Andy's Point Of View.Mahilig akong magluto, palaging sinasabi ni Aemie na masarap ang luto ko. Pati ang mga kapitbahay namin, madalas akong inaarkila na magluto kapag may okasyon o kaya naman birthday, masarap daw kasi akong magluto.Kay Mama ako natuto, may karinderya kasi kami noon, sikat iyon at pati ibang bayan ay dumadayo pa sa amin para lang makabili at makatikim ng luto niya. Palagi akong nanonood noon kay Mama sa tuwing nagluluto siya kaya nama kalaunan ay natuto ako. Noong nawala si Mama, siyempre nagsara ang karinderya. Ang sabi ng iba ay bakit hindi ko raw subukang buksan ulit dahil masarap din naman akong magluto.Pero kasi wala akong confidence... At isa pa, masyadong masakit sa akin ang pagkawala ni Mama na kahit anong mga bagay na nagpapaalala sa kaniya ay sinusubukan kong kalimutan para kahit papaano... Mawala sa isipin kong patay na siya. Pero hindi. Hindi nawawala ang sakit.Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang kusina, kompleto lahat ng gamit, may o
Andy's Point Of View.Tulad ng inaasahan ko, maganda rin ang loob ng villa na titirahan namin. Mawalak ang paligid, ito ang unang beses na makakatira ako sa ganitong klaseng lugar... Iyong halatang pang mayaman. Iyong bahay kasi namin ni Aemie, maliit lang, kasyang-kasya na para sa aming dalawa lang."Ang ganda," bulong ko habang nililibot pa rin ang tingin sa paligid. Dahil malawak ang kabuoan ng villa, malaki rin ang sala at maging ang kusina... Kompleto sa gamit lahat. "Tara sa second floor, tuturo ko ang kwarto mo," narinig kong saad ni kumag."Maayos ba ang lock ng pintuan ng kwarto ko?" tanong ko sa kaniya habang umaakyat kami ng hagdan, napahinto naman ako bigla sa paglalakad dahil bigla siyang huminto at nilingon ako."Why are you asking? Sa tingin mo papasukin kita sa loob?" tanong niya at sinamaan ko naman siya ng tingin."Aba! Ewan ko sa'yo!" sabi ko. "Naniniguro lang, baka bigla mo akong gapangin 'pag gabi eh."Nakita ko naman ang pag-awang ng kaniyang labi na para bang h
Andy's Point Of View."Mag-iingat ka rito, Aemie. Palagi akong magcha-chat sa'yo. Iyong mga paalala ko sa'yo, ha? Huwag mong kalimutan palagi," wika ko sa kaniya, nakita ko naman ang pag-ilang niya na para bang napapagod na siya sa mga sinasabi ko."Kagabi mo pa 'yan sinasabi, Ate. Ikaw nga dapat ang mag-ingat dahil titira ka sa isang mybahay kasama ang isang lalaki na hindi mo naman ganoon kakilala," sagot niya ngunit ngumiti lang ako."Nag-aalala ka pa talaga sa'kin? Para namang hindi mo alam na marunong akong sumuntok?" natatawang sabi ko.Umaga na ngayon at maaga talaga akong bumangon para mag-impake, hindi ko alam kung ilang buwan kami na nandoon kaya naman medyo marami akong dinala."Baka naman pagbalik mo rito may pamangkin na ako ha?" Kaagad ko siyang sinamaan sa narinig. "Wala sa plano ko ang pagkakaroon ng anak, diba? Wala nga akong planong magpakasal.""Pero kasal ka na ngayon," ngumisi siya."Fake marriage lang, Aemie."Sasagot pa sana siya pero nakarinig kami ng busina n
Andy's Point Of View."Paano pag nalaman ng Lolo mo na hindi naman talaga ako isang former secret service agent?" tanong ko sa kaniya, nandito ako sa passenger seat at siya ang nagmamaneho ng sasakyan.Hindi ako makapaniwalang kailangan ko pang makilala ang Lolo niya, ang sabi niya ay kanina niya lang din malaman iyon. Hindi ko alam, pero hindi ko maiwasang kabahan."Naisip ko na rin 'yan, matalino si Lolo kaya hindi na ako magtataka kung imbestigahan ka niya," narinig kong sagot niya, sandali ko siyang nilingon bago tumingin sa bintana."Oh? Anong gagawin mo pag nalaman niyang delivery rider pala talaga ako?""Nagbayad ako para ipeke ang documents mo, kaya lalabas sa system na dati kang secret agent. Nagpagawa rin ako ng pekeng ID mo," wika niya. "Kaya kung sakali mang mag-imbestiga si Lolo, malalaman niyang nakapagtapos ka ng pag-aaral, at nakapagtrabaho sa mga kompanya."Hindi na ako nagulat noong marinig iyon, tunog malabong mangyari iyong sinasabi niya pero sa yaman niya, impossi
Andres's Point Of View."You're so fvck up, man!" natatawang saad sa akin ni Klayd sa kabilang linya. "Nang blackmail ka ng isang delivery rider? Ganyan ka na ba kadesperado?""Yeah..." Malakas akong napabuntong hininga, ayos lang. Ang mahalaga ay wala na akong problema."I have to see this delivery girl, Andres."Napakunot ang noo ko. "Why?""Alam mo namang kasing wala siyang kasalanan kung maling package ang nabigay sa'yo. Tapos ginawa mo pang i-blackmail. I'm sure may nakita ka sa babaeng 'yan kaya pinili mo.""She's not my type," sagot ko. "She's boyish, ang tapang-tapang pa. Tinawag ba naman akong tanga?""Malamang, hindi mo kasi maintindihan na wala nga siyang kasalanan sa nangyari."Napailang na lamang ako. "Wala na akong pakialam, ang mahalaga ay makakasal na kami mamaya ni Judge Hindez.""Paano kung hindi ka siputin?""Hindi 'yon makakatanggi sa 30 thousands na ibibigay ko sa kaniya kada buwan," paliwanag ko. "She looks like she really needs money, nahimatay siya dahil wala s
Andy's Point Of View.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, puting kisame ang unang bumungad sa akin. Pero wala naman kaming kisame at mas lalong wala kaming chandelier sa bahay, teka nasaan ba ako?!Mabilis akong bumangon at nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng mapagtantong wala ako sa bahay namin dahil wala naman kaming ganito kalaking sala, wala kaming malaking TV at tiles na sahig."Gising ka na pala."Napalingon ako sa nagsalita at mas lalo akong nagulat ng makita iyong lalaking mayaman kanina. At doon ko napagtanto na nandito ako sa loob ng mansyon niya."P-Pasensya na sa naging abala ko, Sir," nahihiya kong sabi, nakaupo na ako ngayon dito sa malambot niyang sofa. Anong oras na kaya? Kailangan ko ng umalis.Tumayo na ako at muling tumingin sa kaniya, napansin ko siyang nakacross arms habang nakaupo sa isa pang sofa. "Salamat sa tulong mo, Sir. Sorry ulit sa abala, aalis na po ako.""I'm sorry too but you cannot leave."Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya, a
Andres's Point Of View."Damn it, Klayd!" inis kong sabi sa aking kaibigan. "What part of earth where I could find a former secret service agent that I have to marry?!""Just tell him the truth," narinig niyang sagot nito. "Hindi naman masama magkakaroon ng bodyguards, para nga lang akong nagbabakasyon dito sa bahay.""Someone died here, remember? And that someone was our friend.""I know... Hindi ko naman sinasabing hindi ako nasaktan sa pagkawala ni Conrad. Pero iniisip ko na lang din ang kaligtasan ko ngayon. No one knows what will happen. Ni-hindi pa nga nahuhuli ang suspect."Malakas na lamang akong napabuntong hininga, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko namang aminin kay Lolo na nagsinungaling ako, mamaya ay bawiin niya ang kompanya sa akin."What's your plan? You're the one causing your own problems."Napailang siya. "Don't state the obvious here, Klayd. I know that.""Ano ngang plano mo?""Hindi ko pa alam, pero sigurado akong hindi ko babawiin ang sinabi ko kay Lolo.""Yo
Andy's Point Of View."Napakahaba na ng utang mo sa akin, Andy. Hihintayin mo pa bang bumalik ang Diyos dito sa lupa bago ka magbayad?"Malakas na lamang akong napabuntong hininga ng marinig iyon kay Aling Fe, parang sampal ng realidad ang sinabi niya sa akin dahil pinamukha talaga sa akin ng mundo kung gaano ako kahirap. "S-Sa sabado pa ang sahod ko, Ate. Promise, magbabayad na ako," sagot ko at noong nakita ko ang pangisi niya sa inis ay alam kong sawang-sawa na siyang marinig ang rason kong iyon.Tangina naman kasi, kung mayaman lang ako, binayaran ko na siya. At hindi ko na sana kailangan pang mangutang sa kaniya."Puro ka naman pangako, Andy. Pasalamat ka nga at mayroon pa akong awa sa inyo ng kapatid mo dahil parehas kayong ulila," giit niya, mariin ang tingin sa akin. "Mauubos na ang laman ng tindahan ko ng dahil sa inyo, mahiya ka naman sana. . . pero sige, pagbibigyan kita sa sabado. Kapag hindi ka pa makabayad ay magkita na lang tayo sa baranggay."Noong umalis siya sa hara