THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."How dare you.""Yeah little kitten. Kaya subukan mong humakbang dyan kahit isang hakbang lang. Dahil isang salita ko lang. Bagsak ang negosyo ng Jason na iyon."Napalunok ako. Matalim din ang ipinukol ko na tingin sa kanya. Halos mabingi na din ako sa tunog ng pagkikimpian ng ngipin ko dahil sa naramdaman kong galit sa kanya.Nakipag sukatan ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ba na nagpalitan kami ng tingin hanggang sa kumilos na siya palapit sa akin.Gusto kong umalis. Gusto kong tumakas na ngayon dahil may pagkakataon ako. Pero kapag ginawa ko iyon.. si Jason na walang kinalaman sa kung ano man ang pinaglalaban niya ngayon at bakit niya ako dinala dito.Pitong taon na, at may karapatan noon ako na umalis dahil nakakapagod din ang masaktan sa piling niya noon. Saka malinaw naman sa kanya noon na isa lamang ako sa laruan niya."Well, masasabi ko ngang mahalaga ang Jason na iyon sa iyo dahil hindi ka na humakbang b
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Pakawalan niyo ako." Sigaw ko habang nakakulong ako sa isang silid.Kanina kasing pauwi na ako at naghihintay sa taxi na sasakyan ko ay may kung sino na lang na biglang tumigil sa harapan ko at walang pag aalinlangan na isinakay ako.Hindi agad ako kasi kanina nakakilos dahil sa pagkabigla at ng gusto ko ng sumigaw ay may kung ano ang pinaamoy sa akin gamit ang panyo.At ngayon, nagising na lang ako na nasa isang silid na ako at nakakulong. Hindi naman nakatali ang mga kamay. Dahil kaninang nagmulat ako ng mata ay walang tali ang mga kamay at paa ko, at wala ding takip ang mata o kaya naman bibig ko.Kaya malaya akong nag isisigaw at kina kalampag ang pintuan para kung sino man ang nasa labas ay marinig nila ako at matulungan.Nakakaramdam man ako ng takot pero pinapalakas ko ang loob ko. Dahil nagkamali kung sino man ang nagpa dukot sa akin dahil hinayaan nila akong nakakagalaw ng maayos sa silid na ito.Muli ay kinalampag ko ang pintuan at na
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: .... "M-mag papasama na lang ako kay Franz hanggang sa baba." Muli ay sagot ko. "Hindi naman ako makakapag pahinga dito ng maayos at baka makaistorbo pa ako sa kung ano ang pag uusapan niyo." "Mmm, okay okay." Ilang sandali pa ay tinawag nga niya si Franz at sinabihan na samahan ako palabas hanggang sa lobby ng building. Napansin ko na parang.. oo, parang lang... parang gusto niyang sumama ng lumabas ako. Pero masyado ba akong mapagmasid at kung ano na ang naiisip ko sa mga tingin niya. Mabilisang lumabas na ako ng nakapag paalam na ako kay Jason. Hindi ko na inabala ang ang sarili ko na magpaalam sa kanya o di kaya naman tapunan ng tingin lang. "Thank you, Franz." Pasasalamat ko kay Franz habang naghihintay na kami na bumukas ang elevator. "But you don't need to follow me hanggang sa baba. Kaya ko na." "Pero.."
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: .... "May problema ka ba?" Tanong ko kay Jason ng mapansin ko na hindi siya mapakali. "Ayos ka lang?" Pinuntahan ko kasi siya mismo sa kompanya niya ng magyaya siya para sa lunch. Hindi ko kasama ang mga bata dahil kinuha sila ni Señor para naman daw ipasyal ang dalawa kaya naman wala akong magawa kundi pumayag kahit na alanganin talaga akong iwan sila sa Señor at hindi ako kasamang lumabas o mamasyal. But then.. alam ko naman na walang balak na ilayo ni Seńor ang mga anak ko sa akin kaya panatag naman ako kahit paano. "Medyo hindi maayos ang kompanya ngayon, babe. Kaya medyo hindi ako mapakali." Sagot niya sa akin na sinabayan ng pagpapakawala ng isang malalim na paghinga. "Tulad ng ano?" Tanong ko. Hindi naman ako nakikialam sa problema niya sa mga negosyo niya pero makikita ko talaga ang pagka aburrido niya. "Ang
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: .... May ngiti sa labi akong binitawan ang mga iyon sa lamesa ng library ko. Kailangan ko ng pumunta ngayon sa bahay ng lolo at dapat na mapapayag ko itong ipasa sa akin ang share nito sa kompanya ni Jason. "Anong kailangan mo apo?" Tanong sa akin ng lolo ng makarating ako sa malaking mansyon. Bibihira pa ang mga kamag anak namin na dumating at kahit sina mama at papa ay wala pa hanggang ngayon. "May gusto lang sana akong sabihin at hilingin sa inyo ngayon. At sana mapagbigyan niyo ako." Napatitig ang lolo sa akin. Tinatantya yata kung ano ba ang nakain ko at bakit ako ngayon hihingi ng pabor sa kanya na hindi ko naman dating ginagawa. "Ano iyon apo? Mukhang seryoso yata tayo ngayon ah." "Yeah! And hoping that.. maibibigay mo ang bagay na hihilingin ko ngayon." "Okay! Say it apo." "Ibigay mo sa a
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Kung hindi ko madadaan sa iyo little kitten, gagamitin ko si Jason para muli kang maging akin."May gigil man sa boses ko ay nabahiran naman ng ngiti ang mga labi ko.Muli ay pinayapa ko ang sarili ko. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko ngayon. Na halos ilang dekada na ng huli akong makaramdam ng ganito.Tatlong katok ang nakapag pabaling ng paningin ko sa may pintuan bago iyon bumakas. Ang sekretarya ko. Si Helen."What is it, Helen?" Tanong ko bago ako muling umupo."Trisha Warden wants to see you, Sir."Kunot man ang nuo ko sa pagka rinig ng pangalan nito ay sinabihan kong papasukin niya ito.Tumalima ito para lumabas. Nang bumalik ay kasama na nitong pumasok si Trisha."Iwanan mo na kami Helen, salamat." Utos ko dito. Binalingan ko si Trisha ng tuluyan ng makalabas si Helen. "Anong kailangan mo?" Seryusong tanong ko ng makitang palapit na ito sa