Share

Kabanata 7

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-06-13 02:41:34

Nagising ang diwa ni Nica nang maramdaman niyang humina na ang paggalaw ni Rafael. Bahagya na lang ang mga ungol nito at unti-unti nang naging pantay ang paghinga niya. Sa wakas, nakatulog na rin ito—hubo’t hubad, nakayakap pa rin sa kaniyang baywang.

Tahimik si Nica habang dahan-dahang kumalas sa bisig ng binata. Nanginginig ang mga kamay niya habang tinatabing muli sa katawan ang kumot na kanina’y walang pakundangang itinapon sa sahig. Parang hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay nilamon siya ng gabi—ng galit, ng libog, ng pagsisisi.

Tumayo siya. Tahimik. Maingat. Parang ayaw niyang magising ang isang demonyo sa tabi niya. Luminga siya sa paligid. Nakakalat ang mga damit nila sa sahig. Isa-isa niya iyong pinulot, pilit pinapakalma ang sarili habang sinusubukang linisin ang kalat ng isang desisyon na hindi na mababawi.

Pagkabihis, agad siyang lumabas ng silid. Tila sumabog ang init sa kaniyang mukha nang madatnan niya sa hallway ang ilan sa mga kasamahan niya. Nakaupo ang mga ito malapit sa common area ng bahay, nag-uusap habang nagkakape. Lahat sila'y napatigil at napatingin sa kaniya. Hindi niya alam kung nakita ba siya o naamoy ng mga ito ang katotohanang katatapos lang niya sa isang bagay na hindi dapat nangyari.

“Nica?” usisa ng isa, si Camille, habang kunot-noo siyang tinititigan. “Are you okay? Girl, bakit ang pawis mo?”

Ngumiti si Nica kahit hindi niya kaya. “Oh, uh… I was finishing something in Rafael’s room. Work stuff. Medyo urgent lang, kaya I didn’t notice the time,” sabi niya habang pilit pinapantay ang tono ng boses.

Napatingin si Camille sa orasan. “At this hour? You two were in there for a while.”

“H-he fell asleep. Ayoko namang istorbohin siya kaya inayos ko na lang 'yung drafts.”

Walang sumagot. Pero alam ni Nica na hindi sila naniniwala. Ramdam niya ang sulyap, ang katahimikang may halong hinala, ang maliliit na paglingon sa isa’t isa. Ngunit wala siyang panahon para magpaliwanag. Kailangan niyang makalayo.

Diretso siyang nagtungo sa banyo, dala ang overnight bag niya. Pagkapasok, mabilis niyang ni-lock ang pinto at nagsimulang maghubad. Isa-isang inalis ang mga saplot na parang mabigat sa balat. Tumapat siya sa shower at binuksan ang malamig na tubig.

Nanginginig ang katawan niya habang binabanlawan ang sarili. Kinukuskos niya ang leeg, ang dibdib, ang balakang—mga bahagi ng katawan niyang sinakop ni Rafael. Pilit niyang binubura ang bawat marka, bawat halik, bawat galaw. Pero kahit gaano siya kasigasig, hindi nawawala ang bigat sa dibdib niya.

Habang umaagos ang tubig sa mukha niya, hindi niya napigilang mapahagulgol. Kinagat niya ang labi para pigilan ang ingay, pero tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha. Galit siya sa sarili niya. Galit siya kay Rafael. Galit siya sa mundong nagpahintulot na mangyari ulit ang isang bagay na akala niya'y nailibing na.

Hindi ito tama. Alam niyang mali. May fiancée na si Rafael. May kasal na nakatakdang idaan sa altar, at hindi siya ang babaeng hinihintay doon.

Pero hindi niya mapigilan ang sarili kanina. Hindi niya kayang itanggi kung paanong sa bawat galit na halik ni Rafael ay muling nabuhay ang damdaming pinilit niyang ibaon sa limot. Sa kabila ng panunumbat nito, gusto pa rin siya nito. At siya—oo, siya—gusto rin si Rafael. Mahal pa rin niya ito.

Pero hindi sapat ang pagmamahal para itama ang isang pagkakamali.

Nang makalabas siya ng banyo, suot ang bagong damit at bahagyang tuyo ang buhok, tahimik na ang buong paligid. Tulog na ang mga kasamahan niya. Patay na ang mga ilaw sa sala, at tanging ang ilaw sa hallway ang nagsisilbing gabay sa mga yapak niya.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa guest room. Tahimik ang paligid, ngunit ang ingay sa loob niya ay hindi niya mapigilan. Parang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Rafael kanina.

“I hate you... but I want you. Every inch of your body. I want you so bad, Nica…”

Paulit-ulit iyong umuugong sa tenga niya. Hindi dahil sa panunukso, kundi dahil sa sakit na dala ng bawat salitang may kasamang hinanakit. Hindi pa rin siya mapatawad ni Rafael. At baka hindi na rin siya kailanman mapatawad ng sarili niya.

Pagkapasok niya sa silid, maingat niyang isinara ang pinto at naupo sa gilid ng kama. Bumagsak siya roon, walang lakas. Tinakpan niya ang mukha ng mga palad niya at muling napaiyak. Hindi niya na napigilan ang lahat ng emosyon. Ramdam niya ang kirot, hindi lang sa katawan kundi lalo na sa puso.

“Bakit ko 'to ginawa?” bulong niya sa sarili. “What the hell is wrong with me?”

Pinilit niyang huminga nang malalim. Paulit-ulit. Pinipilit niyang ibalik ang sarili sa katinuan. Ngunit sa bawat paghinga, lalo lamang niyang nararamdaman ang bigat. Pakiramdam niya, habang pinipilit niyang takasan si Rafael, lalo siyang hinahabol ng nakaraan nilang hindi pa rin natatapos.

She closed her eyes and whispered to herself, “This can’t happen again.”

***

Maaga pa nang magising si Rafael. Dumilat siya, at agad na napangiti nang mapansing wala na sa tabi niya si Nica. Agad siyang napatingin sa kanyang kama—lukot ang bedsheet, may bahid pa ng mga halik at gabing puno ng init at galit. Napahawak siya sa sentido at saglit na napapikit, hindi dahil sa sakit ng ulo, kundi dahil sa tagumpay.

Hindi siya lasing. Hindi man lang siya nalasing kahit pa halos isang bote ng whisky ang naubos niya. Sinadya niya iyon—ang lahat ng kilos kagabi, mula sa paraan ng pananalita, hanggang sa bawat galaw. Sinubukan niyang basagin ang kontrol ni Nica. Gusto niyang malaman kung may epekto pa rin siya rito. At oo, may epekto pa rin siya—malaki.

“Still the same, Nica…” bulong niya habang napapangiti nang pilyo. Bumangon siya mula sa kama, tumayo, at diretso sa drawer kung saan kinuha niya ang pajama pants na madalas niyang suotin kapag nasa beach house siya. Isinuot niya ito, pero hindi na siya nag-abalang magsuot ng pang-itaas.

Dumiretso siya sa kusina. Alam niyang nandoon si Nica. Naaaninag niya na ang mahabang buhok nito habang nakatalikod, nagtitimpla ng kape.

Tahimik ang hakbang niya habang papalapit sa babae. May ngisi sa labi niya, 'yung tipo ng ngiting puno ng confidence at pananakop. Hindi siya nagmamadali. Gusto niyang sorpresahin ito. Gusto niyang makita ang reaksyon—kung aatras ba ito, kung magpapanic, o kung magkukunwaring walang nangyari.

Paglapit niya ay sumandal siya sa counter. Malapit. Sapat para maramdaman ni Nica ang presensya niya kahit hindi pa siya lumilingon.

"Morning," malamig ngunit mapanuksong bati ni Rafael, sabay kuha ng isang basong walang laman sa tabi niya.

Biglang napalingon si Nica, at nanlaki ang mga mata niya. Parang napako siya sa kinatatayuan. Halos mabitawan niya ang tasa ng kape sa gulat nang makita si Rafael—topless, pawisan pa ang dibdib, at tila kagigising lang pero halatang fresh pa rin. Nakasuot lang ito ng maluwag na pajama pants at nakayuko pa ang garter, halos kita na ang V-line nito.

“R-Rafael,” pautal niyang tawag habang pilit pinapanatili ang composure. Pero halata sa pagkakapit niya sa tasa na parang gusto na niyang ibato iyon sa sahig at tumakbo palabas.

Tumaas ang kilay ng lalaki, at isang mabagal, confident na ngiti ang gumuhit sa labi nito.

“You look surprised. What’s wrong?” tanong ni Rafael habang sinadyang ituwid ang pagkakatayo at ipakita lalo ang hubad niyang katawan. "You’ve seen me like this before... and more."

Napalunok si Nica. Hindi siya makapagsalita. Gusto niyang magalit. Gusto niyang magsalita at sabihing wala siyang pakialam. Pero ang katawan niya ay tila nag-freeze. Bumalik sa isipan niya ang mga nangyari kagabi—kung paanong sa bawat halik, sa bawat ungol, ay nagpatianod siya. Hindi siya nagprotesta. Bagkus, siya pa ang humalik pabalik.

Pinilit niyang umiwas ng tingin. “You shouldn’t be walking around like that. May mga tao rito.”

“Let them see,” sagot ni Rafael, walang pakialam. “Besides, we’re all adults here.”

“Stop it,” mariing sabi ni Nica. “Last night was a mistake.”

Napatawa si Rafael—isang malalim, sarkastikong tawa.

“A mistake?” ulit niya, dahan-dahan lumapit pa kay Nica. “Sweetheart, you were moaning my name the whole night. You even begged me not to stop. Does that sound like a mistake to you?”

Namula ang pisngi ni Nica. Gusto niyang sampalin si Rafael. Pero higit sa lahat, gusto niyang lamunin na lang siya ng lupa sa hiya. Dahil alam niyang totoo ang lahat ng sinabi nito.

"You're drunk," pagdadahilan niya.

“No, I'm not,” sabat ni Rafael, hindi na itinatago ang katotohanan. “I wanted to see if you’d still fall for me. And you did. Like nothing changed.”

Napapitlag si Nica. Hindi siya makapaniwala sa narinig. So it was all a game? A test? Isang bitag na sinadya ni Rafael para lang patunayan na hindi pa siya nakaka-move on?

“You bastard,” mahinang bulong niya.

“Say what you want, Nica. But I know you still want me. No matter how many years passed. No matter how many men tried to take my place. You still crave me.”

"Shut up!" sigaw niya habang iniiwas ang tingin, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. “You don’t know anything about me anymore.”

“Don’t I?” tanong ni Rafael habang dahan-dahang inilapit ang mukha sa kaniya. “Then why didn’t you stop me last night? You could’ve said no, pero anong ginawa mo? You pulled me closer.”

“Because I was stupid!” sagot ni Nica, nanginginig na ang boses. “And I hate myself for it!”

Natahimik si Rafael. Saglit lang, pero ramdam ni Nica ang biglang pagbabago sa ekspresyon nito. Mula sa arogante, nag-iba ito—mas naging seryoso, mas mabigat ang tingin.

“You hate yourself?” tanong niya, mas mahina. “Good. Kasi ganyan din ang naramdaman ko noong iniwan mo ako for five million pesos.”

Napayuko si Nica. Wala siyang maisagot. Wala siyang paliwanag na sapat para burahin ang sakit na iyon.

Tumalikod siya at mabilis na lumakad palayo. Pero bago siya tuluyang nakalayo, humabol pa si Rafael ng isang huling salita.

“You can run all you want, Nica. But after last night, don’t ever try to convince me na wala ka nang nararamdaman. Because I know the truth. You still belong to me.”

Deigratiamimi

Hindi naman halatang obsess ka pa rin kay Nica, Rafael. 🥱 Pa-like, comment, gem vote at rate ng book for more updates.

| 46
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (21)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   WAKAS

    Makalipas ang ilang taon. Masayang pinagmasdan nina Nica at Rafael ang tatlong anak nilang naglalaro sa children’s park. Halos hindi mawala ang ngiti sa labi ni Nica habang pinapanuod sina Sofia, Liam, at baby Caleb na nag-aagawan sa maliit na bola.Kasama nila roon si Vivian, ang ina ni Rafael, at ang mga magulang ni Nica na sina Agnes at Gerald. Nakaupo silang lahat sa isang picnic table, may dalang mga pagkain at prutas habang nagkukwentuhan.“Look at them, Rafael. They’re growing so fast,” sabi ni Nica habang nakatingin sa mga bata. “Parang kailan lang, baby pa si Sofia. Ngayon, siya pa ‘yung nagtuturo sa mga kapatid niya.”Napangiti si Rafael at marahang humawak sa kamay ng asawa. “That’s because she got it from you. Ikaw kasi ang pinakamagaling mag-alaga.”“Excuse me?” napataas ng kilay ni Nica, pero halatang kinikilig. “Ikaw kaya itong spoiled daddy. Kahit simpleng ubo lang ng mga bata, gusto mo nang dalhin sa hospital.”Natawa si Rafael at bahagyang umiling. “Hindi ko kasalana

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 118

    Magkasabay na nagising sina Rafael at Nica sa unang araw ng kanilang gala sa California. Maagang nag-ayos si Rafael habang si Nica naman ay abala sa harap ng salamin, nag-aayos ng buhok at nagme-makeup.“Hon, ready ka na ba?” tanong ni Rafael habang nakasandal sa pinto ng banyo, nakangiti at halatang excited.“Almost!” sagot ni Nica. “Wait lang, last touch.”Napailing si Rafael. “You’ve been saying that for ten minutes already.”“Excited lang ako, okay?” sagot ni Nica, nakatawa. “Gusto ko maganda ako sa pictures natin.”“Maganda ka naman kahit wala kang makeup,” sabi ni Rafael sabay lapit at halik sa noo ng asawa. “Pero sige, I’ll wait. Worth it naman lagi ‘yung paghihintay sa iyo.”Napangiti si Nica, halatang kinikilig. “Flatterer.”Paglabas nila ng hotel, mainit ang sikat ng araw at maganda ang panahon. Unang destinasyon nila ay ang Golden Gate Bridge. Habang naglalakad sila sa tulay, panay ang kuha ni Rafael ng litrato.“Raf, baka ma-lowbat ka na niyan,” sabi ni Nica habang nakatin

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 117

    Maagang nagising si Nica nang araw na ‘yon. Akala niya, ordinaryong araw lang ng honeymoon nila, pero napansin niyang wala si Rafael sa tabi niya. Pagmulat niya, may nakita siyang maliit na envelope sa bedside table. Agad niyang kinuha iyon at binasa.“Good morning, Mrs. Watson. Get ready and wear something comfortable. I have a surprise for you. – Love, Rafael.”Napangiti si Nica. “Ano na naman kaya ‘tong pinaplano ng asawa ko?” mahina niyang sabi habang napailing.Pagkabihis niya ng simpleng white dress, bumaba siya at nadatnan si Rafael sa sala, naka-jeans at polo shirt, nakangiti at may hawak na dalawang cup ng kape.“Good morning, beautiful,” bati ni Rafael sabay abot ng kape. “Did you sleep well?”“Yes,” sagot ni Nica, nakangiti. “Pero bakit parang ang aga mo namang nagising? May lakad ba tayo?”“Hmm,” ngumiti si Rafael. “Secret. Basta sumama ka lang sa akin today. Don’t ask too many questions, sweetheart.”Napataas ang kilay ni Nica. “Raf, baka naman prank ‘to, ha? Ayoko ng gan

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 116

    Araw na ng kasal nina Nica at Rafael. Tahimik at maaliwalas ang paligid ng garden kung saan gaganapin ang seremonya. Amoy na amoy ang mga bulaklak, at malamig ang ihip ng hangin. Maliit lang ang bilang ng mga bisita—mga malalapit na kaibigan, kaklase, at pamilya. Simpleng kasal, pero puno ng pagmamahal.Habang inaayusan si Nica ng make-up artist, halatang hindi niya mapigilan ang kaba. Kanina pa niya pinipisil-pisil ang daliri niya. Nilapitan siya ng kaibigan niyang si Lianne.“Nica, ang ganda-ganda mo. Para kang prinsesa,” sabi ni Lianne habang nakangiti.Napangiti rin si Nica pero halata ang kaba sa mukha niya. “Kinakabahan ako, Lianne. Hindi ko alam kung bakit. Parang hindi ako makahinga.”“Normal lang ‘yan. Lahat ng ikakasal, ganiyan ang feeling,” sagot ni Lianne sabay tapik sa balikat ng kaibigan. “Pero alam mo, sobrang suwerte mo kay Rafael. He really loves you.”Tumango si Nica at napatingin sa salamin. “Alam ko. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko para deserve ko siya.”“Gi

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 115

    Maagang nagkita sina Nica at Rafael sa isang boutique sa Makati para pumili ng mga isusuot nila sa kasal. Halos buong araw silang tumingin ng mga design hanggang sa mapagod si Nica sa kaka-fit ng mga gown. Pero halata sa mga mata nila na kahit pagod na, masaya pa rin sila.“Raf, ilang gown na ‘to?” tanong ni Nica habang nakatayo sa harap ng salamin, suot ang pang-apat na gown. “Feeling ko nakalimutan ko na itsura ko sa sobrang dami ng sinukat ko.”Tumawa si Rafael, nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kanya. “Mga lima na ata ‘yan. Pero ito na yata ‘yung pinakabagay sa iyo. Tingnan mo, ang ganda mo sa gown na 'yan, Nica.”“Hindi naman ako sure,” sabi ni Nica habang tinitingnan ang sarili sa salamin. “Parang masyado siyang simple.”“Simple, pero elegante naman,” sagot ni Rafael. “Hindi kailangan ng sobrang detalye para mapansin ka. Ikaw lang sapat na.”“Uy, ang cheesy mo na naman,” natatawang sabi ni Nica. “Hindi mo naman kailangang bolahin ‘yung designer para lang pumayag ako sa gown n

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 114

    Habang abala si Nica sa kaniyang pag-aaral, madalas ay nagugulat siya kapag biglang sumusulpot si Rafael sa campus. Laging may dalang pagkain, kape, o kung minsan ay mga gamit na kakailanganin niya sa school. Hindi siya makapaniwala na sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, narating din nila ang ganitong punto—payapa, masaya, at may kasiguraduhan.Isang hapon, habang nagre-review si Nica sa library, biglang lumapit si Rafael na may dalang bouquet ng bulaklak.“Ang aga mong natapos sa trabaho,” nakangiting sabi ni Nica, binaba ang hawak na libro. “Akala ko may meeting ka pa.”Ngumisi si Rafael. “Tinapos ko agad lahat para makasama ka. Besides, gusto kong makita kung gaano ka na ka-stress sa mga requirements mo.”Napailing si Nica, pero hindi maitago ang ngiti. “Hindi naman ako gano'n ka-stress. Medyo busy lang, pero okay lang. Malapit na rin akong matapos.”Umupo si Rafael sa tapat niya, inilapag ang bulaklak. “Good. Kasi gusto kong magpa-remind na isang buwan na lang ang kasal natin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status