Share

CHAPTER SIX

PAPASOK na kami sa pintuan ng hospital ng bigla siyang tumigil.

"Give me your hand."

"Ha?"

"I said give me your hand."

Inosenteng binigay ko ang kamay ko sakanya at pinag tiklop niya iyon sa kamay niya i felt uneasy kase shemay! what if may makakita salamin na mag aaral sa paaralan baka ipagkalat n'on na mag jowa kami ni Simpson.

"Look Ara if you're thinking that someone might see us, hindi mangyayari yun. Okay?"

I just nodded as a reply

"Mrs. Simpson"

Wika niya sa nurse station na kaagad naman binigay ng nurse ang number ng kwarto nito.

Agad naman kaming sinamahan ng nurse papunta sa kwarto ng nanay ni Grey pero alam mo beh yung tingin niya kay Simpson ang lagkit parang kakanin.

"Hi mama good afternoon" Pag bukas ng pinto ito agad ang bungad niya sa nanay niya.

(𝘔𝘢𝘮𝘢 - 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘢𝘤𝘤𝘦𝘯𝘵)

"Oh hi hijo, Oh my! Hi Avery! You're here" ngiting wika nito habang pilit na tumayo

Inalalayan naman siya ni Grey na makaupo sa hospital bed.

"Hi po! Ara na lang po, kamusta po kayo? " Nahihiyang tanong ko

"Call me mama " turan niya

"Ha? mama? Nako po nakakahiya naman yun. Hehe" Sabay kamot sa batok na wika ko, na pa tingin naman ako kay Simpson pero ang hakdog tumango lang

"Mama." Mahina ngunit tama lang na marinig naming tatlo

"Oh my I love it, so kailan kayo mag papakasal ng anak ko?" Halos mahulog naman ako sa inuupuan ko sa tanong niya

Tumikhim naman si Simpson para makuha ang atensyon ng nanay nito at tumingin naman ito sakanya na nag hihintay ng sagot.

"Well ma bago pa lang kami kinikilala pa namin ang isa't isa" sagot nito

"But im getting older now, sinabi ko naman sayo na hindi mo na kailangan mag trabaho kase sayo pa rin naman mapupunta ang kompanya but you aren't listening. All I ask is apo"

Tahimik lang ako sa gilid ayaw ko nang kumibo kase feeling ko anytime kapag mag salita ako matatanong ako, tapos what if mag kamali ako ng sagot diba, hopia na agad yung plano

"Why don't we ask Ara's opinion anak?" Naka ngiting wika nito habang tumingin sa akin

"H-Ha? Ahahaha Ano po kase.. nag aaral pa po ako, saka na po siguro kapag nakapag tapos na ako. " sabay kamot sa batok sa sagot ko

Tamang-tama naman na pumasok ang nurse para i-check ang BP niya, agad ko naman pinandilatan si Grey ng mata ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay na para ba naiintindihan ang pinapahiwatig ko.

"Magandang idea nga yun, sige I'll agree but in one condition!"

Nagulat naman ako sa biglang pag taas ng boses niya.

"I want to have an apo na" malungkot na turan nito

Para ko naman nalunok ang dila ko at hindi makapag salita.

Seryoso talaga yung mama niya.. Shems kailangan namin mag buo nang panibagong plano.

Napakamot na lamang ako sa batok.. Baka sa kakakamot ko dito pati dumi mapasama.. Charot! malinis ako ha!

" We'll see about that mama but anyway wag mo'ng kalimutan ang gamot mo narinig ko sa mga nurse nag mamatigas ka raw. " pag sermon ni Grey sa nanay niya

" Alam mo anak na ayaw na ayaw ko dito sa hospital at parang mapadali ang pagkamatay ko dito dahil sa hindi ako makagalaw tanging higa lang ang ginagawa ko buong araw wala man lang ako'ng kausap, If only I have someone to talk here " malungkot na wika niya, napatingin naman ito sa gawi ko at biglang nag bago ang expression na tila ba may naisip. " Baka pwede mo ako dito na samahan Ara? Gusto ko lang may ka-kwentuhan. " nakangiting wika nito

Ano pa ba ang magagawa ko? Lakas sakin ni tita tatanggi pa ba ako?

"Sure po m-mama " nahihiyang sagot

Hindi pa ako sanay na tawagin siya ng mama like uhh.. OA mo na Ara sobra -_-

"So I guess mauuna na lang ako susunduin na lang kita mamaya para mahatid pauwi " sabi ni Grey

Tumango na lamang ako.

Lumipas ang ilang minuto matapos maexplain sakanya ng Doctor kung kamusta na ang kalagayan ng nanay nito nag paalam na siya.

Akala ko aalis na siya ng tuluyan nagulat ako ng lumapit siya sa kinauupuan ko at yumakap saakin.

Susme! Sasakalin ko to ang daming pasabog sa buhay!

" Pag ako mainis Simpson makakatikim ka ng Rasengan sa tiyan "

He just chuckled and hold my face and kissed me on my forehead.

Halos natulala ako ng ilang minuto at hindi naka galaw sa upuan kung hindi ako tinawag ni tita baka hindi pa ako mapabalik sa ulirat.

" You're really gorgeous hindi ako na ako nag tataka kung bakit nagustuhan ka ng anak ko, ang mga tingin niya sayo aysusme ang tanda ko na para kiligin pero kinikilig ako sainyong dalawa" naka ngiting wika ni Mrs. Simpson

" Hindi naman po sa ganon baka dahil na rin po yun sa nag kakasundo kami sa kahit ano man na bagay" sagot ko

Nako kung visible lang yung sungay ko ngayon baka umabot na ng kisame ang haba nito kakasinungaling. Kami? Mag kakasundo sa lahat ng bagay? Kelan? Pati siguro ako magugulat kapag nangyari yun.

"Alam mo ba masaya ako nang ipakilala ka nang anak ko? Ngayon lang ulit siya may pinakilalang babae saakin matapos silang mag hiwalay ng landas ng kaibigan niya"

"Bakit po? Ano po ba ang nangyari?" Oh diba? Chismosa ko talaga kahit kailan.

" May pinakilala siya noong bata pa siya saakin na babae sobrang close nila no'n halos sa lahat ng bagay, ma pa achievement, contest, at sports pareho sila ng kinukuha ng batang yun. Ngunit nang mag idad 16 si Grey at kaarawan niya noon ay iniwan siya ng batang babae nangibang bansa ito dahil gusto niyang masungkit ang pangarap nito na pagiging artista "

" Artista? Ibig mo po ba na sabihin dati gusto rin ni Pro---Grey na maging artista? " tanong ko rito.

Kase nga diba sabi ng mama pareho daw sila sa lahat ng bagay?

" HAHAHA Hindi na dahil malalaki na sila at umiba na rin ang mga pangarap nila si Grey dati pa man ay pangarap niya na talaga maging guro. " masayang kwento nito

"Pero alam mo ba noong umalis ang babaeng yun hindi na lumabas ng kwarto si Grey at hindi niya na dinidiwang ang kaarawan niya. " dugtong pa niya

Lakas ng tama ni Prof Grey, Bakit nandon ba yung handaan sa batang babae na yun para hindi niya na idiwang ang birthday niya? Like heller.

"Sa tingin ko may gusto si Grey d'on mama " siguradong-sigurado na sagot ko.

"Kaso ang tanong mahal ba siya?"

Luh makarealtalk naman to si mama ang harsh pati tuloy ako nag overthink kung mahal niya pa ako, ay charot wala pala ako no'n practice lang.

" Yun lang.. " ito lamang ang nasagot ko.

"Hindi na namin binabanggit ang pangalan ng babaeng yun dahil nagagalit siya kapag naririnig niya iyon" dugtong pa niya.

"Grabe lakas talaga ng tama niya kay Grey" sabi ko

"Pero sa tingin ko mukhang hindi na ngayon hija kase ang ting----

" HAHAHHA! Mama wag po baka kiligin ako dito nako gugulong talaga ako dito sige" biro ko dito

Beh hindi ko na keri yung idudugtong ni mama namumula na ako, baka mamaya maging kamatis na ako dito.

Bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto kaya agad akong tumayo at pinuntahan ito at bumungad sa akin ang matipunong katawan, well molded ika nga nila .

"Are you done? Baka gusto mo akong papasukin?" Grey

"Anong done ka diyan? Mukha ka kasing pinto akala ko di ko pa na buksan"

"Isa pa na pang pilosopo Avery sinasabi ko sayo hahalikan kita dito."

"Sige nga? Matapang ka diba? "

"Don't provoke me Ms. Avery "

Agad niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko and he's looking on my lips.

"Who's in there Ara? " rinig kong tanong ni mama

Hindi ko napansin na nag pipigil na pala ako ng hininga, Agad kong tinulak sa mukha si Grey sa gulat. Narinig ko siyang nag mura pero hindi ko yun pinansin at humarap sa kinaroroonan ni Mrs. Simpson.

"A-Ah si G-Grey po mama " pulang-pula yung mukha ko at iniisip na sana hindi niya nakita ang kaganapan namin kanina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status