Annika?' tanong ng kabilang bahagi ng isip ko. Sino kaya iyon at bakit galit na galit si Blake?

Lumipas ang mahabang oras na walang nagsasalita, siguro ay tapos na ang pag-uusap ni Blake at nung Annika. Kaya naman naisipan ko na magtanong. "Sino si Annika?"

"No one, wait for me here. May tatawagan lang ako," sambit nito na tinanguan ko. Tahimik lang akong umupo sa sofa ng biglang bumukas ang pinto at nadinig ko ang child-like voice ni Connor. "Tapos na LQ niyo?"

"Sino si Annika?" Tanong ko dito. Pero imbes na sagot ay magkakasunod na mura ang narinig ko.

Blake's point of view

Pagkapasok ko sa kwarto ay pinagsusuntok ko ang dingding ng kwarto ko. Hearing Annika's voice after a long time makes me furious. Kaya naman pinagbalingan ko ang dingding ng kwarto ko hindi ko ito tinigilan hanggang sa hindi ko nararamdaman ang sakit.

'Annika's my wife, I know what you're thinking and the answer is no, I filed a devorce a long time ago pero hanggang ngayon ay hindi pa din nito pinipirmahan ang bagay na iyon. One thing I hate about Annika is she's so hard-headed and persistent. Kaya naman nagulat ako at nainis ng tumawag ito ngayon kasi sa loob ng limang taon ay hindi ito tumawag or nagparamdam manlang, so why now?

Balak ko pa sanang suntukin ang dingding for the last time ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa kamang pinag-hagisan ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita ko na ang secretary ko iyon ay kaagad kong sinagot.

"Good afternoon Mr. Jenkins!" Bungad na bati nito.

"What is it, Philippe?" Tanong ko dito. Nagsimula na akong tanggalin ang damit ko para maligo habang hinintay ko ang sasabihin nito.

"May mga papeles po kayo na hindi pa napipirmahan at pinapasabi din po ni Ma'am Aurora na pumunta daw po kayo ngayon sa opisina." Mahabang sagot nito gamit ang kinakabahang boses.

Aurora Lauren-Jenkins is my mother she's one hell of an annoying woman pero isang bagay ang gustong-gusto ko dito at iyon ay ang pagmamahal nito para sa'min kahit na matigas ang ulo namin ni Daddy. She used to be the COO of our company pero nag-retired na ito kasi sabi nito ay deserve na niyang magpahinga sa kakatrabaho kasi matanda naman na daw kami.

"I'll be there in a minute." I hanged up the phone and threw it on my bed at ipinagpatuloy ko ang pag-aalis ng damit at dumiretso na ako kaagad sa banyo para maligo.

Habang naliligo ay pumapasok sa isip ko ang maamong mukha ni Sabina habang nakapikit waiting patiently for my kiss. "Fuck!" I felt hard all of a sudden. Mas nilakasan ko ang shower at nagpunta ako sa ilalim nun para mawala ang kung anomang init ang naramdaman ko.

After a good 30 minutes shower ay lumabas na ako ng banyo at mabilis na kumilos para magbihis. Ng matapos ako sa pag-aayos ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa sala kung saan inabutan ko si Sabina at si Connor na nag-uusap.

'kailan pa naging close ang dalawang ito?' tanong ko sa isipan ko. 'must be the lukso ng dugo.' sagot naman ng kabilang bahagi ng isip ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Connor pagkakita sa'kin na bihis na bihis.

"Office pinapatawag daw ako ni Mommy." Sagot ko habang seryosong binabaybay ng tingin ang kamay nitong nakahawak sa braso ni Sabina. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ako na gusto kong manakit. Mukha namang napansin ni Connor ang mga titig ko dahil mabilis nitong inalis ang kamay sa braso ni Sabina.

"Sama kami!" Malakas sabi ni Connor. Tututol pa sana ako pero huli na dahil sinabihan na nito si Sabina. "Halika na Sabina, sama tayo kay Blake, maraming pagkain dun."

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o, matatawa dahil sa naging dahilan ni Connor pero lihim akong nagpapasalamat kay Connor dahil kita ko ang pagpayag ni Sabina sa gusto nitong mangyari.

Sabay-sabay kaming lumabas ng condo at sumakay ng kotse, ako ang nag-drive at nasa passenger seat si Connor habang nasa likod si Sabina. Maya't-maya kong nahuhuli ang sarili ko na tumitingin sa salamin para makita kung maayos lang ba ito. Mukha naman na maayos ito dahil nakabaling lang ito sa labas ng sasakyan.

Nang mag-red ang traffic light ay itinigil ko ang sasakyan at dun na din ako nakahanap ng tiyempo para magtanong dito. "Anong tinitignan mo?" It was a dumb question at huli ko ng narealize iyon. Connor smacked my arms and mouth an idiot word. Inambaan ko ito ng suntok at masamang tinitigan bago binalingan muli si Sabina.

"Sunset, kami ni Daddy lagi namin pinapanood ang sunset." Sagot nito. Her voice is full of sadness.

Nagtinginan kami ni Connor pero wala kaming sinabi. Nung nag-turn green na ang color ng traffic light ay pinasibad ko na ang kotse.

After 30 minutes drive ay narating namin ang building na pinagta-trabahuhan ko. I parked my car at sabay-sabay na kaming umakyat.

Sa unang palapag palang ay madami na ang gumigilid at yumuyuko para padaanin kami.

"Good morning Mr. Jenkins."

"Good morning Sir Connor."

Connor is a regular here at ang dahilan ng pagpunta niya dito ay dahil sa pagkain. Marami kasing stock ng foods sa pantry kaya naman lagi itong nanduon para kumain.

"Sino yung babae na kasama nila?" Dinig ko ang mahinang tanong ng isa sa mga empleyado ko.

"Ang pangit niya, at mukha pang may kapansanan," sagot naman ng isang empleyado na mukhang kaibigan nito.

"What did you say!?" Huminto ako at galit na nagtanong. Ang ayoko sa lahat ay yung mga tao na nag-uusap behind my back.

"W-Wala po s-sir b-blake!" Namumutla at nauutal na sagot nito. Mas lalo lang nag-init ang ulo ko kaya naman bago ko pa napigilan ang sarili ko ay, "You two? You're fired!"

Umiiyak na tumakbo palabas ng building ang dalawang babae. Takot na tumingin ang mga natirang empleyado sa'kin habang may halong inis naman na tumingin ang mga ito sa gawi ni Sabina.

"It's already first month of the year, may sinisante ka na kaagad," I heaved a deep sigh pagkarinig sa boses ni Mommy.

"They're useless!" Inis na sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nilagpasan ko si Mommy para magtungo sa elevator, pero alam ko naman na nakasunod ito sa'kin dahil dinig ko ang tunog ng heels nito.

"Tita, how are you?" Dinig kong tanong ni Connor nang makasakay kami sa elevator.

"I'm good Connor, and buti ka pa naalala mo akong kumustahin, samantalang itong anak ko, ni ha ni ho wala." Nagtatampong sagot nito at nagawa pa talagang ngumuso.

"Mom, that's gross!" Nandidiring singhal ko dito. Napatigil kami sa pagbabangayan ng may mahinang tawa kaming narinig. Tumingin ako sa pinanggalingan nun at nakita ko si Sabina.

"Oh my god, you're so gorgeous." My mom exclaimed at kaagad na inatake ng yakap si Sabina.

Because Sabina can't see anything so my mom's action affect her balance, kaya naman muntik na ang mga itong tumumba. Mabuti nalang at napigilan ko na mangyari ang bagay na iyon.

"Mom be careful naman!" Giit ko.

My mom is really sorry, pero sobrang bait ni Sabina kaya puro okay lang po ang narinig namin dito.

Mom mouthed me the word lucky. At hindi ko itatanggi iyon.

Bumukas ang elevator at handa na sana kaming lumabas ng may hindi inaasahang tao ang tumambad sa'min.

"Wow, what a lovely scene!" Ani nito na puno ng sarkasmo ang boses.

What is with this girl? Ang lakas ng amoy." I said to myself while scrunching my nose in disgusts and I felt like my lungs is on fire.

"A-Ate Sam?" Tanong ni Sabina. Kita ko ang panginginig ng kamay ni Sabina pagkarinig sa halakhak ng Ate nito.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Mylah GereƱa
bakit sumulpot si sam? haha
goodnovel comment avatar
LichtAyuzawa
ui thank you po ang bilis ninyo po grabi nahihirapan pa utak ko sa pag-update
goodnovel comment avatar
Brenda Polido
bigLA bigla susulpot tong sam nato hehehe thank u miss. A
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status