Share

CHAPTER FIVE

"MS. AVERY!"

Ayan na naman siya. Opo kanina niya pa po ako hinahabol ng sasakyan niya. Ano kayang nakain ng Simpson na 'to at ba't naging makulit?

"Sabi ko nga iwan mo ako diba!?"

"And i also said no."

Numumuro na 'to, susuntukin ko na ba? Pigilan n'yo 'ko.

"Look I'm very sorry sa mga sinabi ko sayo. I admit my mistake, I'm really sorry."

"'Wag mo nga akong tingnan nang gan'yan. Naiirita ako sa mukha mo, oo na sige na."

I started walking na umaasa na sana tantanan niya na ako, pero akala ko lang pala.

"You can ride with me. Come on, let's go."

Bumaba siya ng kotse nang hindi ako tumigil sa paglalakad at walang pasabing agad niya akong hinapit sa bewang na parang sako lang ng bigas.

"Simpson! Ibaba mo ako rito! Hindi ako pumayag na sasakay sa'yo!"

"Shut up, Avery."

Walang kahirap-hirap n'ya 'kong isinakay sa loob ng kotse n'ya.

"Ano ba ang nakain mo? Ba't ang kulit mo ngayon, ha?"

Pumasok siya sa kabilang bahagi ng sasakyan at pinaandar ang sasakyan.

"Nothing. Uhm, actually I wanna talk to you for some important matters?"

"At ano yun, aber?"

"Can you pretend that you're my girlfriend in front of my mother? I'll pay you? I promise or maybe you want my body? My kiss?"

Ano raw? Eh, gago pala 'to ano akala n'ya sakin? Bayaran!?

"Stop!"

"What?" naguguluhang tanong n'ya habang patuloy sa pagmamaneho.

"Bingi ka ba!? I said stop! Bababa ako! If you think na bayaran akong tao, mag-isip ka ulit!"

Agad akong bumaba sa sasakyan niya nang tumigil ito at tamang-tama naman na nasa gate na kami ng school.

"Oh, and one thing. I'm not interested on your body," pahabol ko pa.

Pinukulan ko pa siya ng nang-iinsultong ngiti. Hay naku! Tagasira talaga ng araw si Simpson!

------------

Nakikinig ako sa subject teacher namin kaso 'yong gag*ng teacher ko panay tawag sa akin at utos na kesyo magwalis sa labas na kesyo bilhan siya ng pagkain.

"Let me excuse, Ms. Avery. Can you buy a bottled water? Thank you."

"Kumuha ka na lang kaya ng maid dito, sir? Charot lang," pabirong wika ko at dahil OA ang iba kong kaklase, mayroon silang sama ng tingin sa 'kin, mayroon namang ibang nagbubulungan at mayroong tumatawa.

As i looked in his eyes all I can see is coldness, nothing else.

"Sabi ko nga sir bibili na, excuse me po," wika ko sa teacher na kasalukuyang nagtuturo sa amin ngayon.

I left in the classroom immediately baka kasi pagalitan naman ako. Mapapahiya pa 'ko imbis na sundin ko na lang.

As I look at my watch, 3:30 na pala. What if mag-cutting muna ako minsan lang naman 'to?

"Teh, pabili nga po mineral water isa. Salamat po."

"Oh, ikaw na naman? Dami mo yatang iniinom na tubig," wika ng tindera rito sa canteen.

"Ahh, wala po natatae po kase 'yong teacher ko. Nhihirapan siyang ipalabas kaya nagpabili ng tubig."

"Ahh, gano'n ba? Sino ba 'yon?"

"Ahh, si Prof Simpson. Alam niyo ba sobrang sakit ng tiyan n'ya ro'n."

Patuloy lang ako sa paggawa-gawa ng kwento sa kan'ya nang mapansin ko na nagsisikuhan ang dalawang tindera at pinapanlakihan ako ng mata.

"Tapos ka na? Mamamatay na ako sa uhaw nagchi-chismis ka pa rito."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Prof. Grey sa likuran ko.

"M-Magandang hapon, sir. Pasensya ka na nagtanong kasi kami kung bakit naparami yata ang bili niya ng tubig 'yon pala masama 'yong tiyan n'yo, kamusta ka na, sir?"

"What?" Halata naman ang iritasyon sa mukha n'ya.

"Ahh, wala 'yon, prof. Halika na, baka mahuli pa ako sa klase! Halika na!"

Hila-hila ko siya paalis, mahirap na baka pagalitan niya ako sa counter ng canteen nakakahiya kaya. Buti na 'yong advance mag isip.

"Tss, get off me, masyado ka nang nag-eenjoy sa braso ko."

"Ayy, sorry naman. Braso mo pala 'yon? Akala ko kasi kahoy."

"Stop that nonsense. Give me my water."

Agad ko namang binigay sa kan'ya ang tubig saka naunang umalis. He called me, but i didn't stop. Nakita ko kasi 'yong mukhang kuto niya na kalandian kahapon.

Nang makabalik ako, sinalubong naman ako ng nanunudyong mga tingin nina Clyde at Lhor.

"Buti naman nakabalik ka na. Akala namin ni Clyde nalunod ka na or to be exact kayong dalawa ng prof mo sa tubig."

"Exactly, pero infairness pag nalunod kayong dalawa ni prof parang romantic 'yon."

"Ikaw clyde nahahawaan kana sa ka-cornyhan ni Lhoraine, at ikaw Lhoraine ang OA mo! Bottled water lang ang binili ko kasalanan ko ba na sinundan ako ng kutong lupa na 'yon."

Agad akong pumasok sa classroom at kinuha ang bag ko dahil tapos na rin naman ang klase.

Nagsimula na kaming maglakad sa hallway, nang may nakita akong bulto ng tao na nakatayo sa dulo ng hallway.

"Ahh, una na ako Beshie Ara. May date pa ako, ingat ka." Nag-flying kiss pa siya sa akin bago na maglakad papalayo.

I heard Clyde said "tsk" while Lhoraine starts walking towards her fling.

"Clyde, tapatin mo nga ako. May gusto ka ba kay—"

"Alis na ako, Ara, pupunta pa ako ng ospital. I have part time there. Goodbye."

Makakaripas naman ng takbo 'to akala mo naman may tinatakasan or nakakita ng multo.

Hays, Ara, mag-isa ka na lang umuwi.

I was about to walk when someone grabbed my wrist and we entered into a dark room. Bakanteng room ito sa hallway, I was about to shout kasi hindi ko nakikita ang mukha niya and baka ano pa gagawin niya sa 'kin.

"Shut up! Don't shout, its just me."

"Simpson, ano ba! Para kang gag*."

"I'm so sorry that i have to this, but please I'm begging you, Ara. Please I really need your help."

I remain silence, para pakinggan at syempre kung anong maipaglilingkod ko na tulong sa kan'ya.

"I really need you right now, ano kasi uhm, can we pretend that we're lovers? Please."

"No."

"Please naman, Ara. Please kahit para kay mama na lang?"

"No."

"Please naman Ara.. my mama is in a critical condition in the hospital right now and hindi pa alam if makaka-survive siya sa sakit niya. She's begging to me na kahit makita niya lang ang girlfriend ko before she die."

Alam mo 'yong feeling na guilty ka pero pinapadaig mo pa 'rin 'yong pride mo. Awang-awa ako sa kan'ya, I can sense na nagsasabi s'ya ng totoo. Nafe-feel ko rin na nagpipigil s'ya ng iyak n'ya. Why are you doing this to me, Grey?

"N-No."

The f*ck! the guilt is eating me. I was about to leave when he said something na nakapagpatigil sa akin.

"Babawiin ko na, hindi kita ibabagsak. Ipapasa na kita sa subject ko. How about that?"

Agad akong napaharap sa kan'ya with an evil grin. Grab ko na 'to! Para sa future ko 'to! Sa wakas, makaka-graduate na si Ara!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status