Andy's Point Of View.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, puting kisame ang unang bumungad sa akin. Pero wala naman kaming kisame at mas lalong wala kaming chandelier sa bahay, teka nasaan ba ako?! Mabilis akong bumangon at nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng mapagtantong wala ako sa bahay namin dahil wala naman kaming ganito kalaking sala, wala kaming malaking TV at tiles na sahig. "Gising ka na pala." Napalingon ako sa nagsalita at mas lalo akong nagulat ng makita iyong lalaking mayaman kanina. At doon ko napagtanto na nandito ako sa loob ng mansyon niya. "P-Pasensya na sa naging abala ko, Sir," nahihiya kong sabi, nakaupo na ako ngayon dito sa malambot niyang sofa. Anong oras na kaya? Kailangan ko ng umalis. Tumayo na ako at muling tumingin sa kaniya, napansin ko siyang nakacross arms habang nakaupo sa isa pang sofa. "Salamat sa tulong mo, Sir. Sorry ulit sa abala, aalis na po ako." "I'm sorry too but you cannot leave." Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya, anong sinasabi nito? "Bakit po?" Nakita ko siyang tumayo at lumapit sa akin. "Mali ang package na binigay mo sa akin." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Paanong mali, Sir? Eh nandoon naman iyong address at pangalan mo sa box?" "Pero hindi ko naman na kasalanan 'yon, baka iyong seller ang nagkaroon ng problema." Nakita ko ang pag-ilang. "No, that's not my package. Sapatos ang binili ko, bakit tsinelas ang dumating?" "Sa seller na lang po kayo magreklamo dahil wala akong kinalaman diyan. Ang trabaho ko lang po ay magdeliver," mahinanong paliwanag ko ngunit napansin ko ang pagkunot ng noo niya. "Hindi ka makakaalis hangga't hindi mo binabalik ang pera ko." Napanganga ako sa narinig, hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Totoo nga, hindi lahat ng mayayaman ay mababait, ang halimbawa niyan ay itong lalaking nasa harapan ko. Malakas akong bumuntong hininga bago humakbang paatras. "Teka lang naman, Sir," mahinanong sabi ko. "Hindi mo pwedeng kunin ang pera, dahil tulad ng sabi ko. Hindi ko kasalanan na mali ang package na nakuha mo. At kapag kinuha mo ang pera, ako na ang magbabayad ng package mo." "And do you think I care?" Natigilan ako sa narinig, parang gusto ko siyang murahin bigla. "Oo, alam kong wala kang pakialam dahil hindi naman big deal sa'yo ang limang libo eh," seryosong sabi ko. "Pero sa akin, malaking bagay iyon. Hindi naman kalakihan ang sinasahod namin, at may pinapaaral pa akong kapatid ko. Hindi ko pwedeng ibalik ang pera mo." "Ide-demanda kita." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, naubos na ang pasensyang natitira sa akin. "Paano, Sir? Eh wala namang akong kinalaman kung bakit mali ang nakuha mo?!" may kalakasang sabi ko, nakakunot na rin ang noo ko dahil sa inis na nararamdaman. "Ang seller ang idemanda mo at huwag ako dahil ginagawa ko lang naman ang trabaho ko rito." "What's with the shouting? Is that how delivery riders usually talk to customers?" "Eh tanga ka pala eh!" mas malakas kong sigaw, wala na akong pakialam. Tarantadong lakaki 'to. "Hindi ka kasi makaintidi, Sir! Pagod ako at gutom, kaya pwede ba? Uuwi na ako." Nakita ko naman ang paglabas niya ng cellphone. "I'll talk to your manager." "Bakit?!" Tinignan niya ako bago muling tumingin sa cellphone. "For insulting me." Sarkastiko akong napatawa sa narinig, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Alam kong mali ang sinabi ko, pero hindi niya kasi ako maintindihan! Kung sino pa ang mayaman at nakapag-aral, sila pa itong mapupurol ang utak. "I'll tell your manager to fire you." Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig 'yon. "H-Hindi mo pwedeng gawin 'yan," kinakabahang wika ko at nakita ko naman ang pagngisi niya. "Yeah? With all the money I have you think I can't do that?" Natahimik ako, alam kong kaya niyang gawin 'yon. Alam ko kung paano maglaro ang mga mayayaman, mga wala silang puso at awa. "A-Ano bang gusto mong mangyari?" halos pabulong kong tanong, hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Paano na ang pag-aaral ng kapatid ko? "Marry me." "Ano?!" Gulat akong napatingin sa kaniya, tama ba ang narinig ko? "Yeah, marry me if you don't want to lose your job," seryosong sagot niya, mariin ang tingin sa akin. "Teka lang, Sir. Hindi kita maintindihan, bakit naman kita papakasalan? Ilang taon ka na ba?" Nakita ko ang pagsimangot niya. "Do I look like a senior citizen to you? I'm only 28." "27 ako, pero bakit kita papakasalan? Ganyan ba ang trip niyong mayayaman?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Look, I witnessed a crime and I'm now under witness protection control. Gusto akong bigyan ng security guards ni Lolo pero ayoko, kaya sinabi kong mayroon akong girlfriend na former secret service agent," paliwanag niya. "Pumayag naman siya, pero gusto niyang pakasalan ko ang girlfriend ko. But..." "Pero wala kang girlfriend? Nagsinungaling ka lang?" "Yeah and now I'm looking for someone to marry." "At ako ang napili mo?" tanong ko, tinuro pa ang sarili. "I lack options you know." "Aba?! Parang gusto kitang pakasalan, ha?!" "Magbebenifit ka rin naman sa kasal na 'to." Napakunot ang noo ko. "Paano naman?" "Bibigyan kita ng pera every month. 30 thousands." Natahimik ako sa narinig, malaking halaga na iyon at paniguradong magbabayaran ko ang utang ko kay Aling Fe. "P-Pero hindi biro ang pagpapakasal, naiintindihan mo ba 'yon?" sabi ko. "Hindi kita kilala at ganoon din ako sa'yo, bakit hindi mo na lang kasi sabihin sa Lolo mo na nagsinungaling ka? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." "I don't need to know you to marry you, nauubusan na ako ng oras. At wala akong balak na sabibin kay Lolo ang totoo." Natahimik naman ako sa narinig, ganito pala ang problema ng mga mayayaman? Akala ko ang problema lang nila ay kung paano nila uubusin ang pera nila. "What now? Papayag ka na?" muling tanong niya, mukhang naiinip na. "Kung ako sa'yo, huwag ka ng mag-isip. Dahil kung hindi ka naman pumayag ay bukas na bukas ay wala ka ng trabaho." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, mabilis akong lumapit sa kaniya. "Sino bang may sabing ayokong magpakasal?" sabi ko sa takot. "Tara na, nasaan ang wedding gown ko?"Andy's Point Of View."I know, 'Lo. Andy's different. . . " Narinig kong sagot ni kumag kaya sandaling nawala sa isipin ko kung kilala ba ng kaniyang Lolo si Rhea.Lumingon ako sa kaniya at noong napansing nakatingin ako ay tumingin din siya sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ako muling bumaling sa kaniyang Lolo.Pilit akong tumawa. "U-Unique talaga ako, walang katulad," sabi ko na lang, pinipilit iwaksi kung bakit ako kinakabahan. Narinig ko naman ang pagtawa ng Lolo niya ngunit sumang-ayon din.Natapos naman nang mapayapa ang almusal namin, inabot din ng tanghalian na nanatili ang Lolo niya. Ang haba kasi ng napag-usapan nila, at para sa privacy, siyempre, umakyat ako sa kwarto ni kumag dahil nga ang sabi niya ay i-lock ko ang kwarto ko kaya no choice kundi sa kwarto niya pumunta.Dito siya nagtanghalian bago umalis, mabuti na lang talaga dahil si kumag pa rin ang nagluto dahil wala akong alam na lutuing pang mayaman. Baka magulat ang Lolo niya kapag naglapag ako ng prito
Andy's Point Of View.Narinig ko ang pagmumura niya. "What is he doing here? Wala siyang sinabing pupunta siya. Fvck!""Aba anong malay ko, tangina? Anong gagawin natin?" nanlalaking mata kong tanong, para kaming mga kriminal na kinakabahan dahil nahuli kami ng mga pulis.Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "Okay, calm down. Lock your room, hindi niya puwedeng malaman na magkaiba tayo ng kwartong tinutulugan.""Gago ka ba? Ang alam niya lang ay shota mo ako at hindi asawa!" pagtutol ko. "Kaya ano namang problema kung magkaiba tayo ng kwartong tinutulugan?""It's not like that fvck!" inis niyang ani. "Just like your room, sasalubungin ko siya sa baba at ayusin mo ang kwarto ko. Pagkatapos ay bumaba ka, at huwag mong kalimutang umarte.""Ano ako? Katulong?!""Just do what I've said! Goddamn it!"Hindi na ako nakapagsalita pa dahil kaagad siyang kumuha ng t-shirt, basta na lang iyong sinuot bago lumabas ng kaniyang kwarto. Inis akong napakamot sa ulo bago tingnan ang kabuoa
Andy's Point Of View.Sinubukan kong umayos ng pwesto sa paghiga ngunit hindi ko 'yon magawa dahil ramdam ko ang mga kamay niyang nakayakap sa bewang ko. Napadilat ako at nakita ang itsura naming dalawa, nakasiksik ang mukha niya sa aking leeg, ramdam ko ang mainit niyang paghinga... Mukhang tulog na tulog. Nakasuot na ako ng damit niya, malaki nga ito sa kaniya. Habang siya ay walang saplot sa itaas ngunit may suot ng short.Mahina ko siyang tinapik. "Hoy, kumag. Pakawalan mo 'ko," sabi ko sa kaniya ngunit wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya kaya napairap ako.Ano ba naman 'tong lalaking 'to. Siya pa talag ang napagod nang sobra sa ginawa namin kagabi? Pero sabagay... Siya lang ang kumilos sa amin kagabi, taga-tanggap lang ako. Pero ako dapat ang mas napagod! Hindi siya!Muli ko siyang tinapik. "Nagugutom na ako, bumagon ka riyan.""Hmmm?"Sasagot na sana ako ngunit natigilan ako nang mas lalo niyang ilapit ang katawan ko sa kaniya, humigpit din ang pagyakap nniya sa akin.
Warning: R18 Andy's Point Of View Sinubukan kong alisin ang ulo niya sa aking leeg ngunit mas lalo niya lang niyakap ang bewang ko at diniin ang ulo sa akin. "Para ka namang bata, kumag!" natatawang sabi ko dahil hindi ako makapasok-pasok sa villa dahil sa pagharang niya sa. Natigilan ako sa pagtawa noong maramdam ko ang marahan niyang paghalik sa aking leeg. "Answer me. . . Bakit ngayon ka lang?" narinig kong tanong niya bago ako muling halikan sa leeg, ramdam ko ang mainit niyang hininga sa akin. "M-May pinuntahan ako, saka sinabi ko naman sa'yong gabi na ako makakauwi, hindi ba?" sabi ko sa kaniya, pilit hindi pinapansin ang init na nararamdaman ng aking katawan dahil sa ginagawa niya. "Tigilan mo nga ang paghalik sa akin! Galing ako sa labas, marumi ako. Maliligo muna ako!" "I'm so horny right now, Andy. Paghihintayin mo ako?" "B-Baka mabaho ako," nahihiya kong pag-amin ko at mabilis na nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman kong muli niya akong halikan sa leeg. "
Andy's Point Of View."Ate!"Mabilis akong yumakap kay Aemie, gabi na noong nakauwi ako rito sa amin. Nasabihan ko na siyang uuwi ako kaya naghintay talaga siya."Grabe, ilang linggo lang kitang hindi nakita. Namiss talaga kita," sabi niya sa akin bago bumitaw sa pagyakap, ngumiti naman ako. "Mabuti naman pinayagan ka ng asawa mong umuwi?"Napangiwi ako sa sinabi niya, mahina kong hinampas ang kaniyang braso. "Asawa amputa," natatawang sabi ko at naupo sa sofa naming gawa sa kawayan. "Papayag talaga ang kumag na 'yon dahil kung hindi siya papayag baka masuntok ko lang siya sa mukha.""Ang bayolente talaga!"Tinawanan ko lang siya. "Kamusta ka naman dito? Umaaligid pa ba si Aling Fe? Subukan niya lang, nabayaran ko na ang utang ko sa kaniya!""Oo, hindi na nagpaparamdam. Nabayaran ko na rin ang utang natin kay Ate Yena, tuwang-tuwa nga na nabayaran natin ng buo. Kasi diba? Palaging half-half lang ang nababayaran natin dahil binabadjet natin ang pera."Napangiti naman ako dahil sa narin
Andy's Point Of View.Puno ng saya ang relasyon ko kay Liam... Siya ang una ko sa lahat. Ang unang boyfriend ko. Unang first kiss. Sa kaniya ko naranasan lahat. Akala ko pa noon, hinding-hindi ako magkakaroon ng kasintahan. Kasi ang sabi sa akin ng mga nasa paligid ko, walang magmamahal sa isang babaeng kapag kumilos ay mas lalaki pa sa lalaki.Napaniwala naman ako... Alam kong palamura ako, kaya kong manapak at manipa. Alam kong wala akong hilig sa mga magagandang damit, sapat na sa akin ang oversized t-shirt at pants na galing sa ukay-ukay. Wala rin akong hilig sa make-up, aalis ako ng trabaho ng sarili ko lang ang dala. Magkaibang-magkaiba kami ni Aemie, lahat ng ayoko ay gusto niya. Masaya naman ako para sa kaniya dahil iyon ang ang mga bagay na nakakapagbigay din ng saya sa kaniya.Wala rin naman akong pakialam sa mga relasyon, kaya ng ayos lang na walang lalaking magmahal sa akin. Kaya nga noong dumating sa buhay ko si Liam, noong inamin niyang may nararamdaman siya sa akin. Pa