Home / Romance / The Desperate Deal with Sandro Escalera / Chapter 7: Mother Knows Best

Share

Chapter 7: Mother Knows Best

Author: LunariaCuesta
last update Huling Na-update: 2025-02-03 19:38:52

Chapter 7: Mother Knows Best

“I’m telling you,” bungad ni Viola sa kakarating lang na anak. “Divorce that gold digger and marry Stephie!”

Walang emosyong lumingon sa kaniya ang anak. Unang tingin pa lang kay Viola, alam ni Sandro kung hanggang saan ang galit nito. Kung kaya lang nitong bumuga ng apoy, paniguradong magiging abo siya kinabukasan. 

“I have my own life, Mom. I'm not a kid anymore, you shouldn't meddle with my life decisions,” malamig niyang tugon bago umakyat sa itaas na palapag.

“She won't be part of this family, I'll never accept her!” pahabol ni Viola bago tuluyang nakaalis ang anak.

Hindi na lang pinansin ni Sandro ang nagwawalang ina. Tinungo niya ang sariling kwarto para magpahinga at mag-empake. Bukas na bukas, titira siyang kasama ang babaeng pinakasalan ngayong araw. 

Sa sobrang pagod, walang ibang nagawa si Sandro kundi ang pumasok sa banyo at maligo. Ang bawat patak ng maligamgam na tubig sa kaniyang balat ay pinaalala kung pa’no hinawakan ni Claire ang kaniyang kamay. 

Hindi niya alam kung bakit sa lahat ng babaeng nagkakandarapa sa kaniya, si Claire talaga ang pinili nito. Bukod sa komplikado ang buhay, wala naman itong maibubuga kung pera ang pag-uusapan. 

Pagkatapos magbihis ni Sandro, aksidente niyang nakabig ang litrato ng dating fiancéé. Nabasag ito at nagkalat ang mga bubog sa sahig. 

Nakaluhod itong pinulot ni Sandro, “If only you did not leave, we could have been happy together,” malungkot niyang sambit. 

Kahit maling mahalin ang dating nobya, hindi magawang limutin ni Sandro ang tanging babae na nagpatibok ng puso niya. Bagama't kasal na sila ni Claire, walang dahilan para mahalin niya ang asawa at pagtuonan ng pansin. 

Bago matulog, sinama niya sa mga bagahe ang litrato. Buong gabi siyang hindi nakatulog dahil sa pangungulila. Sayang nga lang, at hindi niya magawang umiyak para pagaanin ang nararamdaman. Mga pasado alas-dose na nang gabi nang makatulog si Sandro. 

Kahit hindi pa tumitirik ang araw, panay na ang tawag ni Carlo sa pinsan. Naalala kasi nito ang bilin sa kaniyang sunduin si Claire. Ang kaso nga lang, nakalimutan nito kung saang bahay dadalhin ang magkapatid.

Iritableng sinagot ni Sandro ang tawag, “What?! Can't you see it's just 4:00 in the morning?” 

Mahinang tumawa sa kaniya si Carlo. Kahit kailan talaga maiksi ang pasensya nito kumpara sa kaniya. “I just want to ask you something, nakalimutan ko kasi kung saang bahay dadalhin sila Claire. Was it Everdeen residence or Goldridge?” naguguluhang tugon nito. 

Napairap na lang si Sandro dahil sa pagiging makakalimutan ng pinsan. “It’s either of those dummy, take them to my mansion. You can get killed if your life depends on your memory.”

Kahit ano pang pang-aasar sa kaniya nito, hindi na tinatamaan si Carlo. Matagal na siyang sanay sa pagiging masungit at malamig nito. 

“I’ll keep you posted, and by the way, you're all over the news,” sagot ni Carlo bago tuluyang binaba ang tawag. 

Napabalikwas kaagad si Sandro mula sa pagkakahiga. Kinuha nito ang laptop sa tabi at mabilis na tiningnan ang balita. Kahit hindi pa tapos tipahin ang pangalan niya, lumabas na kaagad ang litrato nila ni Claire. 

Iba’t-ibang kwento ang naging laman ng mga website. Wala sanang interes si Sandro na basahin ang lahat ng ‘yon, pero may isang caption na agaw-pansin sa kaniya. 

“The forgotten author now found by the billionaire,” mahina niyang turan. 

Pasimpleng napangiti si Sandro. Sinubukan niyang hanapin ang ilan sa mga gawa ng asawa, pero hindi gano’n karamihan ang nasa internet. Malayo rin sa pagiging tanyag si Claire, at kakaunti lang ang gustong bumili ng mga sinulat nito.

“Sir Sandro! Pinatatawag po kayo ni Don Lucio!” sigaw ng isang katulong sa likod ng pintuan. 

Wala sa sariling sinarado ni Sandro ang laptop bago pa man mabasa ang gawa ni Claire. Mabuti na lang at hindi dating kriminal ang kumalat na kwento tungkol sa asawa. Mapipilitan talaga si Sandro na makipaghiwalay sa kaniya kung gano’n. 

Pagbukas niya ng pinto, binati kaagad siya ng matapang na pabango ng ama. Bibihira lang itong umuwi sa bahay na tinitirhan ni Viola, at paniguradong may importante siyang gustong sabihin sa anak. 

“Good morning dad, do you want to scold me also for marrying a stranger?” tanong ni Sandro habang pababa ng hagdanan. 

Natatawang umiling lang sa kaniya ang ama, “Of course not. Where's Viola, by the way?” baling ni Lucio sa katulong.

Mabilis naman itong sumagot, “Umalis ho, Sir. Pupunta po ng Boracay, tinutubuan daw po kasi siya ng wrinkles dahil kay Sir Sandro.” 

Alam ni Lucio na ganito ang magiging reaksyon ng asawa—kaya siya mismo naparito. Seryoso niyang tiningnan ang anak. “I have to remind you of our deal, Sandro.” 

Malalim na huminga ang anak, “Yes, I am well aware of our deal, Dad.” 

“You can't divorce her, not yet. We still need your wife.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 25: Ice Cream Monster

    Chapter 25: Ice Cream Monster“Ice cream order no.5!” sigaw ng waiter mula sa counter ng shop. Tumayo kaagad si Carlo upang kunin ito. Tahimik namang nagmasid sa kaniya si Claire, unti-unting namamangha kung paanong kalmado at napakapresko ng ugali nito.“I was once Carlo the Barbarian,” turan nito habang naglalakad. “But now, I'm the ice cream monster!” Napatawa sila ng sabay–ang mukha ni Claire halos mamula na sa paghagikhik simula pa kanina. “Bakit ice cream monster pala?” nagtatakang tanong nito sa binata. “You’ll know why later,” misteryosong sagot ni Carlo sa kaniya. Napakibit-balikat na lang si Claire at hindi na nagtanong pa. Pagkalapag pa lang ng ice cream, agad nila itong nilantakan. Habang nagkukwentuhan sila, biglang naungkat ni Carlo ang pagiging manunulat ni Claire. “Can I have an autograph?” wala sa usapang bungad nito. Kumunot ang noo ni Claire sa kaniya, hindi naman kasi siya artista, pero ang isang mayamang katulad ni Carlo ay humihingi sa kaniya ng autograph.

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 24: Lap

    Chapter 24: Lap“We’re going to have an interview with a famous celebrity,” ani ni Sandro habang papasok sila ng kotse. Naayos na nila kanina ang problema sa panloob kaya pupwede nang umalis ang dalawa papunta sa isang rest house ng mga Escalera. Doon kasi gaganapin ang live interview kasama si Marites Cordoves. Pagkaupo nila, nakaramdam kaagad ng antok si Sandro kahit hindi pa nagsisimula ang biyahe. Pati si Claire naawa sa kaniya. Sayang nga lang at wala silang dalang unan sa loob ng sasakyan. Pero habang nagsisimula nang magmaneho ang driver, biglang nagsalita si Sandro. “Sit properly,” utos nito. Napalunok sa kaniya si Claire, pero agaran ding sumunod sa utos.“Bakit?” tanong nito. Huminga ng malalim si Sandro bago sumagot. Di niya akalaing gagawin niya ito sa asawa. “I’ll sleep on your lap,” saad nito, habang papahiga na. Halos hindi makahinga si Claire ng maramdaman niya ang ulo ng ni Sandro sa kaniyang mga binti. Ang init ito ay kakaiba at nakakapagkalma ng kaunti. Kahit

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 23: Dosage of Serotonin

    Chapter 23: Dosage of SerotoninBago umalis si Sandro, bigla niyang naalala ang isang interview kasama ang sikat na TV host. Habang hinahatid siya ni Claire sa garahe, sinabi niya ito sa asawa.“Pack your things, we'll be leaving tonight,” payak na sabi nito. Naguluhan sa kaniya ang asawa dahil sa pagiging biglaan. “Bakit? Saan tayo pupunta? Di ka man lang nagsabing aalis pala tayo,” pag-alma ni Claire sa kaniya. Huminga ng malalim si Sandro, ang pagiging madaldal ng asawa ay unti-unting nakakaubos ng kaniyang social battery. Kailangan niya pa naman ito sa trabaho.“No more buts, pack your best clothes. I'll be back tonight.” Napangiwi sa kaniya si Claire. Hindi naman nito sinagot ang kaniyang tanong. Pero imbes na kumontra, hinayaan niya lang na umalis ang asawa. Kahit anong dada kasi ni Claire, parating si Sandro pa rin ang masusunod. Pagkaakyat niya ng kwarto, tumambad ulit ang isang piraso ng bulaklak. Sa tangkay nito, may nakadikit na kapirasong papel. ‘C’Hindi maiwasang m

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 22: Hubby! 

    Chapter 22: Hubby! “I said, call me hubby!” galit niyang sambit. Mabilis naman itong sinagot ni Claire, “Hubby!” natataranta niyang sambit. Dahil sa nalibang sila pareho, nakalimutan ni Sandro na malapit nang bumukas ang elevator. Pagtunog nito, naabutan sila sa parehong posisyon ng mga empleyado. Kumuha ng litrato ang ilan, at nakapagtatakang hindi ito pinakialaman ni Sandro.Lumabas lang sila ng elevator na parang walang nangyari. Alam niyang kakalat sa internet ang mga litrato, at ‘yon mismo ang plano niya. Pagdating nila sa kotse, bumalik ulit ang malamig na pag-uugali ni Sandro. Ni kibuin ang asawa, hindi nito ginawa. Kailangan pang mauna si Claire na magsalita. “Ano pala ang gusto mong kainin na hapunan? Ipagluluto kita ulit,” alok nito. Binuksan ni Sandro ang makina nang hindi man lang tinitingnan si Claire. Sumagot ito ng walang amok, “I’m already full.”Muling nasaktan si Claire sa pagtanggi nito. Unti-unti siyang nakararamdam na may pakialam lang sa kaniya ang asawa sa

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 21: Carlo the Barbarian

    Chapter 21: Carlo the BarbarianIsang malakas na kalampag ang gumising kay Claire. Sa wakas, matapos ang ilang oras na paghihintay sa loob ng banyo, may makapansin na ring mawawala siya. Inakala niyang si Sandro ito kaya dali-dali siyang yumakap pagkabukas pa lang ng pinto. “Thank you, akala ko ro’n na ako mabubulok,” mangiyakngiyak niyang sabi. Nanigas si Carlo sa biglaan nitong pagyapos sa kaniya. Ang mabango niyang buhok ay nakapang-agaw pansin din sa binata. May pinaalala itong babae. Isang mahinang tawa na lang ang sinagot ni Carlo sa kaniya, “Uhmm… I'm not your husband,” pambabasag nito ng katahimikan. Agad na bumitaw si Claire sa kaniya. Namula ito sa hiya at napayuko. “Pasensya na po Sir, akala ko kasi si Sandro,” paghingi nito ng paumanhin. Tumawa nang payak sa kaniya si Carlo, sinusubukang maging kampante sa kaniya si Claire. “Don’t mention it, I'm totally cool with it.” Napangiti sa kaniya ito bago yumakap ulit. Sa sobrang tuwa ay wala na siyang mapagsidlan ng sarili.

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 20: Closed Doors

    Chapter 20: Closed Doors Habang pinupunasan ni Claire ang basang katawan ng asawa, hindi niya maiwasang kabahan. Bagama't walang pakialam sa reaksyon niya si Sandro, labis-labis pa rin ang pag-iingat ni Claire. Ang maliit niyang kamay ay nanginginig at malapit nang mawalan ng lakas. Sa oras na magkatitigan sila ng asawa niya, napalunok ito ng lalalim. Hinawakan ni Sandro ang kamay ni Claire at siya mismo ang gumabay dito para matuyo ang basang parte ng kaniyang katawan. “Be careful next time,” paalala nito. Bago pa makasagot ang asawa, bumalik kaagad si Sandro sa pagtitipa sa laptop. Halatang busy ito at seryoso sa ginagawa. Marahil isang malaking proyekto ang kaniyang inaasikaso. “May kailangan ka pa ba?” masugid na tanong ni Claire. Huminto ng saglit ang kaniyang asawa at nag-isip. Ang katotohanan wala na siyang gustong ipagawa sa asawa pero nalilibang siyang may kasama. Kahit papano, hindi umiinit ang ulo niya sa mga dapat gawin kapag may maasar o mapapagalitan siya. “I

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status