Beranda / Fantasy / The Chosen Werewolf Wife / Chapter Seventy: Mapanganib Na High Priest

Share

Chapter Seventy: Mapanganib Na High Priest

last update Tanggal publikasi: 2025-11-11 10:20:29

Nang matapos ang seremonya ng pag-iisang-dibdib nina Haring Yusef at Prinsesa Nini ay nagpasya si Arahab na magtungo ng Truth Kingdom. Nais niyang kumustahin ang lagay ng kaibigang si Deborah.

Sasakay na sana siya ng karwahe nang bumati sa kaniya si High Priest Peniha.

"Pagpalain ka nawa ni Lord Father Adonai, mahal na prinsesa!" malugod na panimula nito. "Ikinalulugod ko na muli kang masilayan."

Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago tumugon. Wala siyang gana na makipagtalastasan dito n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Thirty: Ang Ulat Ng Pagkabigo

    Maraming naganap sa apat na kontinente ng Melyntor lalo na sa mga lupain kung saan nanirahan ang mga Levitan.Dalawang Melyntor years na ang nakalilipas magmula nang magapi nina Anarah ang vampire clan nina Edwardo at Belinda. Tinulungan sila nina Deborah at Ram Luiz kasama ang dalawang nagsanib na werewolf clans.Pumanaw si Inang Reyna Liana isang Melyntor year matapos bawian ng buhay ang anak na si Haring Jesu.Dahil wala na ang dating inang reyna, ang anak nito na si Inang Reyna Samerah na ang bagong tagapangasiwa sa apat na palasyo sa Way Kingdom: ang palasyo ng hari, ang palasyo ng reyna at inang reyna, ang palasyo ng mga prinsesa, at ang palasyo ng mga prinsipe.Si Haring Jeto naman ang pumalit sa dating hari habang ang kabiyak nito na si Reyna Nayacah na ang bagong reyna ng kanilang kaharian.Isang Melyntor year nang naglilingkod sa templo ng Locust City si Eldest High Priest Samuel. Mabilis ang pag-angat ng kaniyang ranggo dahil sa kaniyang katapatan kay Lord Father Adonai."E

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-nine: Ang Pagbabalik Sa Gypto

    Dalawang taon na ang nakararaan sa Edoma Forest matapos ang pag-iisang-dibdib nina Leandro at Sharina..."Leader! Leader!" tumatakbong sigaw ni Severus nang makapasok sa Wuluf Cave kung saan nakikipag-usap si Ram Luiz sa kapatid na datu.Kumunot ang kaniyang noo at napailing bago harapin ang kagrupo. "Anong balita, Severus?"Napahawak ito sa dibdib dahil sa sobrang pagkahingal. "Si Binibining Deborah ay nagising na."Nagkatinginan muna sila ni Datu Siviro bago niya nilisan ang Wuluf Cave.Lumakad sila papunta sa toldang tinutuluyan ni Deborah upang makita ang kabiyak.Matagal ding nakatulog ito na lubos na ikinabahala ng kanilang werewolf clan at ng Gypto."Adult Ram Luiz," sambit ni Loisa nang makapasok sila ng tolda.Tumango lamang siya kay Loisa at bumaling kay Deborah na nakatalikod sa kaniya."Aking binibini," malakas ang pintig ng puso niyang pagbigkas.Dahan-dahang lumingon sa kaniya ang kabiyak. Napuna niyang naahit na ang mga balahibo nito sa katawan."Magtungo na tayo sa Gyp

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-eight: Ang Pagbabalik Sa Fukused

    "Mama?" pabulong na tawag ni Hannah habang nakasakay sila sa karwaheng sinasakyan ng heneral. "Tama po bang sumama tayo kay Heneral Jesi?"Napangiti ang kaniyang ina. Mahina lamang ang tinig nito habang nagsasalita. "Alam kong hindi pa natin sila lubusang kilala, aking bunso. Marahil ay nangangamba kang may masama silang pakay. Ngunit ang Haring Jehu na mismo ang nag-utos na isama nila tayo papuntang Fukused."Pasimpleng sinipat niya ng tingin ang kinaroroonan ng heneral. Hindi niya mawari kung may masama itong intensyon o mabuti ang kalooban.Muli siyang bumaling sa ina. "Ano ba sa palagay mo, Mama, magkasinggulang ba sila ni Big Sister?"Pasimpleng napangiti ang kaniyang ina at bumulong, "Pakiwari ko ay nakapagdiwang na siya ng kaniyang ikaapatnapung kaarawan.""Tulad ng Eldest Sister?"Napahagikgik ito at tumango.Sinipat naman niya si Hadassa na tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ng karwahe. Naalala niyang hindi man lamang sila nakapagpaalam kay Emmanuel.Matagal na niyang hind

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-seven: Pagtatago Ng Karamdaman

    Nang makaalis si Inang Reyna Liana, muling nagtungo sa kaniyang silid si Haring Jehu."Mahal na hari, ipatatawag na ba namin ang inyong lung doctor?" nababahalang tanong ng eunuch.Nakahiga na siya sa higaan at umuubo nang malala.Tumango na lamang siya sapagkat hindi pa niya kayang magsalita nang maayos.Oras na ng pag-inom niya ng gamot kaya bigla na lang siyang umubo nang malala."Mabuti na lamang at nakaalis na ang inang reyna bago ka sinumpong ng iyong karamdaman, mahal na hari." Saad ng eunuch habang pinaiinom siya nito ng gamot.Uminom muna siya ng asul na likido bago bumalik sa pagkakahiga.Unti-unting bumuti ang kaniyang pakiramdam. Natigil ang kaniyang pag-uubo."Kumusta ang iyong paghinga at lalamunan, mahal na hari?" tanong ng eunuch."Bumuti na. Mabilis tumalab ang gamot na ipinainom ninyo sa akin.""Narito na ang manggagamot, mahal na hari!" anunsyo ng isa pang eunuch.Napabuntong-hininga siya nang pumasok ang manggagamot.Nagpakita naman ito ng paggalang sa kaniya bago

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-six: Ang Pagkahimbing

    "Chai," tawag ni Prinsesa Nayacah sa isang tagapaglingkod."Prinsesa Nayacah, nagugutom ka na ba? Nais mo bang maghanda ako ng makakain mo?"Umiling siya. "Hindi na, Chai. Nais ko lang malaman kung nasaan si Mama.""Si Prinsesa Samerah? Siya ay nasa kaniyang silid, Prinsesa.""Gayon ba? Kung gayon ay pupuntahan ko siya. Hindi pa kami nagkakausap mula nang ako'y magising.""Mabuti pa nga, Prinsesa Nayacah. Bigla na lamang siyang nabalisa nang dahil lamang sa pagbisita ni Dukesa Linosa at ng mga anak nito." "Si Dukesa Linosa? Siya ba iyong dating tagapaglingkod na paborito ng grandmother na inang reyna?" usisa niya."Siya nga, Prinsesa." Nababahalang sagot ng tagapaglingkod."Bakit naman siya nababahala sa pagbisita ng dukesa? May hidwaan ba sila?""Wala namang hidwaan, Prinsesa. Itinuring na rin na parang tunay na anak ng inang reyna si Dukesa Linosa noong tagapaglingkod pa lamang siya. Maging ang Haring Jehu at Duke Jabez ay malapit ang loob sa kaniya."Napabuntong-hininga siya. "M

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-five: Agarang Pagbisita

    Habang naghihintay si Hannah kasama ang ina at nakatatandang kapatid sa harap ng palasyo ni Haring Jehu..."Mama," tawag niya sa atensyon ng ina at itinuro ang nagbubukas na tarangkahan ng palasyo.Nagsitinginan sina Linosa at Hadassa sa tarangkahan.Nagsilabasan doon ang mga royal guard at mga palace guard."Bakit nagsilabasan sila? Papalabas na ba ang Inang Reyna Liana?" pagtataka ng mama niya."Ang mahal na Haring Jehu," bulong ng big sister niya sa kanila.Sa paglabas ng hari ay agad namang napansin nito ang kanilang presensya."L-linosa," tila pagtataka ng hari, "ikaw ba ay naparito?"Nagsiyuko silang tatlo sa harapan nito at bumati, "Masayang pagbati sa iyo, Haring Jehu!""Iangat na ninyo ang inyong mga ulo. Isang masayang noon hour sa inyo!""Isang masayang noon hour din sa iyo, mahal na Haring Jehu!" ganting pagbati rito ng mama niya. "Kami ay nagtungo rito upang magbakasaling makita ang Inang Reyna Liana.""Si Mama?" napapaisip na tugon ng hari."Mahal na Hari, ang karwahe ng

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred-eight: Ang Huwad Na Kapatid

    Nang dahil sa mga reklamo laban kay High Priest Peniha ay ipinatawag ito ni Haring Yusef at ng mga hari sa iba't ibang kaharian sa Guzen.Ipinatawag din si Eldest High Priest Ellai at iba pang high priest na pinaghihinalaang gumagawa ng paglabag.Ipinatawag ang mga ito dahil sa pagsumite ni Haring

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred-six: Hindi Malilimutang Kababata

    Labis ang kabog ng dibdib ni Samuel habang humahakbang palabas ng kaniyang silid.Wala siyang maalala na kakilalang Mortana sa Guzen. Hindi niya mahulaan kung sinong Mortana ang sinasabi ni Emmanuel na nais makipagkita sa kaniya.Narating nila ang kinaroroonan ng kaniyang bisita. Hindi siya makapan

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred-five: Ang Bagong Assistant High Priest

    Agad na naglakbay si Deborah kasama si Ram Luiz pabalik ng Edoma Forest. Sinikap nilang makabalik agad sapagkat ayaw nilang mahalata nina Deryk at Benedict ang pagmamanman nila sa mga ito.Pareho silang walang imik ng magiging kabiyak dahil sa nalaman nila. Sapat na ang kanilang mga narinig mula sa

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter Ninety-five: Ang Ilan Sa Mga High Priest

    Bumisita si Arahab sa bagong palasyo ni Reyna Milcah. Labis ang kaniyang pagkatuwa dahil sa Light Kingdom na rin ito naninirahan. Mayroon na siyang bibisitahin na matagal nang kakilala at mapagkakatiwalaan. Ito ay isa na ring kapatid para sa kaniya."Mabuti at ikaw ay naparito, Prinsesa Anarah. Pak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status