Share

Chapter VI

Justin’s POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, nasa harapan ko ngayon si Lincoln at ang Mama niya. Hindi ba ‘to panaginip lang, Lord pakigising naman po ako. Ito na siguro ang pinaka worst na napanaginipan ko ngayong taon.

“ Jannah? ” Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa binanggit ni Lincoln.

“ H-hindi po ako si J-jannah, hindi ako ‘y-yon. ” Natataranta ako ngayon dahil baka namukhaan ako ni Lincoln. Kahit naman na hindi ako naka pambabae ay mahahalata ang pagkakahawig ko kay Jannah.

“ I know, I am asking you where is Jannah. ”

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya, buti hindi niya ako namukhaan. Mabilis akong naghanap ng idadahilan ko para makaalis at makapag bihis.

“ Ay naandoon po sa’min, tinutulungan po Nanay ko, ” pagsisinungaling ko. “ Pasok po muna kayo. ” Inilahad ko ang kamay ko para naman malaman nilang welcome sila sa bahay namin.

Habang abala sila sa pag-upo ay nakita ko ang Family Picture namin kaya naman kinuha ko ‘yon at tinago sa isang drawer. Agad akong napaharap sa kanila dahil nagsalita si Lincoln.

“ What’s your connection to Jannah? ”

“ A-ah, ano po kap— ”

“ Justin, Iho kakain na, ” sabi ni Aling Teresita habang papasok sa bahay namin.

Napatigil ito nang makita niya si Lincoln, nagapalipat-lipat ang tingin niya sa’kin at kay Lincoln. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Aling Teresita dahil baka kung may masabi siyang hindi maganda.

“ Goodmorning po, ” pag bati ni Lincoln.

“ Magandang umaga rin, Iho. ”

“ Si Jannah po? ” pagtatanong ni Lincoln kaya naman agad na napatingin si Aling Teresita sa’kin.

“ Ay nay, asan na po pala yung mga pinapatapon niyong gamit sa’kin? ” pag singit ko, napatingin naman si Lincoln sa’kin dahil sa ginawa ko.

“ Nandoon sa bahay, kunin mo na lang at itapon. ”

“ Kunin ko na rin yung pinapatapon ni Jannah, ” sabi ko sabay punta sa kwarto ko. Dali-dali kong hinanap ang mga gamit na gagamitin ko sa pagdadamit babae. Ibinalot ko ‘yon sa plastic para magmukhang b****a.

Pagkalabas ko ay nakita kong kinakausap ni Aling Teresita ang mga bisita ko. Napalingon naman si Lincoln ng maramdaman niya akong lumabas.

“ Pupuntahan mo ba si Jannah? ” ani nito kaya napatigil ako sa paglalakad.

“ Opo, itatapon ko lang itong mga kalat. ”

“ Can I come? ”

“ Ha? ” Iila nabingi ako dahil sa sinabi niya. Hindi siya p’wedeng sumama dahil baka malaman niya ang totoong pagkatao ko.

“ Sasama ako sa— ”

“ Lincoln anak, halika. Tignan mo ito, ”ani ng Mama niya nag lakad na siya pabalik roon. Kinuha ko naman ang pagkakataon na ito para umalis.

Dumaretso ako sa bahay nila Aling Teresita at nadatnan ko roon ang kapatid ko na nakaupo sa hapag at hinihintay kami.

“ Oh kuya, ano ‘yang dala mo? Tsaka si Aling Teresita, nasaan? ” Nagtatakang tanong nito.

Ibinaba ko muna ang bit-bit kong plastic bago umupo sa harap niya. Nilagyan ko ng tubig ang basong nasa harapan ko at ininom ‘yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang kaba na nasa d****b ko dahil sa biglaang pag sulpot ni Lincoln.

“ Hoy kuya, okay ka lang ba? Tsaka si Aling Teresita kako, nasaan? ”

“ Andoon sa bahay natin, inaasikaso bisita ko, ” ani ko.

“ Sinong bisita mo? ”

“ Si Lincoln. ” Agad itong napatayo dahil sa sinabi ko, hindi na nga niya ako pinansin at dali-daling naglakad palabas ng pinto. Sasabihin ko pa sana na ‘wag niyang banggitin na nandito ako pero nakalabas na agad siya ng bahay.

Lumapit na lang ako sa dala kong plastic at pumasok sa cr. Isa-isa kong nilabas ang nasa loob no’n, nag simula na akong magsuot ng damit at mag ayos. Mga ilang minuto na akong nag aayos nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

“ Ate! Andito si Kuya Lincoln! ” sigaw ng mahadera kong kapatid.

Anak ng tupa talaga ‘tong si Shanna. Dinala pa talaga rito si Lincoln, naloloka na ako sa batang ‘to.

“ Ate, ang tagal mo naman diyaan, ” ani nito habang kinakatok ang pinto ng cr.

“ Oo, sandali na lang. ”

Mga ilang minuto pa akong nanatili sa cr bago lumabas, pagkalabas ko ay nadatnan ko si Lincoln na nakatayo sa gilid ng pintuan.

“ Ay tipaklong! ” napahawak ako sa d****b ko dahil sa gulat.

“ Tagal mo sa loob ‘te, ganda mo na nga tapos nagpaganda ka pa lalo. Oh edi, ikaw na, ” ani Shanna. Hindi ko alam kung ano ang nakain nito at ang ganda ng tabas ng dila niya, sana ay ganito siya palagi. Hindi ko kinekeri kapag nagmamaldita siya.

“ You know, she’s right. Maganda ka na nga tapos magpapaganda ka pa, sinasadya mo atang mahulog ako sa’yo lalo e. ” Lumapit si Lincoln at humawak sa bewang ko. Napatingin ako kay Shanna, at hindi ako nagkamali. Nag make face ang gaga sabay irap.

Hay lil sis, baka i*****k ko pa ‘tong si Lincoln sa baga mo.

“ Nag hihintay na si Mommy sa bahay niyo, should we go there? ”

Tumango naman ako bilang pag sang-ayon, nauna na siyang maglakad kaya naman kasabay ko ngayon si Shanna. Hinawakan ako nito sa kamay kaya napatigil ako.

“ Birthday mo lang ngayon kaya pinag bibigyan kita, Kuya, ” bulong nito sa’kin bago naglakad papasok sa bahay.

Kaya naman pala puring-puring ako ni gaga, pero hindi naman niya dapat gawin ‘yon. Dahil wala naman akong balak na alalahanin na kaarawan ko ngayong araw. Itinuturing ko na lang itong isang ordinaryong araw, papasok sa trabaho at magpapanggap na fiancé ni Lincoln.

Nothing special.

Naglakad na uli ako, ngumiti si Lincoln nang makita niya akong papasok sa pinto.

“ So gorgeous, as always, ” ani nito na nakapag pangiti sa’kin.

“ Hello Iha, ” bati ng mama niya sabay beso sa ‘kin. Pagtapos no’n ay nakipag kwentuhan naman uli si Tita kay Aling teresita.

“ Bakit pala kayo napapunta rito? ” tanong ko sa kaniya.

“Ah, kasi earlier nabanggit ni Dad na mas maganda raw na mag sama tayo sa iisang bahay para raw malaman natin kung makakayanan natin kapag kasal na tayo. ”

“ Ha ano? Ang gulo mo. ”

“ Okay, Dad suggested earlier na sa amin kayo tumira para raw malaman natin kung kaya nating magsama sa iisa bubong, ” pag uulit nito.

“ Seryoso ba ‘yan? ” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya bilang tugon. Hinila ko siya palabas ng bahay para kausapin siya.

“ Wala naman sa usapan nating dalawa na titira kami sa inyo hoy. ”

“ Alam ko. That was just a suggestion, I want to hear your answer, ” ani nito.

“ E ikaw ba? Ayos lang ba sa’yo? ”

“ Yes. ” Nakatitig ito ng seryoso sa mata ko kaya parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

“ Kasi ano, baka maghinala sila Dad na hindi talaga tayo ikakasal kung hindi ka papayag, ‘di ba? ” habol nito.

Napaisip ako sa sinabi niya, may point naman.

“ Pag iisipan ko, pero i-expect mon a kapag tumira ako sa inyo ay dala ko si Shanna. Hindi ko siya p’wedeng iwan. ”

“ No problem, ” ani nito sabay kindat.

Pumasok na uli kami sa loob at nadatnan namin silang nakatingin sa’min. May hawak na cupcakes si Aling Teresita at may kandila.

“ Happy birthday to you… ” panimula ni Lincoln na sinundan nila. Kumanta sila ng sabay-sabay habang hawak ni Shanna ang isang maliit na cupcake, may kandilang nakatirik doon at naglalakad siya papalapit sa’kin.

“ Make a wish Ate, baka matunaw ang kandila, ” ani Shanna.

Tinignan ko si Lincoln, “ Make a wish, Love.” Pumikit na ako at sabay na pinaghawak ang dalawa kong mga palad. Hindi ko alam kung ano ang hihilingin ko dahil ngayon na lang ulit ako nag celebrate ng birthday ko.

Tinignan ko uli si Lincoln bago ako humiling.

Sana hindi magalit si Lincoln kapag nalaman niya ang tunay kong pagkatao.

Sabay nito ay ang pag ihip ko sa kandila na nasa harapan ko. Kung mabibigyan man ako ng tatlong kahilingan ay mas pipiliin kong hilingin ng tatlong beses na sana ay maging isang tunay na babae ako. Inaamin ko na unti-unti na akong nahuhulog kay Lincoln, pero ayokong sabihin sa kaniya dahil alam kong may nararamdaman sa kaniya ang kapatid ko. At higit sa lahat ay bawal ang pag iibigan naming dalawa sa mata ng ibang tao.

Sinabi ni Tita na pumunta kami sa kanila at ipaghahanda niya ako, nahihiya akong humindi kaya naman umoo na lang ako. Habang nasa sasakyan kami ay sumagi sa isipan ko ang kung anong p’wedeng mangyari kapag nalaman ni Lincoln na hindi ako isang tunay na babae. Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito no’ng una, wala akong pakielam dati kung ano ang mangyayari sa’min ni Lincoln kung sakaling mangyari ‘yon.

Nabalik lang sa katotohanan ang isip ko nang naramdaman kong huminto ang sasakyan. Nakatigil ito sa isang bilihan ng cake, bumaba muna kaming lahat para pumasok sa loob. Pag pasok sa loob ay punong-puno ito ng mga cake, may mga simple at magagandang design. Tumakbo si Shanna palapit doon sa isang lalagyan na puro cake.

“ Wow! Mukhang masarap lahat ‘to ah, ” ani nito habang tinitignan isa-isa ang mga cake.

“ Jannah, Iha. Pumili ka na ng gusto mong cake, ”

“ Nako po Tita, wala po akong hilig diyaan. Si Shanna na lang po ang papiliin niyo. ”

Tumango naman si Tita at lumapit sa kapatid ko, may kung anong sinasabi si Shanna rito pero hindi ko na lang pinansin. Inilibot ko ang paningin ko at tinignan isa-isa ang mga nakalagay doon. Tama nga ang sabi ng kapatid ko, mukhang masasarap ang lahat ng cake na naandito. Kahit tignan mo lang ang mga ito ay mabubusog ka na.

Habang naglilibot ako ay napadako naman ang tingin ko sa isang telebisyon na naandoon, naagaw nito ang atensiyon ko dahil isa itong segment tungkol sa mga taong ayaw sa same sex marriage. Inilalahad nila ang kanilang mga saloobin kung bakit ayaw nila ng same sex marriage, may ilang nagsasabing kasalanan ito sa mata ng Diyos at ang babae ay para lamang sa lalaki. Nagiging mainit ang bawat usapin na nangyayari sa pinapanood ko, may mga nababanggit na rin silang mapupunta sa impyerno ang mga magkasintahang magkaparehas ng kasarian.

“ Ang focus mo sa pinapanood mo ha, ” biglang sabi ni Lincoln.

Tinignan ko na lang siya at nginitian tapos ay ibinalik ang paningin ko sa pinapanood ko. Pumantay si Lincoln sa p’westo ko at nanood na rin.

“ I don’t understand those people. Galit na galit, e hindi naman sila inaano. ”

“ Hindi ko nga rin alam, hadlang sila sa ganiyan pero sa pagnanakaw ng mga nasa posisyon e okay lang sa kanila. ”

“ Buti na lang at babae ka. Walang hahadlang sa’kin kung yayain man kitang pakasalan. ” Nasamid ako sa sarili kong laway ng sabihin ‘yon ni Lincoln.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon, kung totoo ba ang mga sinasabi niya o parte lang ‘yon ng napag usapan namin. Napayuko na lang ako at napangiti ng mapakla, kung alam niya lang ang totoo. Maraming hahadlang sa aming dalawa, lalo na ang pamilya niya. Kaya nga niya ginawa ‘tong deal na ‘to para mapalabas sa magulang niya na hindi siya bakla.

Tinawag na kami ni Tita dahil nakabili na sila ng cake, habang palabas kami ay gusto kong tanungin si Lincoln kung okay na ba siya. Inaalala ko lang yung nangyari sa hospital no’ng isang araw, yung nakausap niya yung ex niya. Sa tuwing naaalala ko ‘yon ay hindi maalis sa isipan ko ang hitsura niya. Ramdam mo ang sakit, sobra.

Bumabiyahe na kami papunta sa kanila, hindi naman na ‘yon kalayuan kaya pinipilit kong linisin ang isip ko. Pero kahit anong gawin ko ay hindi maalis ang mga kung ano pa man na gumugulo sa isipan ko. Hindi ko na alam, parang sasabog na ito. Gulo na nga ang utak ko, pati rin ang puso ko.

“ Love? ” Tsaka lang ako nabalik sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Lincoln. Agad ring kumalma ang puso at isipan ko. Ano bang ginawa mo sa’kin Lincoln? Bakit mo napapakalma ang buong pagkatao ko.

“ Let’s go? ” Inilahad nito ang kaniyang kamay sa harap ko. Nang hawakan ko ‘yon ay para bang may dumaloy na kuryente sa’kin. Naglakad na kami papasok at naandoon na sila Tita, nakaupo sa hapag.

Maraming pagkain ang nasa lamesa kaya naman kumikinang-kinang ang mata ng kapatid ko. Nagpaluto na pala sila habang papunta kami rito, nakaupo na rin ang kambal na kapatid ni Lincoln, tumayo sila nang makita nila ako. Nakangiti silang lumapit sa’kin at may inilahad na maliit na box.

“ Happy Birthday Ate, ” sabi nila ng sabay.

“ Thank you. ” Kinuha ko ang box na hawak nila at binuksan. Napangiti na lang ako nang makita na kwintas ang laman no’n, tumingin uli ako sa kanila at nagpasalamat.

Pagtapos no’n ay umupo na rin kami ni Lincoln, nauna siya sa’kin at ipinaghila ako ng upuan. “ To my lady, ” ani nito.

Katapat ko ang kapatid ko at pinakitaan naman niya ako ng isang plastic na ngiti, ang babaitang ‘to talaga. Nagsimula na kaming magdasal, si Tita ang nag lead ng prayer. Pagtapos no’n ay pinagsaluhan namin ang handang nasa harapan namin, nasa kalagitnaan kami ng pag kain nang biglang nag ring ag cellphone ni Tita. Ang sabi niya ay tumawag ang daddy ni Lincoln at sinabing hindi makakasama sa salu-salo dahil busy siya sa company nila. Pero nagbigay naman daw ng pagbati sa’kin si Tito.

Ipinag patuloy na lang namin ang pagkain namin, hindi ako kumain ng marami dahil hindi naman ako gutom. Tamang tikim lang ng pagkain ang ginawa ko, sinasabihan pa ako ni TIta na ‘wag mahiyang kumain dahil para sa’kin daw ang mga handa na iyan. Hindi ko na nga maubos itong inilagay ni Lincoln e gusto pa ni Titan a dagdagan.

Jusko po, tataba ako sa pamilyang ito.

Ilang minuto rin ang itinagal nila sa pagkain, pagkatapos no’n ay nagpahinga muna kami ng kaunti. Nasa salas nila kami dumaretso, sila Shanna at ang dalawang kapatid ni Lincoln ay naglalaro ng kung ano. Si Tita naman ay nakaupo at may kinakausap.

“ Cute nilang tatlo noh? Gusto ko pagtapos ng honeymoon natin triplets agad, ” ani Lincoln sa tabi ko.

Ano ba naman itong lalaking ‘to, gusto ng triplets. Hindi niya alam wala akong bahay bata at lalong-lalo na ay wala akong kweba, pati ang hormones ko ay hindi pambabae. Napailing-iling na lang ako dahil sa sinabi niya, kung alam mo lang talaga Lincoln. Kung alam mo lang.

“ Ay wait ha, diyaan ka lang, ” sabi nito bago tumayo.

May nilapitan siyang isang katulong at may ibinulong doon, ngumiti naman ang katulong habang may binubulong siya. Nag okay sign pa siya bago bumalik sa tabi ko.

“ Ano ‘yon? ” pagtatanong ko. “ May gagawin ka na namang kalokohan no? ”

Umiling-iling lang ito bilang pagtugon sakin. Maya-maya pa ay may tumugtog na romantic music kung saan. Tumayo si Lincoln at inaya akong sumayaw. Agad namang nangantyaw ang mga katulong pati ang kapatid niya, itong si Shanna naman ay nangangantyaw din pero halata mo ang inis sa mukha niya. Napatayo na lang din ako dahil sa kantyaw nila.

Dinala ako ni Lincoln sa gitna at isinayaw, nakatitig siya sa mata ko. At gano’n din ako, hindi ko alam ang nararamdaman ko pero ayokong matapos ‘tong araw na ‘to. Kung magiging ganito lang din ang mangyayari tuwing birthday ko ay mas pipiliin kong maging araw-araw ito. Napangiti na lang ako nang makita kong ngumiti si Lincoln, ito ang ngiti na gusto kong makita tuwing gigising ako ng umaga.

Hinaplos ni Lincoln ang mata ko, “ I like your eyes,” ani niya.

“ This may sound cringe, but I like how your eyes shine the most when you're happy. ” Mas lumalim ang mga tingin niya sa’kin.

Galing sa mata ko ay bumaba ang tingin niya papunta sa aking labi. Nagpapalit-palit pa ang tingin nito sa mata at labi ko, nararamdaman ko na ring bumibigat ang bawat paghinga niya.

“ Kiss!! ” sigaw nila Tita.

“ You’re the human that I love, Jannah. ”

Dahan-dahang lumapit ang mukha niya kaya naman napapikit ako. Napadilat na lang ako ng maramdaman kong parang may humablot sa kaniya, nadatnan ko siyang napaupo sa sahig habang hawak ang gilid ng labi niya.

“ Manloloko ka! ”

Achebreakyhart

Feel free to comment your thoughts, guys!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status