MasukYuhei’s POV
Hindi agad nagsalita si Elijah habang pauwi kami.Tahimik ang sasakyan. Masyadong tahimik. ‘Yung klase ng katahimikan na parang may gustong sumabog pero pinipigilan lang.Hawak niya ang manibela. Mahigpit. Parang kung bibitaw siya, may mawawala.Ako naman, nakatingin lang sa bintana.Pero ang totoo—Paulit-ulit sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Renxiao.You were chosen.Your father owed me.Even your love story is a transaction.Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang katotohanan o ang posibilidad na totoo ito.“Yuhei,” tawag ni Elijah, mababa ang boses. “Say something.”Huminga ako nang malalim.“Kung magsasalita ako ngayon,” sagot ko, “baka masabi ko ang mga salitang hindi na mababawi.”Tumahimik siya ulit.Elijah’s POVI deserve this silence.I deserve the distance.Hindi ko alam ang tungkol sYuhei’s POVMay mga bagay na hindi nahuhugasan ng tubig.Kahit ilang beses mo pang kuskusin ang kamay mo, kahit masugatan na ang balat mo—may bakas na nananatili.Dugo.Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang tunog ng putok.Hindi ko maalala ang mukha niya nang malinaw, pero alam kong bumagsak siya dahil sa’kin.“Self-defense,” sabi nila.Pero kahit anong tawag mo, pareho pa rin ang ending.May taong hindi na humihinga.At ako ang dahilan.Elijah’s POVHindi ako natulog.Hindi dahil sa giyera.Kundi dahil kay Yuhei.Nakatulog siya bandang madaling-araw, pero nanginginig ang katawan niya kahit mahimbing na ang mata.Trauma.Alam ko ‘yon.At kasalanan ko.Kung hindi ko siya isinama, kung hindi ko siya binigyan ng baril—Pero wala nang “kung.”Ang meron na lang ay kung paano ko siya poprotektahan
Yuhei’s POVMay mga lugar na akala mo ligtas.Hanggang isang araw, gigising ka na lang na wala na pala.Safehouse ang tawag ni Elijah sa lugar na ‘to—isang lumang bahay sa gilid ng bundok, napapalibutan ng puno, tahimik, halos parang abandoned.Pero habang nakaupo ako sa sahig, hawak ang sugat sa braso ko, isang bagay ang malinaw sa isip ko:Wala nang safe.Hindi na ‘to tungkol sa pagtakbo.Hindi na rin tungkol sa pagtatago.May humahabol sa’min—at kahit saan kami pumunta, susunod at susunod sila.“Elijah,” tawag ko habang binabalot niya ulit ang benda. “Hanggang kailan?”Hindi siya sumagot agad.Hindi dahil wala siyang sagot.Kundi dahil ayaw niyang sabihin ang totoo.Elijah’s POVHanggang matapos ko ‘to.Hanggang wala nang humihinga sa mga taong gustong manakit sa kanya.Pero hindi ko pwedeng sabihin ‘yon.“Kailangan nat
Yuhei’s POVHindi ako nakatulog.Hindi dahil sa ingay ng alon sa labas ng hotel, kundi dahil sa presensya niya sa loob ng kwarto—kahit hindi kami magkatabi.May distansya pa rin.Isang kama ang pagitan namin.Isang digmaan ang nasa gitna.Naririnig ko ang paghinga niya. Mabagal. Kontrolado. Parang laging handa.“Hindi ka ba talaga matutulog?” tanong ko sa dilim.Tumigil ang paghinga niya sandali.“Hindi hangga’t hindi ako sigurado na safe ka,” sagot ni Elijah.Napangiti ako nang bahagya.Hindi sweet.Hindi romantic.Pero totoo.Elijah’s POVHindi ako nagbiro.Hindi ako makatulog kapag alam kong may mga aninong gumagalaw sa paligid niya.Renxiao doesn’t threaten twice.He strikes once—hard.At ngayong alam niyang magkasama kami—Mas lalo siyang magiging marahas.“Yuhei,” sabi ko, mababa a
Yuhei’s POVTahimik ang bayan ng Batangas—ngunit para sa akin, hindi na ito katahimikan.May pakiramdam akong may paparating. Hindi takot lang… mas mabigat, parang ulan na bago pa man dumating ay dama mo na sa balat.Naglakad ako pauwi mula sa bookstore. Ang gabi ay malamig, may amoy ng dagat at pinagmumultuhan ng alaala ng mansyon.Tumigil ako sa gilid ng kalsada. Tiningnan ko ang paligid. Wala. Wala nang tao. Wala nang sasakyan.Pero may naramdaman akong presensya—isang tunog ng yabag sa dilim.Tumayo ako nang tuwid. Hawak ang bag sa harap ko. “Sino ka?” bulong ko.Walang sagot.Tumalikod ako, tatakbo palabas sa liwanag ng poste, pero isang kamay ang humarang.Mabilis. Malakas. At sa sandaling iyon, nakita ko ang mukha niya.Renxiao.Zhou Renxiao’s POVNakita ko siya—nag-iisa. Walang gu
Yuhei’s POVMay mga laban na hindi sinisigawan.Walang baril. Walang dugo. Walang sigawan sa gitna ng ulan.Pero mas masakit.Mas nakakapagod.Mas matagal gumaling.Ito ang klase ng digmaan na araw-araw mong kinakaharap mag-isa—kahit napapalibutan ka ng tao.Tatlong linggo na mula nang umalis ako sa mundo ni Elijah.At sa tatlong linggong ‘yon, mas marami akong natutunan tungkol sa sarili ko kaysa sa buong panahong kasama ko siya.Hindi dahil masama siya.Kundi dahil masyado kaming nasanay sa ideya ng “kami” na nakalimutan ko kung sino ako kapag wala siya.Yuhei’s POVLumipat ako sa Batangas.Hindi beach. Hindi resort.Isang tahimik na bayan na parang nakalimutan ng oras.May maliit na inuupahang bahay—lumang kahoy, may bitak ang bintana, at laging may amoy ng dagat kahit hindi ko naman nakikita ang dagat.Perfect.Di
Elijah’s POVTatlong araw.Tatlong araw mula nang umalis siya.At bawat segundo noon, parang may kulang na hangin sa mundo ko.Hindi ako natulog nang maayos. Hindi dahil sa trabaho. Hindi dahil sa giyera sa negosyo. Kundi dahil sa bawat sulok ng mansyon, may alaala niya.Sa mesa kung saan siya tahimik na umiinom ng tsaa.Sa bintanang tinatambayan niya tuwing gabi.Sa kwarto na ngayon—isang echo na lang ng presensya niya.“Sir,” sabi ni Lucien, “you’re crossing a line.”Tumingin ako sa screen ng tablet ko.Live feed.Isang maliit na café sa Laguna.Si Yuhei.Nakatayo. Nagbabayad. Ngumingiti sa barista.“Hindi ko siya sinusundan,” sagot ko. “Sinisigurado ko lang na buhay siya.”Tahimik si Lucien.Pareho naming alam—palusot lang ‘yon.Yuhei’s POVMay pakiramdam ako na may nakatingin.Hindi paranoia.Hind







