Share

Chapter 6 Samantha's Move

Blake's point of view

"Hahaha, shock? Hindi mo naman siguro inisip na ikaw lang ang may kakayahan na gumamit ng connections, right? Mr. Jenkins?" I can hear a mock in her voice. I gritted my teeth controlling my patience.

"Who the hell are you? And what are you doing inside my company building!?" Mom snarled. This is the first time I saw my mom this mad at someone.

"I have nothing to do with you old hag! Ang kailangan ko ay ang walang kwenta kong kapatid na iniwan ang mommy namin na umiiyak at nagmamakaawa sa'kin na iuwi siya." Sigaw nito kay Mommy. Napatanga si Mommy dahil sa itinawag nito sa kanya pero maya maya lang ay tumalim na ang tingin ni Mommy at handa na itong manakit.

"What did you just call me!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy.

"I'm so sorry sa attitude ko, it's just that I hate seeing my mom weeping and blaming herself kung bakit umalis ang kapatid ko. It pains me." Mahabang litanya nito habang lumuluha.

Napatingin ako sa mukha ng kapatid ni Sabina at kita ko ang luha sa mga mata nito at ang malungkot nitong mukha, pero iba ang ipinahihiwatig ng mga tingin nito puno ito ng galit at suklam.

"Ate, I'm sorry," Sabina apologize and began weeping. I grab her hands pero napahinto ako dahil winaksi nito iyon at umiiyak na tumakbo sa kapatid kahit na hindi nito alam kung saan pupuntahan ang kapatid. Nakita ko kung paano salubungin ng yakap ni Samantha ang nakababatang kapatid. Napahinga ako ng maluwag dahil sa nasaksihan.

End of Blake's point of view

Sabina point of view

"A-Ate I'm so so sorry." Umiiyak na hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Ate Samantha.

"You little bitch, kinakati ka na ba at iniwan mo si Mommy para sumama sa lalaking ito?" Puno ng sarkasmong tanong nito na ikinabigla ko. Sa pagkabigla ay napabitaw ako sa pagkakayakap ko dito at balak na sanang humiwalay pero hindi natuloy ang plano ko dahil sa mahigpit na yakap ni ate Samantha.

"Gusto kong durugin ang bawat buto na mayroon ka dahil namumuhi ako sa'yo." Puno ng galit na bulong nito malapit sa tainga ko.

Palihim akong napangiwi dahil sa sakit pero hindi ako makapagsalita dahil sa pagbabanta ni Ate. "Huwag kang gagawa ng eskandalo dito dahil malilintikan ka sa'kin kapag ginawa mo iyon."

"Oh my god Sabina, I missed you so much, please go back to us." Pagpalahaw ni Ate. I heard a loud gasp from someone.

"Anong ginagawa mo ate?" Nagtatakang tanong ko dahil kumalas ito sa'kin. Nagsimulang magbulungan ang mga tao habang ako dito ay hindi alam ang ire-react kaya naman ay kinapa-kapa ko ito pero hindi ko ito mahawakan. "A-Ate?" Kinakabahang tawag ko.

Nagsimula na din magbulungan ang mga tao sa paligid namin. "Ang ganda niya bakit siya nakaluhod?" Tanong ng pinakamalapit sa pwesto namin.

"Oo nga eh, ano ba yan hindi manlang maawa sa kapatid." Sambit naman ng isa pa.

"Siya na nga itong naglayas, siya pa ang may gana na paluhurin ang kapatid niya? What a shame!" Puno ng pang-iinsulto na ani ng isang babae.

Nangingilid na ang luha ko dahil sa mga sinasabi ng tao. Pilit na hinanap ko si Ate, ng hindi ko ito mahanap ay lumuhod na ako at doon ay nagtama ang mga tuhod namin na naging dahilan ng pagbagsak ko.

"Sabina!" Dinig kong sigaw nito at mabilis akong inalalayan paupo. Nadinig ko din ang mga mabilis na yabag papunta sa amin.

"Okay ka lang ba Sabina?" Nag-aalalang tanong ni Blake.

"You! Anong ginawa mo sa kanya!?" Galit na tanong ni Connor.

"Wala akong ginawa!" Giit ni ate.

"Anong wala? Nakita ko na tinulak mo siya." Pambibintang ni Connor.

Para hindi na lumala pa ang sitwasyon ay pumagitna na ako, "wala siyang ginawa Connor. Halika na ate umuwi na tayo."

"Sabina, huwag kang umalis! Blake do something!"

Tumalikod na kami at kahit nagsisisigaw na si Connor ay hindi ko ito pinansin. But deep inside me, I want Blake to stop me from leaving.

"Umaasa ka ba na pipigilan ka niya? Heh" sarkastikong tanong ni Ate Samantha.

Huminto ako sa paglalakad pagkarinig ko sa sinabi ng nakatatanda kong kapatid, "bakit Ate, bakit galit na galit ka sa'kin, kayo ni Mommy? Ano bang ginawa ko sa inyo para magalit kayo ng ganito?" Malungkot na tanong ko.

"Galit? Galit is understatement, kinamumuhian kita, kinamumuhian ko ang lahat ng mayroon ka!" Dama ko ang pinaghalong galit at sakit sa tinig ni ate.

Magkakasunod na tumulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.

"Bakit mo kinamumuhian ang lahat ng mayroon ako, hindi ka pa ba masaya na kumpleto ka? Para kay Mommy ikaw lang ang mahalaga, samantalang ako? Wala, walang wala ako kumpara sa iyo, tapos ako pa itong kamumuhian mo?" Lumuluhang tanong ko.

"K-Kasi dahil sa'yo kinalimutan ako ng sarili kong ama, dahil sa'yo kinalimutan niya na may isa pa siyang anak na kailangan din ng kalinga niya!" Parang may punyal na tumarak sa puso ko pagkarinig sa sinabi ni ate. Hindi ko kailanman naisip na nasasaktan na pala siya. Mga bata palang kami ni Ate alam ko, na malapit ako kay Daddy pero hindi ko kailanman naisip na magka-iba ang trato nito sa'min magkapatid, dahil Dad is fair , he loves us fairly.

"Bakit ako yung dapat na mag-suffer?" Tanong ko dahil napaka unreasonable na ako yung sisisihin sa nangyari sa kanya.

"Because you are nothing but a hindrance, kaya huwag ka ng umasa na may magliligtas sa'yo dahil walang gagawa noon." Maarteng sagot nito at hinawakan ng mahigpit ang braso ko at saka ako hinila palabas ng building.

"Aray ate nasasaktan ako, aray!" Sigaw ko habang pilit na inaalis ang mahigpit nitong pagkakahawak.

"Masasaktan ka talaga kapag hindi ka lumayo sa mga tao na iyon." Gigil na anas nito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Parang makakalas ang buto ko sa sobrang sakit, sigurado ako na magkakaroon ito ng pasa kinabukasan.

"Lumayo? Hindi ako ang lumalapit kundi sila at ililigtas ako ni Blake mula sa inyo." Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa'kin para masambit ang pangalan ni Blake.

Upon hearing Blake's name tumawa na parang baliw si Ate Samantha, "hahaha!"

Dahil sa pagtawa nito ay nalanghap ko ang hangin na nagmumula sa bibig nito, at halos masuka ako dahil doon. 'Ugh this girl is seriously has a hygienic problem!' Anas ko sa isip ko.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko!?" Pikon na tanong ko dito.

"You are so pathetic, umaasa ka talaga na ililigtas ka niya? Kawawa ka naman, hindi ka niya ililigtas dahil wala lang kwenta." Nang-aasar na turan nito.

"Hindi totoo ang sinasabi mo, babalikan niya ako at kukunin niya ako mula sa inyo." Buong kumpiyansa kong sambit. At muli na naman itong tumawa ng malakas.

"You little dimwit, hindi ka niya babalikan." Her voice is full of confidence, somehow nawawasak nun ang kumpiyansa ko.

"Anong proof mo na hindi niya ako babalikan!?" Buong tapang na hamon ko dito. Pero mali pala ako dahil what she said next break me into tiny little pieces. "Do you want to know who ravished me last night?" Tanong nito sa nang-aasar na tono. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa susunod na sasabihin nito, "Blake." Bulong nito. Umugong ito sa pandinig ko, para akong nabingi dahil sa nadinig ko.

Magkakasunod akong umiling, "you're a liar!" Pang-aakusa ko dito at kapit nun ay malakas na sampal ang natanggap ko. Pak!

"I'm not a liar, if you want hear it yourself." Sambit nito. Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan bago ko narinig ang mga ungol na pumuno sa tainga ko.

'ohh Sam you're so good.'

'ohh god hon, do me more...ahh'

Para akong mababaliw habang nakikinig sa mga ungol. Hindi ito totoo... Magkakasunod na tumulo ang luha ko habang naririnig ko ang mga ungol.

"Hindi...nagsisinungaling ka lang hindi si Blake yan!" Pilit kong itinatanggi kahit na boses na boses ni Blake ang narinig kong ungol.

"Really? You're so pathetic, dinig na dinig mo naman ang boses niya diba? Alam mo ba na halos magdamag namin ginawa ang bagay na iyon, he is so insatiable." Ani ni Ate Samantha.

"Ang landi mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko nasigawan ito.

Pak! Isang sampal pa muli ang naramdaman ko at galit na boses ni Ate ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

"Layuan mo siya, because he's mine and mine alone!"

Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
ماريا ماريا ماريا
unlock please
goodnovel comment avatar
LichtAyuzawa
may mga ads po para makapagbasa kayo gusto ko din po na i-unlock pero kakatapos lang po kasi mag free nito
goodnovel comment avatar
ماريا ماريا ماريا
please Alison n ung Lock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status