Andy's Point Of View.
Tulad ng inaasahan ko, maganda rin ang loob ng villa na titirahan namin. Mawalak ang paligid, ito ang unang beses na makakatira ako sa ganitong klaseng lugar... Iyong halatang pang mayaman. Iyong bahay kasi namin ni Aemie, maliit lang, kasyang-kasya na para sa aming dalawa lang. "Ang ganda," bulong ko habang nililibot pa rin ang tingin sa paligid. Dahil malawak ang kabuoan ng villa, malaki rin ang sala at maging ang kusina... Kompleto sa gamit lahat. "Tara sa second floor, tuturo ko ang kwarto mo," narinig kong saad ni kumag. "Maayos ba ang lock ng pintuan ng kwarto ko?" tanong ko sa kaniya habang umaakyat kami ng hagdan, napahinto naman ako bigla sa paglalakad dahil bigla siyang huminto at nilingon ako. "Why are you asking? Sa tingin mo papasukin kita sa loob?" tanong niya at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Aba! Ewan ko sa'yo!" sabi ko. "Naniniguro lang, baka bigla mo akong gapangin 'pag gabi eh." Nakita ko naman ang pag-awang ng kaniyang labi na para bang hindi siya makapaniwalang lumabas iyon sa bibig ko. "What the fvck?" bulaslas niya. "Why the hell will I do that?" Ang sarap palang asarin ng mga mayayaman 'no? May pa what the fvck and why the hell silang nalalaman. Tinawanan ko lang siya bago maunang maglakad. "Malay ko sa'yo," sagot ko na lang habang nililibot nag tingin sa paligid. "Parang ayoko na tuloy maniwalang hindi mo ako type." Nilingon ko siya at pinanlisikan ng mga mata. "Tarantado ka? Hindi ba pwedeng nagbibiro lang ako? Wala bang sense of humor ang mga mayayaman?" sunod-sunod kong tanong ngunit ngumisi lang siya sa akin, napairap ako. "So saan ang kwarto ko?" Tatlong kwarto ang nandito sa ikalang palapag, may nakita rin akong hagdan na sa tingin ko ay daan papunta sa terrace. "Here," narinig kong saad niya at tinurok ang nasa kanang bandang pintuan. "Doon ako sa may kaliwa para may isang kwarto ang pagitan nating dalawa." "Dapat lang, baka gapangin mo talaga ako kapag horny ka," sabi ko at nakita ko namang natigilan siya. "Hell no!" sigaw niya sa akin bago nagmadaling pumasok sa kaniyang kwarto. Malakas akong natawa sa naging reaction niya, success ang pang-aasar ko kay kumag. Dumiretso ako sa sinabi niyang kwarto ko at binuksan iyon, hindi ko maiwasang mamangha dahil sa laki nito. Mas malaki pa ito sa sala namin sa bahay. Malinis ang paligid, may king size bed at malaking cabinet. May sarili ring CR, balcony at may sofa pa. "Wow, kailan kaya magiging ganito ang bahay namin ni Aemie?" bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi ko alam kung iniisip ba sa akin ni kumag na isa akong tanga dahil simula kaninang pagdating namin dito ay kitang-kita na talaga sa mukha ko ang pagkamagha. Pero wala akong pakialam, dukha naman kasi talaga akong unang beses lang makapasok sa ganito kagadang bahay kaya bakit ko ipagkakaila iyon? Isipin niya na kung anong gusto niyang isipin dahil sa huli, makikinabang din naman ako rito dahil sa perang ibibigay niya. Wala akong ginawa kundi ang mag-ayos ng mga gamit ko, malapit ng maggabi noong matapos ako. Nagpahinga lang ako sandali bago tinawagan si Aemie, sigurado akong nakauwi na iyon sa bahay ngayon. Ilang ring lang ang lumipas ay sinagot niya ang tawag, pumunta ako sa balcony upang tingnan ang dagat, kaagad akong sinalubong ng malamig na hangin. "Hello, Ate?" saad niya sa kabilang linya. "Nakauwi ka na ba, Aemie?" tanong ko. "Oo, Ate. Kakatapos ko lang magsaing. Ikaw? Nandiyan na ba kayo sa Batangas?" "Oo, kanina pa." "Taray parang honeymoon lang ah." "Tarantado ka!" sigaw ko sa kaniya at malakas naman siyang tumawa. "Bakit, Ate? Totoo naman, after kasal niyo diyan kayo dumiretso." "Baliw ka talaga," bulaslas ko. "Huwag mo ako idamay diyan sa mga ganyan mo." "Kamusta naman ang tinitirahan niyo? Maganda ba?" "Oo," sagot ko. "Magpipicture ako mamaya tapos ise-send ko sa'yo, ang ganda rito. Nasa tapat kami ng dagat. Mahangin tapos tahimik, mukhang kami lang ang tao rito." "Mas mataas ang tsansyang may mabubuo!" "Tarantado ka talaga, Aemie," pagsuway ko sa kaniya. "Mukha bang papatulan ko ang lalaking 'yon? Mas mukha ngang mas masarap pa sa kaniya si Liam!" "Hoy, Ate! Hindi naman sa pinamaliit ko si Kuya Liam ha pero mas gwapo si Kuya Andres para sa akin." "Para lang 'yon sa'yo, mas mabuti pa, magsalamin ka na," wika ko at tinawanan niya lang ako. Nagpatuloy kaming mag-asaran sa call hanggang sa magpaalam siyang kakain na raw siya, binaba ko na naman ang tawag at malakas na napabuntong hininga. Kinuha ko ang isang stick ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan iyon. Nakatingin lang ako sa maalong dagat habang naninigarilyo, nakakagaan sa pakiramdam marinig ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. "So you're a smoker girl." Kaagad akong napalingon sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko ng makita si kumag sa kabilang balcony, may hawak siyang isang beer at nakatingin din sa dagat. "At ikaw naman lasinggero," banat ko, nilingon niya naman ako. "Mas nakakamatay ang paninigarilyo." Umirap ako. "Pakialam mo ba?" Narinig ko ang pagtawa niya. "Ayokong maging byudo kaagad." Napailang-ilang na lang ako sa narinig, hindi ko na siya sinagot pa at nanatili ang tingin ko sa dagat. Malapit nang maubos ang isang stick ng sigarilyo ko ng muli ko siyang marinig na magsalita. "Ikaw ang magluto ng hapunan natin." Kaagad ko siyang nilingon. "Aba? Hindi nga talaga security guard ang kanilangan mo kundi maid. Mukha ba akong katulong ha? Kumag ka talaga." Inirapan niya ako. "Marunong akong magluto. Pagod lang ako dahil ilang oras din akong nagmaneho. Be fair." "Hindi ka ba natatakot na lasunin kita? Pwede ko gawin 'yon tapos kukunin ko lahat ng pera mo at magpapakalayo-layo na ako." "Ang dami mong sinasabi, magluluto ka ba o hindi?" inis niyang sabi, mukhang nauubos na ang pasensya. Malakas naman akong bumuntong hininga. "Oo na, ako ang magluluto. Ano bang gusto mo?" tanong ko, at naiinis ako dahil nagtutunog akong isang maid. "Kahit ano, tingnan mo kung ano ang laman ng ref." Tumango na lamang ako at tinapon ang upos ng aking sigarilyo bago umalis.Andy's Point Of View."She's my maid, I can't believe she's your type."Napahigpit ang kapit ko sa boteng hawak ko dahil sa narinig. Nakatingin lang ako sa kaniya, umaasang babawiin niya ang sinabi niya ngunit wala. . .Putangina niya talaga."She's a maid?" gulat na sabi ng lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan pero pinaupo ko sa couch, lumingon siya sa akin na para bang hindi makapaniwala. "You don't look like a maid to me. Nagbibiro lang si Andres, hindi ba, Miss?"Umismid ako, wala ng pakialam pa. "Tama siya, katulong niya nga ako."Napansin ko ang pag-ngiwi niya dahil sa sinabi ko, maya-maya ay nagpaalam siyang umalis. Nang maiwan kaming dalawa ng kumag na 'to ay parang gusto kong ihampas sa ulo niya ang hawak kong bote."Tangina mo talaga 'no?!" malakas kong sigaw sa kaniya, tuluyan nang naubos ang maiksi kong pasensya. Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin ngayon, nagagalit talaga ako. "Ikaw ang nagyaya sa aking pumunta rito, tapos anong gagawin mo?! Ipapahiya m
Andy's Point Of View.Sa mga sumunod na araw naging mapayapa naman ang buhay ko—at least. Dahil abala si kumag sa kung anong ginagawa niya sa laptop niya, isang linggo kaming halos walang kibuan dahil nakatutuk lang siya sa trabaho niya.Para palang ako lang ang nagbabakasyon dito. . . Pero sobrang boring na rin talaga habang tumatagal dahil wala akong ibang makausap man lang bukod sa kumag.Kung pwede ko lang kausapin ang mga isda at iba pang lamang dapat para hindi ako maburyo, gagawin ko na. Pero baka bigla akong ipadala ng kumag na 'to sa mental hospital kapag ginawa ko iyon.At isa pa, dahil nga busy siya. Wala pang nangyayari sa amin. Hindi naman sa gusto ko, sadyang hindi ko lang talaga maintindihan sa sarili ko kung bakit nahihirapan akong tumanggi kapag hinalikan niya na ako."Hello, ate? Kamusta ka na riyan?" tanong sa akin ni Aemie mula sa kabilang linya. "Mabuti naman, mukhang mas mamamatay pa ako sa buryo kaysa sa inis sa kasama ko rito."Tumawa siya. "Bakit ba naiinis k
Andy's Point Of View.Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago humawak sa kaniyang kwelyo."Huh? May dugo?" tanong niya at tumango ako. "Nakuha ko lang 'yan sa nadaan kong kinakatay na baboy. Nagtanong kasi ako kung saan ang CR."Napailang na lamang ako. "Bakit ba bigla ka na lang kasing nawawala? Hindi ka ba marunong magpaalam? Wala akong ideya kung namatay ka na bang kumag ka."Nakita ko ang pag-irap niya. "I'm fine. Abala ka sa pamimili, susungitan mo lang ako kung magtanong ako sa'yo."Malakas na lamang akong napabuntong hininga, sandali ko pang tiningnan ang dugo sa kaniyang kwelyo ngunit napansin kong hinawaka niya iyon at bahagyang tinago.Andres's Point Of View.Nagpatuloy sa pamimili si Andy pagkatapos ng nangyari, nanatili lang akong nakasunod sa kaniya ngunit pinagurado kong pinagmamasdan ko ang paligid.I really don't get this girl. . . Bakit ba gusto niya pang sa ganitong klaseng lugar mamalengke? Hindi niya ba alam na delikado rito? Napakaraming tao. . . Mahirap na.Flash
Andy's Point of View.Hindi ko talaga mapaliwanag ang relasyon namin ni kumag, hindi ko naman masasabing kaibigan ko siya dahil nakakairita siya masyado—may mga pagkakataon na nabwibwisit ako sa kaniya dahil magkaiba kami ng opinyon, gets ko naman na dahil mayaman siyang tao kaya hinding-hindi niya ako maiitindihan."Why do you want to come?" inis niyang tanong habang irita ang mga matang nakatingin sa akin, hindi naman ako nagpatalo sa kaniya at nagpamewang bago samaan siya ng tingin.Akala niya ba madadala niya ako sa kakaganyan niya? Pwes! Nahanap niya na ang katapat niya."Ano? Ikaw lang ang pwedeng makalabas?" sabi ko, nakakunot ang noo. "Sawang-sawa na ako sa mukha mo, kumag! Hayaan mo naman akong makakita ng ibang tao!"Muli siyang umilang. "But I told you, it's dangerous! Mamimili lang naman ako ng stock natin dahil hindi ko gusto ang mga pagkain na pinapadala ni Lolo, hindi mo kailangang sumama.""Kung ayaw mo akong pasakayin sa mamahalin mong sasakyan, wala akong pakialam. M
Andy's Point Of View."I know, 'Lo. Andy's different. . . " Narinig kong sagot ni kumag kaya sandaling nawala sa isipin ko kung kilala ba ng kaniyang Lolo si Rhea.Lumingon ako sa kaniya at noong napansing nakatingin ako ay tumingin din siya sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ako muling bumaling sa kaniyang Lolo.Pilit akong tumawa. "U-Unique talaga ako, walang katulad," sabi ko na lang, pinipilit iwaksi kung bakit ako kinakabahan. Narinig ko naman ang pagtawa ng Lolo niya ngunit sumang-ayon din.Natapos naman nang mapayapa ang almusal namin, inabot din ng tanghalian na nanatili ang Lolo niya. Ang haba kasi ng napag-usapan nila, at para sa privacy, siyempre, umakyat ako sa kwarto ni kumag dahil nga ang sabi niya ay i-lock ko ang kwarto ko kaya no choice kundi sa kwarto niya pumunta.Dito siya nagtanghalian bago umalis, mabuti na lang talaga dahil si kumag pa rin ang nagluto dahil wala akong alam na lutuing pang mayaman. Baka magulat ang Lolo niya kapag naglapag ako ng prito
Andy's Point Of View.Narinig ko ang pagmumura niya. "What is he doing here? Wala siyang sinabing pupunta siya. Fvck!""Aba anong malay ko, tangina? Anong gagawin natin?" nanlalaking mata kong tanong, para kaming mga kriminal na kinakabahan dahil nahuli kami ng mga pulis.Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "Okay, calm down. Lock your room, hindi niya puwedeng malaman na magkaiba tayo ng kwartong tinutulugan.""Gago ka ba? Ang alam niya lang ay shota mo ako at hindi asawa!" pagtutol ko. "Kaya ano namang problema kung magkaiba tayo ng kwartong tinutulugan?""It's not like that fvck!" inis niyang ani. "Just like your room, sasalubungin ko siya sa baba at ayusin mo ang kwarto ko. Pagkatapos ay bumaba ka, at huwag mong kalimutang umarte.""Ano ako? Katulong?!""Just do what I've said! Goddamn it!"Hindi na ako nakapagsalita pa dahil kaagad siyang kumuha ng t-shirt, basta na lang iyong sinuot bago lumabas ng kaniyang kwarto. Inis akong napakamot sa ulo bago tingnan ang kabuoa