Mira’s POV
Habang lumalabas ako sa room at naglalakad sa elevator, ang boses ni Ethan Alexander Reyes ay patuloy na umaalingawngaw sa aking isipan.
Goodjob.
Kindat.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Ang lalaking pinaghinalaan kong may sapak sa utak, manyakis at bastos ay ang CEO ng kumpanya. At ang mas nakakainis, umakto siya na parang walang nangyari sa pagitan namin.
Ano ‘yon bigla niya na lang kinalimutan ang pambabastos sa akin at mukhang may balak pa talaga siyang dagdagan iyon dahil sa pa-kindat niya.
Naalala ko rin ang tingin ni Ms. Lailanie. 'Yung pag-irap niya at ang tono ng boses niya. Hindi siya natutuwa sa akin. Bakit? May nasabi ba akong mali? O baka sadyang hindi lang siya sang-ayon sa mga sagot ko? Pero kung gayon, bakit ako ang pinili nila? O mas tamang tanong, bakit ako ang pinili ni Ethan?
Nasa isip ko pa rin ang mga kaganapan hanggang sa makauwi ako sa bahay. Agad akong kinamusta ni Aling Nida at tuwang-tuwa nga siya at nakapag-interview ako.
“Naku, sabi ko na ba eh swerte tong tindahan ko.” Pagbibiro niya at hinawakan pa ang flyer na nakadikit.
“Oo nga ho eh, ililibre ko talaga kayo pag natanggap ako,” sagot ko at natawa na lamang dahil na-excite tuloy siya.
Matapos ang kwentuhan namin ay pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Napakagat ako sa labi habang patuloy na iniisip ang mga pangyayari. Ano ba talaga ang gusto ni Ethan sa akin? Bakit parang may kakaiba sa paraan ng pakikitungo niya?
Hindi pa rin siya maalis sa isipan ko mabuti na lang at wala akong nai-kwento tungkol sa kaniya kay Aling Nida, kahit man gustong may mapagsabihan nitong nararamdadam ko ay mas dapat pag-isipan ko ng maigi.
Tumunog ang cellphone ko, at bigla akong napabalik sa realidad. May notification. Pagtingin ko, galing sa ERX Solutions.
"Job Application Result."
Huminga ako nang malalim bago buksan ang email. Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ang bawat salita.
Dear Mira Dela Cruz,
We are pleased to inform you that you have been accepted at ERX Solutions.
Napangiti ako. Hindi ako makapaniwala. Akala ko, hindi ako matatanggap. Akala ko, dahil sa pagiging fresh graduate ko pero tingnan mo, tanggap ako!
Niyakap ko ang cellphone ko at tumalon sa kama. Sa wakas, magkakaroon na ako ng stable na trabaho. Makakatulong na ako sa pamilya ko. Hindi ko na kailangan mag-alala kung ano-ano na naman ang sasabihin ng iba.
Ngunit may isang tanong na patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Bakit ako? Halatang namang may mas magagaling pa sa akin na nag-apply. Sa totoo lang, pakiramdam ko nga ay hindi maganda ang performance ko sa interview. Lalo na't nakikita ko ang hindi pagkakatuwa ni Ms. Lailanie sa akin.
Bigla akong napaisip sa sinabi ni Mr. Lim. ‘We don't have much time, later we'll send you an email for the decisions we've made.’ Parang nagmamadali sila na magbigay ng resulta sa akin.
Baka ito na ang pagkakataon ko para patunayan ang sarili ko. Kaya ko 'to. Kaya kong magtrabaho sa isang mabilis at high-pressure na environment, makikipag-sabayan ako at gagalingan.
Dapat ay mabilis akong ma-promote at nang tumaas ang sahod ko agad.
Pero si Ethan? Si Ethan Alexander Reyes. Ang CEO, siya ang boss ko. Ano kaya ang magiging dynamics namin? Paano kami magta-trabaho ng maayos, e sobrang bastos niya at ayaw ko siyang makasama dahil sigurado ay masisira lang palagi ang araw ko.
‘Be positive Mira!’ sabi ko sa sarili. Pilit ko na lang hindi na bigyang pansin ang mga iniisip ko. Ang importante ay may trabaho na ako. Sa wakas…
Magsisimula na ang kwento ko bilang isang empleyado, ito ang first job ko at sa ERX Solutions pa. Salamat lord.
Ethan’s Point of View
I sat in my office, staring at the cityscape. My mind, however, was miles away.
Hindi ko sinabi sa kanila kung bakit ko siya pinili. Hindi ko sinabi na hindi siya tulad ng iba. Hindi ko sinabi na may kakaiba sa kanya na na-interest ako. Something about her is unique. Something I can't put my finger on.
Naalala ko ang tingin namin sa isa't isa. Ang paraan ng paglapad ng mga mata niya nang makita niya ako. Ang paraan ng pagkataranta niya. Cute.
At pagkatapos, naalala ko ang paraan ng pagsagot niya sa mga tanong ko. Kinakabahan siya, oo, pero siya ay tapat at diretso. Hindi niya sinubukang gawing flowery words ang mga sagot niya sa magandang paraan.
Napangiti ako sa sarili ko. Mira Dela Cruz. Ang pangalan niya ay parang kanta sa aking bibig. Hindi na ako makapaghintay na makita siya ulit bukas.
Mira’s POVHabang lumalabas ako sa room at naglalakad sa elevator, ang boses ni Ethan Alexander Reyes ay patuloy na umaalingawngaw sa aking isipan.Goodjob.Kindat.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Ang lalaking pinaghinalaan kong may sapak sa utak, manyakis at bastos ay ang CEO ng kumpanya. At ang mas nakakainis, umakto siya na parang walang nangyari sa pagitan namin.Ano ‘yon bigla niya na lang kinalimutan ang pambabastos sa akin at mukhang may balak pa talaga siyang dagdagan iyon dahil sa pa-kindat niya.Naalala ko rin ang tingin ni Ms. Lailanie. 'Yung pag-irap niya at ang tono ng boses niya. Hindi siya natutuwa sa akin. Bakit? May nasabi ba akong mali? O baka sadyang hindi lang siya sang-ayon sa mga sagot ko? Pero kung gayon, bakit ako ang pinili nila? O mas tamang tanong, bakit ako ang pinili ni Ethan?Nasa isip ko pa rin ang mga kaganapan hanggang sa makauwi ako sa bahay. Agad akong kinamusta ni Aling Nida at tuwang-tuwa nga siy
Mira Dela Cruz’s Point of ViewNang magsalita siya ay mas nakilala ko ang pamilyar na boses, siya nga. Hindi ako makagalaw. Gusto kong tumayo, lumabas, sumigaw at magtanong kung anong ginagawa niya rito, pero ang obvious naman na parte siya ng kumpanya na ito dahil nandito sya sa harap ko. Inayos ko ang upo ko at nagpapakakalma, habang ang lalaking pinaghinalaan kong stalker, manyakis at creepy ‘ay biglang naging parte ng panel? Wow, ang small world naman.’ “I am Ethan Alexander Reyes, the Ceo of ERX Solutions.” Napakurap na lang ako sa sinabi niya, okay so CEO pala sya. Halata naman sa kaniyang tindig na may posisyon sya at syempre isa sya sa mga panel sa interview walang duda hindi nga siya isang ordinary stranger lang. Tumango ako bilang sagot sa pagkakilala niya kahit ang utak ko ay parang gumugulong sa bilis ng takbo.Hindi ako sigurado kung ano ‘to—fate ba ‘to? O karma? Kung karma ‘to dahil sa mga nasabi kong hindi maganda sa kaniya ay hindi naman ata pwede, baka siya ang k
Ethan Alexander Reyes Point of ViewI woke up earlier than usual. I still had Mira on my mind.I threw on a plain shirt, dark jeans, and old sneakers. No fancy cologne. No flashy watch. I didn’t want to scare her off again. Didn’t even know what I’d say—just knew I had to try.I drove to her street, parked secretly two corners away. Leaned against my hood, pretending to scroll my phone.At exactly 7:48 AM, the gate open.I saw her. Mira stepped out, same envelope in hand. Simple blouse, black skirt, hair neatly tied back. Her posture was straight and her eyes focused.She looked like a woman who had no time to waste.For a second, I saw myself in her back when I was just starting out. Hungry and determined. Building everything from scratch. She’s got something most people don’t have anymore: a fire.She didn’t see me. And this time I didn’t follow her.I stayed where I was, leaning quietly against my car two corners away.I watched her hop on a tricycle, the same route as yesterday. P
Ethan Alexander Reyes Point of View"Bro, kung gusto mong ma-reset ang utak mo, mag-tequila ka. Huwag mong pigilan." Mike raised his shot glass at me with that teasing grin of his, then downed the drink like water.I barely touched mine.The bar was dim, bathed in warm golden lights—quiet inside, compared to the busy streets outside. It was already 10 PM when we arrived at one of the most expensive bars in the city. People were laughing, drinking, letting the night take over. But me? My mind was somewhere else.Still stuck on one person.Still stuck on her."You're unusually quiet tonight," Mike said, leaning back in our corner booth. “Hindi ikaw ’to.”I let out a dry laugh and finally drank half the shot.“Mira,” I muttered. “Mira Dela Cruz.”Mike raised an eyebrow. "Who's she? Hindi si Anna? Or that girl from Marketing?"I shook my head. “No. She’s different. I met her – no, actually, I insulted her yesterday. Sa park.”“She has this fire in her eyes, bro,” I said, sipping again.
Mira Dela Cruz’s Point of ViewMainit. Maingay. At amoy usok ang hangin. Ganito pala sa Manila.Pumasok ako sa isang convenience store para lang maibsan ang init. Isang bottled water lang ang kaya ng budget ko ngayon. Hawak ko pa ang envelope ng mga resume ko at isa na namang rejection ang natanggap ko kanina.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanggihan ngayong linggo. ‘We’re looking for someone with experience.’ Ang palaging dahilan. Pero paano ko nga ba makukuha 'yon kung wala namang nagbibigay ng pagkakataon?‘We’ll call you.’ Mag 1 week na nga at wala man lang akong natanggap na tawag ni isa sa kumpanya, sana man lang ay mag-inform sila na hindi ako qualified or rejected ako, para naman hindi na ako umasa. Kaka-graduate ko lang ng IT at galing sa probinsya. Ganito pala ang paghahanap ng trabaho lalo na at wala akong connection o ibang kakilala man lang dito sa Manila. Kung paulit-ulit na lang ganito ay hindi ko na lang ipagpatuloy itong pagiging IT.Bukas ay ipagsab