ログインClaire’s POV “Naku magwawala na naman si Clara kapag nakita niya ‘yan eh.” “Bakit ba kasi nandito ‘yan? Yung Nanay niya hindi man lang talaga dumalaw dito.” “Eh paano dadalaw ‘di ba inagawan niya ng mga customers si Clara?” “Totoo ba?” “Oo kaya nga nagsara yung ibang business ni Clara eh.” Ngayon ang libing ni Papa. Busy kami sa pagrerepack ng kanin, menudo, adobo, at pritong manok sa mga styro habang nakikinig sa mga chismosang nakiki tulong dito. Hindi naman sila nagkakamali. Talagang gusto ko nang ibaon sa lupa ang babaeng ‘yan. “Babe, pupuntahan ko lang si Emily ha? Babalik din ako kaagad.” Tumango na lang ako kaya tumayo na siya at nilapag ang basong ginagamit niya pantakal sa mainit na kanin. “Bakit ba pabalik balik dito yang babaeng ‘yan Clara? Invited ba ‘yan?” bulong ni Tita Mayet. “Hindi po.” “Gusto mo palayasin ko na teh? Jombagin ko paalis ‘yan.” Biro ni Berto na hindi ko pinansin. Panay ang okray ng mga Tita at Pinsan ko kay Emily habang ako naman
Claire’s POV Maghapon ko siyang iniiwasan. Kasama niya si Mama sa harap ng kabaong, panay ang iyak niya kanina habang hinihimas ni Mama ang likod niya. Gusto kong maawa pero hindi ko magawa. Gusto kong lapitan siya pero para bang wala na akong pakialam. “Kinausap mo na ba siya?” tanong ni Kuya habang naghahapag kami ng mga butong pakwan. “Ayoko.” “Bakit?” “Ayoko siyang kausap. At ayaw din kitang kausap kaya pwede ba lubayan mo ‘ko?” Inirapan ko siya saka tinalikuran. “Clara!” “Naku ayan na naman siya.” “Hayaan mo muna ang kapatid mo ijo, dalawang araw nang may sapi ‘yan hindi na talaga nirespeto ang lamay ng Papa niya.” “Ganyan talaga ‘yan eh bastos ralaga yan si Clara.” “Hoy mga chismosa!” Boses ni Tita Mayet ‘yon. Patuloy ako sa pagseserve ng buto ng pakwan at hindi sila nililingon, “Namatay na nga ang bayaw namin tapos pagchichismisan niyo pa ang anak niya. Wala na talaga kayong pinalampas?!” Sunod na sumingit si Tita Lizeth, “Akala niyo ba hindi namin napapans
Claire's POV “Nasaan na si Clark?” “Bakit naman dalawang araw na yung lamay wala pa rin yung asawa mo.” “Okay ka lang ba? Nasaan na ba kasi ang asawa mo para naman sana may karamay ka at katulong sa pag-aalaga ng anak niyo.” Paulit ulit kong naririnig ang mga salitang ‘yon, nakakainis. Nakakarindi! Kung sabihin ko kaya na naghanap na siya ng iba para matahimik na sila? “Clara hali ka rito yung anak mo nakikiluto na naman dito oh!” Boses ‘yon ni Tito. Binitawan ko muna ang carrots na binabalatan ko at saka nagpunta ron sa kusina. Walang eksplanasyon o ano mang pasabi. Kaagad kong binuhat si Elly at pinalo sa pwet. “Sinabi ko na sa ‘yo na ‘wag kang pupunta sa kusina ‘di ba? Bakit hindi ka makaintindi?! Ang tigas ng ulo mong bata ka!” “Aww!! Huhuhu! Mama! Masakit po! Masakit!” Para bang hindi ko makontrol ang sarili ko. Lahat ng galit na nararamdaman ko ay binubuhos ko sa anak ko. “Ay sus maryosep yung bata!” Mabilis na tumayo ang mga Tita at Tito ko para agawin sa aki
ANNOUNCEMENT: Leave kayo ng favorite scenes niyo sa REVIEWS (Click niyo yung 3 dots sa taas nitong chapter, click yung pic ng book, then scroll down nandoon ang reviews) . ANG MAY PINAKAMAGANDANG SAGOT GAGAWIN KONG CHARACTER! Ano ang favorite niyong Scene/Character at bakit? Claire’s POV Mula nang ibalita ko kay Clark ang pagkamatay ni Papa ay iyon na rin ang huli naming usap. I tried calling him pero hindi niya sinasagot. Weird because usually I'd be worried sick, pero ngayon ay iba ang nararamdaman ko. Galit at inis. At alam ko g may kinalaman dito ang babaeng ‘yon. “Ma, kain ka na.” Umupo ako sa tabi niya. Nasa harap siya ng kabaong habang tahimik na nakatanaw kay Papa. “Ayaw mo ba talagang silipin man lang ang Papa mo Claire?” tanong niyang hindi tumitingin sa akin. “‘wag muna Ma, pagdating na lang siguro ni Clark.” “Lolo, ito si Lolo Levi. Tulog pa siya eh, ganda higaan niya ‘no? Gusto ko rin ng ganito.” Mabilis kong binuhat palagi ng kabaong si Elly. “Elly ano
ANNOUNCEMENT: Leave kayo ng favorite scenes niyo sa REVIEWS (Click niyo yung 3 dots sa taas nitong chapter, click yung pic ng book, then scroll down nandoon ang reviews) . ANG MAY PINAKAMAGANDANG SAGOT GAGAWIN KONG CHARACTER! Ano ang favorite niyong Scene/Character at bakit? Claire’s POV [From Clark: I miss you so bad.] [To Clark: Miss ka rin namin, pwede ba tumawag?] Hindi man lumipas ang limang segundo pagka send ko non ay kaagad siyang tumawag. “Mukhang free time mo ah? Elly anak, si Papa tumatawag!” “Oo, is she in her room again?” “Oo, alam mo naman addict sa libro ayaw paistorbo.” Excited na sumampa sa sofa si Elly, “Papa hello po! Uuwi ka na po bukas?” “Yes anak, gabi na makakarating ang Papa. Wait for me?” “Yes Papa! Pasalubong ko po okay?” “Okay po!” Pagkatapos niyang masecure ang pasalubong niya ay kaagad siyang bumaba sa kandungan ko at bumalik sa kwarto, “Grabe mukhang tagabili lang ng pasalubong ang tingin sa akin ng anak ko ah?” “Hahaha! Ikaw
ANNOUNCEMENT: Leave kayo ng favorite scenes niyo sa REVIEWS (Click niyo yung 3 dots sa taas nitong chapter, click yung pic ng book, then scroll down nandoon ang reviews) . ANG MAY PINAKAMAGANDANG SAGOT GAGAWIN KONG CHARACTER! Ano ang favorite niyong Scene/Character at bakit? Claire’s POV “Mahabaging langit paki ingatan ang anaknko nakikiusap ako.” Lahat na yata ng Diyos na pwede niyang banggitin, binanggit na lahat ni Tita. “Tita kumalma muna kayo, ganda-gandahan pa yung anak niyo pagpasok. Okay lang ‘yon.” Nakaupo ako sa hilera ng upuan dito sa labas ng emergency room habang si Tita naman ay pabalik-balik ang lakad sa harap ko. “Ano ka ba Clara? Hindi mo alam kung gaano kahirap manganak! Posible kang mamatay sa panganganak. Nasa piligro ang buhay ng pinsan mo ngayon.” Pinandidilatan nita pa ako nang sabihin niya ‘yon kaya lalo akong natakot. Pati tuloy ako ay napadasal na. “Misis,” isang matandang nurse ang lumabas sa emergency room, “Kailangan po natin i C-section ang a







