Share

Kabanata 8

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-06-13 13:40:52
Tahimik si Nica habang nagsusuklay sa harap ng maliit na salamin sa servants’ quarters. Sa ilalim ng mga mata niya ay halatang hindi siya nakatulog ng maayos. Pilit niyang binura sa isipan ang nangyari kagabi, pero sa bawat sulyap sa balat niyang tila may naiwan pang init mula sa mga halik ni Rafael—hindi niya mapigilan ang pagkinig ng dibdib niya.

“Okay ka lang ba, Nics?” tanong ni Jessa, isa sa mga kasamahang kasambahay, habang pinupunasan ang basang buhok nito.

Tumango si Nica. “Oo naman. Maaga lang ako nagising,” mabilis niyang sagot habang pilit na ngumiti.

Pero kahit pilitin niyang magmukhang kalmado, hindi siya mapakali. Lalo na nang marinig niya ang tinig ng kanilang supervisor sa labas ng quarters.

“Pumila na kayo sa kusina. Parating na si Sir Rafael.”

Napapitlag ang puso ni Nica.

Sa kusina...

Abala ang lahat sa paghahanda ng lunch. Si Nica ay tahimik na naghihiwa ng prutas. Iniiwasan niyang mapatingin kahit sa anino ni Rafael. Pero naramdaman niya ang presensya nito b
Deigratiamimi

Ang seloso ni ex HAHAHAHA

| 16
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 68

    Mabilis kumalat ang balitang engaged na ang bilyonaryong si Rafael Watson—ang heir ng Watson Group. Halos lahat ng pahayagan at online news sites ay iyon ang laman. Trending sa social media ang engagement niya. Pero higit sa lahat, nagulat ang marami sa identity ng babaeng kanyang pinili. Hindi ito galing sa mundo ng negosyo, hindi socialite, at lalong hindi kilala sa mga piling events ng high society. “She’s just a maid?!” iyon ang paulit-ulit na komento ng mga tao online. Ang iba’y tuwang-tuwa sa kwento ng isang modern-day Cinderella, pero mas marami ang nangmamata. Para bang kasalanan ni Nica na nagmahal at minahal ng heir ng Watson Group. Inulan sila ng insulto. Sa bawat article ay may nagkokomento na mas bagay sina Camilla Luceros at Rafael Watson. Ang pangalan ni Camilla, ang ampon ng pamilya Luceros, ay paulit-ulit na idinidikit kay Rafael. Para kay Rafael, hindi mahalaga ang sinasabi ng iba. Kaya’t agad niyang sinabi kay Nica na huwag na siyang bumalik sa trabaho bilang m

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 67

    Galit na galit si Camilla habang naglalakad papunta sa kwartong dapat ay para kay Nica. Hawak pa niya ang cellphone na pinagmulan ng tawag ng call boy.“Bwisit kang gago ka!” singhal niya, halos mabali ang hawak niyang cellphone sa higpit ng pagkakakuyom. “Ang dali-dali lang ng utos ko sa ’yo! Dalhin mo lang si Nica rito at paikutin mo ang istorya na parang niloloko niya si Rafael. Bakit parang ang bobo-bobo mo?”Halos mabingi ang lalaki sa kabilang linya pero wala itong masabi. Panay lang ang “Opo, Ma’am… pasensya na, Ma’am…”Nang ibaba niya ang tawag ay mariing napapikit si Camilla, pigil ang sariling inis. “Kung hindi ka lang kailangan sa plano ko, matagal na kitang pinapatanggal sa mukha ko,” bulong niya, saka mariing binuksan ang pinto ng silid.Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang red wine na nakalagay sa maliit na mesa. Wala na siyang pakialam kung kanino galing iyon. Gusto lang niyang maibsan ang init ng ulo niya. Kinuha niya ang baso, sinalinan, at tuloy-tuloy na ininom.“

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 66

    Tinago ni Rafael ang mga larawang nakita niya. Hindi siya naniniwalang magagawa ni Nica ang ganoong bagay.Pagbalik ni Rafael mula sa pakikipag-usap sa isa niyang kaibigan na dumalo rin sa party, napansin niyang wala sa lamesa si Nica.“Nasaan si Nica?” tanong niya kay Marco, isa sa mga barkada niyang matagal nang nakasama mula college.“Kanina pa umalis, bro. May tumawag yata sa kaniya. Bigla na lang siyang lumabas,” sagot ni Marco habang umiinom ng beer.Nagkibit-balikat si Rafael pero ramdam niya agad ang pag-aalala. Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa at tumambad ang isang bagong notification sa messenger. Nang buksan niya iyon, muntik nang mabitiwan ni Rafael ang hawak na bote ng alak.Mga litrato. Si Nica, halatang gulat ang mukha, pero tila nakasama sa isang lalaking hindi niya kilala. Nasa hallway iyon ng parehong hotel. Ang lalaking iyon, nakalapit kay Nica, tila ba may intensyon na halikan ito.Napasinghap si Rafael, nanlaki ang mga mata. “What the hell is this?” bu

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 65

    "Happy birthday, Rafa!" masayang bati ni Nica nang magising siya sa tabi ni Rafael sa loob ng condo ng binata. May ngiti sa kanyang labi habang inaayos ang kumot sa katawan nilang dalawa.Napangiti si Rafael at agad siyang yumuko para halikan ang mga labi ng dalaga. “Best birthday ever. After all these years na wala ka sa buhay ko… ngayon, ikaw na ulit ang unang gumising sa tabi ko,” bulong nito bago siya muling halikan, mas mariin na ngayon.Napapikit si Nica, pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan nilang bumangon. “Hoy, birthday mo, hindi mo dapat ako ginugulpi ng halik,” natatawa niyang sabi habang pilit siyang umaalis sa yakap ng binata.Tumawa si Rafael, tumihaya at tumingin sa kisame. “Ang hirap bumangon kapag ikaw ang katabi ko, babe.”“Anong plano mo today?” tanong ni Nica habang inaabot ang robe niya. “Uuwi ka ba sa inyo? Or gusto mong ipagluto kita ng breakfast o lunch?”Mabilis na umiling si Rafael. “No. Today is special. Gusto kong ilaan ang buong araw na ’to para sa’yo

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 64

    Luceros Mansion.Mabilis ang paglakad ni Camilla habang palinga-linga sa paligid, hindi alintana ang malalakas na yabag ng takong niya sa sahig ng marmol. Puno ng inis ang kaniyang mukha, halatang hindi na siya makapaghintay na kausapin ang kaniyang ina.Pagkapasok sa living area, nadatnan niya si Agnes na tahimik na umiinom ng tsaang inihain ng isang kasambahay.“Mom!” tawag niya, medyo pasigaw.Napalingon si Agnes. Hindi na ito nagulat sa pagdating ng anak. “Ano na naman, Camilla?” malamig na tanong nito.“Narinig ko na ang ginawa ni Nica. Sinampal niya raw si Trina at halos palayasin kayong dalawa sa ospital! Tapos ngayon, ikaw pa ang nagmamakaawa sa kaniya? Mom, seriously?” Halos mapatili si Camilla habang naglalakad palapit sa ina.Hindi sumagot si Agnes. Ininom nito ang natitirang laman ng tasa bago dahan-dahang ibinaba sa lamesa. Tiningnan niya si Camilla, diretso sa mga mata nito.“Oo, at ano ngayon?” malamig ngunit matigas ang tinig niya. “Kung kailangan kong magmakaawa sa an

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 63

    Ang mga staff ay nananatiling nakaluhod sa harap ni Nica habang sina Agnes at Gerald ay tuluyang nawalan na ng dignidad sa kanilang pagmamakaawa. Ang lahat ay tahimik na saksi sa matinding tagpo.Biglang huminto ang isang mamahaling itim na kotse sa tapat ng driveway. Bumukas ang pinto. Bumungad si Rafael.Hindi nag-aksaya ng oras ang binata. Mabilis ang mga hakbang. Matalim ang tingin. Sa bawat yabag niya ay ramdam ang galit na pilit niyang nilulunok.“Nica!” tawag niya, at sa isang iglap, lumapit siya at hinila ang dalaga palapit sa kaniya.Nagulat si Nica. Napapitlag siya pero hindi siya tumutol. Ramdam niyang nanginginig sa galit ang binata. Mahigpit ang pagkakahawak ni Rafael sa kaniyang braso, na para bang ayaw nang ipahawak sa iba.“Tinanong ko na kayo noon,” singhal ni Rafael sa mag-asawa. “Ano pa bang kailangan n’yo kay Nica?”“Rafael…” mahinang pakiusap ni Gerald. “Please… anak namin siya—”“Too late,” malamig na putol ni Rafael.Muling lumuhod si Agnes. Ang dating matapobre

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status