LOGINHindi na ako nagsayang pa ng oras, pagkatapos ko sa palengke ay dumiretso ako sa Munisipyo. Panay tunog ang messages ko dahil sa mga chat ni Clark pero hindi ko 'yon sinasagot. Inookupa ng galit ang utak ko, paano'y sinubukan kong kausapin ang mga katabi namin kanina pero ayaw makinig.
FLASHBACK"Ate may kanya-kanya namang tapunan 'di po ba? Baka pwede namang 'wag niyo sa amin itambak ang mga pinaglinisan niyo.""Aba! Kayo 'tong nangaagaw ng mga suki, ibig sabihin ginusto niyo 'yan! Ayaw mong doon ko itapon? Oh edi sige, ayan oh!" Halos masuka ako sa pandidiri nang ibuhos niya sa akin ang palanggana na puno ng mga kaliskis lamang-loob, at maruming tubig."Hahahahah! Buti nga!""Ayan! Edi sa 'yo na lang itatapon!" Nakangisi pa siya sa akin.Para bang nagdilim ang paningin ko at nawala ako sa kontrol. Kinuha ko ang kutsilyo sa lamesa niya at itinutok sa kanya."Bata pa lang ako, pamilya namin ang pinakamahirap sa aming magkakamag-anak. Mangingisda si Papa mula pagkabata niya, hindi siya pinaaral. Ang sabi ayaw niya raw, pero duda ako ron. Hindi siya nakatapos ng Grade 6, bata pa lang siya nagtatrabaho na siya sa laot para makatulong kay lola." Hinila niya ako at pinasandal sa dibdib niya. Nakaupo kami sa kama habang nakayakap siya sa akin habang nakatalikod ako sakanya. "Sa sobrang hirap namin nag-abroad si Mama, wala naman din kaming ibang malapitan dahil mahirap lang din ang mga tao rito. Ang side ni Papa kahit papano may kaya, kaso matapobre ang Lola namin doon. Lagi kaming pinapahiya at sinasabihan ng kung ano-ano si Mama. Nanganganak na lang daw siya noon sa akin nagappakalat pa ng chismis si Lola para raw 'wag sila bigyan ng pera Tita naming nasa abroad," nagpunas ako ng luha at nagpatuloy, "Nung nag-abroad na si Mama, doon na nag-iba si Papa. Nalu
Hindi na ako nagsayang pa ng oras, pagkatapos ko sa palengke ay dumiretso ako sa Munisipyo. Panay tunog ang messages ko dahil sa mga chat ni Clark pero hindi ko 'yon sinasagot. Inookupa ng galit ang utak ko, paano'y sinubukan kong kausapin ang mga katabi namin kanina pero ayaw makinig. FLASHBACK"Ate may kanya-kanya namang tapunan 'di po ba? Baka pwede namang 'wag niyo sa amin itambak ang mga pinaglinisan niyo.""Aba! Kayo 'tong nangaagaw ng mga suki, ibig sabihin ginusto niyo 'yan! Ayaw mong doon ko itapon? Oh edi sige, ayan oh!" Halos masuka ako sa pandidiri nang ibuhos niya sa akin ang palanggana na puno ng mga kaliskis lamang-loob, at maruming tubig. "Hahahahah! Buti nga!" "Ayan! Edi sa 'yo na lang itatapon!" Nakangisi pa siya sa akin. Para bang nagdilim ang paningin ko at nawala ako sa kontrol. Kinuha ko ang kutsilyo sa lamesa niya at itinutok sa kanya.
"Ano ba?! Ayoko nga kasi! Dun ka!" "Babe naman, please?" Pilit siyang yumayakap at sumisiksik sa akin. "Clark, ayoko!" Wala siyang nagawa kung hindi ang umusog at lumayo sa akin. "Tatlong araw na." "Ano naman? Magkaroon ka ng abstinence!" Sa totoo lang, medyo nakokonsensya ako kapag sinusungitan ko siya. Pero nakakairita naman kasi talaga. Hindi naman palaging ganon dapat ang ginagawa. Gusto kong matulog ng payapa, irespeto niya 'yon! Dinig ko ang pagdutdot niya sa cellphone na lalo ko pang ikinainis. Pinabayaan ko siya at sinusubukan ko nang matulog. Pero panay ang dutdot niya at kahit mahina ay naiirita talaga ako. "May balak ka bang matulog?" tanong ko. Dinig ko ang pagbuntong hininga niya at pagbitaw sa cellphone.
Claire's POV Tatlong araw na ang lumipas nang magpunta kami sa Pampanga. Nandito kami ngayon sa tabing dagat at nakikipagusap sa mga mangingisda. Ipinaasikaso na pala niya ang binabalak niyang negosyo habang naggagala kami, hindi ko man lang napansin. "Bale anim na bangka po ito, kaya anim na grupo rin. Ang hatian natin ay 70/30, ano?" "Ijo, kanino ang 70?" tanong ni Manong Oska "Sa inyo ho." Nagkatinginan sila. "Sa amin? Sigurado ka ba?" "Opo." "Aba'y hindi ka ba lugi niyan?" Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi nila, ang iba ay nagbubulungan pa. "Hindi po, kung bibigyan niyo po kami ng libreng ulam," pagbibiro niya.
"Babe," tawag ko. "Hmm?" "Alam mo ba kung saan pupuntahan Nanay nila?" Nasa isang fastfood kami ngayon at pinapakain muna sila. Panay ang, 'wow' ng dalawa dahil sa TV lang daw nila 'to nakikita. "Don't worry, I already contacted someone to look for her." Bigla siyang kumindat pagkasabi non. Sa normal na araw baka kinilig pa 'ko, pero ngayon naiirita ako sa pagmumukha niya. Inirapan ko siya at tuloy sinubuan si Neneng, "Bakit may laruan dito?" tanong ni Nonoy. "Free 'yan, ganda 'no?" "Hindi dapat sinasamahan ng laruan ang pagkain," nagkatinginan kami ni Clark, "Sino naglagay neto? Sabihin natin bawal lagyan ng laruan ang pagkain. Dapat ginagalang natin ang pagkain." Tatayo sana siya nang pigilan siya ni Clark, "Wala rito yung naglagay niyan haha, hay
"What?! Eeeew! 'Wag kang nagsasasama kay Adda, nasisira na rin tuktok mo eh!" Lukot na lukot sa pandidiri ang mukha niya. "Hahaha akala ko eh." "Bakit?" "Ang concerned mo kasi sa kanya. Ang dami mong sinasacrifice for her." "Ayokong magaya siya sa mama ko. Naikwento ko naman sa 'yo 'di ba? Nung sila pa ng Papa ni Elijah palagi siyang nabubugbog. At isa pa, kaibigan mo siya." "Ano naman kung kaibigan ko siya?" Bigla niya akong inirapan, "Aba? Attitude ka ah? Hahaha!" "Manhid ka eh." Inayos niya ang mga gamit kong nasa mesa. "At paano naman ako naging manhid?" "Wala." "Torpe." "Ano?" "Wala!" "Hindi ako torpe." "'Di rin ako manhid." Natahimik kaming dalawa habang nagkakati







