Share

5 : Brokenhearted si Steve?

YOUR Mom is getting recovery. I am sure of that.”

Walang pagsisidlang tuwa ang naramdaman ni Zieth Kate matapos marinig mula sa personal na doctor na regular na tumitingin sa sa kaniyang mommy Adelaida. Araw iyon ng Linggo at iyon ang scheduled check-up ng kaniyang Mommy.

Hindi niya napigilang yakapin ang ina matapos matiyak na gagaling na ito. Nagpapasalamat siya at kahit papaano ay hindi sila ganap na kinalimutan ng Panginoon.

“I began sawing many possibilities at signs na gagaling na siya for a month soon. Just continue doing mental therapy for great and quick development. It will help her healing process.”

Parang musika sa tainga ang kaniyang naririnig mula sa doctor. Bawat positibong salita ay may bilang at para sa kaniya ay isang magandang balita at regalo ng nalalapit ng kapaskuhan.

Napasulyap siya sa Mom niya na tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan. Wala na siyang pakialam kung nakikinig man ito o hindi naiintindihan ang mga naging usapan nila.

“Well, I must go, Ms. Del Fuego. Don’t forget to call me up when you noticed any signs or changes about your Mom’s conditions.” Mayamaya ay pamamaalam ng doctor.

“Okay, Doc. Thanks anyway.” Matipid niyang tugon sa doctor na matapos niyang makapagbigay ngiti rito ay nagpasyang ihatid ito sa labas ng mansiyon.

Inihatid lamang niya sa labas ng main door ng mansiyon ang doctor ay kumaway na lamang siya rito. Sumakay na ito ng sariling kotse at mabilis namang ipinagbukas ng gate ng kanilang masipag na guard. Matapos matiyak na nakalayo na ang doctor ay bumalik na din siya sa loob kung saan naroon ang iniwan niyang mommy.

________

MALALIM na ang gabi pero hindi pa din dalawin ng antok si Steve. Kanina pa siya palipat-lipat ng posisyon sa higaan pero nanatiling nakamulat ang kaniyang mga mata. Hindi niya maintindihan pero kanina pa pabalik-balik sa isipan niya ang larawan ng babae. Hindi makatkat ang hitsura nito sa isipan niya.

Iyon ang unang pagkikita nila dahil sa larawan niya lang ito unang namasdan. Maganda ito sa litrato pero hindi niya inaasahang mas maganda pa ito sa personal. Sa tingin niya ay nga ay kung hindi lang dahil sa paghihiganti ay baka niligawan na niya ito sa totoong hangarin.

Aaminin man niya sa hindi ay talagang nagkandabuhol ang mga dila niya kaninang nagkaharap sila ng babae. Walang-wala kasi sa akala niya na ganito pala kaganda ang babae at kaakit-akit ang taglay na karisma.

‘Shit! What is it happening in me?’ mura ng isip niya.

Supposed to be, hindi ito dapat ang mangyari sa kaniya dahil hindi ito ang nakaplano. Magiging sagabal sa kaniyang plano kung matatablan siya ng letseng paghanga na ito.

This must be cut away! It can happen to him.

Muli siyang nagiba ng posisyon. Ngayon ay iniyakap na niya ang sarili sa unan ang isang paa ay nakadantay sa isa pang unan. Muli niyang sinubukang pumikit ng mga sandaling iyon kahit ramdam na niya ang hapdi ng mga mata.

Sinikap niyang sulyapan ang ang maliit na table clock na nakapatong sa round table. Naroon din ang lampshade, ilang mga litrato niya at ang kaniyang cellphone.

It was already ten in the night.

Bakit kaya di siya dalawin ng antok? Linggo ngayon at bukas ay tiyak na mababasa na ng babae ang kaniyang application papers.

Kinakabahan siya ng konti, baka kasi mareject ang application niya lalo na kapag mamukhaan siya ng babae.

Hindi man siya nakipagkilala rito still, hindi naman siguro makakalimutin ang babae para hindi nito mamukhaan ang pamilyar niyang mukha.

Pumasok sa isip niya na sana ay hindi nito mapansin ang mukha niya sa mga papel. Hindi naman niya gaanong kamukha talaga ang nasa larawan dahil last year pa niya na kuha iyong inilagay niya sa resume niya. Kung ikukumpara iyon sa mukha niya ngayon, mas pumogi siya ng doble.

Lihim siyang napatawa ng naisip ang bagay na iyon. Subalit sa totoo lang naman talaga ay mas gumwapo siya ngayon kaysa dati. Speaking of guwapo, nandoon na wala siyang nobya as of now pero who knows? Sinong nakakaalam kung may bigla na lamang tumawag sa kaniya.

“Even this late night?’

Parang sagot sa mga tanong niya ay isang biglaang alert tone ang tumunog mula sa phone niya. Napablikwas naman siya ng bangon hindi dahil sa gulat ng biglang pagtawag ng kung sino kundi dahil instantly ay may kaagad na tumawag.

Marahan niyang dinampot ang cellphone niya at iniaccept ang calls.

“Hello, Steve? Kumusta ka na? I have never heard of you anymore?” sunod-sunod na tanong sa kabilang linya na parang walang balak na pasalitain siya. “Where are you now?”

Sandali muna siyang huminga bago nagsalita. Kilala niya ang tumatawag, pamilyar sa kaniya ang boses nito.

“Can you talk slower? I can’t afford to answer consecutive questions clearly. Why don’t you take a dep breath before speaking again?”

Nagsimula na siyang magreklamo. Mabuti na lang at nakinig naman ang babae.

“I-i am sorry, I am just carried away by my emotions.” Hinging despensa ng babae. “How are you now? I heard you went back to your country. Why does leaving any message or at least a text message for confirmation?”

Ramdam niya sa boses nito ang pagtatampo but honestly, wala naman itong dapat ikatampo dahil isa na lamang ito sa mga bahagi ng kaniyang nakaraan.

“You know I have nothing to ask permission or at least notify you of where I am going to, Nathalie.”

Sa wakas ay naipangalan nga niya ang babae. Girlfriend niya ito for about one-year noong nasa States pa siya. Half-Pinoy at Canadian ang babae, may angking ganda na labis niyang kinababaliwan noon. Not after he found out her cheating. Nathalie had a secret affair with Kevin, and the worst is, it was his sweet bestfriend.

“It’s been a wasting time to do that anyway. Second, why would I bother? After all, you know everything about us was already over. Now, what do you want to be emphasized now?”

“But I didn’t allow you to break me up.” Tugon nitong gumaralgal ang boses. “I didn’t tell you that everything about us all over, not ye-“

“Damn you, Nathalie!” hindi na niya napigilan ang bugso ng damdamin. Malakas siyang napamura sa babae. “Can’t you enough? Isn’t what you did with Kevin to me is still not enough? What kind of heart do you have?”

Hindi na nakasagot ang kausap. Wari bang nasukol ito sa mga sinabi niya at wala na siyang narinig kundi mga hikbi. “So please stop acting like you’re the one victim here. It is you who cheat on me, so let me free. I still can’t love you after what happened.”

“I am so sorry…” tugon ng babae na halos na nitong mabanggit. Hindi na niya halos mabilang kung ilang beses na siyang napalunok ng laway.

Maging ang paglandas ng mga luha sa mga mata niya ay hindi na din niya namalayan.

He was hurt, totally hurt. Hanggang ngayon ay sariwa pa din ang naging panloloko ng babae sa kaniya. Hindi pa din niya matanggap na pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para rito ay nagawa pa nitong lokohin siya. Ang hindi pa niya matake over ay sa dinami-dami ng lintik na pwede itong matukso ay bakit pa sa isang kaibigan na halos kapatid na niya?

They are d*mn peoples! F*ck*in d*mn peoples!

Nahilamos niya ang mga kamay sa mukha dahil sa mga matang tigmak na sa luha. Hindi niya akalaing ngayon pa talaga ito nangyari gayong hindi na nga siya makatulog.

'SH*T!'

Napapiksi siyang napasalampak sa malambot na kama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status