Mag-log inPara kay Kiko, ang pagiging isang simpleng delivery rider ay parte lamang ng tatlong taong pagsubok ng kanyang ultra-mayamang pamilya. Tiniis niya ang pambabastos ng pamilya Zobel at buong pusong pinaglingkuran ang asawang si Karen. Ngunit ang lahat ng kanyang sakripisyo ay nawalan ng halaga nang mahuli niya si Karen sa isang pribadong hotel kasama ang ibang lalaki. Mas malala pa, binaligtad siya nito at pinalabas na siya ang nagtaksil. Ngunit sa mismong araw na pinarurusahan siya ng pamilya Zobel, opisyal nang natapos ang pagsubok ni Kiko. Mula sa pagiging inaaliping delivery rider, nagbalik siya bilang ang bagong Chairman ng Infinity Group—ang bilyonaryong humahawak sa leeg ng negosyo ng pamilya ng kanyang asawa. Ngayong wala na siyang dahilan para magpakumbaba, handa na silang harapin ang galit ng tunay na bilyonaryo.
view moreDiamond Hotel.
"Magandang araw po, Sir, narito na po ang delivery ninyo."
Sigaw ni Kiko atsaka ito kumatok sa p***o ng silid sa hotel, habang hinihintay na lumabas ang umorder ay inayos nito ang kanyang tindig at ang suot niyang uniporme na kulay berde bilang isang delivery rider.
"Sandali lang!"
Sagot ng isang lalaki at dahan-dahang bumukas ang p***o, tila binuhusan ng malamig na tubig si Kiko ng mga oras na iyon, at hindi alam ang gagawin, nanlaki rin ang mga mata nito at natulala ito nang makita ang isang lalaki at isang babae sa loob ng silid! Siniyasat ni Kiko ang dalawa, tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki at isang babae na tumambad sa kaniyang harapan.
Hindi kilala ni Kiko ang lalaking nagbukas ng p***o at ngayon lamang niya ito nakita.
Ngunit sa likod ng lalaki, nakita niya ang pamilyar na babae na nakasuot ng kulay puting bathrobe, medyo magulo ang buhok at gamit ang kanyang kamay ay kinusot-kusot nito ang kanyang mga mata, walang iba kundi ang kanyang asawa—si Karen!
Blagaggg!
Nakaramdam ng panginginig ng buong kalamnan si Kiko kaya’t nabitawan nito ang pagkaing hawak nito at tumilapon sa sahig. Kunot-noong tiningnan ng lalaki at babae ang natapong pagkain sa sahig at mababakas sa kanilang mga mukha ang inis at panghihinayang, matapos noon ay muli nilang tiningnan si Kiko na tuliro pa rin sa mga nasasaksihan.
Habang naguguluhan sa mga bagay-bagay si Kiko, may biglang sumagi sa isipan nito, nagtaka ito kung sino ang nag-order ng pagkain.
Sapagkat ang Diamond Hotel ay isang pribado, at ang mga taong naglalagi rito ay karaniwang hindi nagpapa-deliver ng pagkain sa labas.
Kahit magpa-deliver man sila, hanggang sa lobby lang pinapayagan ng hotel.
Ngunit ang taong ito na nag-order ay nagawang pakiusapan ang hotel upang maipahatid kay Kiko ang pagkain hanggang sa mismong pintuan ng silid.
Sino ba naman ang mag-aakala na sa gitna ng kanyang pagse-serve ay ang sarili pa niyang asawa ang kanyang mahuhuli!
Nang makitang bumagsak ang pagkain sa sahig, nanlisik ang mga mata ng lalaking nagbukas ng p***o.
Lalaitin na sana niya si Kiko nang biglang sumigaw si Karen mula sa loob ng silid sa labis na pagkagulat:
"Mahal! Ikaw... anong ginagawa mo rito? Bakit ka nandito? Hindi ka dapat nagparito sapagkat hindi ka nababagay sa mga ganitong lugar!"
Nanliit ang mga mata ng lalaki sa gulat at pinagmasdan si Kiko mula ulo hanggang paa.
Katamtaman ang tindig ni Kiko, guwapo, at nakasuot ng berde na uniporme ng isang delivery rider.
Tumawa ng pagkalakas-lakas ang lalaki at sumilay ang nakakalokong tingin nito kay Kiko. "Karen, so ang asawa mo pala ay isang delivery rider? Tsk, sana pala nagpa room service na lang ako sa hotel kaysa nagpa-deliver sa labas."
Bagama't nahuli siya ng asawa ni Karen, hindi man lang nakitaan ng pagkabahala ang lalaki!
Dahil alam niyang si Kiko ay nakikitira lamang sa pamilya ng kanyang asawa, sa pamilya nina Karen, kaya’t wala siyang anumang halaga o Karapatan.
Tiningnan ng masama ni Kiko si Karen.
"Karen, oo tatlong taon akong nakitira sa inyo pero naglingkod ako sa pamilya mo. Ako ang nagluluto ng mga kinakain ninyo araw-araw, ako ang naglilinis ng dumi ng aso at nagpapakain ng pusa. Hindi ako nanunumbat o kung ano man, pero ginawa ko ang responsibilidad ko! Ginawa ko ang lahat para sa iyo"
"Sa loob ng tatlong taong iyon, ni hindi mo man lang ako pinayagang hawakan ka! Inakala ko pa namang may prinsipyo kang babae, pero ngayon... bakit mo ginawa ito?!"
Si Karen, na may maputi at makinis na balat at magandang mukha ay bahagyang nakaramdam ng takot ngunit mabilis din itong nagtaas noo ito at nagmatigas at nagsuplada.
Lumapit siya sa p***o habang nakataas ang noo at ang isang kilay nito "Anong pinagsasabi mo? Kiko, 'wag kang mag-imbento ng kwento diyan, seryosong bagay 'to, sinasabi ko sa 'yo."
"Kilala mo ba kung sino siya? Siya si Sir Marco, ang CEO ng isang malaking investment firm at ang tagapagmana ng pamilya Cruz—isa sa pinakamayamang pamilya rito sa Maynila!"
"Pumunta rito si CEO Marco para makipag-usap tungkol sa negosyo. Kung ayaw mong maniwala, pwede kong ipakita sa 'yo ang kontrata, pero maiintindihan mo ba 'yan? Hindi naman diba?" ani Karen.
Si Kiko ay isang simpleng delivery rider lamang, simbolo siya ng kawalan ng kakayahan at mararating sa buhay. Natural na wala itong alam sa mga usaping pangnegosyo.
Muling sumilay ang nakakalokong ngiti ni Marco habang nakatingin sa mag-asawa at ibinaling ang tingin sa pagkaing nakakalat sa sahig at muling nagsalita.
"Hoy delivery rider, irereklamo talaga sana kita dahil natapon mo 'yung dala mong chicken pot, pero dahil asawa ka naman ni Karen, bibigyan kita ng five-star na review at hindi kita irereklamo kung luluhod ka at hihingi ng tawad sa akin."
Kunot-noong sambit ni Marco habang umaarte pa na parang siya ang naagrabyado.
Sa halip na magpaliwanag o humingi ng paumanhin kay Kiko, siya pa ang mapang asar na nag u-utos na humingi ng tawad sa kanya si Kiko.
Inasahan ni Kiko na pipigilan ni Karen ang walang hiyang pag-uugali ni Marco, ngunit sa laking gulat niya sa sinabi ng kanyang asawa.
"Humingi ka na ng tawad kay Sir Marco. Hindi mo gugustuhing kalabanin si Sir.”
Muling nag igting ang galit ni Kiko, ikinuyom ang kanyang mga kamao sapagkat hindi na niya mapigilan ang kanyang nararamdaman. “Sobra na ang dalawang ito!” sa isipan ni Kiko.
Nahuli na nga niya sa akto ang dalawa na pinagtataksilan siya, ngunit sa halip na humingi ng tawad sa kanya ay siya pa ang pinapahingi ng tawad sa kanila.
“Wala talagang katarungan sa mundong ito!” muling sumagi sa isipan ni Kiko.
Mahigpit na kinuyom ni Kiko ang kanyang mga kamao; balak niyang turuan ng leksyon si Marco.
Subalit, nang humakbang na si Kiko papalapit dito ay napaatras ng tatlong hakbang si Marco dahil sa takot na nararamdaman.
Humarang si Karen sa kanyang daan at sumigaw,
"Kiko! Ano ba? Tingnan mo nga 'yang kawalang-hiyaan mo! Akala mo ba nararapat kang pumasok sa mga ganitong sosyal na hotel? Lumayas ka na nga rito! Kung hindi, tatawag ako ng security!"
Tumingin si Kiko kay Karen, dahan-dahang ibinaba ang kanyang kamao, at mahinang sinabi:
"Karen, umaasa ako na darating ang araw na hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong ito!"
Pagkatapos noon ay tumalikod na si Kiko at tila walang lakas na naglalakad papalayo sa dalawang taksil.
Sinundan ng tingin ni Karen ang paalis na pigura ni Kiko habang sumisigaw, "Ang pinakamalaking pagsisisi ko sa buhay ay ang magkaroon ng walang silbing asawang tulad mo!"
Ang mala diyosang boses ni Karen ay unti-unting napawi sa pasilyo ng hotel, ngunit lalong bumigat ang nararamdaman ni Kiko.
Nang makalabas siya ng hotel ay agad itong sumakay sa kanyang motor na pang-delivery, akmang bubuhayin na nito ang makina ngunit biglang tumunog ang kanyang telepono.
"Hello, GrabFood delivery,"
Sagot ni Kiko sa isang propesyonal at sanay na paraan.
Isang matandang boses ang nanggaling sa kabilang linya:
"Señorito Kiko, ang iyong tatlong taong pagsasanay at pagpapakumbaba bilang bayaw sa pamilya nina Karen ay opisyal nang natapos ngayong araw."
"Ang susunod mong pagsasanay ay sa larangan ng negosyo. Nabili na ni Don ang Infinity Group of Companies at inayos na niya ang lahat para maging bagong Chairman ka nito."
"Mabuti kung ganuon," maikling tugon ni Kiko, ramdam pa rin ang panghihina nito.
Si Kiko na mula sa pagiging isang delivery rider ay magiging Chairman na, isa itong magandang balita sa kanya subalit, nanatiling kalmado si Kiko.
Nagpatuloy ang boses sa kabilang linya, "Gusto ring malaman ni Don kung kumusta ang relasyon ninyo ng misis mo, ni Karen. Dapat na ba siyang pormal na ipakilala at isama sa pamilya bilang isa sa mga tagapagmana?"
Napangisi nang malamig si Kiko, "Ipapakilala si Karen para magmana ng bilyun-bilyong ari-arian ng pamilya ko? Tsk, 'wag na. Hindi siya karapat-dapat!"
Ramdam ang gigil ni Kiko ng mga panahon na iyon, pagkasabi niya noon ay ibinaba na niya ang telepono, pinitik ang accelerator, at mabilis na pinatakbo ang motor sa gitna ng abalang kalsada.
Agad na tinawagan ni Karen si Kiko."Ano 'yon?" Mabilis na sagot ni Kiko sa telepono.Karen: "Pinapapunta ka ni Lola rito sa mansyon.""Ayoko." Agad na ibinaba ni Kiko ang telepono.Hindi inasahan ni Karen na ganoon kabilis siyang tatanggihan ni Kiko. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kanyang lola, "Ayaw niya pong pumunta."Nang makita ang nnakakahiyang sitwasyon, mabilis na sumingit si Susan,"Ma, ngayon po ang ika-80 kaarawan ninyo. Unahin na muna natin ang okasyon ninyo at 'wag na nating pansinin ang walang silbing 'yon."Ngunit nagmatigas si Donya Teresa:"Lahat ng pinapakain ng pamilya Zobel, tao man 'yan o aso, kapag sinabi kong pumunta rito, kailangang pumunta!"Pagkasabi niya noon ay tumingin siya kay Mark: "Mark, pumunta ka at kaladkarin mo siya papunta rito sa akin!""Sige po."Nagbilang si Mark sa kanyang mga daliri. Palagi niyang binubully si Kiko, at magandang pagkakataon ito para mailabas niya ang kanyang galit dito.Pagkaalis ni Mark, bumalik si Donya Teresa sa kan
Kinaumagahan, ganap na alas-diyes ng umaga, sa Forbes Park Villa District sa Makati.Ito ang ika-80 kaarawan ng lola ni Karen, at nakatakda ang grandeng handaan sa pinakasikat na hotel sa lungsod.Subalit, bago pumunta roon, ipinatawag muna ng Donya ang buong pamilya sa kanyang mansyon."Lola, maligayang kaarawan po!" bati ng kaniyang mga apo na may ngiti sa kanilang mga labi.."Ma, nawa ay humaba pa po nang dalawang daang taon ang buhay ninyo!"Masayang nagtipon-tipon amg pamilyang Zobel para sa kaarawan ng kanilang minamahal na Lola.Ang matandang Donya ay may dalawang anak na lalaki—ang panganay na si Fernando at ang bunso na si Roberto, na ama ni Karen.Si Fernando ay may dalawang anak: si Mark at si Kathleen, na parehong halos kapareho ng edad ni Karen.Sa kasalukuyan, ang bilyun-bilyong ari-arian ng pamilya Zobel at ang kapangyarihang magdesisyon sa kumpanya ay nasa mga kamay pa rin ng matandang Donya.Dahil dito, ang magkapatid na Fernando at Roberto ay ginagawa ang lahat upang
Upang masagot ang mga tawag ng customer anumang oras, nakasuot si Kiko ng Bluetooth headset kung saan kasalukuyang tumutugtog ang kantang "Ang Huling El Bimbo" ng Eraserheads.Habang nakikinig sa pamilyar at klasikong himig, naglakbay ang isip ni Kiko noong unang beses niyang makilala si Karen tatlong taon na ang nakararaan.Nagmula si Kiko sa isa sa pinakamayayamang pamilya sa buong mundo. Ang alam lang ng nakararami ay ang mga misteryosong pamilya tulad ng mga Mendoza, Rufo, at Collen.Ngunit iilan lamang ang nakakaalam na ang pinakamisteryoso at pinakamakapangyarihang pamilya ay ang pamilya Trajano—ang pamilya ni Kiko.Ang ari-arian ng pamilya Trajano ay lumalagpas sa daan-daang bilyong piso, ngunit nananatili silang napakatahimik at kailanman ay hindi lumabas ang kanilang pangalan sa listahan ng mga pinakamayayaman.Bukod dito, iba rin ang paraan ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.Ang lolo ni Kiko ay nagbibigay ng matinding kahalagahan sa disiplina at pagsasanay ng mga bata
Diamond Hotel."Magandang araw po, Sir, narito na po ang delivery ninyo."Sigaw ni Kiko atsaka ito kumatok sa pinto ng silid sa hotel, habang hinihintay na lumabas ang umorder ay inayos nito ang kanyang tindig at ang suot niyang uniporme na kulay berde bilang isang delivery rider."Sandali lang!"Sagot ng isang lalaki at dahan-dahang bumukas ang pinto, tila binuhusan ng malamig na tubig si Kiko ng mga oras na iyon, at hindi alam ang gagawin, nanlaki rin ang mga mata nito at natulala ito nang makita ang isang lalaki at isang babae sa loob ng silid! Siniyasat ni Kiko ang dalawa, tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki at isang babae na tumambad sa kaniyang harapan.Hindi kilala ni Kiko ang lalaking nagbukas ng pinto at ngayon lamang niya ito nakita.Ngunit sa likod ng lalaki, nakita niya ang pamilyar na babae na nakasuot ng kulay puting bathrobe, medyo magulo ang buhok at gamit ang kanyang kamay ay kinusot-kusot nito ang kanyang mga mata, walang iba kundi ang kanyang asawa—si Ka












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.