Home / Romance / The Chosen Wife Of The Billionaire / CHAPTER 6: Refer her as young lady!

Share

CHAPTER 6: Refer her as young lady!

Author: Ellise
last update Last Updated: 2025-03-14 04:03:42

NATHAN Pov:

"Damn it." ibinato ko pa ang hawak kong baso ng alak na halos hindi ko pa nauubos ang laman na isinalin ni Dexter.

"Relax, bud. Masyado kang hot."

"Paano ako magrerelax? Sabihin mo nga? Gayong kalat na kalat na sa halos buong bansa na kasal na ako." nanggigigil kong sabi kay Dexter na parang balewala sa mga ito ang pag uumapaw ng galit ko.

"Haha." si Rex na halos kadarating lang din na may akbay pang babae. "Hindi naman bago na ikaw lang lagi ang laman ng balita, bud."

"Kaso nga lang, iba na ngayon." dagdag naman ni Patrick na nasa kaliwa ko na kasamang nakaupo sa harap ng counter table.

Halos kompleto na kaming magbabarkada na nagtipon tipon dito sa GHB (Golden House Bar) na pagmamay ari ni Dexter.

"Dahil iba na ang ibinabalita."

Halos sabay sabay pa nila iyong sinabi na may pilyong mga ngiti sa mga labi na nakatingin sa akin.

"Ayaw mo pa nun, makakatikim ka na ng lutong bahay." Si Dexter na muli akong binigyan ng baso at sinalinan ng alak.

Agad ko iyong itinungga. Halos mabasag mismo sa mga palad ko ang baso sa higpit ng pagkakahawak ng ibaba ko iyon.

"At least, hindi ipinakita ang mukha ng asawa mo? Saka, hindi ba maipagmamalaki ang ganda niya?" sabi pa ni Rex.

Kunot ang noo kong napatingin dito? Saka bigla na lang lumabas sa paningin ko ang imahe ni Ellise.

Beautiful, Indeed.

Sinarili ko na lang ang mga iyon at hindi ko na binigkas pa.

Kung sa panlabas na kaanyuan lang ay walang itulak kabigin kung ihahambing sa mga sikat at magagandang modelo kahit na simple lang siya manamit.

At kanina lang na sinamahan ko siyang bumili ng maisusuot para sa pagharap namin kay Lolo ay hindi ko maitatanggi na mas gumanda pa siya ng naayusan.

"Ang lamin ah." si Patrick na siniko pa ako ng magpakawala ako ng malalim na paghinga.

Kunot pa rin ang noo kong binalingan ito.

"Bud, para naman hindi ka namin kilala. Kung talagang ayaw mo ay hindi ka mapipilit ng iyong lolo."

Tama sa sinabi si Dexter. Dahil kung talagang ayaw ko ay hinding hindi ako mapipilit ng lolo sa gusto nito. Ngunit ng marinig ko ang sinabi ni lolo na kung hindi ko tatanggapin ang babaeng gusto nito para pakasalan ko ay kay Lancer nito iaalok si Ellise.

"Damn it!" muli akong napamura. "Ayaw ko lang mawala ang mga pinaghirapan kong mga negosyo." sagot ko pa dahil iyon naman ang katotohanan.

Ngunit ano bang naisip ko at pumayag ako gayong pwede naman akong humanap ng ibang papakasalan. Kasal lang naman ang kailangan ni lolo ngunit bakit?

"Iba ang tulak ng bibig, Bud."

"Haha, napaghahalata ka yata na may gusto ka mismo sa babaeng pinili ng lolo mo para sayo."

Pangbubuska pa nila sa akin.

"Shut up!"

"Oops. Galit ka dahil totoo. Kaya pwede ba hayaan mo na lang. Bakit hindi mo subukan? At kung talagang hindi mo siya magugustuhan, tsk. Madali na lang na mapawalang bisa ang kasal niyo." Suhesyon naman ni Rex.

Nilingon ko ito ngunit sa paglingon ko dito ay nakikipaghalikan na ito sa babaeng kasama.

Napailing ako. Madali na lang para sa kanilang sabihin iyon dahil sadyang dumadaan lang sa kanila ang mga babae at walang siniseryoso.

Habang ako ay hindi naman nawawala ang mga babaeng nalilink sa akin ngunit wala isa man sa kanila ang pinangakuan ko. They are just nothing. At wala akong balak iwan ang pagkabinata ko para lamang sa isang babae.

Hindi na ako nagsalita pa, ipinagpatuloy ang pag inum ko.

"Hey! Saan ka pupunta?" tanong ni Dexter ng tumayo na ako matapos akong makainum ng halos sampung baso ng alak at handa ng umalis.

"In hell." pabalang kong sagot saka tumalikod.

Kantyawan lang ang ipinabaon nila sa akin. Hindi na din ako lumingon pa sa kanila habang naglalakad na palabas ng GHB.

.....

Dahil sa naparami ang nainum ko ay nakaramdam na ako ng paglahilo.

Nagpahatid na lang ako kanina sa driver ng GHB para makauwi.

"Fuck!" Nayayamot na halos hindi ko maayos na matanggal ang pagkakatali ng necktie ko.

Nang maalis iyon ay basta ko na lang inihagis sa kung saan.

Dumeretso ako ng banyo at naligo.

Mahihiga na sana ako ng mapatuyo ang buhok ko ay nahagip ng mata ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa sa gilid.

Parang may kung anong nagtulak sa akin na pulutin iyon. Binuksan, saka nagscroll sa number list ko.

Doon ko nakita ang numero ni Ellise. Wala naman akong mahalagang sasabihin pero tinawagan ko parin siya.

Isa, dalawa, tatlong ring sa kabilang linya hanggang sa sagutin na niya ang tawag ko.

"H-hello?" sa tono ng boses niya ay parang kagigising lang.

Nagising siya sa pagtawag ko sa kanya o sadyang may hinihintay siyang tawag mula sa iba.

"Gabing-gabi na ngunit gising ka parin?" kusa iyong lumabas sa bibig ko na hindi na nag iisip. Dahil na rin sa tama ng alak na nainum ko.

"Hmmm." tugon niya sa sinabi ko. "Huh! Sir Nathan, ikaw pala. Bakit ka napatawag?" hindi na maitago ang gulat sa boses niya ng mapagtanto na ako ang kausap.

"Gusto ko lang ipaalala sayo na susunduin ka bukas ng driver para sa paglipat mo." paalala ko na naman sa kanya.

Dahil kanina ay ipinaalala ko sa kanya kung ano ang mga nakasulat sa nilagdaan niyang kontrata naming dalawa.

"Sige, sir. Nakaimpake na din naman ako. Pero pwede bang daanan ko muna ang mama sa hospital bago ako pumunta dyan?"

"Do what you want. Just reminding you."

"Wala na ba kayong sasabihin, sir? I mean... uhm."

Nailayo ko pa ang cellphone sa tainga ko na napatingin mimso sa screen ng cellphone ko na parang nakikita ko siya mismo doon. At nakikinita ko ang pagpigil niya mismo sa paghikab.

"No more. Just go back to sleep." nasabi ko na lang saka ko agad pinutol ang linya.

Hindi naman talaga ako nakikipag usap sa kanya, lalo na sa mga ganung kasimpleng bagay. Tatawag lang ako kapag may kailangan ako. O kung may ipapakuha ako. O di kaya naman ay papapuntahin ko siya mismo sa opisina kung may ipapagawa ako.

"Damn it again." naiirata kong basta na lang itinapon ang cellphone ko sa gitna ng kama.

Kung anu-ano kasi ang sinabi ng mga bwesit kong barkada kanina. Nagulo tuloy ang utak ko at hindi ko mapigilang isipin siya.

......

As usual, nagising parin ako ng maaga kahit late na akong nakatulog kagabi. Halos apat na oras lang akong nakatulog. Mag aalas sinco palang ng umaga.

Babangon na sana ako ng may masagi ang paa ko sa ilalim ng kumot.

Tinignan ko iyon.

Ang cellphone ko. At paanong nasa gitna ng kama ko ang cellphone na sa pagkakatanda ko ay inilapag ko iyon sa bedside table.

Kinuha ko iyon kahit na maraming katanungan ang nabuo sa utak ko. Saka ko iyon binuksan at tinignan kung ano ba ang meron o sino ba ang tinawagan ko.

"Fuck!" napamura na lang ako ng makita kung sino ang nasa huling dialed list ko.

Tinawagan ko si Ellise ng hating gabi?

Pero teka! Ano ba ang mga sinabi ko sa kanya? Wala akong matandaan dahil na rin sa nilamun ako ng espirito ng alak kagabi.

"Ugh! Damn it."

Dahil sa wala akong maalala kung ano ang napag usapan namin ni Ellise kagabi ay nagpasya na akong ilapag iyon sa ibabaw ng lamesa.

Ngunit bago ko pa man iyon mailapag ay tumunog iyon. May nagpadala ng mensahe sa akin.

Agad ko naman iyong tinignan. At galing iyon kay Ellise.

Kunot na naman ang noo ko na binasa iyon.

[ELLISE: Good Morning sir.... Sa hospital niyo na lang pala papuntahin ang driver mamaya.]

Sa mensahe ni Ellise ay doon ko na naalala ang mga napag usapan namin.

"And at least I didn't say anything that wasn't me."

Nagpatuloy na ako sa pagbaba ng kama at gawin ang nakagawian sa umaga. Magtutungo sa Gym room ko at magpapawis ng kalahating oras.

Magkakape bago maghahanda para sa pagpasok ng kumpanya.

Naghihintay na din sa ground floor ang personal driver ko na minsan ko na kadalasan ay hindi na din ito nagmamaneho dahil madalas kong kasama si Ellise at siya mismo ang nag insist na ipagmaneho ako.

Kaya si Ellise na lang madalas ang inuutusan kong magmaneho.

"Good morning, young master."

"Morning." tipid kong tugon. "Sunduin mo ngayon si Ellise, Mang Santi. Sa hospital ka na dumeretso ayon sa sinabi niya."

"Sige, young master. Ihahatid po ba kita muna bago ko sundunin ang young lady?"

"Young Lady?" pang uulit ko na napatingin dito.

"Iyon ang sinabi ng Old Master na itawag namin kay Ms. Santillan. Hindi niyo po ba gusto?"

"Then, why do you refer to her as Ms. Santillan, knowing that she is my wife? Shouldn't she be using my last name?"

"Pasensya na, young master."

"Just call her what the old man said." sabi ko na lamang sabay kumpas ng kamay ko na umalis na ito.

Nakasunod ang mata ko sa papalayong sasakyan na susundo kay Ellise hanggang sa mawala na iyon sa paningin ko.

"Huh! young lady?" at napailing pa ako ng lumabas sa bibig ko ang katagang iyon na itinawag sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Keer
next chapter ms. A........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK2 #122:

    "Will you promise to care for each other in the joys and sorrows of life, come what may, and to share the responsibility for growth and enrichment of your life together?""We do.""Then please turn to each other and share your vows.""When we first met, I never imagined this day would come after so many years I suffered but now that we are here I couldn't have imagined choosing anyone else but you to go through life's journey with. I love your laugh, your smile, your caring nature and that face you make when something is so cute, you just have to squeeze it.""Reallan Dela Cruz, I love you, You have filled my life with joy and have given me a sense of peace that I have never known.""I promise to encourage you to follow your dreams. I promise to make you laugh when you are taking yourself too seriously. I promise to hold your hand through the good times and through the bad times. I promise to be loyal and faithful and to put you before all else. And I promise that when we are old and

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK 2 #121:

    THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE:....At habang palapit na nga kami ng palapit ay nakakarinig na kami ng tugtugin. Malamyos na musika. Ng makarating na kami ay agad na bumaba ang driver at pinagbuksan ako. Kaya hindi ko na naigala ang paningin ko bago sana bababa."Salamat." At sa pagbaba ko ay ang malamyos na musika na naririnig namin kanina ay napalitan na ng Endless Love.Nangunot man ang nuo ko ay nakaramdam ako ng biglang pagkabog ng dibdib ko. Bakit parang pakiramdam ko tuloy ay ako ang ikakasal."Tara na po sir. Naghihintay na si Sir Lancer sa Altar." Sabi ng driver sa akin kaya hindi ko napigilan ang marahas na paglingon dito.Si Lancer! Naghihintay sa Altar????What???Hindi kasi totally na sa harap ng bahay ng lolo tumigil dahil napapalibutan ng palamuti at ibat ibang dekorasyon ang maluwang na espasyo sa bahay sa harapan.Hindi pa man ako nakakabawi ay sinalubong na ako ng lolo."Lets go apo." At inalok nito ang kamay sa akin kaya naman awtomatikong kumapit ako doon.Hindi

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK 2 #120:

    THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE:...."Nasaan na ang sir Lancer mo, Arlyn? At ang mga bata?" Tanong ko dito ng siya lang ang makita ko. Tinanghali na naman ako ng gising dahil sa walang sawang pag angkin niya sa akin. At parang wala na akong natitirang lakas ngayon araw."Nauna na po sa bahay ng señor, sir Reallan." Magalang na sagot naman nito sa akin."Bakit hindi nila ako hinintay. Ano ba naman yan." Napasimangot ako.Nakalimutan ko tuloy na pupunta pala kami. Mahuhuli pa yata ako sa pagtitipong gaganapin sa bahay ng lolo.Dalawang linggo na ang nakakalipas ng sabihan ako ni Lancer na may pagtitipong gaganapin sa bahay ng lolo. Ewan ko na lang kung ano dahil hindi naman niya sinabi. Basta nitong nakaraang araw ay nagpasukat kami ng damit ko at damit niya. Kahit na damit ng mga bata.Hindi na lang ako nagtanong kung ano ba talagang okasyon kasi halatang malaking pagtitipon ang magaganap dahil pormal na pormal ang mga damit na ipinatahi niya.Para ngang damit pangkasal lang. Itim an

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK 2 #119:

    THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE:....Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Ngayon....... Walong buwan na ang kambal."My love." Yumakap ako sa may likuran niya ng makauwi ako galing kompanya. Maaga kong tinatapos ang trabaho ko sa hapon para makabonding ko pa ang apat naming anak bago na naman matapos ang araw.Hindi na ako iyong tipong tatapusin ang lahat ng trabaho ko sa isang araw para kaunti na lang ang gagawin kinabukasan.Kundi iyong tamang trabaho lang. Makakapaghintay ang mga iyon pero ang pag aalaga ko sa mga anak ko ay hindi makakapaghintay.Mas uunahin ko sila kaysa sa trabaho ko. Lalo na ngayon. Nasa stage sila na kailangan ng kalinga at pagmamahal ng kanilang ama kaya hindi ko sila pagkakaitan ng mga iyon. Babawiin ko ang mga araw na hindi ko naalaagaan noon ang naunang kambal kasama ng bagong kambal namin."Ang aga mo na naman." Humaplos naman ang kamay niya sa pisngi. Nilingon kaya naman ginawaran ko siya ng halik sa labi bago muling ibinaling ang paningin

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK 2 #118:

    THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE:...."Where are they? Can I see them?" tanong niya ng magising siya matapos ang anim na oras siyang tulog magmula kaninang natapos ang operasyon."Of course my love." Nakangiti kong sagot. Niyuko ko muna siya at ginawaran ng halik sa labi at binulungan. "Thank you so much my Love. I love you.""I love you too." Sabay tango."Sandali lang my Love." Hindi naman malayo sa kama niya ang crib ng kambal kaya agad ko ding nahila iyon palapit sa kanya.Hindi pa kasi siya makakilos ng maayos dahil mabigat pa ang katawan niya dahil epekto ng anesthesia na magtatagal ng 24 hours sa katawan niya para maibsan ang ang sakit sa sugat niya.After the anesthesia last ay doon ko naman siya bibigyan ng ibang pain reliever. Okay lang sa kanya sa gamot na malalakas para agad siyang gumaling at maghilom ang sugat niya dahil hindi naman siya magpapagatas at hindi iyon makakaapekto sa kanya."Here they are." Nakangiting sabi ko. Maingat na binuhat ang isa at maayos din na in

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK 2 #117:

    THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE:...."My love. Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya ng gabing hindi siya mapakali at parang namimilipit na sa sakit.Bigla akong kinabahan dahil para na siyang manganganak. Pero isang linggo pa ang hihintayin namin para sa operasyon niya."M-manganganak na yata ako." Halos hindi siya makapagsalita at ng tignan ko siya sa mukha ay maluha luha siya."A-ano. S-sandali. A-ano ba ang gagawin ko. W-wait." Halos hindi ko na alam ang una kong gagawin dahil nataranta na ako.Napasigaw pa ako na tinawag si Yaya Silvana. Ewan ko na lang kung narinig ako dahil nakasarado naman ang pintuan ng silid namin at nasa baba pa sila."A-ang sakit na. K-Lancer..""W-wait. M-my love naman eh. S-sandali. S-sandali." Ako pa yata ang nahihirapan. Mabilisang kumuha ako ng damit sa kabinet at hindi ko na alam kung tama ba ang pagkakasuot ko."A-ano? Saan ang masakit?" Tanong ko pa. Hahaplos ako sa pisnhi niya. Lilipat sa tiyan niya. Hindi ko tuloy alam kung saan ko siya hahawakan.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status