공유

The Chase: The Billionaire’s Game
The Chase: The Billionaire’s Game
작가: Ateannstories

Chapter 1

작가: Ateannstories
last update 게시일: 2026-04-28 22:21:56

“Kain pa kayo doon Celestine, dami pang foods!” Aya na naman ni Ma’am Pamela sa amin habang naka-ngiti at nakaturo pa sa food table.

Kakatapos ko lang kumuha ng dessert, pero pinapakuha na naman niya ako ng pagkain.

“Mamaya na magandang buntis, ikaw ang kumain ng kumain. ‘Wag mo na kaming masyadong intindihin dito,” ani naman ni Diana na busy sa pagnguya ng lechon.

Halos matawa ako. Pang-ilang kuha na yata niya 'yon. Hindi ko alam kung talagang gutom siya o sobrang excited lang sa handaan.

Baby shower kasi ngayon ni Ma’am Pamela sa kanilang third baby. Oo, pangatlo na! Ganun nila kagustong palakihin ang pamilya nila. Kami-kami lang din mga empleyado niya ang andito. Konting kaibigan. Ayaw daw niya ng maraming bisita—simple celebration lang.

Ang pamilya naman niya, busy. Hindi na niya kinulit sa pagpunta.

“Sure ka bang okay lang sayo na wala ang family mo dito?” tanong ko habang inaayos ang tray na may cake.

Umiling lang siya at iniangat ang phone.

“Ito oh,” sabay pakita sa akin. “Nag-video call na lang kami para kahit papaano, makita nila anong nangyayari.”

Tumango ako. Naiintindihan ko siya. Kahit papaano, gusto ko pa rin kasama ang pamilya sa mga ganitong moment.

Sa gilid, naglalaro ang dalawang anak nila sa playground. Ang lalaki na rin ng mga ‘yon. At halatang excited silang magkakababy sister…o baby brother?

Pitong buwan na ang tiyan ni Ma’am. Medyo late na nga rin ang baby shower kasi halos araw-araw busy siya sa company.

“Hon, c’mon! Let’s start popping the balloon. I want to see if I’m having a new boy,” ani Sir Edmund habang hinimas ang tiyan ng asawa.

“Are the balloons ready now?” tanong ni Ma’am. Tumango si Sir at inalalayan siya papunta sa lawn kung saan nakaprepare na ang malaking balloon.

Exciting. Gender reveal time. Lahat kami nakaabang, ready na ang mga phones para i-record ang moment.

Sabay-sabay kaming nag-countdown.

“Three... two... one—!”

BOOM!

Pink smoke. Tili. Tawa. Sigawan ng excitement.

“Kinulang dugo ni Sir! Babae na naman!” biro ni Diana habang nagtatawanan kami.

Panganay nila babae, sumunod lalaki, ngayon babae ulit. One more baby boy and complete set na!

After ng celebration, tinulungan na namin sila sa pagliligpit. May event pa kasi kami kinabukasan, so kailangan na rin naming umuwi’t magpahinga.

Buong party puro kain at paminsan-minsan umiinom kami ng wine ni Diana. kadalasan kasi ito ang pumupuslit sa kusina para kumuha ng wine doon.

***

Maaga akong dumating para ayusin ang presentation. Board meeting is today. Maraming importanteng tao darating—investors, clients, board members.

Ako muna ang andito sa conference room. Si Ma’am Pamela, may inasikaso pa raw.

Ilang sandali lang, unti-unti nang dumami ang mga kasama namin. Tahimik akong nag-check ng projector, documents, mga slides. I guess Everything set.

“Are we set?” tanong sa gilid ko.

Si Ma’am Pamela. Kasama si Sir Edmund. Pinagmasdan ko ang ngiti niya, pero may kakaiba akong napansin.

Parang... may bigat.

Napansin ko kung paano niya hawak ang puson paakyat sa sikmura niya, pabalik-balik iyon. Hindi lang basta paghaplos. May tension. Parang May discomfort.

Tumingin ako sa kanya. Dahan-dahang nawala ang ngiti ko. May something. Hindi lang ito simpleng pagod.

Babae ako. I can feel it. I know it.

“I know what you're thinking,” bulong ni Sir Edmund sa gilid ko. “There’s something wrong with her right now. I feel it too, Ms. Celestine.”

Napalingon ako sa kanya. Pareho kami ng iniisip.

Wala pa man akong nasasabi, naglakad na si Ma’am Pamela papunta sa harap. Binigyan kami ng soft smile, then nagsalita.

She welcomed everyone. Inayos ang sarili. But something felt off.

Presentation slides—on point. Delivery—controlled. Pero...bigla siyang napaluhod.

“AHHH!!”

Nagulat ang lahat. Umakyat ang matinding kaba sa katawan ko. Lumapit ako agad. Inalalayan ko siya. Hawak niya ang tiyan niya—may dugo.

“CALL THE AMBULANCE...NOW!!” sigaw ko habang pinipigilan ang sarili kong huwag mag-panic.

Hinawakan ko siya, sinubukan kong kalmahin. She was really in pain. Malala.

“Love, we’re here! I told you not to push through with this! But you didn’t listen!” si Sir Edmund, dinig na ang nanginginig ang boses nito.

“I-I’m s-sorry love... I’m so—AHHH!!”

Namumutla na siya. Pawis na pawis kahit malamig. Naluha ako, pero pinunasan ko agad. Iritable akong nagpalingon lingon sa paligid kung may dumating na bang responde.

Asan na ambulance?! Ang tagal!

“They’re here!” sigaw ng isa naming kasamahan.

Nakahinga ako ng kaunti. Mabilis nilang inilagay si Ma’am sa stretcher. Sumama kami ni Sir Edmund sa ospital, Naiwan naman si Dianna to assist the people left behind.

Pagkarating namin, agad siyang dinala sa operating room. Naiwan kaming dalawa ni Sir Edmund sa labas.

Tahimik. Ramdam na ramdam ang Tense sa paligid.

Lumapit ang doktor matapos ang ilang minuto.

“I am her husband. This is our secretary,” pakilala ni Sir Edmund.

“Thank God you brought her immediately. If not...we don’t know what could’ve happened.”

Napahinga kami ng malalim.

“H-How’s our baby?” tanong ni Sir.

“They’re both stable for now. But we’ll wait for more results to confirm everything.”

Bumagsak ang balikat ni Sir Edmund. Wala sa sariling Umupo siya sa sahig. Tulala. Nanginginig ang mga kamay.

Sa totoo, Hindi ko siya masisi.

“Please save my wife and our baby,” Paos na pakiusap niya sa doktor.

“We will,” sagot ng doktor bago bumalik sa loob.

Tahimik muli. Wala akong masabi. Gusto kong umiyak, pero pinipigilan ko.

Nilapitan ko si Sir. Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang balikat niya.

“Everything will be fine. Let’s just pray.”

Hindi siya nagsalita. Nakayuko lang siya. Ramdam ko yung bigat ng loob niya. Yung takot.

Matagal kaming tahimik.

Wala sa sariling Tinitigan ko siya. Malaking syang lalaki. Tahimik. Palaban. Pero ngayon, para siyang batang nawalan ng laruan. That’s how much he loves his wife.

‘Damn... how I wish I can have a man like him too.’

Bigla, pumasok si Percival sa isip ko.

Ang Taong pilit kong kinakalimutan, pero lagi na lang bumabalik sa ganitong moment.

Iniisip ko... kung ako kaya ang nasa sitwasyong ito, siya rin kaya ang unang lalapit? Siya rin kaya ang magpapanic? Magagalit sa akin for being reckless?

Kung hindi ba ako umalis noon... kami pa kaya? Masaya kaya kami?

Ilang anak na kaya ang meron kami?

Napatawa ako ng mahina. Tanga. Bakit ngayon ko naisip lahat ng ‘to?

Ako rin ang umalis. Ako ang nagkulang. Ako ang nagtulak sa kanya palayo.

I shook my head. Hindi ako ang kailangan alalahanin ngayon. Nandito ako para sa boss ko.

Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tiningnan ko ulit si Sir Edmund. Then...

Nag-ring ang phone niya.

Mabilis niya itong sinagot. “Excuse me,” aniya, sabay tayo at lumayo ng bahagya.

Ngayon, ako na lang mag-isa sa bench.

Tahimik. Malamig. Mabigat sa dibdib.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Chase: The Billionaire’s Game   Chapter 24

    Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa buong falls.At kasabay noon—ang biglang pagbigat ng katawan ni Percival sa akin.“P-Percival—?!”Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang isang mainit na likido na unti-unting kumalat sa kamay ko nakahawak sa likod nya–Dugo.Huminto ang bigla mundo mundo ko. Pakiramdam ko nabingi ako ng makita ng maayos ang sariwang dugo ni Percival sa kamay ko.Halos mawalan ako ng hininga habang mabilis na sinalo ang katawan nya na pilit pa ring nakayakap sa akin kahit unti-unti na itong nanghihina.“Percy… Percy!”

  • The Chase: The Billionaire’s Game   Chapter 23

    Mahaba ang daan ngunit wala siyang ibang naririnig kundi ang tunog ng sapatos niya sa lupa at ang mga alaala na pilit bumabalik kahit anong iwas niya.Celestine laughing under the rain, Celestine hugging him from behind habang tumutugtog siya noon ng gitara, Celestine telling him she would never leave him.Napahigpit ang hawak niya sa strap ng gitara.“Bullshit…” mahinang mura niya sa sarili.Dahil lahat pala ng pangakong iyon, kayang-kayang sirain ng babae At iyon ang pinakakinamumuhian niya hanggang ngayon.Hindi yung iniwan siya Kundi yung hanggang ngayon, pagkatapos ng lahat—si Celestine pa rin.

  • The Chase: The Billionaire’s Game   Chapter 22

    Third Person POVHindi siya sumagot.At mas lalong lumalim ang sakit sa dibdib ni Tonie dahil doon.“Percival…” halos pabulong nalang niyang tanong habang nanginginig ang boses. “Bakit parang ako parin?”Napatigil si Percival.Hindi siya lumingon. Hindi siya gumalaw.Pero kitang-kita sa likod niyang tila biglang bumigat ang buong mundo sa balikat niya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.Yung klase ng katahimikang kayang durugin ang isang tao.

  • The Chase: The Billionaire’s Game   Chapter 21

    And God—I almost broke from what I saw there.Galit.Takot.At pagmamahal na pilit niyang nilulunod.“You really don’t know what you do to me, no?” halos pabulong niyang sabi.Huminto ang paghinga ko.Napakuyom siya ng kamao habang pilit na lumalayo ang tingin niya sakin, parang bawat segundo na tumatagal akong nakatayo sa harap niya, mas lalo siyang nawawalan ng kontrol.“I spent years trying to hate you, Tonie.”Mahina.

  • The Chase: The Billionaire’s Game   Chapter 20

    “Would you just for once–Manahimik ka man lang dito!” matigas na turan nito. kasabay ang pagtaas pa ng kamay nito ng mapansin nyang magsasalita pa sana ako ulit.Umatras sya palayo sa akin, tsaka marahas na ginulo ang buhok.Nang makalapit mahawakan ang door knob sa likod nito binuksan nya iyon. Pero bago sya tuluyan mawala sa paningin ko, nagbilin muli ito.“I fucking hate you so much.” bulong nito.Bulong man yun sa iba, pero sakin sobrang linaw ng katagang iniwan nya sa akin sa loob ng apat na sulok ng kwartong to.Bumagsak ang mga balikat ko. Nanlambot ako sa sinabi nito sa akin.

  • The Chase: The Billionaire’s Game   Chapter 19

    "Sige po Ma'am. Nga pala, may bagong ginawang lagusan papunta sa bakanteng resort sila Tatay. pwede nyo pong puntahan mamaya pag may time kayo.” Lumiwanag ang mukha ko sa narinig.“Maganda doon, napaka luwag at malapit sa dagat. siguradong mageenjoy kayo ni Bashfull pag pinuntahan nyo iyon." ani nito sa akin.Nakuha nito agad ang buo kong atensyon. ngayon ko lang nalaman na may tagusan pala papuntang dagat dito sa farm."Sige, puntahan namin mamaya. mga alas-kwatro siguro, para hindi gaano maiinit." Ani ko rito. confient naman akong safe sa lugar na yun."Samahan ko na kayo mamaya, Ma'am–""Wag na, dyan lang naman yun. kaya ko

  • The Chase: The Billionaire’s Game   Chapter 14

    Chapter 14Naguguluhan ko naman syang tinignan, at lihim na inamoy ang sarili. hindi nman ganun karami nainom ko, ano nanaman ba to!Kung about to sa pagtulong sa

  • The Chase: The Billionaire’s Game   chapter 13

    Chapter 13"Hey." tawag muli nito sa akin. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa kanya na, Oo iniiwasan ko sya.Di dahil ayokong mapaginitan sya ni Percival, Kung hindi

  • The Chase: The Billionaire’s Game   Chapter 12

    Ayokong masira ang party na to dahil sa akin."Bago ka palang sa ganito Bata, Baka nakakalimutan mo kung sino–"Madami nang nakakakuha ng atensyon sa amin. may mga napapahinto at nakiki-isyoso sa amin.

  • The Chase: The Billionaire’s Game   Chapter 11

    Chapter 11ang ending nilugay ko nalang at nilagyan ng maliit na butterfly clip para hindi naman gaanong plain ang itsura ko.kinulot ko pa ito kaya talagang doon ako natagal.

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status