LOGINELLISE Pov:
"Maraming salamat, doc." Nakangiti pa akong tumingin kay Doc. Francisco na nagpasalamat dito nang nakasalubong ko sa hallway ng ospital. "It is my duty to perform, Ms. Santillan. Saving lives is one of my duties." wala man ito nakangiti ay ramdam ko sa tinig nito ang kagaan doon. "By the way, what is that for?" tanong nito na napasulyap sa maletang hila-hila ko. "Ipapasundo ako ni Sir Nathan ngayon para lumipat." "Lilipat? Sir Nathan? Haha, and you still address him like that? Shouldn’t you call him husband instead?” Sabi pa nito na may kasamang pagtaas ng isa nitong kilay. “Pasensya na, Doc. Francisco. Salamat ulit.” Pagbabalik ko na lang sa una naming usapan kanina dahil hindi ko naman basta masabi dito ang tungkol sa kasunduan namin ni Sir Nathan. At hindi naman kami malapit sa isa’t isa para talakayin ang bagay na iyon. But some of my feelings are that he is easy to befriend because of his voice and bright look. “Hmm.” Huminga pa ito ng malalim na tila nakuha naman nito ang gusto kong ipahiwatig na wala akong balak pag usapan ang tungkol kay Sir Nathan. “I know what’s going on. And you don’t need to hide it from me.” “Huh!” “Alam mo ba na kung hindi pumayag si Nathan ay ako mismo ang babalingan ng lolo namin at sabihin na ako ang magpapakasal sayo.” Kunot ang noo ko na napatitig dito. “That’s true, Ms. Santillan. Hindi ko din alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa utak ng lolo dahil bigla na lang nakialam sa mga personal naming buhay. And grandpa really likes to annoy Nathan as always.” “Pero bakit ako? Wala akong matandaan na nakilala ko na ang lolo niyo?” “Well, nabalitaan ko na dalawang buwan ka na sa tabi ng pinsan ko as his personal assistant. Maybe grandpa saw that, so he insisted on matching you up.” "Kung ganun kasalanan ko pa ngayon dahil nagtagal ako sa pagtratrabaho sa kanya?" "That is not the only reason, I think. But don’t worry, Grandpa is the kindest one in this world. And don’t worry about my cousin, he is still a human even though he always carries the hell out here.” bahagya pa itong natawa sa huli nitong sinabi Tama naman ito, masasabi kong parang pasan lagi ni Sir Nathan ang impyerno dahil laging mainit ang ulo nito? At kahit na kaliit-liitan na pagkakamali ay napupuna niya. “Kung may kailangan ka pala or something na gusto kang malaman tungkol sa pinsan ay ito ang number ko. Call me anytime.” Kusang tumaas ang kamay ko para tanggapin ang maliit napiraso ng papel na binibigay nito. “That is my personal number. Just a few people know it.” Tumango na lang ako. Hindi ko din naman alam kung may pagkakataon nga ba na matatawag ko ito. “Well, I will lead you out if you don’t mind.” “Huh! Hindi na kailangan, Doc. Francisco.” napa kurap ako dahil tila napakabilis na inililihis ang mga napag usapan namin kanina lang. Ngunit sa pagtanggi ko ay nakuha na niya mula sa kamay ko ang hawakan ng maliit kong maleta saka na iyon hinila at naunang naglakad palabas na ng ospital. Napa sunod na lang ako kahit na gusto ko pa sana na tumanggi. .....Natigil ang mga paa ko sa paghakbang na nasa entrance-exit na kami ng hospital nang makita ko mismo si Sir Nathan na nakatayo’t nakasandal sa kotse nito.
Deretso lang naman si Lancer palapit sa kanya.
“Ikaw ba ang susundo kay Ms. Santillan?”
Kunot ang noo niya na napasulyap sa akin bago bumaling sa maliit kong maleta na hila ngayon ni Lancer.
“Sa tingin mo? At alam kong alam mo na kung ano siya sa akin? And you just address her as miss?” pabalang na sagot niya na malamig ang mga matang nakatingin dito.
“Oh! But she just addressed you as her boss so I thought it was just in front of Grandpa. Saka hindi mo naman kailangang pati sa harapan ko ay magpanggap ka, di’ba?”
“None of your fucking business, she is my wife now so address her as one. At kung hindi ko pa alam na umaasa ka na hindi ako papayag sa mga plano ni lolo ay ikaw ang magpapakasal sa kanya? Why? Are you interested in my wife now?”
“Hmmm, what do you think? Miss Santillan is such a beautiful woman and no one can resist her and not fall in love with her.”
“Huwag mong subukan ang pasensya ko, Lancer. Alam na alam mo na kung ano na ang akin ay wala ng kahit na sinong makakaagaw pa. Kaya umayos ka, hindi ko panghahawakan ang mga salita ni lolo na hindi dapat tayo mag away. Kilala mo ako.”
“I know. And you know me as well, na kung interesado ako sa isang bagay o tao ay gagawin ko din ang lahat para mapasaakin lang. Kahit na sabihin na sa iyo pa iyon ay handa akong agawin mula sayo.”
Naramdaman ko ang nagbabagang tensyon sa pagitan nilang dalawa at kung walang pipigil sa kanila ay baka magsuntukan pa sila.
Kaya naman kahit na ayaw kong pumagitna ay nilakasan ko na ang loob ko at lumapit na sa kanila.“Sir Nathan.” pagtawag ko ng pansin sa kanya dahil kahit nasa pagitan na nila akong magpinsan ay hindi pa rin naghihiwalay ang sukatan nila ng tingin.
Nagbabanta ang mga mata niyang napasulyap sa akin na hindi yata nagustuhan ang marinig mula sa akin mismo ang tawag ko sa kanya na siyang simula nang bangayan nilang dalawa.
Kahit na alanganin man ako kung tatawagin ko ba siya sa pangalan lang ay sinubukan ko parin.
“N-nathan.” Halos malunok ko pa ang sarili kong dila sa pagka utal ko. “Akala ko ba ay ipapasundo mo ako sa driver, bakit ikaw ang sumundo sa akin?” pilit na pinatatag ko ang boses ko na ipinagpatuloy ang sinasabi ko.
“Yes, indeed. Pero kung hindi pa ako mismo ang sumundo sayo ay hindi ko pa malalaman na kumikilos na pala ang magaling kong pinsan.” sagot niya na halata paring pinapatamaan si Lancer.
“Nakasalubong ko lang si Doc. Francisco kanina sa hallway. At siya na din pala ang personal na umasikaso sa operasyon ni mama.” sinubukan kong magpaliwanag ngunit tila wala itong narinig at mas naging malamig pa ang naging tingin nito kay Lancer at ng sumulyap naman siya sa akin ay may pagbabanta sa mga mata niya.
"I'm not asking, at simula ngayon ay huwag na huwag ko lang malalaman na nakikipagkita ka sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo, Ellise?"
Napalunok pa muna ako bago sumagot. "Sige." saka ko binawi ang mata ko sa kanya at binalingan ang maleta ko na hawak parin ni Lancer hanggang ngayon.
Kukunin ko na sa iyon dito ngunit mabilis siyang kumilos at marahas na binawi ang maleta ko kay Lancer.
Hindi man siya magsalita pa ay nakikita sa mga mata niya na pinagbabantaan parin ang pinsan niya.
Kalmado lang naman ang nakita ko sa ekspresyon sa mukha ni Lancer at hindi natinag sa pagbabantang ipinaramdam niya dito.
Hinila niya ang maleta at isinakay na iyon sa likod.
"Ano pang tinatayo mo diyan? Huwag mong hintayin na pagbubuksan kita ng pinto para sumakay." galit na sita niya sa akin na pasakay na siya.
"Yes, sir." Mabilis akong kumilos at lumihis sa kabilang panig. Hindi na din ako nakapagpaalam pa kay Lancer dahil sa pagmamadali para hindi na ulit niya ako masita. Agad akong sumakay.
Pero nakaramdam pa rin ako ng inis dahil kung hindi naman siya ang sumundo sana sa akin ay hindi ko maririnig ang galit niya. Saka malinaw naman ang sinabi niya kagabi na ang driver lang ang susundo sa akin tapos ngayon ay siya ang nandito. Tapos magrereklamo.
"What?"
Napapiksi pa ako ng marinig ko na naman ang may pagkairitang tanong niya.
Napalingon ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin na salubong na naman ang mga kilay.
Wala naman akong alam na maling ginawa ngunit parang nagkamai na naman ako sa harapan niya.
"Anong akala mo sa akin? Personal driver mo at diyan ka sa likod naupo?" pagsita niya sa akin.
"Huh!"
"Damn it, Ellise. Sit here in front." pasigaw niyang sabi.
Agad naman akong tumalima at lumipat nga sa harapan. Nanginginig na naman tuloy ang tuhod ko sa ppagkarinig ng sigaw niya.
"Sorry, sir." sabi ko pa ng makalipat na ako sa harap.
I properly sat down in front but still, he didn't start the engine.
Muli akong napatingin sa kanya.
"May problema ba sir?"
"Hihintayin mo pa ba na sabihin ko ang mga dapat mong gawin? Damn it, Ellise. Put your seatbelt on."
"Huh! Y-yes sir." Halos hindi ako magkandaugaga sa paghila ng seatbelt.
At talagang hindi pa iyon nakisama sa akin dahil ayaw iyong magpahila. Kahit na ilang ulit at kahit na lakasan ko ang paghila ay ayaw parin.
"Damn it." muli ko na namang narinig ang pagmumura niyang iyon.
Hindi ko mapigilang mapangiwi pa at hindi ko na din sinubukang lingunin siya. Ayaw kong salubungin na naman ang salubong niyang kilay na nakatingin sa akin.
Muli kong sinubukan ang paghila sa seatbelt pero ayaw talaga iyong makisama.
Wala na akong mapagpipilian pa kundi ang humingi na lang ng tulong sa kanya.
Palingon na sana ako sa kanya para makiusap na tulungan ako sa paghila ay tumama mismo ang mukha ko sa mukha niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi lang basta sa mukha kundi ang labi ko ay lumapat mismo sa labi niya.
Para akong nanigas sa kinauupuan ko at hindi makakilos kahit na gusto kong umatras para ilayo ang mukha ko sa mukha niya ngunit pati ang katawan ko ay ayaw makisama.
Sa panlalaki ng aking mga mata ay nakita ko na nagulat din siya. Magkalapat ang labi namin habang nagkasalubong pareho ang mga paningin namin.
At that time, neither of us acted to distance ourselves from each other.
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Pero..g-gutom ako." Nakasimangot na sabi niya sabay haplos sa tiyan niya.Napangiti ako dahil doon. Kinuha sa kanya ang laptop at basta na lang itiniklop iyon at itinabi."Come on. Let's grab a bite to eat." Saka ako bumaba sa kama. Nilahadan siya ng kamay na agad naman niyang tinanggap.Nakaalalay lang ako sa kanya."Palagyan natin bukas ng maraming pagkain ang ref dito sa loob para hindi na tayo bumaba sa kusina.""Sige. Gusto ko mangga! Sampalok! Santol!""My Love naman! Huwag kang kumain ng maasim sa gabi. Mangangasim ang sikmura.""Ehhhh!.""Okay okay!." Tanging nasabi ko na lang. Para kasing kapag hindi ko mapagbibigyan ay magbabago ang mood niya. "Noong naglilihi ka ba sa kambal. Madalas ka din bang nagugutom?" tanong ko pa sa kanya habang bagtas namin ang pasilyo pababa ng hagdan hanggang sa kusina."Hindi naman! Kasi lagi lang naman ako mag isa noon. Kasama ko si Arlyn na si señor mismo ang nagbabayad sa kanya. Pero hindi naman ako pal
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Really?" Nanlaki pa ang mga mata ng kambal matapos naming ibalita sa kanila na magkakaroon na sila ng kapatid."Tumango kami pareho sabay sabi ng "YES""Yehey! Yehey." Tuwang tuwa na tumayo pa sa ibabaw ng sofa si Frances saka nagtatalon. "Thank you daddy, thank you papa." Sabay yakap sa leeg ko. Si Xaviel naman ay yumakap sa kanya."I like baby sister." Sabi ni Xaviel."Me too. Baby sister siya diba daddy. Papa.""Hindi pa namin alam baby but soon. Malalaman natin ang gender ng magiging kapatid niyo." Sagot ko.Yumuko pa si Xaviel at itinapat pa ang tainga sa tiyan niya.Sabay kaming napangiti. Kung ano ang sayang nararamdaman ko ay siya ding galak ng dalawa na magkaroon ng kapatid.Isa talagang napakagandang biyaya sa amin ang lahat ng ito. Ang magkaroon kami ng mga sariling anak kahit pa man pareho kaming lalaki.And I will treasure Reallan forever because of this."Ako din. Ako din." Si Frances at yumuko din. Nagbigay daan naman si Xaviel.
**** Mag iiwan lamang ako ng isang kataga!! Na huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong alam mong hindi magiging sayo kahit kailan dahil mas masasaktan ka lang kapag darating ang araw na ikaw ay kanyang iwan!! Huwag kang magmadali! Huwag mong hanapin kundi hayaan mong kusa siyang dumating at ang tadhana ang magbibigay daan para makilala mo ang taong totoong nakalaan para sayo! ******
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Sir Jason. Nasa sala po ang papa niyo." Narinig ko mula sa labas ng silid ko na nakapagpabalik sa kasalukuyan ang pag isipan ko."Sige. Sabihin mong bababa na ako." Sagot ko dito. Agad naman akong kumilos para labasin ang papa.Ano na naman kaya ang sasabihin ng papa. Hindi sana ako nagkakaganito kung hindi dahil sa kagagawan niya. Kung hindi ako nakinig kay papa ay hindi ako magkakaganito.Oo, kasalanan ko dahil nagpatangay ako sa kagustuhan nito kahit alam kong masama iyon. Sarili kong negosyo pero nagpasakop ako sa kapangyarihan nito at ngayon ay maraming tao ang nadamay. Maraming mga inosente ang nadamay sa katangahan ko. Sa kasalanan ko na ang papa ko ang nagsimula dahil sa ganid nito sa pera.At kapag nalaman ito ni Reallan ay tuluyang mawawala ang kakaunting pagtingin nito sa akin. Hindi man pagmamahal iyon ay ayaw kong mawala iyon kahit papaano. Ayaw kong masira ang tiwalang ipinagkaloob niya sa akin. Kahit pa man alam kong nasabi na l
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Hi!."Napatingin siya sa akin. Tila kinikilala kung sino ako pero agad ding nagbawi ng tingin at muling iginala ang paningin sa paligid."Ehhh! Nasaan na siya." Tanong niya sabay napakamot ng ulo na parang bata pang tinaguan siya ng taong hinahanap niya. Hindi na niya ako pinansin at nilagpasan na niya ako.Napasunod na lang ang tingin ko sa kanya ng nakapasok mismo sa gate ng Campus namin ng walang kahirap hirap dahil nakasuot siya katulad ng uniform namin.Kahit hindi man niya ako pinansin ay napapangiti na lang ako na nakatingin sa kanya.Ang kyut niya talaga. Noon ko pa siya napapansin. Nakaabang lamang siya sa labasan ng gate ng paaralan namin at may hinihintay. Inaabangan sa araw araw pero hindi ko naman alam kung sino dahil sa dami ng mga estudyante sa paligid.Nawiwili na lang ako sa pagmamasid sa kanya sa malayo kahit na gusto ko ng lapitan pa siya noon pa.At ngayon nagdisesyon na akong lapitan siya at magpakilala sana pero binalewala
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ....Tumingin pa siya sa akin. Nasa mga mata niya ang kislap na talagang umaasang buntis nga ako.Sana nga buntis ako dahil nakikita ko sa kanya na masayang masaya siya kahit hindi pa man napapatunayan."Come on." Untag ko pa sa kanya kaya naman napakurap pa siya. Napatingin sa hawak na transducer bago tumingin ulit sa akin.Tumango ako. Kaya tumango din siya.Nanginginig pa ang kamay na unti unting idinikit sa tiyan ko ang hawak niya. Magaan na ipinapaikot niya iyon at parang may hinahanap.Napatingin na lang ako sa monitor pero wala naman akong makita. Napasimangot tuloy ako at parang nadismaya at ng mapatingin ako sa kanya ay may tumulong luha sa kanyang mga mata na nakatingin sa monitor.Umiiyak ba siya dahil hindi ako buntis? Malamang nga."S-sorry." Nasabi ko na lang. Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para mabuntis akong ulit. Nagkamali lang siya ng akala."M-my Love." Napalunok ulit siya na tumingin sa akin. Lumuluha pero nakapaskil s







