Share

Chapter IV

Justin’s POV

“ Ikaw kuya ha, nakakabigla naman na sinama mo si con-con sa check-up ko. ” Tinakpan ko naman agad ang bibig niya dahil baka nasa paligid lang namin si Lincoln, mahirap na. Baka marinig niya na tinatawag akong kuya ng kapatid ko, e sa babae ang hitsura ko.

“ Shana naman. ‘Di ba ang sabi ko Ate Jannah na muna ang itatawag mo sa’kin ngayon. ”

Tumigil ito sa pag lalakad at humarap sa’kin na may nakakalokang ngiti. “ Bakit kuya? Natatakot ka bang mahuli ni con-con? ”

Simula no’ng nalaman niya na boyfriend ko si Lincoln na ultimate crush niya ay hindi na niya ako masyadong kinakausap, minsan din ay tinatarayan niya ako. Kahit naman na gusto kong sabihin na ang totoo kay Lincoln ay hindi ko magawa dahil napakilala na niya ako sa pamilya. At iyon ang usapan namin, walang mag b-back out hanggat hindi nagagawa ang pekeng kasal.

“ Kung hindi mo sasabihin sa kanya, edi ako na lang. ” Akmang lalakad siya pabalik kay Lincoln pero nahawakan ko agad ang kamay niya, ipinuwesto ko siya sa gilid ko at hawak pa rin ang kamay niya.

“ Shana naman, nasa usapan namin ni Lincoln na walang mag b-back out. At nabigay na niya ang pera sa’kin, hindi na ako p’wedeng umatras dito. ”

Inialis niya ang kamay niya sa pag kakahawak ko. Umayos siya ng tayo at tumingin sa’kin, nakabusangot ang mukha niya at halatang ayaw niya ang naging desisyon ko. Hindi ko alam kung bakit nag kakaganito na naman si Shana, e napag usapan na namin ‘to no’ng isang araw.

“ Mamimili ka lang naman Kuya. Sasabihin mo o sasabihin ko? ”

Madiin niyang sinabi ang katagang Kuya sa harapan ko. Napahawak naman ako sa noo ko.  “ Hindi pa p’wedeng malaman ni Lincoln sa ngayon. Pero pinapangako ko, sasabi— ”

“ Ano yung hindi ko dapat malaman? ” Napatingin kaming dalawa ni Shana sa gilid namin. Nakatayo si Lincoln doon at nakatingin sa’min. Nag papalit-palit ang tingin niya sa’ming dalawa ni Shana.

“ So what’s your secret that you’re not allowed to tell me? ” seryosong tanong nito sa’min. Sa lahat ng araw na nakasama ko si Lincoln ay ngayon ko lang narinig ang boses niyang ganito, masyadong malalim at seryoso.

Napahawak ako sa batok ko at ang isang kamay ko ay nakatago sa likod. “ Uh, girl’s uhm.. ”

Agad na ngumiti si Lincoln at itinaas ang kamay niya. “ Joke! Ito naman masyadong seryoso, I understand that it’s a girl’s talk. Masyado ka namang kabado, Jannah. ” Umakbay siya sa akin at inilapit ang bibig niya sa tenga ko.

“ But I’m curious, baby, ” bulong nito sa’kin.

Tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko dahil sa init ng hininga niya na tumama sa tenga ko, sinabayan pa ng akbay niya. Para akong dinikitan ng sampung boltahe ng kuryente dahil sa pag dampi ng balat niya sa balat ko. Hindi ko alam kung paano ako mag r-react sa mga nangyayari ngayon, ang alam ko lang ay gustong mahimatay sa mga oras na ‘to.

“ Tara na! Hinihintay na tayo ng doctor ko, ” ani ni Shanna.

Nang mag tama ang paningin naming mag kapatid ay sinamaan niya ako ng tingin, pero agad ‘yong nawala nang dumapo ang tingin niya kay Lincoln. Kanina ko pa nga napapansin na kapag napapasarap ang usapan naming ni Lincoln e sumisingit siya. Kaya nga napagalitan ko siya kanina habang papunta kami rito sa Hospital.

Si Lincoln lang ang pinapansin niya habang papunta kami sa Doctor niya, titignan kasi nila ang tahi sa kaniya. Kung bumukas o kaya naman na impeksiyon, may pambayad pa naman kami dahil may natira pa sa card ni Lincoln. Hindi niya kinuha yung card, sabi niya ay baka kailangin pa namin kaya ako na muna ang humawak.

Sinabi ng nurse na si Shanna lang ang p’wede sa loob kaya naman naiwan kami ni Lincoln sa labas. Napansin kong malalim ang iniisip niya at hindi siya masyadong nag sasalita kaya naman lumapit ako sa kaniya.

Inilapag ko ang gamit ko sa gilid ko at humarap sa kaniya.  “ Okay ka lang? ”

Hindi niya ata napansin na umupo ako sa gilid niya dahil bigla siyang nagulat ng mag salita ako. Agad na napalitan ng ngiti ang mukhang hindi maipinta kanina ng makita niya ako.

“ It’s nothing, ” sabi niya sabay yuko.

“ Anong nothing. Kita namang hindi ka okay. ”

Nanatili lang siyang tahimik at hindi umiimik.

“ P’wede ka namang mag kwento sa’kin kasi girlfriend mo ako. ” Napatingin siya sa’kin kaya ngumiti ako. Mga ilang minuto bago ko na realize ang sinabi ko.

Anak naman ng tupang ina oh!

“ I mean, fake girlfriend. Fake girlfriend mo ako ‘di ba? ”

Hindi maalis sa mukha ni Lincoln ang ngiti at mas lalong lumawak ito. Tila nang aasar ito dahil sa sinabi ko.

Sumandal ako sa upuan at itinuon ang tingin sa harap. “ Totoo namang fake girlfriend mo ako ah, ” ani ko.

“ Parang mas gusto ko kung walang fake na salita. ” Pinuwesto nito ang ulo niya sa harap ko kaya kita ko ang mapang asar niyang ngiti.

Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya. “ Kung gano’n ang gusto mo, kailangan mong dagdagan ang binayad mo sa’kin, ” pag bibiro ko.

“ Okay. Name your price then. ” Napatingin naman ako sa kanya dahil nag bibiro lang naman ako sa sinsabi ko. Nakasandal lang siya sa upuan at seryosong nakatingin sa harapan.

“ Nag bibiro ka lang ‘di ba? ” paninigurado ko.

Tumingin siya sa’kin ng seryoso at ngumiti ng matipid. “ Do I look like a clown? ” seryosong sabi niya.

“ Nag bibiro lang naman ako, tsaka hindi naman na naming kailangan ng pe—”

“ If spending money is all it takes to be with you for life, I’m willing to spend what I have. ” Napatigil ako sa pag sasalita dahil bigla siyang sumingit.

Napatingin na lang ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Para akong naging speechless dahil sa sinabi niya, hindi ko alam ang sasabihin ko. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko dahil pina process ko pa ang sinabi niya.

Akala ko ba kasunduan lang ‘to.

Tumayo siya sa upuan at humarap sa’kin. “ A-ah bili lang ako ng makakain natin. ”

Lalakad na sana siya ng biglang may isang lalaki at babae na tumigil sa harap niya. Hindi naman na niya pinansin ‘yon pero nag salita bigla ang lalaki.

“ Hindi mo ba talaga ako papansinin? ” ani nito na nakapag patigil kay Lincoln.

Nakatalikod pa rin siya at walang kibo. “ After all the things that happened, you still have the guts to ask me that question? ” ramdam ang sakit sa boses niya ng sabihin niya ‘yon.

“ Humingi na ako ng tawad. Is it not enough? ”

Humarap si Lincoln sa dalawa, umiiyak siya. “ Kahit lumuhod ka pa ngayon at umiyak ng dugo, I will never forgive you. Your sorry can’t bring the past back, andyan na ‘yan. ” Itinuro niya ang tiyan ng babae.

“ Kung mag s-sorry ka ba e mawawala ‘yang bata sa tiyan niya? Babalik ka ba sa’kin? ”

Ano? Bakla si Lincoln?

Pinupunasan niya ngayon ang mga luha niyang nag uunahan sap ag bagsak. Lumapit sa kaniya ang lalaki at niyakap siya, may binulong ito kay Lincoln na nag paluha sa kaniya lalo. Nang bitawan siya ng lalaki ay napaupo na lang siya sa sahig at mas humagulgol. Pinag titinginan na sila ng mga tao, ang iba ay kinukuhaan sila ng video.

“ ‘Wag kang mag alala, may inaayos lang kami rito. Kapag naayos na namin ‘yon ay aalis na rin kami uli. Wala ka ng maririnig tungkol sa’kin, ” ani ng lalaki bago sila tuluyang umalis ng kasama niya.

Nakatingin pa rin ang ibang tao at kiunukuhaan pa rin si Lincoln kaya minabuti kong lapitan siya. Bigla niya akong niyakap ng makalapit ako sa kaniya, iyak lang siya ng iyak. Hindi na ako nag salita at hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko, sa bawat pag hikbi niya ay parang dinudurog ang puso ko.

Hindi simpleng iyak yung iyak niya ngayon, para bang ang tagal niyang kinimkim ang sakit at ngayon lang siya nag karoon ng lakas para ilabas at ibuhos lahat ‘yon.

“ Shh, magiging okay din lahat, ” ani ko habang hinihimas ang likod niya.

Nawala naman na ang atensyon ng mga tao sa’min at ang iba ay tinigil na ang pag v-video. Unti-unti na ring tumatahan si Lincoln, at saktong pag labas ni Shana ay siyang pag tigil ni Lincoln. Naguguluhan pa nga ang hitsura ni Shana dahil hindi niya maintindihan kung bakit nasa sahig kami ni Lincoln.

“ Ah m-malamig kasi sa sahig. S-sarap maupo, ” pag papalusot ni Lincoln.

Sumang-ayon naman ako sa kaniya at tumango na lang si Shana. Tumayo na si Lincoln at tinulungan niya akong tumayo. Nag lakad na kami papunta sa parking lot, tahimik lang si Lincoln hanggang sa makasakay kami sa kotse. Ini start na niya ang kotse at nag simula na siyang mag drive.

Si Shana lang ang maingay sa sasakyan, kinukwento niya ang ginawa sa kaniya roon sa loob pero mukhang hindi nakikinig si Lincoln. Nakatingin lang ito sa harap at may malalim na iniisip.

“ Lincoln, yung bata! ” Napa preno agad si Lincoln dahil sa pag sigaw ko.

Bumaba naman kami para icheck ang bata, mabuti naman at walang galos ang bata. Tumakbo naman palayo ang bata na parang walang nangyari, tinignan ko si Lincoln at halatang hindi siya okay.

“ Lincoln. ”

“ I’m fine, don’t mind me, ” ani nito.

Bumaba naman ang kapatid ko para maki chismis sa kung anong nangyayari.

Hinawakan ko ang braso ni Lincoln kaya napaangat ang tingin niya sa’kin. “ Lalakarin na lang namin ‘to. Tanaw naman na ang bahay namin, p’wede ka na umuwi at mag pahinga, ” ani ko.

Nandito naman na kami sa lugar namin, tanaw ko na ang bahay naming kaya kaya na naming lakarin. Baka kasi maka disgrasya na ng tuluyan si Lincoln kung mag drive pa siya rito sa’min. Ang mga bata kasi rito ay bigla-biglang nasulpot sa daan.

“ Are you sure? ”

“ Yes. ”

Nag lakad na ito palapit sa kotse niya. Kinuha ko naman na ang kapatid ko, nag pupumiglas pa ito dahil gusto niyang sumakay pa sa kotse. Napatigil ang siya ng mag paalam si Lincoln na aalis na siya.

“ Ingat ka. ” Sumakay na siya sa loob at umalis.

“ Ingat my honey bunch cuttie pie, papakasalan mo pa ako! ” sigaw ng kapatid kong baliw. Napailing na lang ako kasi paniguradong hindi siya pakakasalan ni Lincoln, ngayon pa na alam kong bakla pala siya gaya ko.

“ Tara na, ” ani ko at nag lakad.

“ Sandali. ” Napatigil ako sa pag lalakad at humarap sa kaniya. Tinignan ko siya gamit ang nag tatanong kong mga mata.

“ Ano ‘yong hawak mo sa braso ni con-con ha? ” naging mataray ang awra nito.

“ Wala. Kung ano na naman pinag iisip mo. ”

“ Huwag ka lang mag kakamali na mag kagusto kay con-con, Kuya. ” Nag lakad na ito  palayo sa’kin. Hindi ko naman magugustuhan ‘yong si Lincoln dahil hindi ko siya gusto, hanggang friends lang ang maibibigay ko sa kaniya.

Naging mabilis ang araw sa’min ngayon, hindi ko na namalayan na gabi na. Kay Aling Teresita na kami nag hapunan dahil sabi niya ay naparami ang luto niya at hindi na kayang ubusin mag isa.

“ Shana, paano kung malalaman mong bakla si Lincoln. Anong gagawin mo? ” tanong ko kay Shana habang papasok kami sa bahay.

“ Igaya mo pa sa’yo si con-con, ” medyo inis na sabi nito.

Napapansin ko rin na parang lagging inis sa’kin ang kapatid ko.

“ Paano lang naman e. ”

“ Ang sabihin mo, gusto mong bakla siya para patulan ka. ”

“ Anong sinasabi mo Shana? ” naguguluhan ako. Hindi ko alam kung saan nakukuha ng kapatid ko ang sinasabi niya.

“ Gusto mo si Lincoln ‘di ba? ‘Wag ka na tumanggi, kita ko naman sa mga tingin mo sa kaniya.

“ A-anong sinasabi mo? Wala akong nararamdaman kay Lincoln. ”

Tinignan lang ako ng malamig ng kapatid ko at umalis na. Pumasok siya sa kwarto niya, minabuti ko na lang na hindi siya sundan. Kung ano-ano na ang naiisip niya, hindi ko naman papatusin ang Lincoln na ‘yon kahit may pera.

Tinignan ko na lang ang phone ko kung nag reply na siya sa text ko, pero wala pa rin. Hindi ko maiwasang hindi mag alala sa kaniya dahil sa nangyari kanina, baka kung ano ang gawin niya.

Inaantok na rin ako kaya natulog na lang ako. Pinag dasal ko na lang na sana ay walang mangyaring masama sa kaniya.

“ Kuya, gising na. ”

Napadilat ako ng marinig ang boses ng kapatid ko, umaga na. Bumangon na ako sa higaan ko at nag luto na ng makakain namin. Pagkatapos no’n ay nag linis ako ng bahay, tinignan ko ang text ko kay Lincoln pero wala pa rin akong natatanggap na reply. Nagpaalam si Shana na kila Aling Teresita muna siya kaya naiwan akong mag isa.

“ Ayan, malinis na kayo! ” sabi ko sa mga gamit sa bahay.

“ Okay, ilalabas ko na kayo. ” Kinuha ko ang plastic ng b****a at nag lakad palabas sa pinto.

Napahinto ako at nabitawan ang hawak ko ng makita ko kung sino ang nasa tapat ng pinto namin.

“ Good morning, where is Jannah? ”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status