共有

Chapter 2: Lucian

作者: Aisoleren
last update 公開日: 2026-05-28 21:52:07

POV: Madison Georgette Fortunato

Gabi na nang muli akong mapatingin sa wristwatch ko. Alas-dose na ng madaling-araw, pero hindi pa rin oras ng uwian ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng bar habang bitbit ang tray na puno ng mamahaling alak at cocktail drinks. Ramdam ko na ang pananakit ng mga paa ko dahil sa mataas kong heels, ngunit pilit ko pa ring inuunat ang likod ko at nguminiti sa bawat customer na madaanan ko.

Makukulay na ilaw ang naglalaro sa madilim na paligid habang malakas ang bass ng musikang halos umuuga sa buong lugar. Siksikan ang dance floor, amoy alak at mamahaling pabango ang humahalo sa malamig na hangin ng aircon. Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay mas lalo akong nalulunod sa ingay at gulo ng gabing iyon.

Tahimik akong naglalakad papunta sa VIP area nang mapansin kong nakatingin na sa akin ang ilan kong kasama. May mga bulungan, may mga tinging tila sinusukat ang bawat galaw ko. Hindi ko alam kung dahil ba mabilis akong magtrabaho o dahil bago lang ako rito kaya madali akong mapansin.

Humigpit ang hawak ko sa tray habang pilit na iniiwas ang tingin sa kanila. Ayokong makisabay sa drama ng lugar na ito. Pumasok ako rito para kumita, hindi para makipagkaibigan.

Ngunit habang papalapit ako sa VIP table, pakiramdam ko ay may mas mabigat na matang nakatutok sa akin.

At nang iangat ko ang paningin ko, doon ko siya nakita.

Tahimik lang itong nakaupo sa madilim na sulok, hawak ang baso ng whiskey habang diretso ang tingin sa akin—parang kanina pa niya ako pinapanood.

“Anong problema niya?” iyon ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang pilit kong iniiwasan ang tingin niya. Para bang may gusto siyang ipahiwatig na ako mismo ay hindi maintindihan. Ayoko ng ganitong sitwasyon—ayokong bigyan ng kahulugan ang mga bagay na wala namang ibig sabihin para sa akin. Wala akong gusto sa iniisip niya, lalo na sa mga tingin at bulong ng mga taong nakapaligid sa amin.

Binalewala ko na lang ang paraan ng pagtitig niya, na para bang ayos lang ang lahat at may namamagitan sa amin. Pero para sa akin, wala lang talaga iyon. Isang simpleng pagkakataon na mali nilang binibigyan ng kulay. Ayokong isipin ng ibang tao na may kahulugan ang bawat tingin, bawat kilos, o bawat katahimikan ko. Mali lang sila ng pagkakaintindi. At kahit anong pilit nilang pagdugtungin ang mga bagay na wala naman talagang koneksyon, alam kong hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kahit kanino.

Mabilis ang galaw ng lahat sa loob ng bar. Halo-halong ilaw ang umiikot sa madilim na paligid habang malakas ang tugtog na halos yumanig sa buong lugar. Pawis, alak, at pabango ang nagsasamang amoy sa hangin habang walang tigil sa pagsayaw at pag-inom ang mga customer.

Wala akong pakialam sa kanya kaya nagdire-diretso lang ako dahil wala naman siyang gustong iutos sa akin. Palipat-lipat ako ng ginagawa pero si Lucian kanina pa nang-aasar na parang problema niya ako. Kulang na lang ay sundan niya bawat kilos ko.

“Maddy.”

Napalingon ako kay Regina na nakasandal sa counter habang nakataas ang kilay.

“Ano? May problema ba kayong dalawa? Baka gusto niyong pag-usapan ‘yang problema n’yo.” dagdag pa nito na may halong pang-aasar.

Aayaw na sana ako sa usapan pero sumingit pa si Ella na kanina pa nakangisi sa gilid.

“Ano? Shota mo na ‘yon?” mahinang tanong nito.

Napapikit ako saglit bago huminga nang malalim. Mukhang nag-o-overthink na naman sila dahil sa ugali ni Lucian. Baliw talaga ang lalaking iyon. Sa itsura pa lang, parang ayaw magpatalo sa kahit sino. Iyong tipong kahit tingin lang, parang hamon na agad.

Napatingin ako sa direksyon niya at nadatnan ko siyang may kausap na babae. Nakangiti ito habang may hawak na baso ng alak, tila sanay na sanay makipaglapit sa kahit sino.

Umiling ako bago bumalik ang tingin kina Regina.

“Alam n’yo ang sagot diyan. Both, wala talaga,” sabi ko habang inaayos ang tray na hawak ko. “Bumalik na tayo, baka hanapin pa tayo.”

Tumango naman sila kahit halatang hindi kumbinsido.

Bigay dito, bigay doon ang tray dahil sunod-sunod ang dating ng customer. Halos hindi na ako makahinga sa dami ng orders. May tumatawag sa kaliwa, may kumakaway sa kanan, at may naghihintay ng inumin sa VIP section.

Pero kahit gaano ako kaabala, ramdam ko pa rin ang tingin ni Lucian mula sa malayo.

At iyon ang mas lalong nakakainis.

Napapikit ako sandali habang mahigpit ang hawak ko sa tray na dala ko. Ramdam ko pa rin ang malalakas na bass ng musika sa buong bar habang naglalaro ang asul at violet na ilaw sa paligid, pero mas malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Si Lucian Stryker.

Nakatayo lang siya roon na parang pag-aari niya ang lugar kahit alam kong kahit saan naman yata siya pumunta, ganoon talaga ang aura niya. Nakasuot siya ng itim na polo na bahagyang nakabukas sa may dibdib habang ang manggas ay nakatiklop hanggang siko. Ang ilang hibla ng buhok niya ay nakabagsak sa noo niya dahilan para mas magmukha siyang delikado. At ang mga matang iyon? Diretso lang sa akin na para bang wala nang ibang tao rito kundi kaming dalawa.

Inaabot ko ang tray nang maramdaman kong biglang tumahimik ang table ng mga customer. Napatingin ako sa ibang customer at nang paglingon ko—

Si Lucian.

“Anong ginagawa nito?” bulong ko sa sarili.

Parang gusto kong batukan ang sarili ko sa inis. Hindi ba niya alam na puwedeng ma-issue ako rito? Ang daming nakakakilala sa kanya. Mayaman. Makapangyarihan. Kinatatakutan pa. At higit sa lahat… gustong kontrolin ang lahat ng galaw ko.

Kahit trabaho ko, pinapakialaman niya.

Siraulo talaga.

Pinilit kong ngumiti sa mga customer kahit ramdam kong nanginginig ang panga ko sa pagpipigil ng galit.

“Thank you, sir,” pilit kong sabi habang mabilis na kinukuha ang tray para makaalis agad.

Pero gaya ng inaasahan ko, sumunod siya.

Napapikit ako nang mariin habang naglalakad sa hallway papunta sa stock room. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ayokong gumawa ng eksena lalo na’t puwedeng makita kami ng manager.

Pagharap ko sa kanya ay agad kong sinalubong ang malamig niyang titig.

“L.U.C.I.A.N,” madiin kong sabi habang nakapamewang.

Bahagya siyang ngumisi. Iyong nakakainis na ngising akala mo walang ginagawang mali.

“Problema ba tayo?”

Napatawa ako nang walang humor.

“Problema?” ulit ko. “Ikaw ang problema ko.”

Tumaas ang kilay niya habang nakasandal sa dingding na parang hindi siya affected sa sinabi ko.

“Masama bang sunduin ka?”

“Sunduin?” napalakas ang boses ko bago agad humina nang maalalang nasa trabaho ako. “Lucian, nasa trabaho ako! Hindi ito playground mo para basta ka na lang pumunta rito at takutin ang mga customer!”

Napatingin siya sa loob ng bar kung saan halatang nagbubulungan na ang ilan habang pasimpleng nakatingin sa amin.

“Hindi ko sila tinatakot.”

“Hindi mo kailangan magsalita para matakot sila,” singit ko agad. “Presence mo pa lang, enough na.”

Ilang segundo siyang natahimik bago muling bumalik ang tingin niya sa akin. At iyon na naman. Iyong tinging parang gusto niyang basahin lahat ng iniisip ko.

“Bakit galit ka?” tanong niya nang mababa ang boses.

Napatawa ulit ako pero this time may halong frustration na.

“Hindi mo talaga gets?”

Lumapit siya nang isang hakbang dahilan para mapaatras ako.

“Hindi,” diretso niyang sagot. “Kasi ang alam ko lang, simula nang makilala kita lagi mo na akong tinatakbuhan.”

“Dahil baliw ka!”

“Yet you still look for me.”

“Excuse me?” nanlaki ang mata ko.

Ngumisi siya nang bahagya. “Every time na nawawala ako, hinahanap mo ako gamit tingin mo.”

“Delusional ka talaga.”

“Am I?”

Tumigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang hawakan ang wrist ko. Hindi mahigpit. Pero sapat para maramdaman ko ang init ng palad niya.

Agad akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.

“Lucian,” babala ko.

Mas lalo lang siyang yumuko para mapalapit ang mukha niya sa akin. Amoy ko ang mamahaling pabango niya na halong alak at malamig na hangin ng gabi.

“You’re tired,” mahina niyang sabi.

Napakurap ako.

“Ano?”

“Pagod ka.” Tinitigan niya ako nang diretso. “You’ve been working since morning.”

“Hindi mo problema iyon.”

“It is.”

Napairap ako kahit bahagyang kumabog ang dibdib ko.

“Hindi mo ako pag-aari.”

Tumigas ang panga niya sa sinabi ko.

“I never said you were.”

“Pero kung makaasta ka akala mo boyfriend kita.”

Nanahimik siya.

At mas lalo akong nairita dahil doon.

“See? Wala kang masagot.”

Bigla siyang tumawa nang mahina bago iniayos ang pagkakatayo niya.

“You want honesty?” tanong niya.

“Obviously.”

Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago nagsalita.

“Naiinis ako kapag may ibang lalaking nakatingin sa’yo.”

Natigilan ako.

“What?”

“Naiinis ako kapag may humahawak sa’yo.” Lumapit ulit siya. “At lalo akong naiinis kapag nakikita kitang pagod pero ayaw mong magpahinga.”

Hindi ako agad nakapagsalita.

Hindi dahil kinilig ako.

Kundi dahil hindi ko alam bakit parang biglang naging seryoso ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Naririnig ko pa rin ang malakas na tugtog mula sa bar pero parang lumayo iyon habang nakatingin siya sa akin nang ganoon.

“Lucian…” mahina kong tawag.

Pero bago pa ako makadagdag ng sasabihin ay biglang bumukas ang pinto ng hallway.

“Maddy? Okay ka lang ba rito?” tanong ng katrabaho ko habang nag-aalalang nakatingin sa amin.

Agad akong lumayo kay Lucian na para bang nahuli kami sa isang bagay na bawal.

Ngumiti ako nang pilit.

“O-okay lang.”

Pero halatang hindi naniwala ang kasama ko lalo na nang mapatingin siya kay Lucian.

At gaya ng inaasahan, agad itong umiwas ng tingin.

Takot.

Lahat sila ganoon kapag si Lucian ang kaharap.

Pero ang mas kinaiinisan ko?

Ako lang yata ang may lakas ng loob na sigawan siya.

At mukhang gusto niya pa iyon.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Conquences of a Night with a Billionaire    Chapter 90: Dulo

    Tahimik ang buong hardin. Hindi tulad ng mga nakasanayan kong ingay ng lungsod, dito parang huminto ang oras—malamig ang simoy ng hangin, banayad ang sikat ng araw, at ang mga dahon ng puno ay marahang sumasayaw na para bang sumasang-ayon sa kung ano mang mangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ako si Madison Georgette Fortunato. Sanay na ako sa hirap, sanay na ako sa pagod, sanay na ako sa mga desisyong mag-isa kong tinatanggap. Pero ngayon… iba. Iba dahil alam kong may mangyayari. Hindi ko lang alam kung ano. Sa di kalayuan, tumatakbo ang anak ko sa damuhan. Masaya siyang tumatawa habang hinahabol ang maliit na paru-paro. Hawig na hawig niya ang taong pilit kong kinalimutan noon—ang mga mata, ang ngiti, pati ang paraan ng pagtawa. Lucian Charles Stryker. Huminga ako nang malalim. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko tuwing naiisip ko siya. Pero hindi na iyon kasing sakit noon. Mas kalmado na. Parang sugat na naghilom pero may pe

  • The Conquences of a Night with a Billionaire    Chapter 89: Pagpapatawad

    POV: Madison Georgette Fortunato Tahimik. Iyan ang unang salitang pumasok sa isip ko habang nakatitig ako sa malawak na hardin kung saan masayang naglalaro ang anak ko. Ang hangin ay malamig, ngunit hindi sapat para palamigin ang bigat na matagal nang nakadagan sa dibdib ko. Hawak ko ang tasa ng kape na kanina pa hindi ko nagagalaw, habang ang isip ko ay lumulutang sa mga alaala na ayokong balikan—pero paulit-ulit na bumabalik. Lucian Charles Stryker. Isang pangalan na dati ay minahal ko. Ngayon… hindi ko alam kung ano pa ang kaya kong maramdaman para sa kanya. Naririnig ko ang tawa ng anak ko habang tumatakbo siya sa damuhan. Sa bawat hakbang niya, parang mas lalo akong napapaisip kung paano ko nagawang itago siya sa ama niya nang ganito katagal. Kung tama ba iyon. O kung mali. “Mommy!” Napalingon ako. Tumakbo siya papalapit sa akin, hingal na hingal, pero may malawak na ngiti sa labi. Yumuko ako at sinalubong siya ng yakap. “Dahan-dahan ka lang,” mahinang sabi ko habang

  • The Conquences of a Night with a Billionaire    Chapter 88: Natalo

    POV: Madison Georgette Fortunato Tahimik ang buong mansion ng Stryker. Nakasanayan ko nang makita itong malamig—malaki, magarbo, pero walang tunay na init. Ngayon, mas ramdam ko ang bigat nito. Parang bawat sulok ay may nakatagong sigaw ng mga maling desisyon, kasinungalingan, at mga taong nasaktan. Nasa sala kami. Magkaharap. Si Scarlett Santillanes—nakaupo nang tuwid, nakaayos ang postura, pero halatang nanginginig ang kamay. Sa tabi niya si Nathaniel Stryker, nakatingin sa amin na parang hindi tanggap ang nangyayari. At sa kabilang panig… Si Lucian. Tahimik siya. Pero alam ko ang galit sa likod ng katahimikan niya. Hindi sumisigaw si Lucian kapag galit. Mas delikado siya kapag tahimik. “Hindi niyo na pwedeng ituloy ‘to,” malamig na sabi ni Lucian. Napangiti si Scarlett, pero hindi umabot sa mata niya ang ngiti. “Lucian, you’re making a mistake. She’s nothing compared to—” “Stop,” putol ni Lucian. Isang salita lang. Pero sapat na para mapatahimik ang buong kwarto. N

  • The Conquences of a Night with a Billionaire    Chapter 87: Pangalan at Pag-ibig

    POV: Lucian Charles Stryker Hindi ko alam kung ilang beses ko nang paulit-ulit na tinatanong sa sarili ko kung paano umabot sa ganito ang lahat. Isang maling gabi. Isang maling desisyon. Isang gabing akala ko kontrolado ko ang lahat—pero sa totoo lang, ako pala ang tuluyang nawala. At ngayon… Nakaharap ko ang pinakamahalagang dahilan kung bakit ako natutong lumuhod sa mundo. Ang anak ko. Ang anak namin ni Madison. Tahimik ang silid ng Stryker Estate. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang tingin ng pamilya ko habang nakatayo ako sa gitna, hawak ang maliit na kamay ng batang halos kasing taas na ng tuhod ko. “Lucian,” malamig na boses ni Vivienne Stryker, ang aking ina. “Ano ang ibig sabihin nito?” Hindi ako sumagot agad. Ramdam ko ang bigat ng bawat tingin—lalo na kay Nathaniel, na parang handang durugin ang kahit anong desisyon ko. “Sabihin mo sa amin,” dagdag ni Valerius Stryker. “Sino ang batang iyan?” Humigpit ang hawak ko sa kamay ng anak ko. Hindi siya sanay sa gan

  • The Conquences of a Night with a Billionaire    Chapter 86: Ilalim

    POV: Madison Georgette Fortunato Tahimik. Iyon ang unang bagay na napansin ko pagpasok namin sa malawak na mansyon ng pamilya Stryker. Hindi ito katahimikan na payapa. Kundi katahimikan na nakakatakot. Parang bawat hakbang namin sa marmol na sahig ay may kalakip na bigat—parang hindi kami welcome, parang hindi kami dapat narito. Mahigpit ang hawak ni Lucian sa kamay ko. Pero kahit ganoon, ramdam ko pa rin ang panginginig ng dibdib ko. “Stay behind me,” mahinang sabi niya. Hindi ako sumagot. Hindi dahil ayoko. Kundi dahil alam kong kahit anong sabihin ko, hindi na mababago ang pakiramdam ko ngayon. Galit sila sa akin. At hindi pa nila ako nakikilala nang lubusan. Sa dulo ng malaking sala, nandoon sila. Ang pamilya Stryker. Parang isang larawan ng perpektong mundo na hindi kailanman tatanggap ng tulad ko. Si Valerius Stryker—matigas ang mukha, nakaupo na parang hari. Si Vivienne Stryker—maayos, elegante, malamig ang tingin na parang kaya kang wasakin sa isang sulyap la

  • The Conquences of a Night with a Billionaire    Chapter 85: Hindi na siya ang dating Siya

    POV: Madison Georgette Fortunato Hindi ko agad napansin ang pagbabago sa kanya. Sa una, akala ko simpleng pagod lang. Pagod sa trabaho. Pagod sa responsibilidad. Pagod sa mundong palaging humihingi ng sobra. Pero habang tumatagal, mas lalo kong nakikita ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Hindi na siya si Lucian na dating kilala ko. Hindi na siya iyong lalaking kayang mang-control ng buong mundo sa isang iglap. Hindi na rin siya iyong malamig na boses na kayang magpaiyak ng kahit sinong kausap niya. Ngayon… tahimik na siya. At ang katahimikang iyon ang mas nakakatakot. Nakaupo ako sa sofa habang pinapanood ko siyang nakatayo sa may bintana ng penthouse niya. Malawak ang tanawin sa labas—mga ilaw ng siyudad na parang bituin sa lupa. Pero kahit ganoon kaganda ang paligid, hindi niya iyon tinitingnan. Nakatingin lang siya sa malayo. Parang may hinahanap. O may iniisip na hindi niya maabot. “Lucian…” mahina kong tawag. Hindi siya agad lumingon. Ilang segundo pa bago ni

  • The Conquences of a Night with a Billionaire    Chapter 1: Nakita

    POV: Madison Georgette Fortunato "Cheers." hiyaw naming lahat. Matapos ang trabaho ay nagkaroon kami ng konting kasiyahan matapos ang shoot. dahil birthday ng co-model namin ay sumama ako. Ayoko namang maging kj sa ganito lalo na minsan lang makasama dahil nga busy at mahirap ang pera at iyon

  • The Conquences of a Night with a Billionaire    Chapter 5: Hinintay

    Tahimik akong nakasandal sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang malamig na gabi sa labas. Ang mga ilaw ng poste ay sunod-sunod na dumadaan sa paningin ko habang mabagal na umaandar ang itim na sasakyan ni Lucian sa halos walang kataong kalsada. Mahina lang ang tugtog ng music sa loob, sapat

  • The Conquences of a Night with a Billionaire    Chapter 4: Regret

    Nauna akong pumasok sa loob ng silid habang tahimik na sumunod si Lucian sa likuran ko. Pagkabukas pa lang ng pinto ay agad akong namangha sa ganda ng buong lugar. Malawak ang kwarto, malamlam ang ilaw, at may halong mamahaling amoy ng kahoy at pabango ang hangin. Ang puting kurtina ay bahagyang gu

  • The Conquences of a Night with a Billionaire    Chapter 3: Flirt

    “I don’t trust you,” mahina ngunit madiing saad ko habang nakatitig sa malamig niyang mga mata. Sa bawat segundo na magkalapit kami, mas lalo kong nararamdaman na may tinatago siya—isang bagay na hindi ko dapat malaman. At iyon ang mas lalong delikado. Bahagya siyang ngumisi habang dahan-dahang

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status