LOGINUpang masagot ang mga tawag ng customer anumang oras, nakasuot si Kiko ng Bluetooth headset kung saan kasalukuyang tumutugtog ang kantang "Ang Huling El Bimbo" ng Eraserheads.
Habang nakikinig sa pamilyar at klasikong himig, naglakbay ang isip ni Kiko noong unang beses niyang makilala si Karen tatlong taon na ang nakararaan.
Nagmula si Kiko sa isa sa pinakamayayamang pamilya sa buong mundo. Ang alam lang ng nakararami ay ang mga misteryosong pamilya tulad ng mga Mendoza, Rufo, at Collen.
Ngunit iilan lamang ang nakakaalam na ang pinakamisteryoso at pinakamakapangyarihang pamilya ay ang pamilya Trajano—ang pamilya ni Kiko.
Ang ari-arian ng pamilya Trajano ay lumalagpas sa daan-daang bilyong piso, ngunit nananatili silang napakatahimik at kailanman ay hindi lumabas ang kanilang pangalan sa listahan ng mga pinakamayayaman.
Bukod dito, iba rin ang paraan ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.
Ang lolo ni Kiko ay nagbibigay ng matinding kahalagahan sa disiplina at pagsasanay ng mga bata.
Gaya na lamang ni Kiko; limang taong gulang pa lang siya nang magsimula siyang mag-aral ng martial arts, habang sabay na nag-aaral ng piano at violin.
Sa edad na labing-walo, natapos na niya ang apat na taong kurso sa business school sa isang sikat na unibersidad sa Amerika.
Upang subukin at patatagin ang katauhan ni Kiko, tatlong taon ang nakararaan nang inayos ng kanyang lolo ang kasal niya at makipisan sa pamilya Zobel, isang kilalang pamilya sa Maynila.
Sa loob ng huling tatlong taon, tiniis ni Kiko ang walang katapusang pambabastos at paghamak sa tahanan ng mga Zobel, ngunit naging matatag siya at matagumpay na natapos ang tatlong taong pagsubok!
Plano niya sanang umuwi ngayong araw upang harapin ang kanyang asawa at ihayag na siya ay isang bilyonaryo talaga, ngunit sa kasamaang-palad.
“Karen, gusto kong makita kung anong magiging reaksyon mo kapag nalaman mo ang tunay kong pagkatao!”
"Sana lamang ay hindi mo pagsisihan ang araw na ito at ang mga ginawa mo sa aking hindi maganda. Lahat ng makakaya ko ay ginawa ko para sa iyo at sa pamilya mo, hindi yon dahil sa sinusubok ako ng aking lolo, ginawa ko 'yon dahil minahal na kita at ang pamilya mo kahit na puro panghahamak, panglalalit at hindi ninyo ako tinuring na pamilya, kahit tinuring ninyo akong isang hayop!"
"Ngunit ngayon, husto na, masyado na kayong abuso, ni minsan hindi man lang dumampi ang mga palad ko sa balat mo, 'yon pala pinapadampian mo sa iba, tatapusin ko na kung ano mang pagmamahal ang nararamdaman ko para sa iyo, Karen."
Nasasaktan man ngunit nakaramdam si Kiko ng excitement, tila isang api na maghihiganti.
Greenwoods Executive Village, sa isang condo unit sa ikalimang palapag.
Alas-otso ng gabi, nakauwi na si Kiko matapos ang kanyang trabaho bilang isang delivery rider.
“Nandito ka na pala? 'Wag ka nang magluto ngayong gabi, nagpa-deliver na ako ng pagkain, halika na't kumain.”
Maagang nakauwi si Karen at, sa hindi inaasahang pagkakataon, ipinag-order nito ng pagkain si Kiko.
Dahil noong mga nakaraang araw, si Kiko ang palaging nagluluto ng kanilang pagkain.
Tahimik lamang na nagpalit si Kiko ng pambahay na tsineleas at malamig na nagsalita, “'Wag na, naparito lang ako para mag-empake ng mga gamit ko.”
Pagkatapos noon ay naglakad siya patungo sa kanyang silid.
Hiwalay ang silid-tulugan ni Kiko sa silid ni Karen. Kahit na kasal sila sa papel, kailanman ay hindi sila natulog sa iisang kuwarto sa loob ng tatlong taon.
Nakaramdam ng galit si Karen kaya’t sumunod ito sa loob at inilagaya ang mga kamay sa kanyang balakang.
"Ano? Maglalayas ka na naman? Malaking bagay ba talaga 'to para magwalang-hiya ka nang ganyan?"
Patuloy na isinilid ni Kiko ang kanyang mga damit sa maleta, at sumagot ito ng may mataas na tuno "Iyon lang? Sa tingin mo maliit na bagay lang ang pang lalalaki at pagtataksil?"
Sa pagkakataong ito, hindi na nag-abalang magpaliwanag pa si Karen, alam niyang kahit ano pang sabihin niya ay hindi rin maniniwala si Kiko, kaya malakas niyang sinabi:
"O ngayon, ano naman?! Inaasahan mo bang hihingi ako ng tawad sa 'yo? Nakikikain ka sa bahay ko, nakikiinom sa bahay ko, at nakikitira sa bahay ko! Kahit may magawa man akong mali sa 'yo, dapat mo lang 'yang tiisin!"
Lakas-loob na ibinagsak ni Kiko ang takip ng kanyang maleta at nanlilisik ang mga mata nitong sumagot,
"Tatlong taon kong tiniis ang pamilya ninyong mga Zobel! Ikaw, itinuring kitang reyna, pero sa loob ng tatlong taon, ni hindi mo man lang ako tiningnan nang maayos!"
"Ang nanay mong si Aling Susan, ilang beses na akong ipinahiya at sinaktan sa harap ng maraming tao, at kahit isang salita ay wala akong ibinalik sa kanya!"
"Ang tatay mong si Mang Roberto, ginawa akong libreng katulong, ipinapagawa sa akin ang lahat ng maruming trabaho at mabibigat na gawain! Dahil doon, ilang beses akong nasaktan, at ang pambayad sa ospital ko ay nanggaling pa sa sarili kong pawis bilang delivery rider!"
"Ang tito mo at ang mga pinsan mo, pinagtutulungan akong bulyawan at apihin, at kayong lahat ay nagbubulag-bulagan lang!"
"Simula ngayong araw, hindi ko na tittiisin 'to! Karen, magdivorce na tayo!"
Nang marinig ang salitang divorce mula kay Kiko, sandaling natakot si Karen, ngunit agad ding humagalpak ng tawa.
"Lakas ng loob mong sabihin sa akin 'yan! 'Wag mo akong sisihin kung hindi kita binalaan, kapag naghiwalay tayo, hindi ka na makakatira sa malaking bahay na ito, at hindi ka na makakasakay sa kotse ko!"
Malamig at puno ng pangungutya na tumawa si Kiko, "Malaking bahay? Magandang kotse? Hindi ko kailangan 'yan!"
Sumagot naman ang asawa nitong si Karen "Mabuti pa nga! Matagal ko na ring gustong makipagdivorce sa 'yo. Hindi ko nga alam kung anong naisip ng lolo noon at ipinakasal ako sa isang walang silbing katulad mo! Ang pamilya Zobel ay isa sa mga mayayamang pamilya rito sa Maynila na may ari-ariang mahigit isang bilyon! Ikaw na isang dukha, hindi ka karapat-dapat na maging asawa ko!"
Mabilis na inayos ni Kiko ang kanyang mga gamit, ayaw na nitong makinig sa mga pambabastos ni Karen at muli itong nagsalita.
"Kung ganoon, pumunta tayo sa korte o sa abogado para asikasuhin ang paghihiwalay natin bukas na bukas din ng umaga."
"Hindi pwede bukas," mabilis na pagtanggi ni Karen. "Bukas ang ika-80 kaarawan ng lola ko. Bago mag-alas-diyes ng umaga, kailangang magkatipon ang buong pamilya sa bahay niya. Bukod doon, kailangan ko muna itong ipaalam sa pamilya ko."
Ang kasal nila ay bunga lamang ng kasunduan ng mga nakatatanda sa kanilang pamilya.
Tatlong taon ang nakararaan, walang karapatan si Karen na tumanggi sa kasunduang ito.
At ngayon, wala rin siyang karapatang mag-isang magdesisyon na buwagin ang kasal nang walang pahintulot ng kanyang pamilya.
Ganoon ang mga prominenteng pamilya; maraming bagay ang hindi nila hawak sa sarili nilang mga kamay.
Alam ni Kiko na hindi makakapagdesisyon si Karen sa sarili nito, kaya mulit itong nagsalita
"Ikaw nalang magpaliwanag sa pamilya mo sa lalong madaling panahon. Hihintayin ko ang tawag mo."
Pagkatapos noon, binuhat ni Kiko ang kanyang maleta at lumabas na.
"Walang hiya! Walang silbi! Pagsisisihan mo ang pakikipaghiwalay sa akin! Sa loob ng ilang araw, luluhod ka rin sa harap ko para magmakaawa!"
Bulyaw ni Karen kay Kiko habang nagmumura hanggang sa elevator, ngunit hindi na nagpakalingon si Kiko ng mga oras na yon.
Alam niya kung gaano nakakatawa ang mga sinabi ni Karen!
Isang bilyonaryo, luluhod para magmakaawa sa isang maliit na pamilyang may ari-ariang ilang bilyon lang?
Karen, nanaginip ka nang gising! Sa Isipan ni Kiko.
Agad na tinawagan ni Karen si Kiko."Ano 'yon?" Mabilis na sagot ni Kiko sa telepono.Karen: "Pinapapunta ka ni Lola rito sa mansyon.""Ayoko." Agad na ibinaba ni Kiko ang telepono.Hindi inasahan ni Karen na ganoon kabilis siyang tatanggihan ni Kiko. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kanyang lola, "Ayaw niya pong pumunta."Nang makita ang nnakakahiyang sitwasyon, mabilis na sumingit si Susan,"Ma, ngayon po ang ika-80 kaarawan ninyo. Unahin na muna natin ang okasyon ninyo at 'wag na nating pansinin ang walang silbing 'yon."Ngunit nagmatigas si Donya Teresa:"Lahat ng pinapakain ng pamilya Zobel, tao man 'yan o aso, kapag sinabi kong pumunta rito, kailangang pumunta!"Pagkasabi niya noon ay tumingin siya kay Mark: "Mark, pumunta ka at kaladkarin mo siya papunta rito sa akin!""Sige po."Nagbilang si Mark sa kanyang mga daliri. Palagi niyang binubully si Kiko, at magandang pagkakataon ito para mailabas niya ang kanyang galit dito.Pagkaalis ni Mark, bumalik si Donya Teresa sa kan
Kinaumagahan, ganap na alas-diyes ng umaga, sa Forbes Park Villa District sa Makati.Ito ang ika-80 kaarawan ng lola ni Karen, at nakatakda ang grandeng handaan sa pinakasikat na hotel sa lungsod.Subalit, bago pumunta roon, ipinatawag muna ng Donya ang buong pamilya sa kanyang mansyon."Lola, maligayang kaarawan po!" bati ng kaniyang mga apo na may ngiti sa kanilang mga labi.."Ma, nawa ay humaba pa po nang dalawang daang taon ang buhay ninyo!"Masayang nagtipon-tipon amg pamilyang Zobel para sa kaarawan ng kanilang minamahal na Lola.Ang matandang Donya ay may dalawang anak na lalaki—ang panganay na si Fernando at ang bunso na si Roberto, na ama ni Karen.Si Fernando ay may dalawang anak: si Mark at si Kathleen, na parehong halos kapareho ng edad ni Karen.Sa kasalukuyan, ang bilyun-bilyong ari-arian ng pamilya Zobel at ang kapangyarihang magdesisyon sa kumpanya ay nasa mga kamay pa rin ng matandang Donya.Dahil dito, ang magkapatid na Fernando at Roberto ay ginagawa ang lahat upang
Upang masagot ang mga tawag ng customer anumang oras, nakasuot si Kiko ng Bluetooth headset kung saan kasalukuyang tumutugtog ang kantang "Ang Huling El Bimbo" ng Eraserheads.Habang nakikinig sa pamilyar at klasikong himig, naglakbay ang isip ni Kiko noong unang beses niyang makilala si Karen tatlong taon na ang nakararaan.Nagmula si Kiko sa isa sa pinakamayayamang pamilya sa buong mundo. Ang alam lang ng nakararami ay ang mga misteryosong pamilya tulad ng mga Mendoza, Rufo, at Collen.Ngunit iilan lamang ang nakakaalam na ang pinakamisteryoso at pinakamakapangyarihang pamilya ay ang pamilya Trajano—ang pamilya ni Kiko.Ang ari-arian ng pamilya Trajano ay lumalagpas sa daan-daang bilyong piso, ngunit nananatili silang napakatahimik at kailanman ay hindi lumabas ang kanilang pangalan sa listahan ng mga pinakamayayaman.Bukod dito, iba rin ang paraan ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.Ang lolo ni Kiko ay nagbibigay ng matinding kahalagahan sa disiplina at pagsasanay ng mga bata
Diamond Hotel."Magandang araw po, Sir, narito na po ang delivery ninyo."Sigaw ni Kiko atsaka ito kumatok sa pinto ng silid sa hotel, habang hinihintay na lumabas ang umorder ay inayos nito ang kanyang tindig at ang suot niyang uniporme na kulay berde bilang isang delivery rider."Sandali lang!"Sagot ng isang lalaki at dahan-dahang bumukas ang pinto, tila binuhusan ng malamig na tubig si Kiko ng mga oras na iyon, at hindi alam ang gagawin, nanlaki rin ang mga mata nito at natulala ito nang makita ang isang lalaki at isang babae sa loob ng silid! Siniyasat ni Kiko ang dalawa, tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki at isang babae na tumambad sa kaniyang harapan.Hindi kilala ni Kiko ang lalaking nagbukas ng pinto at ngayon lamang niya ito nakita.Ngunit sa likod ng lalaki, nakita niya ang pamilyar na babae na nakasuot ng kulay puting bathrobe, medyo magulo ang buhok at gamit ang kanyang kamay ay kinusot-kusot nito ang kanyang mga mata, walang iba kundi ang kanyang asawa—si Ka







