Share

Chapter 5

AGAD kong itinulak si Clyde. Napaatras ito pero ilang pulgada lamang, may kumatok kasi. Napaayos ako nang wala sa oras sa aking sarili. Nanlaki ang mga mata ko nang binuksan nito ang kabilang pinto at doon ay lumabas.

Napabuntong-hininga na lang ako. Dapat ko na sigurong iwasan si Clyde, hindi ito maganda.

Napaupo ako sa swevil chair ko at pinapasok ang nasa labas ng pinto ng office ko. Tinignan ko ang tao na iyon, sobrang lamig ang ibinigay kong tingin dito. Di ito nakatingin sa akin.

"Bakit nakayuko ka? Samantala kanina ay sobrang proud ka sa sarili mo na may inaalispusta ka," malamig kong utas dito.

"Kasalanan niya iyon. It isn't my fault," mahina nitong sambit.

"What did she do to you? Para ganunin mo ang bata?" tanong ko dito. Di ito umimik. "You know my rules. I don't tolerate bullying!" sigaw ko sa kanya.

"I am sorry. Di na mauulit." Mahina pa rin ang tinig nito.

"Di na talaga mauulit, dahil I will expell you in 1 week!" final kong sabi dito.

"No, please. Magagalit si daddy ko!" pagmamakaawa nitong wika sa akin.

"No, Joyce. Alam mo kung ano ang patakaran ko. And I will talk Tito about this matter!"

"No, please. Sheena, don't I beg you as you're cousin," maluha-luha nitong sabi sa akin.

"Yes, you are my cousin. But I won't tolerate you! Makakaalis ka na," saad ko dito. Nanatili ang lamig sa aking mga mata. Kung kakaawaan ko siya ay baka umabuso ito.

Tinignan niya ako. Tapos ay tumalikod na ito. Joyce is my cousin on my mother side. Kahit anak siya ng pinsan ni mama ay di ko siya dapat pagbigyan. Dapat ay patas ang tingin ko sa lahat. Ayaw kong may inaabuso at may naabuso.

Sumandal ako sa swevil chair ko at naalala na naman ang tagpo namin kanina ni Clyde. Hindi pwedeng mangyari ulit ang nangyari. Kailangan ko na talaga siyang iwasan.

After this ay graduate na ko nang college, at kukuha ulit ng panibagong course. This time ay Teacher naman, gusto ko kasing magturo. Gusto kong magturo ng mga bata.

Wala namang tutol sila mama at papa doon. Actually, they support me no matter what happen. Tinignan ko ang relo sa bisig ko. Malapit na pala ang uwian. Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko. Lumabas na ako sa office ko at nagtungo sa parking area. Naabutan ko si Clyde na nakasandal sa isang kotse.

Napatingin ito sa akin, nagtama ang aming paningin. Pero agad ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya at nilagpasan ito. Di naman niya ako sinundan. Pero ang tingin nito ay nanunuot sa aking kaluluwa. Para bang gusto niya akong kainin ng buhay.

Sumakay ako sa sasakyan ko at dahil may driver ako ay pinalabas ko na agad sa campus ang sasakyan ko. Nakita ko pa kung paano sundan ni Clyde ng tingin ang aking sasakyan. Naninigarilyo din ito, a typical bad boy.

Sumandal ako sa sandalan ng upuan nang sasakyan ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Dahil di talaga mawala-wala sa isip ko ang nangyari noong gabing iyon. Para bang binabaliw niya ako, sa bawat haplos at halik nito sa aking katawan.

Dumating kami sa bahay na ganun ang iniisip ko. Naabutan ko si mommy sa may sofa at abala sa kakatingin sa isang magazine.

"Nabalitaan ko na sinuspende mo si Joyce?" tanong nito. Aakyat na sana ako, pero hinarap ko ito. Nasa magazine pa rin ang tingin nito.

"Yeah," wala sa sariling turan ko. Pagod ako sa maghapong pag-aaral. Di lang utak ang pagod sa akin. Pati katawan ko.

"Why?" she ask.

"May ginawa siyang di maganda sa isang estuyante? Anong gagawin ko, hahayaan na lang siya? As a student council president. Gusto kong panatilihing payapa ang school, mom. Kaya kung gusto mong alisin ko ang suspension ni Joyce. It's a big NO!" final na sambit ko. Tinalikuran ko na si mommy. Dahil alam kong ipipilit nito ang gusto.

Masyadong mabait si mommy. Kaya mga kamag-anak niya ay inaabuso na siya. Pero ibahin niya ako, dahil di ako kagaya niya. Masyadong matigas ang puso ko sa mga taong ganun ang hanggarin. Pumasok agad ako sa banyo, walang kahit na ano mang saplot, dahil alam ko ano mang oras ay tatawagin na ako para kumain.

Nang makapaghalf bath na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Pero laking gulat ko ng may tao sa kama ko. Matiim na nakatingin sa akin. Nakatingin ito sa akin at para bang gusto niton hubarin ang tuwalya na nasa katawan ko.

"What are you doing here? Paano ka nakapasok?" sunod-sunod na tanong ko dito. Pero nanatili itong tahimik.

May nakikita akong aliw sa mga mata nito. "Your door isn't lock, ganyan ka ba dito sa bahay n'yo? At pinapatawag ka na ni Tita, para sa hapunan," sabi nito. Tumayo ito at unti-unti ay lumapit sa akin.

"Di naman kailangan na maglock, wala namang ibang papasok sa bahay namin."

Umatras ako, pero sadyang wala na akong maatrasan. Dahil nasa likuran ko na pala ang walk-in cabinet ko. Napasandal ako ng wala sa oras sa aking cabinet. Itinukod nito ang isang kamay sa aking uluhan at tinitigan ako nang mabuti.

Dahil matangkad nga si Clyde at tumingala ako sa kanya. Pagkatingala ko at agad nitong siniil nang halik ang aking mga labi. Iginalaw nito ang labi noong una, pero di ako gumanti. Ayaw ko nang maulit ang nangyari noon, kaya hangga't maaari ay iiwasan ko siya. Pero di yata ako makakaiwas sa lalaking ito.

Nilubayan din nito ang aking labi, pinadaan pa nito ang dila sa labi nito.

"Kay sarap talaga ng labi mo. Kay sarap halik-halikan ng paulit-ulit."

Lumayo na ito sa akin. "Aalis na ako, baka ano pa ang magawa ko sa iyo," mahina nitong sabi. Nanlaki ang mga mata ko. Kahit na mahina ang pagkakasabi nito ay rinig na rinig ko iyon.

Napahawak ako ng mahigpit sa tuwalya na nakatapis sa aking katawan. Gusto kong hinamatayin, pero hindi pwede.

Agad akong bumaba, nakita ko sila Kent at Clyde na prenteng nakaupo sa upuan. Di ko din alam na umuwi pala si daddy at ate. Siguro mahalaga talaga sa kanila ang dinner na ito.

"Sheena, baby!" Nakangiting salubong sa akin ni mommy. Umismid ako dahil sa tawag nito sa akin. 

"Mommy, nakakahiya," mahinang sambit ko dito.

"Ito naman, parang di sanay sa akin," tampong sambit nito.

"Nakakahiya kasi."

Umupo na ako sa tabi ni Ate, nang dumako ang paningin ko sa harapan at agad na sumalubong sa akin ang tingin ni Clyde, isang tingin na para bang hinahalukay ang kaluluwa ko, kaya ako na lang ang umiwas.

"Ano ba ang purpose ng dinner na ito daddy?" tanong ni Ate kay daddy. Sumulyal naman ang huli.

"Ewan d'yan sa mommy n'yo."

"Mommy what is it this time?" tanong ko. sumusubo ako ng kanin, pero sobrang bagal dahil nakatingin sa akin si Clyde. Para bang di ito nahihiya na makita siya nila mommy at daddy.

Umiinom ako nang tubig ng masamid ako, dahil sa sinabi ni mommy. Naibuga ko ang iniinom ko sa mukha ni Clyde, nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang talas ng tingin nito sa akin.

Kasalukuyan kasi itong kumakain at umiinom ng tubig at di ko napigilan na sa kanya ko naibuga ang tubig mula sa bibig ko. Napahilamos na lang ito nang wala sa oras.

Tinignan ko si mommy nang pagalit. "Di magandang biro iyan mommy!" madiin kong sambit. Habang si daddy ay umiiling -iling lang sa sinabi ni mommy. Habang si ate ay naka-cross arms at nakabusangot.

"Anong masama sa sinabi ko? Gusto ko lang naman kayong maikasal," ungot ni mommy.

"Ayaw ko mom, isa pa, di pa ako handa!" sabi ko sabay sandal sa aking inuupuan. Napatingin ako kay Clyde, kumunot ang noo ko nang may nakita aking sumupil na ngiti sa labi nito. Para bang pinipigilan nito ang ngumiti.

"Basta, Sheena sa ayaw at sa gusto mo. Magpapakasal kayo ni Kent in the future," final na saad ni mommy.

"Kung ipipilit n 'yo iyan. Aalis ako sa bahay na ito at titira ako sa condo ko," sabi ko dito.

Nanlaki ang mga mata ni mommy. Dahil kung ano mang kulit ni mommy at siya namang kulit ko din. Talagang ipipilit ni mommy ang gusto, kaya lagi ko itong kinukuntra. Si daddy kasi, palaging sinusunod ang gusto ni mommy. Si ate naman, di mo malaman kung ano ang nasa isip nito.

"Sheena, para din sa iyo ito," malumanay na sambit ni mommy, para bang inaalo niya ako. Kasi alam niya pag sinabi ko, gagawin ko talaga.

"Hindi na ako bata mommy, may sarili na akong isip. Kaya hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa lalaking di ko gusto!" sigaw ko. Tumayo ako at aalis na sana ng magsalita ito.

"Oh! Kung ayaw mo kay Kent, kay Clyde na lang." Tinignan ko si mommy. Napaawang ang aking mga labi.

"Nahihibang ka na mommy!" sabi ko sabay alis sa harapan nilang lahat. Nawalan na ako nang ganang kumain.

Kaya tinawagan ko sila Airene na magbar kami at ang mga gaga nasa bar na pala. Paminsan-minsan ay sumasama ako sa bar hoping nila, para mawala ang pagkabored ko sa buhay.

Agad akong sumakay sa sasakyan ko at pumunta sa isang bar, kung nasaan sila Airene, nang makarating na ako sa bar na iyon ay sumalubong sa akin ang isang nakakabinging malakas na musika.

Agad kong nakita sila Airene nang kumaway ito. Nilapitan ko sila.

"Bigla ka yatang sumunod?" tanong ni Airene sa akin nang makaupo na ako. Agad kong kinuha ang tequila at inisang lagok iyon.

"Naiinis ako kay mommy! Ipapakasal ba naman ako sa anak ng bestfriend niya."

"OMG! Sino?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Ivy sa akin.

"Kay Kent. Ayaw ko pang magpakasal. Gusto ko munang magtapos ng pag-aaral," sabi ko sa kanila.

Sunod-sunod ang inom ko ng Tequila, kaya umikot na ang paningin ko. Wala na din pala ang mga kasama ko dito. Sumandal muna ako sa sofa at ipinikit ang aking mga mata.

"Stubborn woman!" matigas nitong sabi sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang isang kayumanggi na mga mata. Napangisi ako.

"Clyde, you're here!" lasing kong sambit sa kanya.

"I-uuwi na kita."

"No, gusto ko pang uminom, ayaw kong umuwi sa bahay. Baka magalit lang ako kay mommy." Naalala ko na naman ang napag-usapan kanina sa dinner namin. Ayaw kong maikasal sa lalaking di ko mahal.

"Hindi ka nag-iisa, even me, I don't want you to get married to my brother. Akin ka lang, Sheena, dapat ay sa akin ka lang magpakasal," bulong nito sa aking tainga. Nakikiliti ako sa bulong nito.

Kaya napahagikhik ako. "Nakikiliti ako!" sabi ko dito.

Napaungol ako ng halikan nito ang aking leeg. "Oh! Clyde," ungol ko.

Binuhat niya ako, lumabas kami sa bar na iyon at nagtungo ito sa parking area. Idinoposito niya ako sa passenger seat. Pero wala na ako sa huwisyo ko, nagdilim ang aking paningin at nakatulog ako.

Clyde Jay POV's

MAHIMBING na natutulog si Sheena sa passenger seat ng kotse ko. Gusto kong magwala, dahil sa sinabi ng mommy nito kanina. I don't want to share, Sheena. She is mine at walang makakapaglayo nito sa akin.

Noon pa man ay may gusto na ako sa kanya. 10 years old ako, habang si Sheena ay 17 that time. Kaedaran ni Sheena si Kuya Kent ko. Kaya di malayo ang agwat ng edad nila ng kapatid ko. Kahit na bata pa ang aking puso ay natutunan na nitong mahalin si Sheena. Kahit na malayo kaming dalawa ay di iyon nawala, bagkos ay lumalim pa.

Nakarating ako sa condo ko at agad ko siyang binuhat. Inihiga ko siya sa kama at nabigla ako ng hinila niya ako, papalapit sa kanya, nasa batok ko ang mga kamay nito. Ngumisi ito, nakabuka ang mga mata nito. Pero bumitaw ito at hinubad ang mga saplot nito. Wala itong tinira kahit isang saplot. Bigla ay nag-init ako ng mga sandaling iyon.

Bumigat ang aking hininga, di ko napigilan ang sarili ko, agad kong siil ng halik ang malambot na labi ng dalaga.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Yannah Pubgm
nice novel
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status