Share

Chapter VII

Lincoln’s POV

Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon. Ramdam ko ang pananakit ng panga ko kaya naman mas pinili ko munang huwag gumalaw. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganito kalakas na suntok, halos tila humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko.

“ Ano Lincoln?! Wala ka bang balak na sabihin sa’min ang totoo?! ” Pasigaw na sabi ni Dad habang pinapahinahon naman siya ni Mom.

Inalalayan naman ako ni Jannah na tumayo, tinignan ko siya sa mata at kita ko ang pag aalala niya. Ngumiti naman ako at tumango para malaman niyang okay lang ako, ngumiti rin siya pabalik. Dinako ko naman ang tingin ko kay Dad, nangangatog siya sa galit at kahit si Mom ay hindi siya mapakalma. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit siya nagagalit at kung ano yung sinasabi niya.

“ What is this all about, Dad? ” Kalmadong pagtatanong ko kahit ang isip ko ay gulong-gulo na sa sinasabi niya.

“ So, hindi mo pa rin ba sasabihin? Gusto mo bang sa’kin pa mismo manggaling? ” Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gusto niyang marinig sa’kin.

Pumagitna sa’min si Mommy dahil mukhang susuntukin na naman ako ni Dad.

“ Ano ba kasi ang nangyayari Ricardo? Ano ang pinagsasabi mo at sinuntok mo pa talaga ang anak mo. ”  

“ Bakit hindi mo tanungin ‘yang magaling mong anak? ”

Napatingin naman si Mommy sa’kin kahit na naguguluhan yung mukha niya. Nag kibit balikat na lang ako dahil wala rin akong ideya sa kung ano man yung sinasabi ni Dad.

Tumingin uli si Mom kay Dad sabay sabi, “ Sabihin mo na lang Ricardo. Wala sa lahi natin ang pagiging fortune teller.”

“ How will you explain this Lincoln. ” Iniangat ni Dad ang cellphone niya habang may nag p-play na video rito.

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Jannah dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko. Biglang nanlambot ang mga binti ko, buti na lang ay nakaalalay pa rin sa’kin si Jannah. Nagpabalik-balik ang tingin ko ay Dad at doon sa screen ng phone. Hindi ko alam kung kanino galing ang video na ‘yon at sinong nagsend kay Dad.

“ S-son, what’s this? ” Naguguluhang tanong sa’kin ni Mommy.

Hindi ko alam pero hindi bumubuka ang bibig ko kahit gusto kong mag salita. Nag unahan na rin sa pag bagsak ang mga luha ko, tila ba tinatraydor na nila ako dahil hindi ko na sila mapigilan.

“ Kailan pa? ” Ramdam ko pa rin ang galit sa tono ng pananalita ni Dad. Kasabay nito ay ang paghigpit ng paghawak ni Jannah sa braso ko. Alam kong mas nag aalala siya sa’kin ngayon dahil sa nalaman na nila Dad na bakla ako.

“ Since first year college, ” mahinang sambit ko.

“ First year college? Really Lincoln?! Since your first year in college?! ” Mas lalong nag init ang dugo ni Dad dahil sa sagot ko.  Agad naman siyang naglakad papunta sa may pinto naming at tumayo lang doon.

Sumunod si Mommy kay Dad at lumapit naman ang dalawa kong kapatid sa’kin. Napa upo na lang ako sa sahig dahil hindi na kaya pa ng mga binti ko ang tumayo. Sobrang nanlalambot na ito at hindi na kayang suportahan ang katawan ko. Nakahawak pa rin si Jannah sa kamay ko at paulit-ulit na sinasabing magiging okay din ang lahat.

“ Mag papalamig lang ng ulo ang Daddy mo, magiging okay din ‘to. ”

Maya-maya pa ay bumalik na si Mommy kasama si Dad, inalalayan naman ako ni Jannah na tumayo at hindi pa rin niya binibitawan ang mga kamay ko.

“ I’m sorry, ngayon pa nangyari ‘to kung kailan birthday mo, ” ani ko habang tinatayo niya ako.

“ Okay lang, Lincoln. ‘Wag ka na mag sorry. ” Ngumiti ito para ipakita na okay lang sa kaniya. Ngumiti na lang din ako pabalik kahit na hindi okay sa’kin na ngayon nangyayari ang bagay na ganito. Nahihiya ako kay Jannah dahil dapat ngayon ay nagsasaya kami, kaso biglang may nangyaring ganito.

Hinarap ko na si Daddy na mukhang kumalma na ng kaunti ngayon. Gano’n pa man ay hindi pa rin maalis sa dibdib ko ang kaba, kahit na kalmado na si Dad ay kita mo pa rin sa mata niya ang galit at disappointment.

Huminga muna siya ng malalim at nagsalita, “ Who is the guy? ” He asked directly.

“ It’s A-arkin. ”

Nauutal pa ako sa pagsagot dahil hindi ko alam kung ano ang ire-react niya kapag sinabi kong si Arkin ‘yon. Si Arkin kasi ang pinaka closest friend ko noong high school ako. We’re really close na tipong hindi kami kayang pag hiwalayin. But noong nag college na kami, umamin siya sa’kin na gusto niya ako. Gusto ko rin naman siya, since highschool kami pero hindi ako makaamin kasi I thought he likes girls.

“ You’re bestfriend? Arkin Montaño? ” Gulat at may halong pagkalito ang mukha ni Mommy nang bitawan niya ang mga salitang iyon.

“ You’re disgusting, Lincoln! ”

Kahit na inaasahan ko nang sasabihin ‘yon ni Dad ay hindi ko mapigilang makaramdam ng sakit. Para akong tinapunan ng maraming bubog sa dibdib dahil lang sa salitang sinabi ni Dad sa’kin. I know he’ll said that, pero hindi ko alam na kahit ilang beses ko na ‘yong pinag handaan ay tumatagos pa rin ito sa puso ko.

“ Nakakadiri ka Lincoln! Hindi ko inaakala na magkakaroon ako ng anak na papatol sa kapwa niya lalaki! ” Hahawakan ko ang kamay niya pero agad niya itong inilayo.

“ Wala akong anak na bakla! ” pag sigaw muli nito.

Halo-halo ang nararamdaman kong sakit, hindi ko inasahan na sasabihin niya ‘yon mismo sa harap ko na parang hindi niya ako anak. Tila ba diring-diri sa’kin si Dad dahil sa nalaman niya.

“ But, Hon, babae na ang gusto ng anak mo ngayon. M-maybe he’s not into boys na, ” sabi ni Mom na nauutal din dahil natatakot siya kay Dad.

“ Mom is right, Dad. ” Napalingon silang dalawa sa’kin.

Bumuntong hininga ako bago magsalita, “ Since you know that I am once a gay, sasabihin ko na rin na binayaran ko lang si Jannah para mag panggap na fiancé ko. ”

Tinignan ko si Jannah na nakatingin lang sa’kin, puno ng pag aalala ang mga mata niya.

“ At first, gusto ko lang ng fake wedding para makuha ang mana ko. I gave her a money na p’wede niyang gamitin na pambayad sa operasyon ng kapatid niya. ” Napalingon naman sila Mommy kay Shanna na ngayon ay nasa tabi ng Ate niya.

“ Pero habang tumatagal, totoong nagugustuhan ko na si Jannah. I’m falling for her. At first, I was confused. Because I never like girls before, but Jannah. Jannah is different, she- she have this karisma that attracts me. She’s like a magnet, she keep pulling me close to her. ” I look at her and take her hand. Pag tapos no’n ay humarap ako kay Dad habang nasa gilid ko si Jannah.

“ Dad, I’m serious. I like Jannah, more than I did when I was with Arkin. I am not gay anymore. “ Tila ako naduduwal na natatae na parang ewan. Halo-halo pa rin ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga kaganapan.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan dahil hindi alam nila Mom ang ire-react nila sa sinabi ko nang bigla itong basagin ni Shanna, “ Niloloko niya kayo. ” Napalingon kaming lahat kay Shanna dahil sa binitiwan niyang mga salita.

“ What? ” Naguguluhang tanong ko. “ Sinong tinutukoy mo Shanna? Sinong nanloloko sa’min? ”

Itinaas ni Shanna ang kamay niya at itinuro niyang ang kapatid niya. Lumingon ako kay Jannah at puno ng pangamba ang mukha niya. Biglang lumalim ang pag hinga at naging estatwa na hindi makagalaw. Hindi niya rin magawang makipag eye contact sa’kin, napansin ko ring nangangatog ang mga kamay niya.

“ What’s wrong Jannah? Why are you trembling? ” Mom asked.

“ Talagang mangangatog ka kapag mabubuko ka na, ‘di ba KUYA? ” ani Shanna na pinag diinan pa ang kuya habang nakatingin kay Jannah.

What? Kuya? Tinawag niyang Kuya si Jannah? What the hell is happening!

I look at Jannah using my confused face. I just hope na nakikipag play time lang ‘tong si Shanna sa’min, but Jannah’s expression saying it all.

“ I….- ”  

“ ‘Wag ka na magsinungaling Kuya. Lincoln admitted that he’s gay and tells you na he love you na. ” Napanganga na lang ako dahil unang beses sinabi ni Shanna ang pangalan ko na walang kuya. As in pure name ko lang.

Feeling ko tama ‘tong hinala ko pero gusto ko manggaling mismo kay Jannah. Ayokong pangunahan siya dahil baka mali ang hinala ko.

“ Sorry, Lincoln, ” ani Jannah sabay hawak sa buhok niya. May kinakapa-kapa siya roon. Simula bumbunan pababa sa kaniyang batok, maya-maya pa ay dahan-dahan niya itong inalis. Bumungad sa’min ang buhok na panlalaki. Tinignan kong maigi ang hitsura niya dahil napaka familiar nito sa’kin.

Napahawak ako sa bibig ko at nanlaki ang mata ko nang mapag tanto ko kung sino ang taong nasa harapan ko.

“ J-Justin? ”

Umiwas lang siya ng tingin sa’kin nang banggitin ko ang pangalang ‘yon. Hindi ko alam kung ano uli ang mararamdaman ko, gulong-gulo na ako. Paanong si Justin at Jannah ay iisa?

“ You’re a Man? ” Hindi makapaniwalang tanong ni Dad.

“ Sorry po, ” ani Justin habang umiiyak. Hindi na pambabae ang boses niya, ginamit na niya ang totoong boses niya. Kaya pala napakapamilyar niya noong nagpunta kami sa bahay nila. Siya pala ang taong gusto ko.

“ Lincoln, b-bayaran ko ‘yung binigya mong pera. Hindi ko alam kung gaano katagal, pero hindi kita tatakbuhan. H-hindi ko dala ngayon yung card na napahiram mo. Babalik ko ‘yon, pangako. ” Kinuha niya ang mga gamit nila ni Shanna habang pinupunasan niya ang mga luha niya  at lumapit siya kila Mom at Dad.

“ Alam kong shocked kayo sa mga nangyayari at sa nalaman niyo tungkol sa’kin. Humihingi po ako ng tawad sa nagawa ko, sa pag sisinungaling sa inyo. Na appreciate ko po yung pag tanggap niyo sa’kin no’ng unang beses pa lang tayong nagkita. Pasensya po talaga kung nagawa kong magsinungaling sa inyo, wala akong masamang intension. Gusto ko lang pong iligtas ang kapatid ko kaya nagawa ko ‘yon. ” Dahan-dahang lumuhod si Justin sa harap ng magulang ko habang patuloy pa rin siya sa pag iyak.

Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Parang naka glue ito sa mismong kinatatayuan ko. Walang imik si Dad at dahan-dahang lumayo kay Justin. Si Mom naman ay tinulungan siyang tumayo at yumakap dito. May binulong din siya kay Justin na mas nakapag pa hagulgol sa kaniya.

Muli siyang sumulyap sa’kin bago pa tuluyang maglakad palabas sa bahay namin. Nakasunod lang si Shanna sa kaniya, nakayuko lang si Justin habang palabas. Pinanood ko lang silang magkapatid na lamunin ng pintuan namin, kahit anong gawin ko ay ayaw humakbang ng mga binti ko. Alam ko sa sarili ko na gusto ko siyang pigilan, gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako galit at tanggap ko siya.

“ If you really love him, go after him. I won’t stop you anak, ayokong pag sisihan mo na hindi mo pinigilan si Justin. Go after him, piliin mo yung taong makakapag pasaya sa’yo. ” Bulong ni Mom sa’kin.

Hindi ko na nilingon pa si Mom at tumakbo na ako kaagad palabas para mahabol sila Justin. Nakita ko sila na palabas pa lang ng gate kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.

“ Justin! ” Agad naman siyang humarap sa’kin kaya niyakap ko siya. Nabitawan niya ang mga hawak niya at nagulat sa ginawa ko. Nag pupumiglas siya sa yakap ko kaya naman mas hinigpitan ko ‘to.

“ You can’t escape on me, ” ani ko. Unti-unti na rin siyang nag huminahon at tumigil na ang pag pupumiglas niya.

Hindi ko alam kung bakit gaanito ang nararamdaman ko, hindi ako nakakaramdam nang galit nung nalaman ko ‘yong totoo. I was shocked, pero hindi ako nakaramdam ng kahit anong galit. Mas lalong tumalon sa saya ang puso ko nang sabihin niyang hindi talaga siya babae.

“ I don’t know why I feel this, but hindi ako galit sa’yo, ” sabi ko sa kaniya habang dahan-dahan siyang binitawan. Nakita ko ang mga namumugto niyang mata, patuloy pa rin ang pag luha nito.

“ Hindi ako si Jannah, Lincoln. Ako ‘to, si Justin. Hindi ako yung babaeng mahal mo, hindi totoo si Jannah. Walang Jannah sa mundo, gawa-gawa ko lang siya. ”

Umiling ako sabay hawak sa kamay niya, “ Hindi si Jannah ang sinasabihan ko ngayon, kundi si Justin. ” Yumuko lang siya at hindi umimik.

“ Hey, look at me. ” Agad naman niyang iniangat ang tingin niya sa’kin. “ Oo, minahal ko si Jannah. Minahal ko ang buong pagkatao niya, at ang pagkataong ‘yon ni Jannah ay ikaw. Mahal ko ang panlabas na anyo ni Jannah, pero hindi no’n matatago na ikaw din ‘yon Justin. ”

Pinakitaan niya lang ako ng isang matipid na ngiti. “ Pero mali ‘to. ”

Ngumiti ako sa kanya, “ Kung kasalanan ang mahalin ka, handa akong magkasalang muli. ” Nagkibit balikat na lang ako.

“ I love your presence. The way you make my heart fluttered and put butterflies on my stomach. ” Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.

He just look into my eyes, after that niyakap niya ako. Niyakap ko na rin siya pabalik, it feels like home. Napangiti na lang ako, si Justin ang taong gusto kong uwian pag natapos ang nakakapagod na araw ko. Hindi ko ‘to naramdaman nang kami pa ni Arkin, this feels like my safe place.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at tinignan ko siya sa mata, “ I know this will change my whole life, gusto kong makita ang totoong mundo mo Justin. ” Kita sa mga mata niya na naguguluhan siya sa sinabi ko.

“ Let’s get out of here. I’m willing to leave all this things just to be with you. Gusto kong mabuhay nang simple, basta ikaw ‘yong kasama ko. ”  

“ Pero Lincoln, pa’no yung pinapangarap mong company niyo? Ang sabi mo sa’kin, sobrang importante no’n sa’yo. ”

“ Mas importante ka. ” Kinuha ko ang mga gamit nilang magkapatid at nagsimula nang maglakad paalabas. Pero napatigil ako nang naramdaman kong hindi sumunod si Justin sa’min ni Shanna.

Tinignan ko siya, nakatitig lang siya sa’kin. Hindi niya alam kung sasama ba siya sa’kin o hindi kaya naman inilahad ko na ang palad ko.

“ It’s gonna be alright. ” Tinignan muna niya ang bahay namin, nakatayo ron si Mom at ang dalawa kong kapatid. Nakatingin sila sa’min ni Justin, binalik naman ni Justin ang tingin niya sa’kin at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti siya sa’kin kaya naman ngumiti na rin ako.

Nag simula na kaming maglakad palayo sa lugar na kinasanayan ko. Magandang bahay, maayos na k’warto, mga mamahaling damit at relos, pati na rin ang isang masarap na pamumuhay. Handa akong iwan ang lahat nang iyon para lang kay Justin. Hindi ko alam kung bakit ko ba ‘to ginagawa, pero isa lang ang nasisiguro ko.

Si Justin ang pinakamahalaga sa’kin, hindi siya matutumbasan nang kahit anong kayamanan. Siya na ang tinuturing kong tahanan na gusto kong uwian kapag hindi na tumitigil ang mga luha ko.

Tama nga siguro sila, sa tunay na tahanan mo lang ikaw tatahan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status