Share

TCMWMD 6

“SHAINA POINT OF VIEW”

NAGING maginhawa na ang pakiramdam ko dahil naoperahan na si Mama. At kasalukuyan siyang nagre-recover at dahil sa magandang balita na iyon ay gumaan ang pasanin ko. Hindi na ako mag-aalala sa kalagayan ni Mama dahil wala na siyang dinaramdam na sakit sa puso. Ang kailangan ko ng lang gawin ngayon ay sumunod sa nais ni Matteo.

Naging madalas ang pagpunta ni Carmela dito sa bahay ng boyfriend niya. Na asawa ko naman sa papel dahil sa kontrata na pinirmahan ko. Naging madalas din ang pamamasyal namin ni Carmela sa tuwing nasa kumpanya si Matteo. Pero ngayon hindi natuloy ang lakad namin ni Carmela dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa US. Hindi naman niya nabanggit kung ano ang aasikasuhin niya kaya hinayaan ko na lamang ito.

Wala si Matteo dahil may inaasikaso sa kumpanya niya. Nabanggit lamang sa akin ni Matteo na pupunta ang mga kaibigan niya dito sa bahay niya. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ng mga kaibigan niya dito pero alam ko naman na kailangan kong magluto ng mga makakain nila. Iniisip ko tuloy kung ano ba ang kinakain ng mga mayayaman. Sa pagkaka-alam ko ang mga mayayaman ay maselan sa pagkain, iyon kasi ang napapansin ko kila Matteo at Carmela.

Nagdesisyon ako na maglinis muna ng bahay at punasan ang mga vase at ang mga bintana. Kinailangan ko pang umakyat sa sofa para maabot ko ang salamin ng bintana. Mahabang oras din ang iginugol ko sa paglilinis. Dahil maski ang palikuran ay hindi ko pinalampas, nakakahiya kung maaabutan ng mga kaibigan ni Matteo na hindi maayos ang buong bahay. Natapos akong maglinis pasado ala-una na ng tanghali, nataranta ako nang biglang pumasok sa isip ko na kailangan ko pa palang maghanda. Hindi naman nabanggit sa akin ni Matteo na kung anong oras sila pupunta ng mga kaibigan niya rito.

Kahit naiinitan na ako dahil basa na nang pawis ang suot kong damit ay inuna ko munang ipunin ang mga rekado at ang lulutuin kong tinolang manok at adobo. Wala akong alam sa mga pagkaing mayaman ang alam ko lang ay ang mga simpleng lutuin. Nag-umpisa akong maghiwa ng mga rekado at kaagad kong hiniwa ang karne ng manok na may katamtamang lalaki.

Habang nagluluto ako ay sakto namang dumating si Manang at ang apo nitong si Riri. May matanda ako dito kung kaya’t ate ang tawag niya sa akin, masaya ako dahil may makakasama na ako dito sa bahay bukod kay Manang. Pinagpahinga ko muna sila dahil kagagaling lamang nilang biyahe at kailangan nilang magpahinga. Sinabi ko na lamang na ako na ang tatapos ng mga gawain sa kusina. Nang matapos ako ay kaagad kong nilinis ang mga ginamit ko sa pagluluto at matapos sa kusina ay nagtungo ako sa kuwarto para maglinis ng katawan.

Mabilis lamang akong naligo dahil nakaramdam ako ng antok. Nakakapagod maglinis dahil sobrang lawak ng bahay ni Matteo. Nahiga ako sa ibabaw ng kama ko kahit na basa pa ang aking buhok, namalayan ko na lamang na nilamon na pala ako ng antok.

NAGISING ako sa pagkakatulog nang marinig kong may kumakatok sa labas ng pintuan nitong kuwarto ko. Kaya kahit pikit pa ang mata ko ay lumapit pa din ako sa pintuan upang buksan. Bumungad sa akin ang apo ni Manang na si Riri.

“May kailangan ka Riri?” tanong ko.

“Ate, iyong asawa mo po ay nasa living room kasama ang mga kaibigan. Pati po hindi ka pa po nagdi- dinner,” sambit nito. Saglit akong natahimik ng mapagtanto kong tama si Riri, napahaba pala ang pagkakatulog ko.

“Oo nga pala, kayo ba ni Manang kumain na kayo?” tanong ko. “ At ano na nga pala ang ginagawa nila sa living room, Riri?”

“Kumain na kami ate, kaso ikaw hindi pa. Kung hindi niyo po tatanungin pasado alas diyes na ng gabi,” napakamot si Riri ng sabihin niya iyon.

“Kung tatanungin mo ang mga ginagawa nila sa living room ate ay kinakain na nila ang niluto mo. Nagpakuha nga sa akin si kuya Matteo ng makakain nila kaya dinala ko na lang sa living room ang mga niluto mo ate. And take note tinatanong nila kung sino raw ba ang nagluto ng mga ‘yon kaya sinabi kong ikaw,” paliwanag ni Riri. Kung kinakain na nila ang niluto ko, hindi kaya pangit ang lasa? Lalo na kung maselan sila sa pagkain.

“Halika na Ate Shaina, samahan na kita sa kusina.” Pag-aya ni Riri sa akin na kagaad ko naman itong tinanggihan.

“Hindi na kailangan Riri, ako na lamang ang pupunta sa kusina. At ikaw naman ay nagpahinga na, bukas pa naman start ng work mo kaya maaga kang matulog.”

“Pero, ate? Kailangan nila Kuya Matteo ng mag-aasikaso sa kanila at mukhang mag-iinuman po sila ng mga kaibigan niya,” pagdadahilan ni Riri.

“Ako na ang bahala sa kanila, sige na. Matulog ka na,” utos ko. Wala naman nagawa si Riri kundi sumunod sa akin. Nagtungo naman na ako pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, nakasuot ako ng bestida na hanggang hita ko lamang ang haba. Wala e, kailangan kong maging formal sa mata ng lahat habang nandito pa ako sa puder ni Matteo David.

Saktong pagpasok ko sa kusina ay siyang pagsulpot ni Matteo sa harapan ko. May hawak- hawak itong mga baso ng alak at mukha ngang mag-iinuman sila. Akmang gigilid ako upang bigyan siya ng espasyo para makadaan nang magsalita siya.

“ Where’s the maid?” Mukhang naiinip na ito sa klase ng pagtanong niya sa akin.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Pinabalik ko na si Riri sa rooms maid, para naman makapag pahinga na siya.”

“Call her,” utos nito sa akin. Hindi naman ako sumunod sa utos niya, “I said call her Shaina.” Pag-uulit pa nito.

“May ipapagawa ka pa ba sa kaniya? Kung meron man ay ako na lamang ang gagawa,” saad ko. Tinaasan naman ako nito ng isang kilay na para bang hindi siya natutuwa sa sinabi ko.

“Walang magdadala sa amin ng mga alak sa living room. At gusto mong ikaw ang gumawa no’n? Ano pa ang silbi ng katulong kung hindi naman kikilos,” sarkastiko nitong sambit.

“Ako na lamang ang gagawa. Kakarating lang nila Manang kanina galing sa probinsya kaya kailangan nilang mag pahinga,” pagmamatigas ko.

“Ok, fine. Follow me on the living room,” tanging sabi niya at nilampasan ako. Tulad ng sabi niya, sumunod ako sa living room at doon ko nakita ang apat na kalalakihan. Halos lahat ay may itsura pero mas agaw pansin ang kagwapuhan ni Matteo. Napailing ako dahil sa iniisip ko, kailan ko pa sinuri ang mukha ng lalaking iyon?

“Oh, dude. Ito lang ba ang babaeng pinadala mo para ngayong gabi?” Nagawi ang atensyon ko sa nagsalita, kumunot ang noo ko ng mamukhaan ko ang lalaking ito. Siya ‘yong antipatikong lalaki na hinihingi ang number ko sa restaurant. Huwag niyong sabihing kaibigan ito ni Matteo. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Matteo na inirerekomenda ako ng kaibigan niya sa kaniya. Hindi malabong itong lalaki nga ang tinutukoy ni Matteo.

“Damn it, bro! Asawa ‘yan ni Matteo! Tsk, ang bilis mo naman makalimutan si Miss Shaina e, ikaw nga ang unang nangulit sa resto.” Pagbubuking nitong baby face ang mukha, ngayon alam ko na. Ito nga ang mga lalaking nasa restaurant nang araw na ‘yon. Bakit hindi ko kaya sila namukhaan kaagad?

“Shut up!” Saway sa kanila ni Matteo na siyang nakapagpa tahimik sa mga ito.

“ This is my friends, tulad ng sabi mo ikaw ang mag-aasikaso sa kanila. Kaya ikuha mo kami ng mamahaling alak sa mga koleksiyon ko,” utos nito sa akin. Hindi naman na ako nagsalita pa at sinunod kaagad ang sinabi niya. Kumuha ako ng lalagyan upang mapaglagyan ng anim na bote ng mamahaling alak na galing sa koleksiyon ni Matteo. Ingat na ingat ang bawat kilos ko dahil natatakot ako na makabasag pa ako ng mamahaling alak sa pamamahay ni Matteo.

Pagkabalik ko sa living room kung saan sila naroon ay samu’t saring tawanan ang mga naririnig ko. Maski si Matteo ay nakikisali din sa tawanan ng mga kaibigan niya. Hindi ko maipagkakaila na kahit sa pagtawa ay napaka- guwapo niya.

Matapos kong sundin ang utos ni Matteo ay hindi ko inaakala na papa-upuin niya ko sa single couch na malapit sa kaniya. Naiilang akong umuwas ng tingin sa kaniya dahil hindi naman ako sanay na may mga kasamang lalaki.

“Umiinom ka ba Miss Shaina?” Nilingon ko ang antipatikong lalaki na ‘yon ng tanungin ako nito.

“Hindi po ako umiinom,” saad ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa nito.

“Sa pagkakaalam ko noong araw ng kasal niyo ni Matteo ay nalasing ka. Here, hindi naman matapang itong mamahaling alak ng ‘asawa’ mo.” Inabot niya sa akin ang isang baso na may lamang alak na kakakuha ko pa lamang kanina. Hindi naman kailangan sabihin ang salitang ‘ asawa’ ay binanggit niya pa. Alam naman pala nila nag tungkol sa agreement namin ng kaibigan nila. Na bayad ako ni Matteo.

“Pasensya na, hindi naman talaga ako umiinom. Napilitan lang ako dahil sa Mommy ni Matteo. Kung wala po kayong sasabihin ay babalik na lamang ako sa silid ko,” magalang kong sabi. Nakakahiya talaga ang naging asal ko noong gabing iyon. Hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag uminom ng alak.

“ Come with us,” biglang sabi ni Matteo. Hindi ko inaasahan na magsasalita siya, bakit ko naman kailangan makisali sa kanila samantalang lahat sila ay lalaki.

“Hindi na, Matteo. Bonding niyo ‘yan kung may mga iuutos ka pa sa’kin nandoon lamang ako sa kusina,” usal ko…

“Mahiyain si Miss Shaina.”

“Come on Miss Shaina, magkukwentuhan lang naman tayo.” Bandang huli ay wala na akong nagawa kundi tanggapin ang alak na ibinibigay sa akin ni Mister Antipatiko. Hindi ko alam ang mga pangalan nila dahil hindi naman sila nagpapakilala sa akin. Nagsimula na silang uminom at masaya silang nagkukuwentuhan. Si Matteo naman ay bibihira lamang kung magsalita at ang apat niyang mga kaibigan ay sobrang ingay. Hindi naman ako nakaligtas sa mga mata nila ng makita nilang hindi ko pa iniinom ang hawak kong baso na may lamang alak.

Nang tumagal na akong nakaupo dito ay hindi ko napansin na napaparami na ako ng inom. Napaka kulit ng apat at daig pa ang babae kung magtawanan. Hinihintay kong sawayin niya ang mga kaibigan niya sa pangungulit sa akin pero ng maalala ko na wala naman itong pakialam sa akin kung malasing man ako o hindi.

__

Sumasakit na ang ulo ko at feeling ko masusuka na ako ano mang oras. Ang dami ko ng nainom at gusto ko na rin matulog. Nilingon ko si Matteo sa mag gilid ko ng mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay kinunutan niya ako ng noo. Mukhang lasing na din ito dahil namumula na ang mata nito at ang mukha. Hindi pala matapang ang alak niya bakit lasing na siya?

“What?” tanong nito sa akin.

“Babalik na ako sa kuwarto ko, hindi ko na kayang uminom.” Nahihilo kong sabi, pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan niya. Nakakapagtaka lang dahil hindi pa sila masyadong tinamaan ng alak. Ganoon na ba kalakas ang resistensya nila at kung bakit hindi pa sila nalalasing?

“Okay, go to your room and take a rest.” Iyon lamang ang sinabi niya kaya tumayo na ako at hindi na nag-abala pang magpaalam sa mga kaibigan niya. Maingat akong naglakad patungong hagdan dahil hilong- hilo na talaga ako. Nang makarating ako sa kuwarto ko kaagad akong humiga sa ibabaw ng kama at pumikit ng mariin. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na lumunin ng antok.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status