Share

Chapter V

Lincoln’s POV

“ Ano? Andito sa Pinas si Arkin at yung nabuntis niya? ” Napatigil si Shaine sa pag kain niya.

“ Ay ano ka dya’n teh? Paulit-ulit tanong mo e, baka hampasin kita. ”

Humarap siya sa’kin at ibinaba ang kutsara niya. “ Legit ba ‘yan bakla ha? ”

“ Gusto mo bang papuntahin natin si Jannah dito para I kwento sa’yo ang lahat? ”

Nandito kami sa isang café, tinawagan ko siya na pumunta rito sa tamabayan naming café para masabi ko ng personal sa kaniya yung nangyari kanina sa Hospital. Hindi ko ine-expect na makikita ko sila roon, kung alam ko lang ay hindi na ako sumama kila Jannah na ipa check-up ang kapatid niya.

“ Wait. You’re with Jannah that time? ”

Ibinaba ko ang hawak kong tinidor at humarap sa kanya. “ Yes. Kaya for sure alam na niyang may ex akong lalaki, sigurado na rin akong alam niyang I am gay. ”

Kahit hindi magsalita si Jannah tungkol sa nakita niya kanina ay alam ko namang alam na niya na bakla ako. Pero sa tingin ko ay nirerespeto niya ako kaya hindi niya ako tinatanong tungkol sa gano’ng bagay.

“ Eh paano na ‘yan? Baka mag back out na siya, ” ani ni Shaine ng may pag aalala. Kahit ako naman ay nag aalala rin na baka biglang mag back out siya at sabihin kila Mommy ang totoo.

“ Mukha namang hindi niya gagawin ‘yon. ”

Sigurado akong hindi gagawin ni Jannah sa’kin ‘yon. Hindi siya ganoong uri ng tao, alam kong iba siya sa mga taong nakasalamuha ko noon, Jannah is a good person.

Hindi naman na nag salita si Shaine at nag patuloy na lang sa pag kain. Itinuloy ko na rin ang pag kain ko. Napatingin ako sa cellphone ko ng mga vibrate ito, nakita ko ang text sa’kin ni Jannah. Tinatanong niya ako kung okay lang ako, mukhang tinutukoy niya ang nangyari kanina.

Hindi ko na muna siya nireplayan dahil ayoko na munang pag usapan ‘yon. Magandang nailabas ko na kay Shaine, okay na ako roon at ayaw ko na uling pag usapan pa.

“ Ay speaking of Jannah pala, ano na? Kumusta ang feelings mo for her? ”

Sinubo ko ang huling pagkain na nasa pinggan ko. “ I like her. Walang halong biro, ” ani ko.

Tinignan ko siya kung ano ang magiging reaksiyon niya pero patuloy lang ito sa pagkain na tila inaasahan na niya ang sagot ko. Tumingin siya sa’kin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya, tinaasan niya lang ako ng kilay at kumain na lang uli.

“ Hindi ka ba gulat bakla? ”

“ Bakit naman? E kapag magkasama tayo puro Jannah ang bukang bibig mo. Hindi na ako magugulat kung sabihin mo sa’king gusto mo na siya. ” Umayos siya ng upo at humarap sa’kin.

 “ Hindi naman ako mag tataka kung mahuhulog ka sa kaniya. Hindi naman mahirap gustuhin si Jannah, actually I like her for you. Alam mo ‘yon, sa lahat ng nagustuhan mo siya lang yung nagustuhan ko. Not because she is a Girl like me,  I just see something on her na alam kong magiging mabuti siya para sa’yo. Kaya sana, she feel the same way towards you, too, ” hindi ako nakapag salita sa sinabi niya.

“ Andami mong say mamsh, ” ani ko sa kaniya.

“ Kesa naman walang say noh. ” Napatawa na lang kaming dalawa dahil sa pinag gagawa namin.

Napag desisyunan din naming gumala para naman malibang ako. Kung saan-saan ako dinala ni Shaine, tila naikot na namin ang buong Pilipinas dahil kung saan-saan kami napapadpad. Kaya ng maka uwi ako ay sobrang pagod ng katawan ko, tila gusto kong humimlay habang buhay.

“ Mag ingat ka pauwi, bruha ka, ” ani ko habang pababa sa kotse. “ Thanks for today, sobrang nag enjoy at napagod ako, ” pag habol ko.

“ Babush na bakla. ” Itinaas na niya ang salamin ng kotse at nag drive na paalis. Pumasok na rin ako sa loob dahil gusto na lang na matulog, sa rami ng pinuntahan namin gusto ko nang mahiga sa kama ko.

“ Hindi ka ba kakain, Lincoln? ” Napatigil ako sa pag lakad ng marinig ko ang boses ni Mommy. Nilingon ko siya at nadatnan ko silang kumakain ng hapunan, nakatingin silang lahat sa’kin. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na napansin sila Mom na kumakain ng hapunan.

Kasama ang kambal kong kapatid at wala si Dad. Lumapit naman ako sa kanila at umupo, kahit pagod na ako ay pinili ko pa ring umupo sa hapag. Paniguradong mag tatampo si Mommy kapag hindi ako umupo man saglit sa hapag, baka matalakan pa ako. Jusko po, gutso ko na lang jumorlog sa kama ko ngayon.

“ What do you want, anak? ”

Inilibot ko ang paningin ko, tinitignan ko kung meron bang light food na p’wede kong makain kahit kaunti lang. “ Wala po, Mom. Kumain po kasi kami ni Shaine sa labas, nabusog po ako. ”

Tinignan ko ang upuan ni Dad para icheck kung andoon baa ng gamit niya. Madalas kasi na iniiwan ni Dad ang gamit niya sa hapag kung may gagawin man siyang importante, pero ngayon ay walang bakas ng gamit ni Dad. Tumingin na lang uli ako sa harap ko at kinuha ang tubig na may lamang baso.

“ Nasa company pa ang dad mo, may importanteng business daw na inaasikaso, ” ani ni Mommy dahil napansin niya atang tinignan ko ang upuan nito.

“ Okay po. ”

Pag katapos kong inumin ang tubig ay tumayo na ako sa upuan. “ Mauna na po ako. I’m tired, I want to rest. ”

Hindi naman na nag salita si Mommy kaya dumaretso na ako sa kwarto ko. Agad akong dumapa sa kama ko. Hindi na ako nag palit ng damit ko, iniayos ko na ang higa ko at kinuha ang cellphone ko, binuksan ko uli yung message sa’kin ni Jannah kanina. Iniisip ko ngayon kung re-replayan ko ba siya o hindi dahil halos 3 hours na ang text niya. Tinitigan ko lang ito ng ilang minuto, parang matutunaw na ito sa titig ko.

Mga ilang minuto kong tinitigan ‘yon nang maisipan ko na ‘wag na siyang replayan dahil anong oras na. Tsaka baka tulog na siya at nag papahinga. Ibinaba ko na ang phone ko at humiga na sa unan ko, hindi ko na kailangang mag imagine bago makatulog dahil bagsak na ang body ko. Mata ko na ang kusang bumabagsak kaya madali akong nakatulog.

“ Oh Lincoln, anong ginagawa mo rito? ” medyo gulat na tanong ni Jannah sa’kin.

“ I want to say something. ”

“ Ano ‘yon? Parang ang pormal mo naman masyado. ”

“ I want to say that… ” napahawak ako sa batok ko at si Jannah naman ay naging interesado sa sasabihin ko. Kinakabahan ako, parang first time kong umamin sa taong gusto ko. Feel ko ay naduduwal ako na natatae ngayong mga oras na ‘to.

“ I like you, for real. No deals involve, just literally I like you. ” Napayuko na lang ako dahil sa sinabi ko sa kaniya.

“ Ugh, what did I say, ” bulong ko sa sarili ko.

“ Actually… ” ani ni Jannah kaya napataas ang tingin ko sa kaniya. Hinintay ko ang susunod pa niyang sasabihin dahil napatigil siya at iniisip kung sasabihin ba niya o hindi.

“ I like— ”

“ Sir, gising na po. Sir, kakausapin daw po kayo ng daddy niyo. Sir, ” mahinahong sabi ng isa naming katulog habang tinatapik ako.

Napadilat ako at si Ate Maria ang bumungad sa harapan ko. “ Sir, kausapin daw po kayo ng daddy mo. ”

Bwisit! Panaginip lang pala.

Umupo ako habang kinukusot-kusot pa ang mga mata ko. “ Ate Maria naman e, ang ganda na ng panaginip ko e. Inistorbo mo na naman ako, ” pag rereklamo ko sa kaniya.

Ang ganda-ganda ng panaginip ko tapos gigisingin niya lang ako. Aish, kairita!

“ Lagi ka namang nananaginip ng tungkol sa lalaki, Sir. ”

“ Hoi ang ingay mo talaga Ate Maria na bruha. Jojombagin kita kapag hindi mo hininaan boses mo sige ka, ” pagbabanta ko sa kaniya na may halong biro.

“ Hala Sir naman e, wala naman pong ganyanan. ” Tinakpan nito ang mukha niya na tila nahihiya.

“ Ay jusko teh. Pabebe ka pa eh, lumarga ka na at baka masabunutan pa kita e. Sabihin mo bababa na ako. ” Itinaas ko ang kamay ko at isinenyas na umalis na siya.

“ Sige Sir. Chika mo po sa’kin mamaya kung gaano kahaba napanaginipan mo ah. ” Kinuha ko ang isang unan ko para ibato sa kaniya pero nakaalis naman na siya agad sa tapat ng pinto.

Sa lahat ng katulong namin dito sa bahay ay si Ate Maria lang ang nakakaalam na bakla ako, sa kanya rin ako chumichika kapag hindi ko ma contact ang gaga kong friend na si Shaine. Pero kahit alam niya ay hindi niya ako nilalag kila Mommy, lalong-lalo na kay Daddy. Kahit na minsan ay natatarayan ko siya ay hindi niya pa rin ako sinusumbong.

Ate Maria, best girl!

Nag hilamos muna ako sa cr bago bumaba sa dining area. Pagka baba ko ay andoon na silang lahat at kumakain, dumapo naman ang tingin ko kay Ate Maria na nasa gilid. Kinindatan ako nito kaya naman sinamaan ko siya nang tingin hanggang sa makaupo ako. Ibinaba ni Dad ang binabasa niyang diyaryo at humigop sa kape niya.

“ Glad you are here. I just want to talk about you and your fiancé. ”

Kumuha ako ng isang itlog at tinapay. “ What’s with that? ”

“ Since mag papakasal na kayo this October, I suggest that you two should live in the same house. ” Nabuga ko ang tinapay na nasa bibig ko dahil sa gulat. I am not expecting that suggestion of him.

I am not literally ready for this!

Inabutan ako ni Mommy ng napkin na pamunas sa labi ko. Bakit naman kasi sa ganitong oras nag sasabi ng ganoong mga bagay si Dad. Palagi ko tuloy nabubuga ang mga pinapasok ko sa bibig ko.

“ For you to know if magiging okay kayo kung magkasama na kayo sa iisang bubong, ” ani ni Dad habang pinupunasan ko ang mga labi ko.

“ But dad, wala pa akong pampatayo ng bahay. And my condo, I sold it already because I decided that I want to be here, ” ani ko.

Binenta ko ang condo ko dahil marami kaming memories ni Arkin doon, hindi ko naman pinang hihinayangan ang condo unit ko dahil hindi rin naman nanghinayang si Arkin sa naging relasyon namin. Hindi ko lang talaga makayanan tignan ang bawat sulok ng condo ko dahil lahat ng parte no’n ay may ala-ala namin. Effective naman ang pag benta ko, dahil unti-unti ko na siyang nakakalimutan. At may nagugustuhan na akong iba, at this time babae na.

Oh my goodness, I’m not gay anymore!

“ She can live here with us, ” ani ni Mommy. “ And besides, we want to know her more. Kasi bigla-bigla mo siyang pinakilala sa’min. ”

Gusto kong tumutol pero hindi ko magawang humindi sa kanila, lalo na kay mommy. Kukulitin niya lang ako hanggang sa pumayag na ako, gano’n naman siya palagi. Hindi niya kami titigilan kung hindi kami sasang-ayon sa kaniya. Kaya nasanay na lang kami, ibibinigay na naming  ang gusto niya para hindi na kami humantong sa ganoong sitwasyon.

“ But I need to talk to Jannah first before I decide. Siya ang titira rito kaya I need to know her answer, ” saad ko.

“ You’re gonna call her right now? ” pag tatanong ni Mommy.

“ No, I am going to her place after this. ”

Nag patuloy na lang kami sa pag kain pagkatapos kong mag salita. Umakyat naman ako agad para maghanda at maligo. Kinuha ko ang isa sa pinakamamahaling pabango ko, minsanan ko lang ‘to gamitin dahil sobrang bango nito ay ayokong maubos agad. Dali-dali akong bumaba papuntang kotse ko, hindi ko na tinext si Jannah na pupunta ako ngayon sa kanil kasi gusto ko siyang sorpresahin.

“ There you are! What took you so long? ” bungad ni Mommy sa’kin habang naka upo siya sa sofa. Nakabihis ito na pang alis at bitbit ang paborito niyang bag, nakaayos din ang kaniyang hitsura at mukhang may pupuntahan.

“ Where are you going Mom? ” Tumigil ako sa harap niya habang inaayos ang wrist watch ko.

“ About you? ” pag babalik niya sa’kin ng tanong ko.

“ Kila Jannah, I told you earlier that I am going to talk to her about Dad’s suggestion. ”

“ That’s where I am going, too, ” ani nito habang inaayos ang gamit sa bag niya.

Napatigil ako sa pag aayos ng wrist watch ko. “ Pardon? ”

“ I am going with you. I want to see Jannah’s place. ” Tumingin ito sa’kin.

“ But— ”

“ No buts, I’m going with you. ” Naglakad na ito papalayo sa’kin.

“ Hurry up, Son! ” sigaw nito sa labas kaya wala na akong nagawa. Naglakad na lang din ako papuntang sasakyan ko. Itong si Mommy talaga, hindi talaga namin kayang awatin. Wala kaming talab nila Daddy pagdating sa kaniya.

Binuksan ko na ang makina ng sasakyan ko at nag tungo sa front door, sumakay naman na si Mommy nang huminto ako. Sa shot gun seat siya sumakay, hindi naman na bago sa’kin ‘yon dahil doon siya madalas na umuupo talaga.

“ So, what does Jannah’s place looks like? ” ani nito habang papunta kami roon.

Nag alinlangan pa ako kung sasabihin ko sa kaniya na sa squatter nakatira sila Jannah, pero kahit naman hindi ko sabihin ay pupunta kami roon.

“ Squaters area ang lugar nila. ” Tinignan ko ang reaksiyon ni Mommy pero blanko lang ang kaniyang mukha. Hindi man lang siya nagulat or what.

Manhid ka ba mommy?

“ Anong tinitingin-tingin mo riyan? Sa kalsada ka humarap. ” Napaharap ako bigla sa daan dahil sa sinabi ni Mommy.

“ Normal lang naman ang tumira sa ganoong lugar, hindi naman big deal ‘yon. ”

Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko dahil sa sinabi ni Mommy. Hindi ko inexpect na hindi siya tutol sa amin ni Jannah kahit nalaman niyang hindi namin ka level si Jannah. Mostly kasi sa mga nababasa at napapanood ko ay tutol ang Ina kapag ang anak niyang mayaman ay may jowang mahirap.

“ Okay lang sa inyo Mom? ”

“ Oo naman, dumaan din naman ako sa hirap. Hindi ko naman pinandidirihan ang mga ganoong tao dahil isa rin ako sa kanila rati. ” ani ni Mommy.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya minabuti ko na lang na manahimik. Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami kila Jannah. Saktong pag hinto ko ay may nakita akong lalaki na pumasok sa bahay nila, mga kasing tangkad niya. Itinuro ko naman ang pinto ng bahay nila Jannah at nauna nang bumaba si Mommy. May inayos lang ako sa sasakyan ko at sinecure ko ang mga gamit namin.

“ Iho, asan kako si Jannah, ” ani ni Mommy habang kinakausap ang lalaking nasa harapan namin. Halata sa reaksiyon niya ang gulat.

“ Iho? ” pag sasalita uli ni Mommy.

Napailing naman ang lalaki bago ako tinignan uli. Lalong lumaki ang mata niya at namutla ang hitsura niya ng madapo ang tingin niya sa’kin. “ A-ano pong k-kailangan niyo? ” utal-utal at halatang kabado siya sa pag sagot.

Napaisip naman ako ng malalim dahil pamilyar sa’kin ang boses na ‘yon at sa tuwing tinititigan ko siya ay parang may kahawig siya. Tinitigan ko lalo ang mukha niya, habang tumagal ang pag titig ko ay may isang imahe na nabubuo sa utak ko na kawahig niya.

“ Jannah? ” ani ko na mas ikinalaki ng mata niya.   

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status