_____
That night, hindi makatulog si Zieth Kate. May isang mukha na pabalik-balik sa isipan niya. Hindi niya kilala ang nasabing may-ari ng mukha, lalong wala siyang kaide-ideya kung saan ito nanggaling at basta na lang sumulpot ito sa kinaroroonan niya sa napakalaking cemetery park na iyon. Mapupungay na ang kaniyang mga mata at gusto nang pumikit pero pilit nilalabanan ng sarili niyang isip. May isang bahagi ng sistema niya na iba ang gusto at parang siyang dinidiktahan sa kung ano ang dapat gawin. Hindi niya mabilang kung ilang beses na siyang palipat-lipat ng posisyon. ‘My God! Ano ba antok, nasaan ka na? mahapdi na ang mga mata ko kaya please lang, dalawin mo na ako.’ Muli niyang sinubukang pumikit, nagbakasakaling makakatulog na sa mga sandaling iyon. Pagkaraan ng ilang sandali ay bigo pa rin siyang makatulog. Hindi na pakiusap ang lumabas sa bibig niya sa mga sandaling iyon kundi isang mahinang pagmura. Alumpihit na bumangon siya sa kaniyang kama. Unang pumasok sa isip niya ang pagtimpla ng gatas. Kahit nahihilo ay sinikap niyang bumaba sa malapad na dining room para magtimpla ng gatas. Hindi siya maaring mapuyat ngayong gabi. Kailangan niyang makapagreport sa trabaho tomorrow dahil isa siya sa mga magiinterbyu ng bagong aaplay bilang COF ng kanilang Hotel Uno. Matapos kasi ang nangyari ay sinibak na sa puwesto si Jake Domingo bilang COO at nabakante na din ang posisyon ng COF. Nangyari ito noong nawawala si Arianne dahil kinidnap ng kaniyang kuya Blake. May pumalit sa puwesto nitong si Arman Cervantes pero hindi tumagal. Halos dalawang taon lang ay nagresign ito at muli silang naghired. Tatlong taon lang din at lumarga na ulit ang COO at COF. Naiwan muling windang ang Hotel Uno at no choice siya kundi maghanap ng bagong Chief on Finance. Tomorrow will be the elimination and selection round. A good wish for those who will be selected as the new COF and COO. How she is hoping that this time, the new COF would stay longer in the company for more than five years or beyond. Nasa malapit na siya sa ref bago niya naisip na kumuha muna saglit ng isang malamig na tubig dahil inuhaw siya sa paglalakad. Hindi nga siya nagkamali sa sapantaha dahil para namang nawala ang panunuyo ng lalamunan niya. Naupo muna siya saglit sa may kataasang upuan na yari sa tabla at saglit na nag-isip. Sukat doon ay nawala na sa isipan niya ang tungkol sa lalaking hindi niya naalalang tanungin ang pangalan. ‘Ang gara naman kasi kung siya mismo ang magtatanong ng pangalan ng lalaki diba? E siya ang babae, so dapat ang lalaki ang unang magpakilala.’ Reklamo ng sarili niyang isip. Nagpokus ang isip niya patungkol sa mga possible na maii-offer niya para hindi sila indiyanin pa ng next COO at COF nila. How about offering an extra five percent of salary increased? Nasa minimum na sahod na din sila kaya at salary grade rate kaya wala ng reklamo ang mga staffs at higher positions sa company nila. To the highest level na disiplinado at responsible ang lahat ng mga tao nila. Sa kabutihang palad ay hindi pa kaylanman nagkaroon ng anomalya ang Hotel Uno liban na lang sa mga minor case nang issues ng mga employees na bigla na lamang nagreresigns. Normally, hindi naman talaga iyon nawawala sa work field kaya hindi na siya nagugulat. Ang pinanghahawakan lang niya ay alam niyang sa sarili niya, makatarungan at fair siya makitungo sa lahat ng employees at staffs. Saglit niyang hinamig ang sarili nang maubos ang laman ng maliit na pitsel na may lamang malamig na tubig. Naalala niya na naroon pala siya dahil sa gusto niyang magtimpla ng gatas. Muntik na niyang makalimutan ang gagawin kung hindi lang niya hinawi ang sarili tungkol sa mga iniisip niya kani-kanina lang. NAPUYAT man kinaumagahan ay hindi pa din iyon naging sagabal para pumasok sa trabaho si Zieth Kate ng umagang iyon. Idagdag pa na wala siyang pagpipilian dahil kaylangan niyang maasikaso ang applications ng mga COO at COF applicants ngayong araw. Gusto niya sanang i-check ang mga iyon kagabi kaya lang ay nakalimutan niyang dalhin ang mga folders. Matapos masulyapan ang sout na wristwatch ay nagmadali na niyang tinungo ang kaniyang office para sa mga unfinished works na nakatambak sa mismong mesa niya. It was already eight o'clock in the morning, the Philippines standard time check. "Good morning, Ms., Z." Nakangiting bati ni Ventura, ang kanilang HRMO. "Same to you, Mr. Ventura." wika din niya na ibinalik rito ang ngiti. Matapos ang isang sunod-sunod na pagbati mula pa sa ibang mga employees at staffs ng Hotel Uno ay nakarating na din siya sa kaniyang personal office. Isa iyong separate office at medyo may kaluwangan dahil may sarili itong restroom at personal na kuwarto na kung saan siya pansamantalang natutulog kapag work break. Matapos ilapag ang bitbit na sling bag ay sandaling inayos niya ang puting salamin sa mata na binili niya prior for anti-radiation dahil sa prolonged exposure sa kaniyang PC. 'Where am I na? Hmmm... I need to check out the applications para makapili na ako.' wika ng isip niya na parang may partikular na kinakausap. Maingat na binuksan niya ang mga folders na naiwang nakasalansan kahapon. She well -checked every short detail of every applicant mostly their past work experience. She felt amazed but yet one by one didn't match her taste. Not until she saw someone who possessed a familiar look. 'Teka lang, parang nakita ko na siya somewhere?' Pahayag ng isip niya na hindi naiwasang matulala para lang mabalikan kung saan niya nakita ang naturang lalaki. Sinubukan niyang magbackward check. 'Saan ko nga ba nakita ang lalaking iyon? Parang nakaraan lang kami nagkita e." Patuloy na tugis ng kaniyang ala-ala sa kung saan nga sila nagkita ng nasa 2x2 na larawan na nakaattached sa resume nito. She was very sure, she already met that man somewhere. Ang hindi lang niya alam ay kung saan. Unang basa pa lang niya sa pangalan ng naturang lalaki ay nakuha na agad ang kaniyang atensiyon. Naging interesado siyang malaman kung ano at sino ang taong ito. Sumakit man ang ulo niya sa kaiisip kung saan niya nakita ang binata ay hindi naman siya nabigo. At last, she remembered him. Tama! Sa cemetery! Doon niya unang nakita ang lalaki. 'So Kurt Justin Steve Villaverde Del Pacio pala ang buong pangalan ng papansin na iyon na bigla na lamang sumulpot sa likuran niya noong kahapong dinalaw niya ang puntod ng kaniyang daddy Arthur.' Hindi na siya nagaksaya ng panahon pa. Binasa niya ang iba pang detalye tungkol sa lalaki na para bang kahina-hinala ang isang iyon. Hindi niya maintindihan pero parang may nagtutulak sa kaniya na alamin ang tungkol sa naturang personalidad. Natuklasan niya na gumradweyt ng kolehiyo ang naturang binata at nakapagaral sa mataas at kilalang paaralan sa States, ang Hardvard University. Ang mga magulang nito ay sina Edward Kiert Del Pacio at Sam Villaverde na parehong nagtataglay na kahanga-hangang karisma. Kahit asar na asar siya sa mukha ng binata lalo pa tuwing maalala kung paano ito naging intruder sa kaniya kahapon sa cemetery ay hindi pa din niya naiwasang humanga sa taglay na kaguwapuhan ng binata na nakuha mula mismo sa mga magulang nito. Napakadisente ng binata kung tingnan sa nasabing larawan. Malayong-malayo sa pormahang pinoy at napaclass ng dating. Isang bagay na dumagdag sa paging kaakit-akit sa mga mata niya na ewan ba niya at kung bakit sa kabila ng pagkaasar niya rito ay hindi pa din niya maiwasang hangaan ito. 'He was a perfect masculine figure that catched her eyes! Inabot ng pagkamaldita ang kaniyang mukha na anupa't nagbagong bigla ang kaniyang mukha. "So, sa akala mo dahil guwapo kay pwede na kitang kunin bilang COF? Manigas ka!" Usig niya sa binata sa kaniyang isipan na mahigpit pa ding hawak ang papel nito. Mangani-nganing punitin niya ang nasabing application kung hindi lang isang boses ang dagling pumukaw sa kaniyang nawalang diwa. "So gwapo talaga siya, Ms. Z? Indikasyon bang tanggap na siya bilang COF ng Hotel Uno?" Muntik pa niyang makagat ang sariling dila dahil sa pagkagulat ng makita ang kaniyang sekretarya na ansa likuran na pala niya ng hindi niya namamalayan. ______ UMAGA. Eksayted na binati ni Kurt Steve ang kaniyang lola Marret na noon ay maaga pang nagising at agad sa malawak nitong hardin nag destinasyon. Sa edad nitong singkwenta’y singko, mas gusto pa din nitong maghardin kaysa magpahinga na lamang. Ugali na nito gawin iyon tuwing umaga at nagiging daily routine na nga nito iyon. Hindi naman siya tutol dahil na din sa dadalawa na sila sa loob ng malaking bahay kung saan siya pansamantalang nakikituloy. May mga kapatid pa naman ang ama niya na anak ni Lola Marret pero masyadong malayo ang mga lokasyon. May sa Cavite, may sa Pangasinan at iba pa na hindi niya na din nagawang itanong sa kaniyang lola. Medyo nagulat naman ang matanda sa kaniyang biglang pagsulpot sa kinaroroonan nito na may bitbit na dalawang tasa ng kape na nakapatong sa isang serving tray. May dala din siyang dalawang pares ng sandwich na sadyang inihanda niya kanina. Nang magising siya kanina at hinanap ang kaniyang Lola ay agad na rumehistro sa utak niya ang posibleng kinaroroonan nito nang hindi niya makita. Iyon na nga kaya ngayon ay may dala-dala siyang pagkain at kape para rito habang nakangiting lumapit sa busy na matandang maaga pang nagising. “Magkape na po muna kayo at magsandwich. Ipinagtimpla ko po kayo ng kape.” Wika niya at nagmamalaking ipinakita ang dala-dalang merienda. Masayang inilapag niya ang tray sa naroong mahabang bench na yar isa bato at inioffer ang isang tasa ng kape sa matanda. “Heto po, Lola. Tigiisa po tayo. Ako mismo ang nagtimpla ng kape niya.” Ngumiti lang ang matanda na tumigil muna sandali sa ginagawa at lumapit sa apo. “Nag-abala ka pa.” anitong umupo at tinanggal ang sout nitong rubber gloves dahil kasalukuyang nagku-cultivate ito ng tanim na bulaklak nang maabutan niya.IT take two days bago pinayagang makauwi si Zieth Kate ng kaniyang Tito Reden at Tita Emelda, mga magulang ni Zach. Mas minabuti kasi ng mga ito na makarecover muna siya sa trauma bago magbiyahe pauwi ng Cebu. Ito din ay para siguraduhing kaya na nya ang bumayahe sa pag-alala ng mga ito na baka sa flight pa siya atakihin ng traumatic aftershock.Private helicopter nila ang susundo sa kaniya ngayon sa mismong private landing area ng pamilya ni Zach. Kaninang umaga ay tumawag ang kaniyang Tito Salvador na ngayon siya susunduin nito at ito mismo ang magigig piloto ng naturang helicopter.“Mag-iingat kayo cuz sa pag-uwi niyo.” Madamdaming wika ni Zachary habang nagpapaalam siya. Hinihintay na lamang niya ang pagdating ng naturang sundo. “I will surely missed you. Kahit ngayon pa nga lang.”Natawa naman siya sa nakayukot na mukha ng pinsan niyang hanggang ngayon ay hindi pa din niya matrace-up kung straight guy ba o bottom. Sa kabilang banda, she still admire his deepest concerns and sym
KASALUKUYANG nasa dining room na si Steve ng umagang iyon at kasalukuyang nagtitimpla ng sariling kape. Maaga siyang nagising kahit marami na ang hindi magandang nangyari sa party niya kagabi. Hindi na din niya alam kung nakauwi na ba si Billy dahil sa naganap na alitan sa kanilang dalawa ng gabing iyon.Ang buong akala niya ay isang totoo at solid na kaibigan si Billy. Muli lang pala siyang sasampalin ng nakaraan patungkol din sa pinagkakatiwalaan niyang bestfriend.Mabibigat ang mga kamay na naglagay siya ng dalawang teaspoon ng brewed coffee at nilagyan ng konting white fined sugar. Hinalo niya iyong mabuti at tinikman. “Itigil mo na iyang binabalak mong paghihiganti.” Muntik na siyang mapaso dahil sa biglang pagsalita mula sa kaniyang likuran. Kilala niya ang boses na iyon kaya hindi na siya nagulat nang makita ang kaniyang Lola Marett. Kita niya ang asim sa mukha nito at nang-uusig na mga mata. Alam niyang hanggang ngayon ay badtrip pa din ito sa kaniya kaya wala siyang bala
Nakauwi na sa mansion si Euve ng mga sandaling ito. Sinadya niyang umalis kanina sa kaarawan ni Steve nang hindi nagpapaalam dahil nasa komprotansiyon pa ang lalaki patungkol sa babaeng bigla na lamang sumulpot sa eksena at daig pa ang octupos kung makayakap kay Steve.Hindi na niya alam kung ano ang naging pag-uusap at palitan ng sagot ng mga ito. Ginamit niya ang pagkakataon para maka-split dahil sa totoo lang ay napagod siya. Ewan ba niya kung bakit napagod siya ngayong araw gayong wala naman siyang ginawa sa kaniyang pagpunta roon kundi umupo at uminom ng wine. Alam niyang magtataka si Steve sa piglang pagkawala niya sa party nito pero saka na niya poproblemahin ang magiging katwiran niya sa oras na tanungin siya ng lalaki. Wala naman siyang kinalaman sa away ng maglola at kung sino man ang babaeng lumitaw sa party.Kung ano man ang problema ng mga iyon, problema na nila iyon. Basta ang gusto lamang niya ay makauwi at makapagpahinga. Pasalampak siyang nahiga sa malambot na kama.
WALANG balak si Steve na ikulong ang sarili sa loob ng mansiyon ng mga oras na iyon. Hindi pa tapos ang party. Kaya lang naman siya pumasok sa loob para makapag-usap sila ng maayos ng kaniyang Lola Marett. Ngayong nakapag-usap na sila ng maayos at wala naman silang masyadong pagdidikusyunan, oras na din para lumabas siya at bumalik sa party.Palabas na siya ng makita si Billy mula sa itaas. May dala itong isang maleta na kung hindi siya magkakamali ay mga gamit nito. Iisa ang nasa isipan niya, aalis na ito ngayong gabi mismo.Sinalubong niya upang komprontahin.“Mabuti naman at hindi na kinaya ng hiya mo sa katawan.” Salubong niya rito na tiim-bagang tinitigan ang kaibigan niya. No! Correction! Hindi niya ito kaibigan! Wala siyang kaibigang sinungaling at higit sa lahat, balimbing!Gumagalaw pa ang mga kaugatan sa panga niya na parang mag-alpasan. Sa dami ng nangyari ngayong gabi at sa pagsira nito ng kaniyang party, kahit hindi na sila muling magkita ng kaniyang kaibigang ito ay ayo
“I am so little disappointed.”Tinig iyon ni Lola Marett. Steve tries to calmed her down pero parang wala itong balak kumalma. Kanina nang bigla itong magtaas ng boses ay agad niyang inilayo sa karamihan para hindi na sila mas lalo pang maging intriga sa lahat. Kabi-kabila ang mga kumukuha ng larawan na kung hindi siya magkakamali ay mga Socmed user na walang hinihintay kundi ang may masagap na pag-uusapan online.Nakaupo siya sa mahabang sofa nila habang ang kaniyang Lola naman ay nasa kabilang parte. Her fingers, resting on the center table that separated them, were moving. Hindi ito mapakali. Malalim din ang iniisip nito.‘Lola, just calmed down. Everything is in control.”Kung kanina ay parang ayaw siya nitong tingnan, ngayon ay para itong mangangain ng tao the way she look at him. Mabagsik, nakataas ang mga kilay at halos magsiuslian ang mga ugat sa leeg.‘Why should I? How could I calmed down? Sino bang babae na iyon? And what is the truth between you and you said, your new bos
ALAM ni Zieth Kate na hindi solusyon ang pagkulong sa loob ng C.R na ito ag makaiwas kay Mr. Chingson. Magiging grounds lang iyon para maalarma ito na nakatunog na siya sa masamang tangka nito. Kutob pa lang naman ang sa kaniya.She has this gut feeling that’s making her incredibly uneasy. Her heart has been racing uncontrollably. How can she stops feeling this way? Just the way he stares at her, she can sense his desire to ruin her. She’s only a human, a woman who can easily detect danger just from a look.Marahas siyang bumuga ng hangin. Isang malalim na inhale at exhale ang kaniyang ginawa. Nagpapasalamat naman siya ng maging epektibo ang kaniyang ginawang iyon. Matapos marelax ang sarili ay inayos niyang mabuti ang kaniyang poise. To the max na hindi iyon mapansin ng lalaking hindi niya alam kung bakit naging isang banta sa buhay niya ngayon!“What took you so long?” bungad sa kaniya ng lalaki ng iluwa siya ng pinto. Nakaupo na si Mr. Chingson at hawak-hawak ang isang bagay na umu