เข้าสู่ระบบNauna akong pumasok sa loob ng silid habang tahimik na sumunod si Lucian sa likuran ko. Pagkabukas pa lang ng pinto ay agad akong namangha sa ganda ng buong lugar. Malawak ang kwarto, malamlam ang ilaw, at may halong mamahaling amoy ng kahoy at pabango ang hangin. Ang puting kurtina ay bahagyang gumagalaw dahil sa malamig na hangin mula sa aircon habang ang marble na sahig ay kumikislap sa liwanag ng chandelier.
Hindi ko maiwasang mapahinto sa gitna ng sala. Para akong nawalan ng sasabihin habang pinagmamasdan ang modernong disenyo ng paligid. Sa kanan ay may malambot na kulay abong sofa at maliit na glass table na may nakapatong na wine. Sa kaliwa naman ay ang malaking kama na natatakpan ng malinis at mamahaling puting kumot. Napansin kong may pinuntahan si Lucian sa kabilang bahagi ng suite. Tahimik siyang naglakad habang may kausap sa telepono kaya naman naiwan akong mag-isa. Dahan-dahan akong naupo sa sofa at saka napatingin sa malawak na salamin na halos sakop ang buong dingding. Mula roon ay kitang-kita ang ilaw ng siyudad. Ang mga gusali sa labas ay parang maliliit na bituin sa dilim ng gabi habang ang mga sasakyan sa kalsada ay tila gumuguhit ng mahahabang linya ng ilaw. Sa ibaba ay tanaw ang mall na puno pa rin ng tao kahit gabi na. Napakaganda ng tanawin na para bang ibang mundo ang nasa harapan ko. Tumayo ako at lumapit sa salamin. Marahan kong hinawakan ang malamig nitong ibabaw habang pinagmamasdan ang lungsod. Ngunit bigla akong natigilan nang may maramdaman akong dalawang braso na marahang yumakap sa akin mula sa likuran. Napapikit ako nang maramdaman ang init ng katawan ni Lucian. Dahan-dahan niyang ipinatong ang baba niya sa balikat ko habang mahigpit ngunit maingat ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lamang siya habang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. “Ang ganda mo,” mahina niyang bulong sa tabi ng tenga ko. Napalunok ako habang nararamdaman ko ang mainit niyang paghinga sa balat ko. “Mas maganda ka pa sa tanawin na ‘yan,” dagdag pa niya dahilan para lalo akong mapahina. Marahan niyang hinaplos ang magkabilang braso ko pababa habang tila ayaw akong pakawalan. Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa simpleng pagdikit ng katawan namin. “Lucian…” mahina kong tawag. “Hm?” sagot niya habang mas lalo akong inilapit sa kanya. “Bakit parang… ang bait mo ngayon?” Mahina siyang natawa. Mababa at malalim ang boses niyang nagdulot ng kakaibang kilig sa dibdib ko. “Dahil gusto kong maalala mo ‘tong gabing ‘to,” bulong niya. “Gusto kong maging espesyal para sa’yo.” Napapikit ako nang marahan niyang halikan ang gilid ng leeg ko. Banayad lang ngunit sapat para magdulot ng panginginig sa buo kong katawan. “Hindi mo alam kung gaano kita gustong yakapin nang ganito,” sabi niya. “Iyong walang iniisip… tayong dalawa lang.” Humawak ako sa braso niyang nakapalibot sa beywang ko habang pilit pinapakalma ang sarili ko. “Kinakabahan ako,” amin ko. Agad niya akong hinarap at marahang hinawakan ang mukha ko. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. “Don’t be scared,” mahina niyang sabi. “I’ll be gentle with you.” Parang natunaw ang puso ko sa paraan ng pagsasalita niya. Marahan niyang inayos ang buhok kong nalaglag sa mukha bago ako hinalikan sa noo. “You’re safe with me,” dagdag pa niya. “Palagi.” Napangiti ako kahit nahihiya habang nakatingin sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang malambot na bahagi ni Lucian—ang lalaking hindi malamig, hindi dominante, kundi isang taong marunong ding magmahal nang tahimik. Hinila niya ako pabalik sa yakap niya habang pareho naming pinagmamasdan ang ilaw ng siyudad sa labas. At sa mga sandaling iyon, parang walang ibang tao sa mundo kundi kaming dalawa lamang. Napaharap ako sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang aking bewang. Sandali kaming nagtitigan, tila ba parehong naghihintay kung sino ang unang bibigay sa tensyon na namamagitan sa aming dalawa. Ngunit bago pa ako makapagsalita, marahan niyang inilapit ang kaniyang mukha at tuluyan akong hinalikan. Mainit ngunit mabagal ang halik na iyon—punong-puno ng pagnanasa at pananabik. Para bang sa bawat pagdampi ng kaniyang labi ay unti-unti niyang binabasag ang natitira kong pagpipigil. Napaangat ang aking kamay at kusang napahawak sa kaniyang balikat habang mas lalo niyang pinapalalim ang aming halikan. Dahan-dahang gumapang ang kaniyang kamay mula sa aking beywang paakyat sa aking likuran, tila sinisiguradong hindi ako makakatakas sa yakap niya. Napapikit ako nang maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos, dahilan upang bumilis ang tibok ng aking puso. Walang salitang namutawi sa aming mga labi dahil sapat na ang tingin at haplos upang maintindihan namin ang isa’t isa. Maya-maya’y bigla niya akong kinarga na para bang wala akong timbang. Napakapit ako sa kaniyang leeg habang bahagya siyang ngumiti sa reaksiyon ko. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan habang papalapit siya sa kama. Maingat niya akong inihiga roon bago siya sumunod at umibabaw sa akin. Nagtama muli ang aming mga mata—parehong seryoso, parehong tila nilulunod ng emosyon at tensyong matagal nang kinikimkim. Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa aking mukha bago dumausdos ang kaniyang kamay sa aking baba. Dahan-dahan niya iyong iniangat, pinipilit akong tumingin lamang sa kaniya. Para bang gusto niyang mabasa ang bawat emosyon na nakatago sa aking mga mata. Unti-unting gumapang paitaas ang kaniyang haplos, mabagal at tila nag-iingat. Dumaan ang kaniyang mga daliri sa aking leeg bago tumigil malapit sa aking dibdib. Napasinghap ako sa marahang paghaplos niya habang nananatiling seryoso ang kaniyang ekspresyon. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Ang tanging maririnig lamang ay ang mabibigat naming paghinga at ang mabilis na tibok ng aming mga puso. At sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko’y kaming dalawa lamang ang naroon sa mundong iyon—walang ibang tao, walang ibang problema, kundi ang init ng aming mga tingin at damdaming pilit naming kinokontrol. Tumigil siya sa ginawa niya at naupo at parehas kaming dalawa napatingin sa isa't- Isa. "Narinig mo ba 'yon?" Ani ko sabay bangon para ako na mag-bukas pero pinigilan at tumayo na siya para tignan. Tahimik akong napangiti habang nakaupo sa loob ng private dining room ng hotel. Malamlam ang ilaw na nagbibigay ng eleganteng aura sa paligid. Ang malalaking chandelier sa kisame ay kumikislap habang marahang tumutugtog ang classical piano music sa background. Sa gitna ng mesa ay nakahilera ang mamahaling pagkain na ngayon ko lang nakita nang personal. Nang bumalik si Lucian mula sa pakikipag-usap sa manager ng hotel, agad siyang napatingin sa akin. Bahagya siyang ngumiti nang makitang nakatitig ako sa mga pagkain. “Why are you looking at them like they’ll disappear?” natatawa niyang tanong habang umuupo sa harapan ko. Nahihiyang umiwas ako ng tingin. “Hindi naman kasi ako sanay sa ganito…” Dahan-dahan niyang inayos ang upuan ko palapit sa mesa bago marahang hinaplos ang likod ng kamay ko. “Then get used to it. You deserve this.” Parang biglang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Isa-isang inilagay ng waiter ang pagkain sa mesa. May Lobster Thermidor na mabango pa lang ay nakakagutom na. Katabi nito ang Truffle Risotto na may manipis na parmesan flakes sa ibabaw. May Wagyu Steak na perfectly medium rare habang umaagos ang sauce nito sa plato. Nandoon din ang Salmon en Croute, Foie Gras Canapés, at Creamy Seafood Bisque. Nanlaki ang mata ko habang pinagmamasdan iyon. “Lucian… sobra naman yata ‘to.” “Too much?” tanong niya habang pinupunasan ang labi gamit ang table napkin. Tumango ako. “Hindi ko kayang ubusin lahat.” Ngumiti siya nang bahagya. “Then eat what you want. The rest doesn’t matter.” Mabilis na kumabog ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko mawari kung bakit kahit simpleng salita niya ay parang kayang tunawin ang buong pagkatao ko. Sinimulan naming kumain nang tahimik. Paminsan-minsan ay sinusubuan niya ako ng steak o kaya nama’y inaayos ang buhok kong nalalaglag sa mukha ko. “Maddy,” mahina niyang tawag. Napatingin ako sa kanya. “You’re too thin.” Napairap ako nang mahina. “Nag-aaral kasi ako at nagtatrabaho…” “And you skip meals.” Nahuli niya agad ako kaya napayuko ako. “Hindi naman lagi.” Tinukod niya ang siko sa mesa habang seryoso akong tinitigan. “Take care of yourself for me.” Napakagat ako sa labi dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Parang napakalambing ngunit may halong pag-aalala. Napansin kong tahimik siya pagkatapos noon. Kanina pa rin parang may iniisip siya. Dahan-dahan kong inilapag ang kutsara bago siya tiningnan. “Lucian…” “Hm?” “Okay ka lang ba?” Saglit siyang natigilan bago ngumiti nang pilit. “I’m fine.” “Sure?” Tumango siya agad. “Walang problema.” Pero kahit gano’n ang sinabi niya, ramdam kong may bumabagabag sa kanya. Nakikita iyon sa mga mata niyang tila pagod kahit pilit na kalmado. Hindi ko na lang pinilit pang magtanong. Ilang segundo kaming parehong tahimik hanggang sa siya mismo ang nagsalita. “How’s your study?” Napatingin ako sa kanya at halos mabitawan ko ang baso ng wine. “H-Ha?” “Your school. You’ve been busy lately.” Napayuko ako habang nilalaro ang tinidor sa kamay ko. “Okay naman…” “Just okay?” Nahihiya akong tumango. Hindi ko alam kung bakit kapag siya ang nagtatanong ay parang nawawala lahat ng confidence ko. “May exams kasi…” “And?” “Medyo nahihirapan ako sa accounting subject.” Bahagya siyang natawa. “You’re smart, Maddy. Don’t underestimate yourself.” “Hindi naman ako matalino…” “Maddy.” Mas lumalim ang boses niya dahilan para mapatingin ako agad. “Look at me.” Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. “You’re one of the strongest girls I know.” Parang huminto sandali ang mundo ko habang nakatitig sa seryoso niyang mga mata. “Lucian…” “You study while working. You survive on your own. Not everyone can do that.” Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako nang mahina. Bigla niyang inabot ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Mainit ang palad niya habang marahan iyong hinahaplos gamit ang hinlalaki niya. “Don’t be shy when talking to me,” mahinahon niyang sabi. “I want to hear everything about you.” Napayuko ako dahil lalo akong kinabahan. “Hindi ko kasi alam sasabihin ko minsan…” “Then say anything.” Natawa ako nang mahina. “Anything?” “Anything.” Ilang segundo akong natahimik bago mahina akong nagsalita. “Masaya ako ngayon.” Nakita kong bahagyang lumambot ang ekspresyon niya. “That’s good.” “Because of you.” Hindi siya agad nagsalita. Tahimik niya lang akong tinitigan na para bang may gusto siyang sabihin ngunit pinipigilan niya. Maya-maya ay tumayo siya at lumapit sa tabi ko. Dahan-dahan niyang hinawi ang buhok ko sa gilid ng tenga bago marahang yumuko. “You have no idea what you’re doing to me, Maddy.” Nanlaki ang mata ko habang mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Masyado siyang malapit. Naamoy ko ang mamahaling pabango niya habang ramdam ko ang init ng katawan niya malapit sa akin. “Lucian…” halos pabulong kong tawag. Ngumiti siya nang mahina bago marahang pinisil ang pisngi ko. “Eat more.” Napatawa ako dahil doon. Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming lumabas ng private room. Tahimik ang hallway ng hotel habang magkatabi kaming naglalakad. Paminsan-minsan ay sumasagi ang kamay niya sa kamay ko hanggang sa tuluyan niya iyong hinawakan. Mahigpit ngunit napakalambing. Napatingin ako sa kanya ngunit diretso lang siya sa paglalakad na tila normal lang ang lahat. “Lucian…” “Hm?” “Thank you.” Bahagya siyang ngumiti nang hindi tumitingin sa akin. “For what?” “For tonight.” Huminto siya sa paglalakad dahilan para mapaharap ako sa kanya. Then slowly, he leaned closer and whispered— “You don’t have to thank me for the things I want to do for you.” Tuluyan na akong napaiwas ng tingin dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. At sa gabing iyon, habang magkahawak-kamay kaming palabas ng hotel… Pakiramdam ko, kahit saglit lang, may lugar akong pwede kong tawaging tahanan.Tahimik ang buong hardin. Hindi tulad ng mga nakasanayan kong ingay ng lungsod, dito parang huminto ang oras—malamig ang simoy ng hangin, banayad ang sikat ng araw, at ang mga dahon ng puno ay marahang sumasayaw na para bang sumasang-ayon sa kung ano mang mangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ako si Madison Georgette Fortunato. Sanay na ako sa hirap, sanay na ako sa pagod, sanay na ako sa mga desisyong mag-isa kong tinatanggap. Pero ngayon… iba. Iba dahil alam kong may mangyayari. Hindi ko lang alam kung ano. Sa di kalayuan, tumatakbo ang anak ko sa damuhan. Masaya siyang tumatawa habang hinahabol ang maliit na paru-paro. Hawig na hawig niya ang taong pilit kong kinalimutan noon—ang mga mata, ang ngiti, pati ang paraan ng pagtawa. Lucian Charles Stryker. Huminga ako nang malalim. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko tuwing naiisip ko siya. Pero hindi na iyon kasing sakit noon. Mas kalmado na. Parang sugat na naghilom pero may pe
POV: Madison Georgette Fortunato Tahimik. Iyan ang unang salitang pumasok sa isip ko habang nakatitig ako sa malawak na hardin kung saan masayang naglalaro ang anak ko. Ang hangin ay malamig, ngunit hindi sapat para palamigin ang bigat na matagal nang nakadagan sa dibdib ko. Hawak ko ang tasa ng kape na kanina pa hindi ko nagagalaw, habang ang isip ko ay lumulutang sa mga alaala na ayokong balikan—pero paulit-ulit na bumabalik. Lucian Charles Stryker. Isang pangalan na dati ay minahal ko. Ngayon… hindi ko alam kung ano pa ang kaya kong maramdaman para sa kanya. Naririnig ko ang tawa ng anak ko habang tumatakbo siya sa damuhan. Sa bawat hakbang niya, parang mas lalo akong napapaisip kung paano ko nagawang itago siya sa ama niya nang ganito katagal. Kung tama ba iyon. O kung mali. “Mommy!” Napalingon ako. Tumakbo siya papalapit sa akin, hingal na hingal, pero may malawak na ngiti sa labi. Yumuko ako at sinalubong siya ng yakap. “Dahan-dahan ka lang,” mahinang sabi ko habang
POV: Madison Georgette Fortunato Tahimik ang buong mansion ng Stryker. Nakasanayan ko nang makita itong malamig—malaki, magarbo, pero walang tunay na init. Ngayon, mas ramdam ko ang bigat nito. Parang bawat sulok ay may nakatagong sigaw ng mga maling desisyon, kasinungalingan, at mga taong nasaktan. Nasa sala kami. Magkaharap. Si Scarlett Santillanes—nakaupo nang tuwid, nakaayos ang postura, pero halatang nanginginig ang kamay. Sa tabi niya si Nathaniel Stryker, nakatingin sa amin na parang hindi tanggap ang nangyayari. At sa kabilang panig… Si Lucian. Tahimik siya. Pero alam ko ang galit sa likod ng katahimikan niya. Hindi sumisigaw si Lucian kapag galit. Mas delikado siya kapag tahimik. “Hindi niyo na pwedeng ituloy ‘to,” malamig na sabi ni Lucian. Napangiti si Scarlett, pero hindi umabot sa mata niya ang ngiti. “Lucian, you’re making a mistake. She’s nothing compared to—” “Stop,” putol ni Lucian. Isang salita lang. Pero sapat na para mapatahimik ang buong kwarto. N
POV: Lucian Charles Stryker Hindi ko alam kung ilang beses ko nang paulit-ulit na tinatanong sa sarili ko kung paano umabot sa ganito ang lahat. Isang maling gabi. Isang maling desisyon. Isang gabing akala ko kontrolado ko ang lahat—pero sa totoo lang, ako pala ang tuluyang nawala. At ngayon… Nakaharap ko ang pinakamahalagang dahilan kung bakit ako natutong lumuhod sa mundo. Ang anak ko. Ang anak namin ni Madison. Tahimik ang silid ng Stryker Estate. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang tingin ng pamilya ko habang nakatayo ako sa gitna, hawak ang maliit na kamay ng batang halos kasing taas na ng tuhod ko. “Lucian,” malamig na boses ni Vivienne Stryker, ang aking ina. “Ano ang ibig sabihin nito?” Hindi ako sumagot agad. Ramdam ko ang bigat ng bawat tingin—lalo na kay Nathaniel, na parang handang durugin ang kahit anong desisyon ko. “Sabihin mo sa amin,” dagdag ni Valerius Stryker. “Sino ang batang iyan?” Humigpit ang hawak ko sa kamay ng anak ko. Hindi siya sanay sa gan
POV: Madison Georgette Fortunato Tahimik. Iyon ang unang bagay na napansin ko pagpasok namin sa malawak na mansyon ng pamilya Stryker. Hindi ito katahimikan na payapa. Kundi katahimikan na nakakatakot. Parang bawat hakbang namin sa marmol na sahig ay may kalakip na bigat—parang hindi kami welcome, parang hindi kami dapat narito. Mahigpit ang hawak ni Lucian sa kamay ko. Pero kahit ganoon, ramdam ko pa rin ang panginginig ng dibdib ko. “Stay behind me,” mahinang sabi niya. Hindi ako sumagot. Hindi dahil ayoko. Kundi dahil alam kong kahit anong sabihin ko, hindi na mababago ang pakiramdam ko ngayon. Galit sila sa akin. At hindi pa nila ako nakikilala nang lubusan. Sa dulo ng malaking sala, nandoon sila. Ang pamilya Stryker. Parang isang larawan ng perpektong mundo na hindi kailanman tatanggap ng tulad ko. Si Valerius Stryker—matigas ang mukha, nakaupo na parang hari. Si Vivienne Stryker—maayos, elegante, malamig ang tingin na parang kaya kang wasakin sa isang sulyap la
POV: Madison Georgette Fortunato Hindi ko agad napansin ang pagbabago sa kanya. Sa una, akala ko simpleng pagod lang. Pagod sa trabaho. Pagod sa responsibilidad. Pagod sa mundong palaging humihingi ng sobra. Pero habang tumatagal, mas lalo kong nakikita ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Hindi na siya si Lucian na dating kilala ko. Hindi na siya iyong lalaking kayang mang-control ng buong mundo sa isang iglap. Hindi na rin siya iyong malamig na boses na kayang magpaiyak ng kahit sinong kausap niya. Ngayon… tahimik na siya. At ang katahimikang iyon ang mas nakakatakot. Nakaupo ako sa sofa habang pinapanood ko siyang nakatayo sa may bintana ng penthouse niya. Malawak ang tanawin sa labas—mga ilaw ng siyudad na parang bituin sa lupa. Pero kahit ganoon kaganda ang paligid, hindi niya iyon tinitingnan. Nakatingin lang siya sa malayo. Parang may hinahanap. O may iniisip na hindi niya maabot. “Lucian…” mahina kong tawag. Hindi siya agad lumingon. Ilang segundo pa bago ni
Tahimik akong nakasandal sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang malamig na gabi sa labas. Ang mga ilaw ng poste ay sunod-sunod na dumadaan sa paningin ko habang mabagal na umaandar ang itim na sasakyan ni Lucian sa halos walang kataong kalsada. Mahina lang ang tugtog ng music sa loob, sapat
“I don’t trust you,” mahina ngunit madiing saad ko habang nakatitig sa malamig niyang mga mata. Sa bawat segundo na magkalapit kami, mas lalo kong nararamdaman na may tinatago siya—isang bagay na hindi ko dapat malaman. At iyon ang mas lalong delikado. Bahagya siyang ngumisi habang dahan-dahang
POV: Madison Georgette Fortunato Gabi na nang muli akong mapatingin sa wristwatch ko. Alas-dose na ng madaling-araw, pero hindi pa rin oras ng uwian ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng bar habang bitbit ang tray na puno ng mamahaling alak at cocktail drinks. Ramdam ko na ang pananakit ng mg
POV: Madison Georgette Fortunato "Cheers." hiyaw naming lahat. Matapos ang trabaho ay nagkaroon kami ng konting kasiyahan matapos ang shoot. dahil birthday ng co-model namin ay sumama ako. Ayoko namang maging kj sa ganito lalo na minsan lang makasama dahil nga busy at mahirap ang pera at iyon







