Masuk"Heneral Absalom!" tawag ng isa sa dalawang kawal na nagsama kay Deborah sa isang heneral.Nasa labasan na siya at ang isa pa sa mga sundalong nag-akalang siya si Hadassa."Tama ba itong ginagawa ko?" kinakabahang tanong ni Deborah sa sarili.Ilang sandali pa ay lumabas na ang sundalo at ang isang makisig na Mortano sa himpilan."Siya si Binibining Hadassa, Heneral. Hinahanap ka niya nang makita namin siya sa tindahan ng mga armas."Nakasimangot ang Mortano na tinatawag na Heneral Absalom.Pinagmasdan siya nito na tila nangingilatis."Ikaw si Binibining Hadassa, hindi ba?" tanong nito."Ako nga," halos masamid niyang sagot."Bakit mo ako hinahanap?""Inaanyayahan ka ng aking eldest sister na asawa ni Heneral Jesi na bisitahin sila sa Melyn." Pagsisinungaling niya na halos maluha sa kaba. Wala siyang ibang naisip na dahilan kundi ang mga narinig niya sa pagkukuwento ng dalawang sundalo. Nabanggit kasi ng mga ito na ikinasal na ang kapatid nito sa kapatid ng kahawig niya.Iyon lang muli
"Deborah, gising!" panggigising kay Deborah ng isang Melyntor donkey.Marahang tinatapik ng isang binti nito ang balikat niya dahilan upang siya ay magising."Ummm..."Marahan niyang iniangat ang ulo habang nakadapa sa damuhan.Inilibot niya ang tingin at nahagip niyon ang Melyntor donkey na ilang sandali na ring nanggigising sa kaniya."Bumangon ka na, Deborah!"Agad siyang napabangon nang mapagtanto niyang ang Melyntor donkey nga ang nagsasalita."Huh!" napaupo sa damuhan niyang bulalas. "Nagsasalita ka?""Grabeng reaksyon naman 'yan! Bumangon ka na riyan at may pupuntahan pa tayo.""Teka! Nasaan na nga ba ako at," tanong niya na agad tumayo, "paanong ikaw ay nakapagsasalita?""Sige, ipakikilala ko muna ang aking sarili," pasimula nito. "Ako si Makkiyah, isang Melyntor donkey na matagal nang naglalakbay dito sa Fukused.""Fukused? Ito ay malayong lupain na mula sa Edoma Forest, hindi ba?""Ang alam ko ay bigla ka na lang napunta rito kasama ang isang Mortano. Nang madaanan ko kayo,
"Datu Siviro! Sinasalakay tayo ng mga Mortano mula sa Guzen.""Mula sa Guzen?"Hindi makapaniwala si Siviro na muli silang sasalakayin ng mga kalabang Levitan. "Sila ay pinamumunuan ng isa sa mga hari nila na isang werewolf hunter.""Ang werewolf hunter na 'yan talaga," nangungunsumi niyang reaksyon patungkol kay Haring Yusef. "Sabihan ninyo ang lahat ng mandirigmang grupo na harapin ang mga Mortanong iyan. Pagsisisihan nila ang muling pagtapak dito sa Edoma Forest."*****"Aming diyos na Lord Father Adonai, dinggin mo sana ang aking panalangin. Protektahan mo sana si Deborah at ang kaniyang mga kasamahan. Huwag mo pong hayaang masaktan sila ng aming mga kababayan. Mangyari sana ang iyong itinakda." Pagsamo ni Reyna Milcah habang nananalangin sa templo.Nagpasama siya kay Lexie upang mag-alay ng insenso sa kanilang diyos. Bago ipasunog ang dalang insenso, naisipan niya muna manalangin sa templo. Iyon lamang ang alam niyang paraan upang humingi ng tulong sa kanilang diyos."Kahabagan
Napagdesisyunan ni Eldest High Priest Samuel na tingnan ang lagay ng mga high priest sa mga templong malapit sa locust city. Siya at ang assistant priest na kasama niya ay nagdaan sa Light Kingdom."Maganda ang panahon ngayon, hindi ba, Eldest High Priest Samuel?" masayang komento ng kasama niyang assistant priest.Napangiti siya at sumang-ayon. "Siyang tunay, Assistant Priest! Mabuting ngayon tayo bibisita sa mga high priest sa malalapit na templo."Nagsasalita pa ang kaniyang kasama nang makasalubong nila si Harvan at si Zillah."Isang maaliwalas na morning hour sa inyo, Binibining Zillah at Harvan!" masayang bati niya sa mga ito nang mapadaan sa kanilang direksyon."Sa inyo rin, Eldest High Priest at Assistant Priest. Tila kayo ay nanggaling sa templo ng Locust City." Masiglang bati naman sa kaniya ni Zillah.Si Harvan ay ngumiti lamang sa kaniya."Ako nga ay nanggaling sa templo ng Locust City, Binibining Zillah. Saan ba kayo magtutungo ni Harvan?" Napuna niyang mas umaliwalas an
Nagpulong ang mga hari sa Guzen dahil sa sunod-sunod na pag-atake sa mga pinapastulang alaga ng mga mamamayan."Kapag hindi pa natigil ito, maging ang mga Qanna sheep at Qanna goat na iaalay sa templo ay mauubos. Maraming may-ari ng lupain ang mababawasan ng kabuhayan." Wika ni Haring Jeto.Napakibit-balikat na lamang si Haring Chezedek sa suliranin. Bumaling na lamang ito kay Haring Yusef na nakikinig lamang sa usapin."Anong masasabi mo, Haring Yusef?" tanong sa kaniya ng biyanang hari.Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sumagot, "Hindi lamang kabuhayan ng mga mamamayan ang nanganganib, ama kong hari, ang kaligtasan ng lahat ang mas dapat pagtuunan ng pansin.""Ikaw ba ay nababahala na maaaring ang mga mamamayan mismo ang atakihin ng hindi pa natutukoy na nilalang?" tanong naman ni Haring Jeto sa kaniya.Nilingon niya ito, "Wala namang ibang nilalang na maaaring gumawa ng ganito kundi mga werewolf, hindi ba?""Nakasisiguro ka ba riyan, Haring Yusef?""Mula pa nang tayo'y m
"Anong nangyari sa mga alaga kong Qanna goat?" nanlulumong tanong ng isang pastol.Nakita nitong wala nang buhay ang mga Qanna goat na pinapastol nito."Maging ang mga alagang Qanna sheep mo rin pala?" hindi makapaniwalang saad ng kapwa nitong pastol. "Ganiyan din ang nangyari sa mga Qanna sheep ko noong makalawa lamang.""Bakit ba nangyayari sa atin ang lahat ng ito?"*****Si Haring Yusef ay kasalukuyang nasa kaniyang himpilan. Binabasa niya ang bagong mapa na ipinaguhit sa isa sa mga pintor ng palasyo."Mahal na hari," bungad sa kaniya ng isa sa mga punong sundalo ng kanilang kaharian pagpasok nito sa kaniyang himpilan."Anong balita, Heneral Gaddai?" kaswal niyang tanong na sa mapa pa rin nakatuon ang paningin."Kamahalan," panimula naman ng punong heneral na salubong na ang kilay hindi pa man naibabahagi ang dala nitong balita. "Marami na sa mga nagmamay-ari ng pastulan at mga pastol ang dumulog sa amin. Sunod-sunod ang pagkam*tay ng mga alaga nilang Qanna sheep, Qanna pig, at Qa
Bumisita si Arahab sa bagong palasyo ni Reyna Milcah. Labis ang kaniyang pagkatuwa dahil sa Light Kingdom na rin ito naninirahan. Mayroon na siyang bibisitahin na matagal nang kakilala at mapagkakatiwalaan. Ito ay isa na ring kapatid para sa kaniya."Mabuti at ikaw ay naparito, Prinsesa Anarah. Pak
Nang matapos makipag-usap sa kaniyang ina ay nagpasya si Anarah na hindi na muna pumasok ng kanilang witch cabin.Ayaw niyang mapuna ng mga nakababatang kapatid na mayroong bumabagabag sa kaniyang isipan."Hindi nararapat na makadagdag pa ako sa suliranin ng aking mga kapatid. Sapat nang ang aming
Nalaman ni Reyna Milcah na nagtungo ang kaniyang amang hari sa palasyo ni Haring Yusef kaya siya ay nagpahatid doon upang makita ito. Ang second ranked attendant niyang si Harvan ang tanging isinama niya."Mabuti at naririto ang amang hari sa Light Kingdom, Harvan. Nais ko sanang dalawin sila ni ma
Nabagabag si Datu Nebunizar dahil sa werewolf na napuna ni Deborah na nagmamanman sa Edoma Forest. Inaalala niya na marahil ay marami nang nakalap na impormasyon ang espiya tungkol sa mga miyembro ng kanilang werewolf clan."Armida!" tawag niya sa babaylan nang dumating ito."Ano po iyon, mahal na







