"OKAY na po ang si Blacky, Kuya Isko. Pwede niyo na din po siyang painumin ng tubig," wika ni Laura kay Kuya Isko--isa sa mga trabahador ng Hacienda Abriogo. Ito ang nangangalaga ng mga kabayo doon. At ang blacky na tinutukoy niya ay pangalan ng isang Friesian Horse na bini-breed nila sa Hacienda Abriogo.
Nasa clinic siya kanina noong tinawagan siya ni Kuya Isko para sabihin na matamlay ang isang kabayo na inaalagaan nito. At nang malaman niya iyon ay dali-dali siyang bumalik sa Hacienda Abriogo para i-check ang isa sa mga kabayo do'n. At ang initial findings niya kay Blacky nang i-check niya kung bakit ito matamlay ay dahil sa exhaustion at sa init ng panahon. Summer kasi ng panahong iyon at na-aapektuhan ang mga hayop na inaalagaan nila. "Maraming salamat po, Senyorita Laura," wika naman sa kanya ni Kuya Isko. "Wala pong anuman. Kung may problema dito ay huwag kayong mahihiyang tawagan ako," wika niya dito. Nakangiting tumango naman ito bilang sagot. Hindi naman nagtagal si Laura doon dahil kailangan niyang bumalik sa veterinary clinic niya. Sinabi kasi niya sa assistant niya na babalik din siya ng magpaalam siya dito na aalis. Nagpaalam na siya kay Kuya Isko at akmang maglalakad siya palapit sa wrangler jeep niya ng mapatigil siya nang maramdaman ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na nasa bulsa ng suot niyang pantalon. Kinuha naman niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag at nakitang si Manang Andi ang tumatawag sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo nang mabasa ang pangalan nito. Hindi naman kasi tatawag si Manang Andi sa kanya kung hindi importane o kung walang emergency. Agad namang sinagot ni Laura ang tawag nito. "Hello, Manang Andi." "Laura." Mas lalong kumunot ang noo niya ng marinig ang panic sa boses nito ng sambitin nito ang pangalan niya. "May problema po ba, Manang?" tanong niya. "Kailangan mong umuwi dito sa mansion. May bisita dito at sinasabing siya na ang may-ari nitong mansion at ang buong Hacienda." Halos mag-isang linya ang kilay niya sa narinig. "Ako po ang may-ari ng mansion at Hacienda, Manang Andi. Hindi ko benenta ang mansion at ang Hacienda," wika naman niya. "May ipinakita silang dokomento na nagpapatunay na pagmamay-ari niya ang Hacienda Abriogo, Laura." "Baka po peke ang dokomentong pinakita nila sa inyo," giit niya. "H-hindi ko alam, Laura," sagot naman ni Manang Andi sa kanya. "Nagpakilala ba ang taong um-aangkin sa Hacienda?" tanong niya dito, gusto niyang malaman kung sino ang taong iyon. "Oo," sagot nito. "Sino?" "Si Draco." "Draco?" balik tanong niya, hindi pa din nagbabago ang ekpresyon ng mukha niya. Nang banggitin ni Manang Andi ang pangalang iyon ay may pumasok agad sa isip niya. Iisang Draco lang naman ang kilala niya. Hindi kaya? "Anong buong pangalan, Manang Andi? Saglit na hindi nagsalita si Manang Andi, mukhang inaalala nito ang buong pangalan ng taong tinutukoy nito. "Draco Atlas Asicar-- "Acuzar," pagtatama ni Laura sa sinabi ni Manang Andi. "Oo, Laura. Draco Atlas Acuzar nga." Binasa ni Laura ang ibabang labi. Yes. Draco is her husband now, but that doesn't make him the owner of the hacienda. Laura took a deep breath. "Sige, Manang. Papunta na po ako diyan," wika ni Laura. Ibinaba na niya ang tawag at saka na siya humakpang patungo sa wrangler jeep na ginagamit lang niya kapag nasa Hacienda siya. At nang makasakay ay agad niyang pinaandar ang sasakyan paalis. At habang nasa daan ay hindi naman napigilan ni Laura ang mapaisip kung ano ang ginagawa ni Draco sa Hacienda at kung bakit nito sinasabi na pagmamay-ari nito iyon. At anong sinasabi ni Manang Andi na may dokumento ang mga ito na ipinapakita na nagpapatunay na ito ang may-ari ng Hacienda Abriogo? Wala lang itong paramdam sa kanya nang isang linggo pagkatapos ng civil wedding nila ay iyon na agad ang ibubungad nito sa kanya? Wala kasing paramdam si Draco sa kanya pagkatapos ng civil wedding nila isang linggo na ang nakakaraan. Pagkatapos nga nilang pirmahan ang marriage contract nila ay agad itong umalis na para bang isang business deal lang ang nangyari. Walang paliwanag, walang paalam. Sa totoo lang ay naging pabor din iyon sa kanya ang hindi nito pagpaparamdam. Against din naman kasi sila sa kasalang naganap sa pagitan nila. Kung hindi lang talaga sa Hacienda Abriogo ay never siyang sasang-ayon sa kasal na iyon. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din si Laura sa mansion. Agad niyang ipinarada ang wrangler jeep niya sa tabi ng itim na mamahaling kotse, mukhang kay Draco. Agad din naman siyang bumaba ng sasakyan at humakbang papasok sa loob ng mansion. Agad namang siyang sinalubong ni Manang Andi na mababakas sa ekspresyon ng mukha nito ang pagkatuliro. "Manang." "Laura," halos magkasabay na sambit nilang dalawa. At mayamaya ay napatingin siya sa dereksiyon ng hagdan nang makita niya ang ilang kasambahay na may bitbit na mga kahon pababa. Hindi niya napigilan ang mapakunot ang mga noo. "Ano ang mga iyan?" tanong niya sa mga ito. Napansin naman niya ang pagkatuliro na bumakas din sa mga mata ng mga ito. "Laura, inutos ni Sir Draco na ilipat sa maids quarter ang mga gamit mo sa kwarto mo," sagot ni Manang Andi. "Tumututol kami pero nagalit siya. Siya daw ang bagong may-ari ng mansion at nang buong Hacienda. Dapat daw sundin namin siya," wika ni Manang Andi. "Dahil kung hindi naman siya susundin, magbalot-balot na daw kami lahat." Hindi naman napigilan ni Laura ang mapakuyom ng kamay sa narinig na sinabi ni Manang Andi sa kanya. "Nasaan si Draco?" tanong niya sa mariing boses. "Sa master bedroom, sa kwarto mo," sagot ni Manang Andi sa kanya. Nang malaman niya kung nasaan ang lalaki ay dali-dali siyang humakbang paakyat sa hagdan patungo sa pangalawang palapag ng mansion kung saan matatagpuan ang master bedroom. She's mad—no, she's furious. How dare he threaten them. Nang makarating nga siya sa tapat ng pinto ng master bedroom ay agad niyang binuksan ang pinto, hindi man nga lang niya nagawang kumatok. Bakit siya kakatok, eh, kwarto niya iyon. Pumasok siya sa loob ng kwarto na nakakuyom pa din ang kamay. At agad niyang ginala ang tingin para hanapin kung nasaan si Draco. Agad naman niyang nakita si Draco at nakita niyang tinatanggal nito ang botones ng suot nitong puting long sleeves. Litaw na ang matitipunong dibdib nito ng humarap ito sa kanya. There's no emotion in his eyes as he gazed at her. Unlike her, anger can be traced in the expression of her eyes. "What is the meaning of this? And why are you in my room?" tanong niya dito, hindi lang sa boses ekspresyon ng mukha mababakas ang galit, kundi pati na din sa boses niya. "This is my room from now on," sagot nito sa kanya sa malamig na boses. "What?" Napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito, mukhang hindi nito nagustuhan ang pagtaas ng boses niya. "Don't raise your voice at me, Laura. This is my territory, and you'll show some respect," he said firmly. Her hands clenched into fists once again. "If I recall correctly, you married me to help my father hold on to his property." Napansin niya ang pagtalim ng mga mata nito nang banggitin niya ang ama. "Fucking innocent," Draco said in a cold voice, there's a hint of anger in his voice, too. "You think I married you to help your father regain all his properties that were nearly lost. You're both wrong, Laura." "What do you mean?" "Pinakasalan kita dahil gusto kong maghiganti sa ama mong may malaking atraso sa mga magulang ko," sagot nito sa kanya sa malamig na boses. "I'll make sure your life here with me isn't easy. Let's see if your father won't be hurt when he finds out what his only child has been through at my hands," dagdag pa na wika ni Draco. A wicked smirk spread across his lips. Ngayon ay naiintindihan na ni Laura ang lahat. Kaya pala parang galit si Draco kung tumitig sa kanya ay dahil talagang may galit ito. Hindi para sa kanya kundi para sa ama niya. At dinadamay siya nito dahil inaakala nitong masasaktan ang ama kapag nahihirapan siya. At sa mga sinabi nito ay may mga na-realize din siya. "So, everything that happened to my father was all your plan?" she said. Naisip niyang ito din ang may kinalaman sa nangyayari sa ama para maisakatuparan nito ang planong paghihiganti. He married her solely to exact revenge on her father. At hindi naman na kailangan ni Draco na sagutin siya dahil sa pagtaas lang ng sulok ng labi nito ay nakuha na niya agad ang sagot. "At sa tingin mo ay magtatagumpay ka?" Hindi niya napigilan na itanong. "I'm Draco Atlas Acuzar. Nothing is impossible for me," he said, his voice icy cold. "And I won't let you." sabi niya dito. Sa halip na sagutin siya nito ay humakbang ito palapit sa kanya. Hindi naman napigilan ni Laura ang mapaatras hanggang sa wala na siyang a-atrasan pa dahil tumama na ang likod niya sa pader. Napansin naman niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito, gayunman ay pansin pa din niya ang blankong ekspresyon ng mga mata nito. Draco stopped in front of her. He was towering over her, so she had to lift her gaze to meet his eyes. At that moment, she looked like prey trapped by a predator. "Try me then, Laura," he challenged her, his piercing eyes gazing intensely at her. Nilabanan ni Laura ang bigat ng titig ni Draco. "I will file an annulment," wika niya dito. Sa mga nalaman kay Draco ay hindi na niya kailangan na patagalin pa ang pagpapakasal nila. Pumayag lang naman siyang na magpakasal dahil sa Hacienda Abriogo. "Go ahead, Laura. File for annulment, but I'll make sure my plan still succeeds," Draco replied to her. At halos pigil niya ang hininga ng ilapit ni Draco mukha sa tainga para bumulong sa kanya. "But I'll give you a heads up on what will happen if you dare to file for annulment. You'll completely lose Hacienda Abriogo. And I'll fire everyone working here at the hacienda and replace them all," he whispered menacingly in her ear. Pagkatapos niyon ay inalayo nito ang mukha sa tainga at inilipat nito iyon sa kanya. "Do you want that?" wika nito na nakangisi, na para bang alam na alam nito na kahinaan niya iyon. "Asshole," she spat at him. He smirked evilly. "Don't worry, you'll see just how much of an asshole I can be in the coming days." Pagkatapos ay lumayo ay lumayo ito sa kanya. "Anyway, feel free to leave the mansion, and you have the right to file for annulment. But remember, if you choose that option, there will be consequences," he threaten her. Hindi na nga din siya nito hinintay na magsalita, tinalikuran na siya nito. Hindi naman napigilan ni Laura ang mapakuyom ng kamay habang masama ang tingin ang ipinagkakaloob niya sa likod nito.Hi. Comments and votes are well appreciated po. Huwag niyo din po sana kalimutan na i-follow ako. Salamat po.
HINIHIMAS ni Laura ang malaking tiyan habang naglalakad siya patungo sa kusina para kumuha ng mami-meryenda. At habang hinihimas ang malaking tiyan ay hindi niya napigilan ang mapangiti ng maramdaman niya ang pagsipa ng kanyang baby. Mukhang excited nang lumabas ang baby niya sa mundo, mukhang excited na itong makita sila ng Papa nito. Sila din naman, excited na din silang makita ito, excited na nila itong mahawakan, mayakap at mahalikan. Kabuwanan na ni Laura. At ilang araw na lang ang hinihintay nila bago siya manganak. At sigurado siyang sobrang lapit na dahil kaninang umaga ay medyo kumikirot ang tiyan, akala nga niya ay manganganak na siya pero bigla din naman nawala ang kirot. Nandito din sila ni Laura sa Hacienda Abriogo, napag-desisyonan kasi nila ng kanyang asawa na doon siya manganganak dahil maraming mag-aalaga sa kanya, marami siyang makakasama. Pumayag naman si Draco kaya noong kabuwanan na niya ay umuwi sila sa Hacienda. Sa Manila kasi sila namalagi ng ilang buwan
"MANANG Andi, nasaan po si Draco?" tanong ni Laura kay Manang Andi nang makita niya ito sa sala ng mansion."Oh, Laura, nasa labas na ang asawa mo. Iniistima ang mga bisita," sagot nito sa kanya. Ngumuso naman si Laura nang marinig iyon. Sinabi niyang sabay sila na lalabas ng mansion pero hindi siya nito hinintay. Nagpasalamat naman siya kay Manang Andi at saka siya humakbang siya palabas ng mansion para puntahan ito. Paglabas ni Laura sa mansion ay agad na sumalubong sa kanya ang malakas na tugtugin at ang mga masasayang kwentuhan ng mga bisita--na pawang mga trabahador ng Hacienda Abriogo. Walang okasyon ng gabing iyon pero si Draco, nag-utos na magkaroon ng okasyon sa Hacienda. Naghanda nga ito, nagpakatay ito ng baka at baboy. At lahat ng trabahor ng Hacienda ay inimbita nito. Matanda o bata pa iyan. Hindi naman napigilan ni Laura na ilibot ang tingin sa paligid para hanapin si Draco. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ito. At para
"I'M going with you, Draco." Napatigil si Draco sa pag-aayos ng sarili ng marinig niya ang sinabing iyon ni Laura. Kunot ang noong nilingon niya ito sa kanyang likod. At nakita niyang titig na titig ito sa kanya. Pansin nga din niya ang pinaghalong lungkot at sakit sa mga mata nito ng sandaling iyon. "No," sagot naman niya dito. "But...I want to talk to him," wika nito. "A-alam kung hindi niya ako tunay na anak. Alam kung wala siyang pagmamahal na nararamdaman sa akin. G-gusto ko lang malaman kung bakit? Kung bakit gusto niya akong p-patayin," garalgal ang boses na wika nito. Napansin nga din niya ang panunubig ng mga mata nito ng sandaling iyon hanggang sa pumatak ang luha sa mga mata nito. Kumuyom naman ang kamao ni Draco nang makita iyon. Humakbang siya palapit dito at saka siya lumuhod sa harap nito. Mas lalong bumuhos nga ang luha sa mga mata nito ng tumaas ang isang kamay niya para punasan ang luhang namalibis sa mga mata nito. "Shh..." malambing ang boses na wika niya
NAPAKURAP-kurap si Laura habang nakatitig siya kay Draco ng ilahad nito ang isang kamay sa harap niya nang pagbuksan siya nito ng pinto sa backseat pagkatapos nitong bumaba ng kotse. "Ako dapat ang umaalay sa 'yo dahil kakalabas mo lang sa ospital," wika niya dito mayamaya sa halip na tanggapin niya ang kamay nitong nakalahad. Tatlong araw din silang nanatili sa ospital pagkatapos ng aksidenteng nangyari. At nang sabihin ng doctor na pwede na silang lumabas ay agad niyang inayos ang discharge paper nito para makauwi na sila. At sa tatlong araw na iyon ay halos hindi siya umalis ng hospital para bantayan ito kahit na pinipilit ni Draco na umuwi na siya dahil kaya naman nito ang sarili, para din daw makapagpahinga siya ng maayos. Pero nanaig ang kagustuhan niyang manatili ito sa ospital. Gusto kasi niyang nakasiguro na okay lang talaga ito. At sinabi niya dito na hindi din siya makakapagpahinga ng maayos sa kakaisip dito kung uuwi siya ng mansion. Wala na din namang nagawa si Drac
"SENYORITA!" Napatingin si Laura sa gilid niya nang makita niya ang paghangos nina Manang Andi at Aine palapit sa kanya. At nang tuluyan ang mga itong nakalapit ay hindi niya napigilan na yakapin si Manang Andi at hindi din niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Manang...." "Anong nangyari Laura?" tanong sa kanya ni Manang Andi habang yakap-yakap siya nito. At mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata niya nang maalala ang nangyari kanina. Muntik na siyang masagasaan kung hindi lang siya iniligtas ni Draco. Kung hindi lang naging mabilis ang pagkilos nito para hilahin siya kung saan siya nakatayo. Pero sa pagliligtas sa kanya ni Draco ay ito naman ang napahamak. At hanggang ngayon ay wala pa din siyang balita kung kamusta ito dahil pagkatapos dalhin si Draco sa OR ng dalhin sila ng ambulansiya sa ospital ay hindi pa lumalabas ang doctor. At hindi maiwasan ni Laura ang makaramdam ng pag-alala para dito. Lalo na ang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang dug
NAGHAHANDA si Laura para umalis ng sandaling iyon. Pupunta kasi siya sa OB Gyne para magpa-check up. Huling check-up kasi niya ay noong nasa Manila pa siya. Wala naman siyang nararamdaman sa katawan. Gusto lang niyang malaman kung okay lang ba ang baby na nasa sinapupunan niya. At habang lumilipas ang araw ay napapansin na niya ang umbok sa kanyang tiyan. Patunay na lumalaking healthy ang baby niya. Hindi na nga din siya nagsusuot ng pantalon dahil sumisikip na iyon. Balak nga niyang magpunta sa Mall pagkatapos ng check-up niya para bumili ng ilang maluluwag na pantalon o hindi kaya maternity dress para may maisuot siya. Ayaw kasi niyang maipit ang baby niya. At nang matapos makapagbihis ni Laura ay kinuha na niya ang bag at cellphone at saka na siya lumabas ng kwarto. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, kumapit pa nga siya. Nag-iingat siya baka kasi bigla na lang siyang madulas. Siyempre, kailangan niyang mag-ingat para sa baby niya. At nang tuluyang makababa ay agad na tumuon