LOGIN
Basang-basa si Nica habang nagmamadaling pumunta sa ospital. Ang ulan ay walang tigil, bumubuhos nang parang walang hanggan. Ramdam niya ang lamig ng bawat patak na dumadampi sa balat niya, pero mas malakas pa sa lamig ng ulan ang nangingibabaw na takot sa puso niya. Sa loob, iniisip niya ang kalagayan ng kanyang ina—isang buhay na nakabitin sa pag-asa at sa mga makina ng ICU.
Hindi nagtagal, nakarating siya sa ospital. Mabilis siyang umakyat sa ICU, tinawid ang makipot na pasilyo na puno ng mga taong nagmamadali rin. Pagpasok niya sa ICU, nakita niya ang ina niyang nakahiga sa kama, napapaligiran ng mga machines at mga wires na kumokonekta sa katawan nito. Malalim ang paghinga ng kaniyang ina, habang ang mga mata ni Nica ay hindi makawala sa malambot na mukha ng ina. Habang hawak-hawak ang kamay ng ina, nilapitan siya ng doktor. “Miss Nica, kritikal na po ang kondisyon ng nanay mo. Kailangan na agad siyang maoperahan kung gusto natin siyang mailigtas,” wika ng doktor, habang tumitingin siya nang diretso sa mga mata ni Nica. "Pero... may isang bagay pa po akong kailangang malaman. May kakayahan po ba kayong tustusan ang gastusin para sa operasyon? Mahal po ito.” Huminga nang malalim si Nica, pilit nilalabanan ang pagkilos ng mga luha na sumusubok sumirit sa kanyang mga mata. "Dok, wala po akong sapat na pera. Nag-aaral po ako pa lang sa kolehiyo. Wala po akong trabaho, kaya wala rin po akong puhunan para sa operasyon.” Ang boses niya ay mahina, at pilit niyang tinatago ang panghihina. “Ganoon ba…” sagot ng doktor, na para bang nakikiramay ngunit limitado ang kanyang magagawa. "Bibigyan ka namin ng ilang oras para maghanap ng paraan. Kung hindi, baka hindi na siya makaligtas,” dagdag nito bago bumalik sa loob ng ICU. Lumabas si Nica, hindi alam kung saan hahanap nang ganoong kalaking pera. Sa isip niya, si Rafael ang tanging maaasahan niya dahil may kaya ito sa buhay. Nilabas niya ang cellphone at handa nang tawagan ang kasintahan para humingi ng tulong—kahit na nahihiya siya. Ngunit bago pa man niya marinig ang boses ni Rafael, may isang babae ang lumapit sa kanya. Napapalibutan ito ng mga bodyguard na nakapuwesto sa paligid niya na parang mga sundalo sa isang opisyal na misyon. Tumigil ang babae sa harap niya at tumingin nang diretso, halatang sinusukat si Nica. “Ikaw ba ang girlfriend ng anak kong si Rafael Watson?” tanong ng ginang, diretso at walang halong pag-aalinlangan. “I’m his mother.” Napilitan tumango si Nica. "Good evening po, Ma'am," magalang niyang bati sa ginang. Hindi niya naituloy ang balak niyang tawagan si Rafael mang sumunod ang mga salita ng babae. “Limang milyon ang ibibigay ko sa 'yo,” mahigpit na sabi ng ina ni Rafael, “kapalit ng pakikipaghiwalay mo sa anak ko, Nica.” Naipit ang hininga ni Nica sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa sinabi. Halos bumigay ang mga tuhod niya sa bigat ng pangungusap. Ngunit hindi lang iyon ang tumalbog sa dibdib niya. Tinuligsa siya ng mga salitang hindi niya inaasahan. “Hindi ka nararapat sa pamilya namin,” patuloy na pang-uuyam ng babae, na parang sinusubukan siyang siraan. “Wala kang maabot sa buhay dahil mahirap ka lang.” Naalala ni Nica ang mga araw ng hirap ng pamilya nila, ang mga gabing nag-aaral siya habang nagpa-part time job upang makatulong, ang mga pangarap na binuo niya nang kasama si Rafael. At ngayon, ito pala ang tingin ng ina ng lalaki sa kanya—isang taong wala raw halaga dahil sa estado ng buhay. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Naramdaman niya ang sakit, galit, at lungkot na sabay-sabay bumalot sa kanyang puso. “Mrs. Watson, mahal ko po si Rafael,” sagot ni Nica nang matatag kahit na nanginginig ang boses. “Hindi pera ang sukatan ng pagmamahal namin.” Ngunit tila ba wala itong epekto. Napailing ang babae at ngumiti nang malamig. “Love? That doesn’t pay hospital bills, sweetheart. You think love can cover five million pesos? You are naive if you believe that.” Nagtaka si Nica sa lalim ng pagkakakita ni Mrs. Watson sa kanila. Sa mga mata ng babae, walang lugar si Nica—wala siyang karapatan, at wala siyang halaga. Habang nag-uusap sila, nilapitan sila ng doktor. “Miss Nica, kailangan na po namin ang desisyon mo. Hindi na pwedeng ipagpaliban pa ang operasyon.” Tumalikod si Nica at nilingon ang ina ni Rafael. Halatang nag-aantay siya ng sagot. Nasa kanyang mga kamay ang limang milyong pisong naghihintay na mapasakamay niya. Ngunit para kay Nica, hindi pera lang ang nilalaman ng alok na iyon. Kasama ang paghamak, pag-aalipusta, at isang napakahirap na desisyon. Hindi niya matanggap ang sitwasyon, ngunit ang buhay ng ina niya ay mas mahalaga. Hinawakan niya ang sobre na inilapit sa kanya. Ramdam niya ang bigat ng lahat—ng pera, ng pangungutya, ng lahat ng pag-asa na parang unti-unting nawawala. “Kung ito ang magiging paraan upang mailigtas ang aking ina, tatanggapin ko ang limang milyon,” ang mahinang salita na parang sumirit mula sa kailaliman ng pagkatao ni Nica. Ngumisi ang ina ni Rafael at inabot ang pera kay Nica. Hindi pa man nakakakilos si Nica upang itabi ang perang iniabot ng ina ni Rafael, muling lumapit sa kanya ang babae. Matigas ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya mula ulo hanggang paa—parang sinusuri siya kung marumi ba ang kaluluwang kanyang binili. “Don’t be foolish and think this changes anything between you and my son,” malamig ang tinig ng ginang, punong-puno ng panghahamak. “This deal is final. I paid you not just for your silence… but for your complete disappearance.” Nagkuyom ng kamao si Nica, pilit kinakalma ang sarili sa harap ng ganitong uri ng insulto. Ngunit tila ba hindi pa tapos ang ginang. “You may think you’ve sacrificed something noble today, but let me tell you the truth—you’re just another girl who got paid to walk away. Nothing more.” Parang sinampal ng paulit-ulit si Nica sa mga salitang iyon. Gusto niyang sagutin, ipaglaban ang sarili, ang pagmamahal nila ni Rafael. Ngunit wala siyang boses na mailabas. Ang bawat salitang bumalot sa kanya ay parang kadena—nanghihina siya sa bigat. Ang ginang ay humakbang pa palapit sa kanya, halos magkadikit na ang kanilang mukha. Ramdam ni Nica ang amoy ng mamahaling pabango nito, na taliwas sa panlalamig ng boses nitong muling nagsalita. “You have no idea what Rafael has been preparing for. His future is designed with precision. He’s bound to marry someone who matches our name, our status, our legacy. And you, Nica? You’re the kind of distraction that ruins a man’s destiny.” Napasinghap si Nica. Ngunit sa kabila ng pagdurusa niya, may apoy pa rin sa loob niya na hindi ganap na namamatay. “Hindi ako distraction,” sagot niya, mahina ngunit may diin. “I love your son. And I believed he loved me, too.” Ngumiti ang ginang, ngunit iyon ay isang ngiting puno ng panunuya. “Oh darling, that’s the kind of fairytale love girls like you cling to. But in the real world? Love is nothing without power. Without legacy. Without control.” Napuno ng lungkot ang mga mata ni Nica, ngunit hindi siya umatras. “Then I feel sorry for you,” sagot niya sa wakas. “Because you’ll never understand what love really means.” Tumawa nang marahan ang ginang, tila ba naaaliw sa tapang ni Nica. “Keep your pity. I’m not the one who has to watch her mother die unless she sells herself for crumbs,” madiing sabi nito, bago siya lumingon sa kanyang mga bodyguards. Bago tuluyang umalis, huminto siya sa tabi ni Nica, ibinulong ang huling hagupit ng kanyang salita—isang paalala at banta. “If I see you anywhere near my son again, I will not hesitate to destroy whatever pathetic future you think you have left. Do you understand me?” Hindi sumagot si Nica. Tumango lamang siya—isang tahimik na pagsang-ayon sa kasunduang pinilit niyang tanggapin. Kasabay ng pagtalikod ng ginang ay ang mas lalong paglubog ni Nica sa reyalidad. Hindi niya inakala na ganito ang magiging kapalit ng pagmamahal. Hindi niya sukat akalain na darating ang araw na mas pipiliin niyang masaktan, mapahiya, at mawalan… para lang mailigtas ang taong pinakamahal niya—ang ina niya. Humigpit ang hawak niya sa sobre ng pera. Mainit ang mga luha na pumatak mula sa kanyang mga mata, ngunit wala siyang lakas para punasan ang mga ito. Hindi niya alam kung saan niya huhugutin ang natitirang tapang, pero kailangan niyang bumalik sa doktor at dalhin ang perang iyon.Makalipas ang ilang taon. Masayang pinagmasdan nina Nica at Rafael ang tatlong anak nilang naglalaro sa children’s park. Halos hindi mawala ang ngiti sa labi ni Nica habang pinapanuod sina Sofia, Liam, at baby Caleb na nag-aagawan sa maliit na bola.Kasama nila roon si Vivian, ang ina ni Rafael, at ang mga magulang ni Nica na sina Agnes at Gerald. Nakaupo silang lahat sa isang picnic table, may dalang mga pagkain at prutas habang nagkukwentuhan.“Look at them, Rafael. They’re growing so fast,” sabi ni Nica habang nakatingin sa mga bata. “Parang kailan lang, baby pa si Sofia. Ngayon, siya pa ‘yung nagtuturo sa mga kapatid niya.”Napangiti si Rafael at marahang humawak sa kamay ng asawa. “That’s because she got it from you. Ikaw kasi ang pinakamagaling mag-alaga.”“Excuse me?” napataas ng kilay ni Nica, pero halatang kinikilig. “Ikaw kaya itong spoiled daddy. Kahit simpleng ubo lang ng mga bata, gusto mo nang dalhin sa hospital.”Natawa si Rafael at bahagyang umiling. “Hindi ko kasalana
Magkasabay na nagising sina Rafael at Nica sa unang araw ng kanilang gala sa California. Maagang nag-ayos si Rafael habang si Nica naman ay abala sa harap ng salamin, nag-aayos ng buhok at nagme-makeup.“Hon, ready ka na ba?” tanong ni Rafael habang nakasandal sa pinto ng banyo, nakangiti at halatang excited.“Almost!” sagot ni Nica. “Wait lang, last touch.”Napailing si Rafael. “You’ve been saying that for ten minutes already.”“Excited lang ako, okay?” sagot ni Nica, nakatawa. “Gusto ko maganda ako sa pictures natin.”“Maganda ka naman kahit wala kang makeup,” sabi ni Rafael sabay lapit at halik sa noo ng asawa. “Pero sige, I’ll wait. Worth it naman lagi ‘yung paghihintay sa iyo.”Napangiti si Nica, halatang kinikilig. “Flatterer.”Paglabas nila ng hotel, mainit ang sikat ng araw at maganda ang panahon. Unang destinasyon nila ay ang Golden Gate Bridge. Habang naglalakad sila sa tulay, panay ang kuha ni Rafael ng litrato.“Raf, baka ma-lowbat ka na niyan,” sabi ni Nica habang nakatin
Maagang nagising si Nica nang araw na ‘yon. Akala niya, ordinaryong araw lang ng honeymoon nila, pero napansin niyang wala si Rafael sa tabi niya. Pagmulat niya, may nakita siyang maliit na envelope sa bedside table. Agad niyang kinuha iyon at binasa.“Good morning, Mrs. Watson. Get ready and wear something comfortable. I have a surprise for you. – Love, Rafael.”Napangiti si Nica. “Ano na naman kaya ‘tong pinaplano ng asawa ko?” mahina niyang sabi habang napailing.Pagkabihis niya ng simpleng white dress, bumaba siya at nadatnan si Rafael sa sala, naka-jeans at polo shirt, nakangiti at may hawak na dalawang cup ng kape.“Good morning, beautiful,” bati ni Rafael sabay abot ng kape. “Did you sleep well?”“Yes,” sagot ni Nica, nakangiti. “Pero bakit parang ang aga mo namang nagising? May lakad ba tayo?”“Hmm,” ngumiti si Rafael. “Secret. Basta sumama ka lang sa akin today. Don’t ask too many questions, sweetheart.”Napataas ang kilay ni Nica. “Raf, baka naman prank ‘to, ha? Ayoko ng gan
Araw na ng kasal nina Nica at Rafael. Tahimik at maaliwalas ang paligid ng garden kung saan gaganapin ang seremonya. Amoy na amoy ang mga bulaklak, at malamig ang ihip ng hangin. Maliit lang ang bilang ng mga bisita—mga malalapit na kaibigan, kaklase, at pamilya. Simpleng kasal, pero puno ng pagmamahal.Habang inaayusan si Nica ng make-up artist, halatang hindi niya mapigilan ang kaba. Kanina pa niya pinipisil-pisil ang daliri niya. Nilapitan siya ng kaibigan niyang si Lianne.“Nica, ang ganda-ganda mo. Para kang prinsesa,” sabi ni Lianne habang nakangiti.Napangiti rin si Nica pero halata ang kaba sa mukha niya. “Kinakabahan ako, Lianne. Hindi ko alam kung bakit. Parang hindi ako makahinga.”“Normal lang ‘yan. Lahat ng ikakasal, ganiyan ang feeling,” sagot ni Lianne sabay tapik sa balikat ng kaibigan. “Pero alam mo, sobrang suwerte mo kay Rafael. He really loves you.”Tumango si Nica at napatingin sa salamin. “Alam ko. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko para deserve ko siya.”“Gi
Maagang nagkita sina Nica at Rafael sa isang boutique sa Makati para pumili ng mga isusuot nila sa kasal. Halos buong araw silang tumingin ng mga design hanggang sa mapagod si Nica sa kaka-fit ng mga gown. Pero halata sa mga mata nila na kahit pagod na, masaya pa rin sila.“Raf, ilang gown na ‘to?” tanong ni Nica habang nakatayo sa harap ng salamin, suot ang pang-apat na gown. “Feeling ko nakalimutan ko na itsura ko sa sobrang dami ng sinukat ko.”Tumawa si Rafael, nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kanya. “Mga lima na ata ‘yan. Pero ito na yata ‘yung pinakabagay sa iyo. Tingnan mo, ang ganda mo sa gown na 'yan, Nica.”“Hindi naman ako sure,” sabi ni Nica habang tinitingnan ang sarili sa salamin. “Parang masyado siyang simple.”“Simple, pero elegante naman,” sagot ni Rafael. “Hindi kailangan ng sobrang detalye para mapansin ka. Ikaw lang sapat na.”“Uy, ang cheesy mo na naman,” natatawang sabi ni Nica. “Hindi mo naman kailangang bolahin ‘yung designer para lang pumayag ako sa gown n
Habang abala si Nica sa kaniyang pag-aaral, madalas ay nagugulat siya kapag biglang sumusulpot si Rafael sa campus. Laging may dalang pagkain, kape, o kung minsan ay mga gamit na kakailanganin niya sa school. Hindi siya makapaniwala na sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, narating din nila ang ganitong punto—payapa, masaya, at may kasiguraduhan.Isang hapon, habang nagre-review si Nica sa library, biglang lumapit si Rafael na may dalang bouquet ng bulaklak.“Ang aga mong natapos sa trabaho,” nakangiting sabi ni Nica, binaba ang hawak na libro. “Akala ko may meeting ka pa.”Ngumisi si Rafael. “Tinapos ko agad lahat para makasama ka. Besides, gusto kong makita kung gaano ka na ka-stress sa mga requirements mo.”Napailing si Nica, pero hindi maitago ang ngiti. “Hindi naman ako gano'n ka-stress. Medyo busy lang, pero okay lang. Malapit na rin akong matapos.”Umupo si Rafael sa tapat niya, inilapag ang bulaklak. “Good. Kasi gusto kong magpa-remind na isang buwan na lang ang kasal natin.







