Share

TCMWMD 5

“SHAINA POINT OF VIEW”

DALAWANG araw na ang lumipas ng ikasal kami ni Matteo. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa tuwing pumapasok sa isip ko ang nangyari noong gabing ‘yon.

~Flashback~

Dali- dali akong nagbalot ng tuwalya ng marinig namin ang pagkatok mula sa labas ng hotel room na kinatatayuan namin ni Matteo. Parehas kaming hubo’t hubad sa mga oras na iyon ng tawagin kami ng parents ni Matteo.

Kaya ang binabalak ni Matteo ay hindi natupad. Mabuti na lang ay naka-lock ang pintuan kung kaya’t hindi nabuksan ni Mommy Livia at mabuti na lang din hindi kami naabutang may ginagawang milagro.

Ang lasing na si Matteo ay parang nawala ang kalasingan ng dumating ang Mommy niya.

“Oh? Nasaan ang asawa mo?” Tanong ng Mommy niya sa kaniya, siya ang nagbukas ng pintuan dahil hindi ko magawang lumabas ng banyo dahil sa matinding kahihiyan.

“She’s taking a shower. Why are you here, mom? ” Rinig kong tanong ni Matteo sa Mommy niya.

“Kasi naman nakalimutan kong ibigay sa asawa mo itong regalo ko. Pasensya na kung na istorbo ko kayo, ibigay mo na lang ito sa asawa mo at ipasuot mo.” Iyon lang ang narinig kong sinabi ng Mommy niya at narinig ko ang pagsara ng pintuan.

Ilang saglit pa ay narinig kong tinawag ako ni Matteo kaya lumabas ako ng banyo.

“Wear this,” saad niya at inabot sa akin ang isang paper bag. Ng makita ko ang laman ng paper bag halos pamulahan ako ng mukha. Ang tinutukoy na regalo ni Mommy Livia sa akin ay isang night dress na halos makita ang kaluluwa ko kapag sinuot ko ito. Namalayan ko na lamang na tinalikuran ako ni Matteo. Sinundan ko ng tingin ang malapad niyang likod hanggang sa nahiga siya sa kama. Siguro napagtanto niya ang ginawa namin kanina at muntikan na kaming magtalik.

~End of Flashback~

Kung mas mailap sa akin ngayon si Matteo ay mas lalo ako. Sa tuwing magkakasalubong kami ng landas halos sa sahig ako tumitingin. Kapag naman mag-uusap kami ay hindi ko siya tinitignan sa mata dahil sa sobrang kahihiyan.

Dahil sa loob ng dalawang araw na lumipas pinapakita pa rin namin sa parents niya na nagmamahalan kami. Halos hindi nga ako makasagot sa mga tanong ng Mommy niya sa akin kahapon. Tinatanong niya sa ‘kin kung hindi naman daw ba masakit ang katawan ko. Kung naka-ilang rounds daw kaming dalawa ng anak niya. Hindi naman ako makasagot dahil hindi naman nangyari ang mga nasa isip ni Mommy Livia.

AT NGAYON kasabay ko siyang kumain kasama ang babaeng nakita ko sa hotel kasama ito sa mga bisita namin. Nagpakilala itong Carmela at mas nakakagulat lang ay girlfriend pala ito ni Matteo.

Kaya pala kakaiba ang pamamaraan ng pagtingin ni Carmela kay Matteo noong gabing ‘yon. Boyfriend pala ni Matteo ito, nakakapagtaka lang dahil kung magkasintahan naman sila bakit hindi na lang sila gumawa ng baby? Natatakot kayang manganak si Carmela?

Marami ang katanungan sa isip ko pero hindi ko naman magawang tanungin si Matteo. Wala naman akong karapatan na pakialaman ang personal na buhay niya dahil bayad ako.

“Babe, I answer this call.” Biglang saad ni Matteo kay Carmela. Nang kami na lamang ang natira ni Carmela sa hapag-kainan ay hindi ko magawang lingunin ito. Nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan, kaya hindi ko magawang tignan ito.

“Shaina I know you are shocked— h’wag kang mahiya sa akin. Look at me,” sambit niya sa malumanay na boses. Maski sa pamamaraan ng pananalita nito ay napakahinhin at masasabi ko talagang napaka perpekto niyang babae.

“Pasensya na Carmela hindi lang ako makapaniwala na may girlfriend pala si Matteo. Sorry kung tinanggap ko ang offer niya, sana mapatawad mo ako,” saad ko.

“Ano ka ba? I’m not mad at you, I’m happy pa nga dahil tinanggap mo ang alok ng boyfriend ko. So, huwag kang mahiya from now on you are my friends now,” wika niya. Tama kaya na tanungin ko siya kung ano ang dahilan kung bakit kailangan nilang mag-aksaya ng pera para lang magkaroon ng baby?

“Salamat,” saad ko. “Pwede ba akong magtanong kung hindi mo naman mamasamain?” mahinang sambit ko.

“Sure, ” saad niya.

“Gusto ko lang malaman kung bakit nagbayad pa si Matteo ng malaking halaga ng pera para lang magkaroon ng anak?” pagkabigkas ko no’n ay ibinaba ko na ang paningin ko sa kaharap kong plato.

Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng girlfriend ni Matteo. Napakagat labi na lamang ako dahil nagtanong pa ako sigurado ay hindi niya inaakalang iyon ang itatanong ko.

“ First of all, hindi ako tanggap ng family ni Matteo. I don’t know kung bakit ayaw nila sa akin, pero it’s okay to me. Naisipan naming dalawa ni Matteo na maghanap ng babaeng maipapakita niya sa parents niya. Masakit man sa akin na patago lang ang relasyon naming dalawa pero wala naman akong magagawa dahil ayaw nila sa akin…”

Hindi ko inaakalang sasagutin pala ako ni Carmela at mas nakakabigla lang ay ganoon pala ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon.

“Girls talk?” Biglang sabi ni Matteo ng makalapit sa amin. Naupo si Matteo sa tabi ko dahil nasa isang restaurant kami dahil dito mas pinili ni Matteo makipag-meet sa girlfriend niya.

“Yes, babe. Sino ang kinausap mo sa phone, babe?” Malambing na tanong ni Carmela kay Matteo. Sa lagay namin ngayon ako lang ang nakaka-abala sa date nilang dalawa.

“My secretary,” sagot ni Matteo sa girlfriend niya. And my secretary tell me I need to meet the investor right now, ” sambit ni Matteo.

“Sayang naman ang akala mo makakasama pa kita ng matagal,” malungkot na sambit ni Carmela. “Pero ayos lang naman kung kailangan mo makipag-meet sa investor.

“ I’m really sorry, babawi na lang ako next time.” Paghinging paumanhin ni Matteo sa girlfriend niya, nanatili lamang akong tahimik. Wala naman akong masabi dahil para lang akong nanonood ng pelikula.

NAGPAALAM na si Carmela na mauuna ng umalis dahil may sarili naman siyang sasakyan. Kaming dalawa naman ni Matteo ay binabaybay namin ang kalsada patungo sa bahay niya. Ang sabi ko ay magko- commute na lamang ako pero ang sabi niya ay may kukunin pa siya sa bahay kaya kasabay ko siya ngayon sa pag-uwi.

Ngayon naiintindihan ko na. Na hindi lahat ng mayayaman ay nakukuha ang lahat.

Nang makarating kami sa bahay ni Matteo ay kaagad din siyang umalis. Ang kinuha niya pala ay ang kaniyang gamit sa opisina.

Nakadapa ako sa ibabaw ng kama ko ng biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko senyales na may tumatawag. New number ito, kahit na palaisipan pa sa akin kung sino itong tumatawag ay sinagot ko pa rin.

Ng marinig ko ang boses ng babaeng tumatawag sa akin sa cellphone ay napagtanto kong si Carmela pala iro na ang girlfriend ni Matteo.

“Hi, Shaina!” bigkas ni Carmela sa kabilang linya.

“H-hello, Carmela? Napatawag ka?” tanong ko.

“Pwede ba akong tumambay d’yan paminsan-minsan? Wala naman kasi akong masyadong ginagawa and you know para naman makilala pa natin ang isa’t- isa,” wika niya.

“Oo naman, teka? Bakit ka pa nagpapaalam sa akin e, boyfriend mo naman si Matteo.” Kasi naman hindi niya naman kailangan magpaalam pa sa akin dahil boyfriend niya si Matteo. Kahit anong oras ay pwede siya pumunta dito. Narinig kong mahinang natawa si Carmela dahil sa sinabi ko.

“Ano ka ba syempre sa papel at sa mata ng lahat, asawa ka niya. So pwede ako d’yan bumisita?” tanong niyang muli.

“Oo naman, welcome ka naman sa bahay ng nobyo mo. Carmela paano mo pala nakuha number ko?” tanong ko.

“Hiningi ko kay, babe.” Ang tinutukoy niya ay si Matteo, syempre saan niya pa nga ba makukuha ang cellphone ko. Kundi kay Matteo na boyfriend niya.

“Gano’n ba? May kailangan ka pa ba Carmela? Sorry ah? Kasi itong percentage ng cellphone ko ay one percent na lang,” saad ko. Baka mamatay na itong phone ko habang nagsasalita siya.

“Wala na akong sasabihin o, sige I off this call now. See you tomorrow,” saad niya. Nagpa-alam na rin ako na papatayin ko na ang tawag para makapag charge na rin ako.

KINABUKASAN tinupad nga ni Carmela ang sinabi niya na dadalaw siya rito. Masaya naman kasama si Carmela ang problema nga lang ay hindi ako makasabay sa mga gusto niyang gawin namin. Nais niyang magtungo kami sa mall para mag-shopping kuno. Hindi naman ako pwedeng pumayag dahil wala naman akong pera para bilhin ang mga nais ko. Nandito ako dahil sa kontrata. Pero masyadong mapilit si Carmela kaya wala akong nagawa kundi samahan siya sa mall.

Dumating kami sa mall na lagi niya raw pinupuntahan ay samu’t saring mga kasuotan, alahas at kung ano- ano pa ang pinamili niya. Hindi ko naman masasabing pinamili ko ang mga ‘yon dahil siya ang nagbayad.

Hindi nga ako makapaniwala na halos lahat ng mga pinamili niya ay sa akin lamang ibibigay. Ganoon siya kabait dahil nalaman ko sa mga price tag na ang mamahal ng mga pinamili niya. Mayaman nga talaga si Carmela at talagang mabibili niya ang kung ano man ang naisin niya.

“Suutin mo ‘yong pink dress na binili ko sa ‘yo Shaina. Bagay sa ‘yo ang kulay then yung color black na heels gamitin mo rin sa susunod na pagpunta natin sa mall,” nakangiting saad niya. Tanging tango lamang ang ginawa ko. Paano ko siya mababayaran sa lahat ng mga ibinigay niya sa akin? Isa rin sa problema ko ngayon ang pambayad sa kaniya.

“Hey? Thanks for your time Shaina but I need to go na, ” saad niyang muli. “See you next time ha? Pakisabi kay babe na nag-enjoy ako sa lakad natin kanina,” nakangiting saad niya. Tanging tango ang isinagot ko. Siguro napansin niya na masyado akong nagulat sa presyo ng mga ibinigay niyang gamit sa akin.

Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate at hindi din nqqagtagal ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kuwarto ko para itago sa cabinet ang mga ibinigay ni Carmela. Hindi ko namn ito magagamit dahil hindi ko afford na magsuot ng mamahaling kasuotan.

Nang masigurado kong maayos ang pagkakasilid sa cabinet ay nagtungo ako sa kusina para magluto. Wala si Manang dahil ito umuwi sa probinsya nila para sunduin ang apo nito.

Simula ng mag-stay ako dito nag-decide si Matteo na bawasan ang katulong at ang natira na lamang ay si Manang. Mabuti nga at pumayag si Matteo na dalhin ni Manang Delya ang apo niya sa pamamahay niya.

Naaawa ako sa mga katulong na tinanggal niya dahil naghahanap buhay lang naman sila para may makain ang pamilya nila. Pero wala naman akong magagawa dahil hindi naman ako ang amo ng mga kasambahay.

__

Ang niluto ko lang naman ay adobo para mamayang dinner. Since natapos si Carmela sa pamimili ay hapon na.

Namalayan ko na lamang na pasado alas-otso na ng makauwi si Matteo. Nasa kwarto ako ng biglang bumusina si Matteo sa labas ng gate senyales na wala pang nagbubukas ng gate. Nang makalapit ako sa gate ay halos mabingi ako dahil sa pagkalakas-lakas ng busina ng sasakyan niya. Napaisip ako kung ganito ba ang laging ginagawa ni Matteo sa tuwing galing ito sa trabaho. Na nagbubusina ng pagkalakas-lakas para lang pagbuksan siya ng gate.

Binuksan ko ang gate at hinayaan siyang makapasok. Pagkapasok niya ay kaagad ko rin namang isinara ang gate. Hindi na ako nag-abala pa na hintaying makababa ng sasakyan si Matteo at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Hindi muna ako nagtungo sa kuwarto ko at nagtungo ako sa switch ng ilaw para buksan. Madilim kasi sa loob ng bahay dahil pinatay ko ito bago ako pumasok kanina sa kuwarto ko.

Nagulat ako ng pagkaharap ko ay siyang pagsulpot ni Matteo sa kung saan. Umatras ako para lumayo ng bahagya sa kaniya.

“How’s your day with my girlfriend?” tanong niya. Hindi ko na inaakala na tatanungin niya ako ng ganoon, kumbaga mahinahon lamang kung magtanong ngayon.

“Ayos lang naman, katunayan nga binilhan ako ng girlfriend mo ng mga gamit. Pasensya na hindi ko kasi mapigilan si Carmela kanina,” hinging paumanhin ko. Baka mag-isip ito ng masama, kaya uunahan ko na bago pa ako nito singhalan ng mukhang pera.

“No need to say sorry, as long as my girlfriend is happy it’s ok for me.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status