Share

CHAPTER 6

Author: Araxxcles
last update Last Updated: 2025-08-03 22:28:36

Mira’s POV

Buong gabi ko inulit-ulit basahin ang acceptance email, kalahating kumbinsido na baka nagkamali lang sila o isa itong malaking prank, pero totoo nga at magsisimula na agad ako bukas. Ayos, thank you lord.

At bago ko pa ma-off ang aking phone ay biglang lumitaw ang sunod-sunod na notification ng Messenger. Mula nang naparito ako sa Manila, hindi ko binubuksan ang app na 'to. Ayoko na muna makipag-communicate sa pamilya ko dahil sobrang need ko ng peace of mind para maghanap ng trabaho.

Pero ngayon, dahil tanggap na ako, siguro oras na para mag-reply at kamustahin sila.

Pagbukas ko pa lang, bumungad sa akin ang daan-daang mensahe. Puro galing sa pamilya ko.

Unang tiningnan ko ang messages ni Tita Brenda, ‘yung tumulong sa akin sa high school. ‘Mira, kamusta ka na? May ipapagawa sana ako sa bahay, baka pwedeng humingi ng konting tulong? Balita ko nakahanap ka na ng trabaho sa Manila. Padala ka naman dito.’

Ang sabi ko lang naman ay maghahanap pa lang ako ng trabaho at nag-expect nga sa na may stable job na agad ako, ibang klase talaga.

Kasunod non, ang message ni Tita Marites, ang nagpaaral sa akin sa senior high. ‘Mira, may sakit ang bunso ko. Baka may extrang pera ka dyan, pambili lang ng gamot. Salamat pamangkin.’

Sunod naman ang message ni Kuya. ‘Mag-i-start na ang bigasan na negosyo namin ni Ate Flor mo. Makakapadala ka ba ng kaunting puhunan? Pandagdag lang… ‘

At ang message naman ng Ate ko. ‘Mira, malapit na ang pasukan ng mga bata. Baka may pambili ka ng pang school supplies nila, sila mama nag-aalala na sayo, kamusta ka na ba dyan?’

Tiningnan ko rin ang mga message ng mga pinsan ko, na puro humihingi ng tulong o ‘di kaya ay nagtatanong kung kailan ang regalo nila. Isa pa si ninang Mylene nangungulit din.

Oo, alam kong mahirap ang buhay lalo na don sa probinsya namin pero nakakawalang gana naman ‘to.

Nagsimula akong mag-reply. Sinabi ko sa kanila na kaka-start ko pa lang at mag-chachat lang ako ulit kung may stable na trabaho na ako at sweldo. Ayokong magbigay ng false hope at syempre hindi naman ako tanga para unahin sila lahat, paano naman ako? Inis pa rin ang puro nararamdaman ko sa sitwasyon kong ‘to.

Pero mas kailangan kong lakasan ang loob ko. Ito na ang chance ko. Ang tanging paraan para matapos na ang pagkakaroon ng utang na loob at para sa peace of mind ko. Kahit alam kong very competitive ang kumpanya at wala pa akong experience, kailangan kong lumaban at kapalan na lang ang mukha kahit magmukha pa akong engot.

***

Habang naglalakad ako papasok sa building, heto ako, nakatayo sa lobby ng ERX Solutions na may pagkamangha.

Ang ganda ng lobby. May high-ceiling, marble floors, at isang malaking digital screen na nagpapakita ng mga accomplishments ng ERX. Lahat ay makintab, high-tech, at sobrang mahal tingnan. Parang nasa movie ako ng mga Billionaire.

“Good morning,” sabi ko sa receptionist. “I’m Mira Dela Cruz, a new hire. First day ko po.”

Ngumiti sa akin ang receptionist, isang mabait na babae. “Welcome to ERX Solutions, Mira. Please proceed to the 35th floor. Someone will meet you there to assist you with your onboarding.”

Habang nagsasara ang elevator, huminga ako nang malalim. Okay, Mira. Ito na ‘yon. First day mo ito, kapalan lang ang face.

Pero lalong lumakas ang kaba ko nang bumukas ang elevator at may isang babaeng naghihintay sa akin. May hawak siyang tablet at may propesyonal na ngiti. “Hi, Mira Dela Cruz. Once again I’m Mae, the administrative assistant. Please come with me, the CEO is expecting you.”

Napakunot ang noo ko. Ang CEO? Bakit niya ako kailangan makita sa first day ko? Entry-level fresh grad lang ako.

Sumunod na lamang ako hindi pa kami nakakalapit sa dulo nang makita ko ang pinto ng opisina ni Ethan dahil sa nakasukat — ETHAN ALEXANDER REYES, CEO.

Made of glass ito at may lights ang bawat letra. Parang touch screen lang na akala mo ay pwedeng mag-scroll.

Dahan-dahang kumatok si Ma'am Mae at binuksan ang pinto para sa akin. “Sir, good morning. Mira is here.”

Pumasok na nga ako, at parang tumigil ang oras. Ang opisina ng CEO ay hindi lang isang opisina. Mula sa high ceiling hanggang sa floor, glass walls ang buong paligid, na nagbibigay ng 360-degree view ng buildings at city sa baba. Ang desk naman niya ay isang malaki at matibay na gawa sa wood. Sa likod nito, may malaking bookshelf na puno ng mga libro at awards. May isang malambot na leather couch sa isang sulok, at may maliit na bilog na mesa na may dalawang silya.

Gusto ko rin ng ganito, feel ko kahit dito ako tumira sa office niya ng ilang taon ay hinding-hindi magsasawa sa sobrang elegante at minimalist na design.

Nakaupo siya sa kanyang swivel chair, nakatalikod sa akin habang nakatingin sa labas.

Nang marinig niya ang mga hakbang ko papalapit ay dahan-dahan siyang lumingon. At sa isang iglap, bumalik ang parehong tensyon na naramdaman ko sa kaniya. Nagtama ang mga seryoso niyang mata sa akin, at may maliit mapanuksong ngiti sa kanyang labi.

Naka-formal suit siya, dark navy blue na coat at white inner na polo at dark navy blue rin na pants.

“Have a seat, Miss Dela Cruz,” sabi niya, sinisenyasan ako na umupo sa upuan sa harap ng kanyang napakalaking desk.

Umupo ako at mahigpit ang hawak ko sa bag ko. “Good morning, sir.” awkward na mahinang pagkasabi ko.

“Good morning too,” sagot niya. “I assume you’re wondering why I asked to see you on your first day.”

Tumango ako biglang sagot. “Don’t worry,” patuloy niya, habang mas lumapit siya sa mesa. “This isn’t an interrogation. I just wanted to assess you personally before you officially start. I have a limited time so I surely set a different time for that, anyway, let’s have a talk.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Seryoso ba siya? Isa pang assessment? Hindi ba sapat na ang ginawa namin sa interview? Napansin ko ang isang folder sa ibabaw ng kanyang desk, ito ay ang resume ko.

“I’ve read your resume, of course,” sabi niya, habang hinawakan ang folder. “And I’ve seen your potential. But I’m also aware of the situation. Alam ko na may mga concerns ang HR at ang ibang panel members.”

“Concerns?” tanong ko, ang boses ko ay halos pabulong na lang.

“Yes. Na fresh graduate ka. Na kulang ka sa experience. Na isa kang unknown commodity sa isang kumpanya na nagpapahalaga sa proven talent,” paliwanag niya, ang mga mata niya ay hindi inaalis sa akin. “But I see something else. I see a fire in you, a determination that’s hard to find.”

Napakagat ako ng labi. “Sir, I just want to work. I’m willing to learn, I’m willing to do everything it takes. I just need this job.”

Tumayo siya at lumapit sa glass wall, nakatalikod sa akin. “I know you need this. And I'm willing to give it to you. Pero may kaakibat na deal 'yan, Miss Dela Cruz.”

Napakunot ang noo ko.

Humarap siya sa akin. “Hindi ka na pwedeng mag-apply sa ibang company. Hindi ka na hahanap ng ibang trabaho. You will stay here, with us. As long as the company is still open and working for how many years you'll be here. I’ll make sure of it.”

Wait, seryoso ba’ to? Bakit siya masyadong mapilit na para bang tini-threat niya ako. And pwede niya namang sabihing required na full time job ito pero yes I know, iba ang mini-mean niya.

Pero hindi ko naman planong mag trabaho ng buong buhay ko, kailangan ko lang ng mga 5 years na stable job para makapag-ipon din pero depende pa rin yon kung anong klaseng workplace ang meron sa isang company. Syempre mag-re-resign ako pag toxic ang environment.

“Sir, with all due respect, I don't think that's a fair deal,” sabi ko, sa wakas ay nakahanap ako ng lakas ng loob. “Hindi ko pa nga alam kung ano ang ita-trabaho ko. Hindi pa ako nag-uumpisa at wala pa akong alam kung paano ang culture nyo rito. Ganyan ba talaga ang requirements niyo?”

Tumawa lang siya, isang malalim na tunog na nagpatindig sa balahibo ko. “I am just making you an offer that you can’t refuse.”

Napakagat ako ng labi, nakaramdam ng pagka-frustrate. “Offer? Kaya ko mag-refuse at magre-refuse ako. Your offer is not fair and base sa ugali niyo sir at sa pagkakilala ko sa inyo mas gugustuhin ko na lang mag-quit ngayon mismo.”

Tumigil siya at parang nanlaki ang kanyang mga mata, na parang hindi niya in-expect ang sagot ko. Pagkatapos, isang mabagal na ngiti ang lumabas sa kanyang mukha. “Imp-pressive. You really are something else.” Bumalik siya sa desk niya, kumuha ng isang checkbook at nagsimulang magsulat.

“I’ll match whatever the other companies offer, even higher—just say yes. I need someone like you here, Miss Mira Dela Cruz.” sabi niya at inilipat ang check sa ibabaw ng mesa patungo sa akin.

Napakagat ako sa labi. Hindi ko in-expect ito. Hindi ko in-expect na ang bastos at manyakis na lalaki ng ito ay magiging ganito, na parang nagmamakaawa na mag-stay ako sa kumpanya niya. Pero ang totoo ay pinapakita ko lang rin na hindi ako desperada pero sobrang kailangan ko ang trabaho na’to.

Tiningnan ko ang check. Ang halaga ay halos hindi kapani-paniwala. Mas malaki pa ito kaysa sa kung ano ang kikitain ko sa kalahating taon sa karamihan ng mga entry-level na trabaho. Pero kailangan kong tanggapin 'to. Pera na’ to syempre.

I looked at his sincere face. For a moment, I saw not the arrogant CEO who had insulted me in the park, but a man who was genuinely offering me a lifeline. He was giving me an opportunity to succeed, not just to survive.

He was giving me a gentle offer. The kind of offer that could change my life for sure.

Humugot ako ng malalim na hininga, at dahan-dahan, kinuha ko ang check.

“Okay,” sabi ko, medyo nanginginig ang boses ko. “Okay, Sir. I’ll stay no matter what happens pero sa isang kondisyon.”

Tinaas niya ang kanyang kilay, may bakas ng ngiti sa kanyang mukha. “At ano ‘yon?”

“You’re still the creepy guy from the park, and I'm not going to forget that easily. So of course hindi ko papalampasin kung sakaling babastusin niyo ako ulit.”

Natawa lang siya, isang malakas at masayang tawa na pumuno sa buong silid.

“Deal. Welcome to ERX, Miss Dela Cruz. And welcome to the first day of your new life.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)    CHAPTER 6

    Mira’s POV Buong gabi ko inulit-ulit basahin ang acceptance email, kalahating kumbinsido na baka nagkamali lang sila o isa itong malaking prank, pero totoo nga at magsisimula na agad ako bukas. Ayos, thank you lord. At bago ko pa ma-off ang aking phone ay biglang lumitaw ang sunod-sunod na notification ng Messenger. Mula nang naparito ako sa Manila, hindi ko binubuksan ang app na 'to. Ayoko na muna makipag-communicate sa pamilya ko dahil sobrang need ko ng peace of mind para maghanap ng trabaho. Pero ngayon, dahil tanggap na ako, siguro oras na para mag-reply at kamustahin sila. Pagbukas ko pa lang, bumungad sa akin ang daan-daang mensahe. Puro galing sa pamilya ko. Unang tiningnan ko ang messages ni Tita Brenda, ‘yung tumulong sa akin sa high school. ‘Mira, kamusta ka na? May ipapagawa sana ako sa bahay, baka pwedeng humingi ng konting tulong? Balita ko nakahanap ka na ng trabaho sa Manila. Padala ka naman dito.’ Ang sabi ko lang naman ay maghahanap pa lang ako ng trabaho at n

  • The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)    CHAPTER 5

    Mira’s POVHabang lumalabas ako sa room at naglalakad sa elevator, ang boses ni Ethan Alexander Reyes ay patuloy na umaalingawngaw sa aking isipan.Goodjob.Kindat.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Ang lalaking pinaghinalaan kong may sapak sa utak, manyakis at bastos ay ang CEO ng kumpanya. At ang mas nakakainis, umakto siya na parang walang nangyari sa pagitan namin.Ano ‘yon bigla niya na lang kinalimutan ang pambabastos sa akin at mukhang may balak pa talaga siyang dagdagan iyon dahil sa pa-kindat niya.Naalala ko rin ang tingin ni Ms. Lailanie. 'Yung pag-irap niya at ang tono ng boses niya. Hindi siya natutuwa sa akin. Bakit? May nasabi ba akong mali? O baka sadyang hindi lang siya sang-ayon sa mga sagot ko? Pero kung gayon, bakit ako ang pinili nila? O mas tamang tanong, bakit ako ang pinili ni Ethan?Nasa isip ko pa rin ang mga kaganapan hanggang sa makauwi ako sa bahay. Agad akong kinamusta ni Aling Nida at tuwang-tuwa nga siy

  • The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)    CHAPTER 4

    Mira Dela Cruz’s Point of ViewNang magsalita siya ay mas nakilala ko ang pamilyar na boses, siya nga. Hindi ako makagalaw. Gusto kong tumayo, lumabas, sumigaw at magtanong kung anong ginagawa niya rito, pero ang obvious naman na parte siya ng kumpanya na ito dahil nandito sya sa harap ko. Inayos ko ang upo ko at nagpapakakalma, habang ang lalaking pinaghinalaan kong stalker, manyakis at creepy ‘ay biglang naging parte ng panel? Wow, ang small world naman.’ “I am Ethan Alexander Reyes, the Ceo of ERX Solutions.” Napakurap na lang ako sa sinabi niya, okay so CEO pala sya. Halata naman sa kaniyang tindig na may posisyon sya at syempre isa sya sa mga panel sa interview walang duda hindi nga siya isang ordinary stranger lang. Tumango ako bilang sagot sa pagkakilala niya kahit ang utak ko ay parang gumugulong sa bilis ng takbo.Hindi ako sigurado kung ano ‘to—fate ba ‘to? O karma? Kung karma ‘to dahil sa mga nasabi kong hindi maganda sa kaniya ay hindi naman ata pwede, baka siya ang k

  • The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)    CHAPTER 3

    Ethan Alexander Reyes Point of ViewI woke up earlier than usual. I still had Mira on my mind.I threw on a plain shirt, dark jeans, and old sneakers. No fancy cologne. No flashy watch. I didn’t want to scare her off again. Didn’t even know what I’d say—just knew I had to try.I drove to her street, parked secretly two corners away. Leaned against my hood, pretending to scroll my phone.At exactly 7:48 AM, the gate open.I saw her. Mira stepped out, same envelope in hand. Simple blouse, black skirt, hair neatly tied back. Her posture was straight and her eyes focused.She looked like a woman who had no time to waste.For a second, I saw myself in her back when I was just starting out. Hungry and determined. Building everything from scratch. She’s got something most people don’t have anymore: a fire.She didn’t see me. And this time I didn’t follow her.I stayed where I was, leaning quietly against my car two corners away.I watched her hop on a tricycle, the same route as yesterday. P

  • The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)    CHAPTER 2

    Ethan Alexander Reyes Point of View"Bro, kung gusto mong ma-reset ang utak mo, mag-tequila ka. Huwag mong pigilan." Mike raised his shot glass at me with that teasing grin of his, then downed the drink like water.I barely touched mine.The bar was dim, bathed in warm golden lights—quiet inside, compared to the busy streets outside. It was already 10 PM when we arrived at one of the most expensive bars in the city. People were laughing, drinking, letting the night take over. But me? My mind was somewhere else.Still stuck on one person.Still stuck on her."You're unusually quiet tonight," Mike said, leaning back in our corner booth. “Hindi ikaw ’to.”I let out a dry laugh and finally drank half the shot.“Mira,” I muttered. “Mira Dela Cruz.”Mike raised an eyebrow. "Who's she? Hindi si Anna? Or that girl from Marketing?"I shook my head. “No. She’s different. I met her – no, actually, I insulted her yesterday. Sa park.”“She has this fire in her eyes, bro,” I said, sipping again.

  • The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)    CHAPTER 1

    Mira Dela Cruz’s Point of ViewMainit. Maingay. At amoy usok ang hangin. Ganito pala sa Manila.Pumasok ako sa isang convenience store para lang maibsan ang init. Isang bottled water lang ang kaya ng budget ko ngayon. Hawak ko pa ang envelope ng mga resume ko at isa na namang rejection ang natanggap ko kanina.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanggihan ngayong linggo. ‘We’re looking for someone with experience.’ Ang palaging dahilan. Pero paano ko nga ba makukuha 'yon kung wala namang nagbibigay ng pagkakataon?‘We’ll call you.’ Mag 1 week na nga at wala man lang akong natanggap na tawag ni isa sa kumpanya, sana man lang ay mag-inform sila na hindi ako qualified or rejected ako, para naman hindi na ako umasa. Kaka-graduate ko lang ng IT at galing sa probinsya. Ganito pala ang paghahanap ng trabaho lalo na at wala akong connection o ibang kakilala man lang dito sa Manila. Kung paulit-ulit na lang ganito ay hindi ko na lang ipagpatuloy itong pagiging IT.Bukas ay ipagsab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status