Home / Romance / The Devil's Desire / Chapter Three: The Offer

Share

Chapter Three: The Offer

Author: Shanelaurice
last update Last Updated: 2022-01-27 14:19:33

"YOU didn't come here to stare at my face and be dumbfounded, didn't you miss Centeno?" he hissed cold as ice. 

"Huh?" 

Nakita niya ang mariin nitong pagtiim-bagang. Sa madilim na mukha ay humakbang ito at nilagpasan siya. 

"If you want to talk, then come inside, huwag mong sayangin ang pagkakataon na ibinigay ko sayo sa pagtitig sa mukha ko, my time is precious miss Centeno!" matigas nitong dugtong saka umambang papasok sa loob.

Doon lang siya tuluyang nahimasmasan.

"I..I'm sorry.." tangi nalang niyang nasambit habang natatarantang sumunod dito bago pa ito magbago ng isip.

Nakahinga siya ng maluwag ng makitang hindi kasing dilim ng sa labas ang sa loob. Kung nagkataong ganoon nga ay baka mabalot na ng matinding takot ang buo niyang pagkatao. 

Nilagpasan nito ang sala. Tahimik pa rin siyang sumusunod dito. Kung saan sila patungo ay hindi niya alam. Hindi ba dapat kung mag-uusap sila ay doon lang sa sala? Pero bakit parang dadalhin yata siya nito sa kung saan? 

Kinilabutan siya sa mga senaryong biglang pumasok sa kanyang isip, kung may balak itong masama sa kanya, siguradong magsisigaw man siya ay walang makakarinig sa kanya. Bukod sa mukhang soundfroof ang mga pader, wala rin yata itong ibang kasama doon.

If he'll going to kill her, would her brother find her body? Sigurado siyang hindi, wala itong kaalam-alam na pumunta siya doon, hindi niya sinabi kahit sa ate Beth niya dahil alam niyang tututol ang mga ito. Si Lance lang ang tanging nakakaalam na naroroon siya ng mga sandaling iyon at duda siya na sasabihin at magtatapat ito kung sakaling may mangyaring masama sa kanya.

Habang sumusunod dito ay palihim niyang iniikot ang mga mata sa loob, the inside was a picture of riches, mula sa mga painting na nakasabit sa pader hanggang sa mga naglalakihang antigong mga plorera na nakadisplay sa mga sulok. Maliban sa malaking flat screen TV na nakita niya sa living room ay antigo na yata ang lahat ng mga gamit. Tulad na tulad ang loob niyon sa mga mansion sa historical movies na napanood niya.

Ipinilig niya ang ulo, hindi siya pumunta doon para hangaan ang tinitirhan nito. She was there because she want to talk to him and make a bargain.

Kumunot ang kanyang noo ng makitang tumigil ito sa dining room, nang lumagpas ang mga mata niya sa likod nito ay nakita niyang may mga nakahandang pagkain sa mesang naroroon. Inihakbang nito ang mga paa at iniusli ang isang silyang nasa gilid ng kabisera saka tumingin sa kanya.

Doon lang niya naklaro ng husto ang mukha nito. Halos kalahati ng kaliwang pisngi nito ay may peklat ng tila pagkakasunog. He has long messy hair at puno ng balbas at bigote ang bahagi ng bibig na tila hindi nito kilala ang salitang pag-ahit. 

"Maghahapunan na sana ako ng dumating ka, join me.." 

Lihim niyang muling ipinilig ang ulo. Sana hindi nito napansin ang pagtitig niya dahil baka kung ano ang isipin nito.

"I didn't came here to have dinner with you Mr. Montenegro, I came here to talk to you."

"And I won't spoil my dinner para lang sa pag-uusap na iyan miss Centeno. If you want to talk, you'll going to wait! Nasa kalagitnaan ako ng hapunan ko ng dumating ka, ang puntahan ka pa lang sa labas ay isa ng malaking abala, alam mo ba iyon?"

Nagtiim siya ng mga bagang.

"Sino ba ang gustong mag-usap tayo ng ganitong oras, hindi ba ikaw? We could talk by day or earlier, bakit kailangan ngayong gabi pa?" di niya napigilang sita.

"No one dares to question me like you did miss Centeno, pero dahil bisita kita kaya sasagutin kita. I choose this time dahil ito lang ang oras na libre ako, busy akong tao at hindi ako ang mag-a-adjust para lamang mag-kausap tayo. Now, kung sa tingin mong hindi convenient ang oras na ito para sayo, bukas ang pintuan ng bahay ko para makaalis ka!"

She winced. Alam niyang hindi ito nagbibiro, wala iyon sa aura nito. Hindi ito mangingiming itapon siya sa labas kapag sumalungat pa siya dito. Kapag nangyari iyon, para na rin niyang sinayang ang kaisa-isang pag-asa para sa kalayaan ng kuya niya.

Mariin siyang napalunok, nilunok  pati ang iritasyon na namuo sa kanya. Hindi niya iyon pwedeng pairalin sa mga sandaling iyon. Kung kinakailangan pati pride ay lunukin niya, gagawin niya.

"Siguro naisip mo na kung ano ang nararapat mong gawin," sabi nito sa malamig pa rin na tinig. "Sit here now miss Centeno, hindi maganda ang paghintayin ang pagkain!" dugtong nito bago inilang hakbang ang kabisera.

"You are a stranger to me, how can you make me--"

"Indeed, but yet you are here asking for a stranger's help," sarkastiko nitong sabi na ikinakulo lalo ng dugo niya.

Konti na lang at sasabog na talaga siya! Kakikilala lang nila pero alam na alam nito kung paano ubusin ang pasensiya niya. 

"Kung nag-aalala ka na baka nilagyan ko ng lason ang pagkain, ipanatag mo ang loob mo, hindi ko gagawin iyon dahil wala naman akong mapapala sayo!"

She count one to ten para kalmahin ang sarili, pinilit niyang isiksik sa utak ang dahilan kung bakit siya naroroon. 

Nagpupuyos man sa galit at inis ang kanyang dib-dib ay wala siyang nagawa kundi humakbang palapit rito at umupo sa silyang nasa tabi nito. Hindi siya nagugutom at wala siyang balak na kumain pero sa tantiya niya ay hindi nito iyon magugustuhan, kaya napilitan na rin siyang lagyan ng pagkain ang kanyang pinggan. Totoo naman siguro ang sinabi nito na wala iyon lason dahil iyon din ang kinakain nito.

Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang pero parang nakita niyang umangat ang gilid ng labi nito sa ginawa niya. 

Muling naghimutok ang loob niya, siyang-siya siguro ito ngayon dahil nagawa nitong mapasunod siya. 

Devil bastard! 

Pero hanggang sa isip nalang niya ang mura na iyon!

"Pwede naman sigurong mag-usap tayo habang kumakain Mr. Montenegro, as you have said, mahalaga ang bawat oras mo at busy kang tao, ayoko ring sayangin iyon, I came here to make a bargain."

Mula sa kinakain ay iniangat nito ang mukha sa kanya.

"Ibibigay na namin ang kabuuan ng lupain namin, iurong mo na ang kaso sa kapatid ko!" 

Tinaasan siya nito ng kilay.  "Akala ko pa naman ay nagpunta ka rito para makiusap at magmakaawa, pero sa tono ng boses mo, bakit parang inuutusan mo ako?"

"You want our land, hindi ba iyon ang dahilan kaya inutusan mo si Lance na onsehin ang kapatid ko? Now, we are giving it to you, kaya--"

"Hindi ko ipinagduldulan ang pera ko sa kapatid mo at hindi rin siya pinilit ni Lance, kusa siyang lumapit dahil nalulong siya sa sugal. Milyon-milyon ang usapan dito and not just a few hundreds, hindi naman siguro masama na sumingil ako di ba?"

"Kaya nga, ibinibigay na namin ang lupa sayo!"

Nakakaloko itong ngumisi.

"Kahit hindi ninyo ibigay, akin na naman iyon, ako na ang bagong may-ari, nakalimutan mo na ba miss Centeno?"

Gustong-gusto na niyang damputin ang plato sa harap niya at itapon rito. 

"May nakalimutan ka rin isang bagay Mr. Montenegro, na isa rin ako sa may-ari and I didn't sign the contract, sa kabuuan, kalahati ng lupain ay akin, kaya hindi mo pwedeng kunin lahat. Pwede akong mag-kontesta sa korte, pero hindi ko na gagawin iyon, I'm not interested in that anyway, ang gusto ko lang ay palayain mo na ang kapatid ko at ibibigay ko sayo pati ang parte--"

"Sigurado ka bang may parte ka doon?"

Kumunot ang kanyang noo. "Anong ibig mong sabihin? Siyempre, anak ako ng Papa at--"

Nakakaloko itong muling tumawa. "May hindi yata sinabi sayo ang pinakamamahal mong kapatid,"

Kumunot pang lalo ang noo niya.

"If he hadn't, then I'll tell you, sa kuya mo nakapangalan ang kabuuan ng lupain ninyo dahil sa kanya LANG ipinamana ng Papa mo ang lahat. Before he died he left a will stating that the twenty hectares of your land will all be in the hands of your brother."

Gulat na gulat siya sa narinig. Hindi niya alam ang bagay na iyon, hindi sinabi ng kuya niya na may naiwan palang testamentong ganoon ang kanyang Papa.

"Tsk..tsk..tsk.." palatak nito. "Poor you,  miss Centeno, your father love you less and the brother that you tried to depend so much lied and betrayed you--"

"Kilala ko ang kapatid ko at hindi niya gagawin sa akin iyan!" matigas niyang sabi. 

"He already did, bakit hindi mo tawagan?" 

Nagtagis ang bagang niya. Oo, nagulat siya at nasaktan sa nalaman pero nungka niya iyon ipahahalata dito. Hindi niya hahayaang pagtawanan siya nito. 

Taas noo niyang sinalubong ang mga mata nito at nagkibit ng balikat.

"Okey, naniniwala na ako sayo but then I don't care! wala rin naman akong pakialam sa lupang iyon dahil kahit kailan hindi ako naging interesado doon!"

Siguro, iyon ang dahilan ng Papa niya kaya hindi siya nito isinali sa last will nito, dahil sa simula pa lang ay nakita na nitong hindi siya interesado sa kanilang lupain at mas pipiliin niyang mabuhay sa ciudad kaysa manatili doon sa kanilang bayan.

"So, wala na pala tayong dapat na pag-usapan pa kung ganoon miss Centeno, if you want to see the contract your brother has signed, pwede ko ring ipakita sayo."

God, masasayang lang ba lahat ng ipinunta niya rito? After all the insult ang the pride she swallowed, mauuwi lang sa wala ang lahat? At the end, makukulong pa rin ang kuya niya?

Tama nga ang kapatid at mga kaba-baryo niya. Tuso nga talaga ito.

"Hindi naman yata patas itong ginawa mo Mr. Montenegro, twenty hectares ang lupain namin at sampung milyon lang ang utang ng kapatid ko, isn't that a bit too cheap for a twenty acres?"

"Ten million was only the principal, hindi doon kasali ang interes, do you want me to detail it?" 

Mariin na siyang napapikit. Wala na. Gumuho na ang kaisa-isang pag-asang meron siya.

"Ipagpalagay na nating hindi lang iyon ang value ng lupa ninyo, but, do you think the remaining amount will be enough to compensate to what your brother did to me? He almost killed me!"

Kung alam lang nito na iyon din ang gustong-gusto niyang gawin ng mga sandaling iyon! She really wanted to kill this son of a bitch!

Ibinaba niya ang kutsara't tinidor saka tumayo. Wala na nga talaga siyang magagawa. A beast like him will never listen and have mercy even if she'll go down on her knees and beg.

"Saan ka pupunta?"

"I think, tapos na ang pag-uusap natin Mr. Montenegro, so uuwi na ako!" sagot niya saka tumalikod at humakbang.

"Handa ka bang gawin ang lahat para sa kalayaan ng kapatid mo?"

Napatigil siya. 

"I am willing to trade and make a bargain miss Centeno.."

Lumingon siya at sinalubong ang mga mata nito. 

"In the exchange of your brother's freedom--" pagpapatuloy nito.

While her eyes are full of questions and a little hope, his, was expressionless.

"Marry me.."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Devil's Desire   Final Chapter

    --AUTHORS NOTE--Sa mga nagbasa po ng storya na ito, gusto ko lang po na iabot ang taos-puso kong pasasalamat. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa kwentong pag-ibig nina Leandro at Cielo. Hindi ko po mararating ang puntong ito kung hindi dahil sa inyo. At sana kagaya sa suportang ibinigay ninyo sa akin sa kwentong ito, ganoon din ang ibigay ninyo sa akin sa mga susunod ko pang akda.Kung napansin ninyo, may inilagay akong konting pasilip sa kwento ni Marrius at Naya. After po ng on-going ko, isusunod ko po ang kwento nila. Muli, maraming-maraming salamat po.Hanggang sa muli.------------------------Naalimpungatan siya nang maramdaman ang tila paghilab ng kanyang tiyan. Ilang minuto niya pa iyon inobserbahan habang nasa isip na maaaring nilamig lang iyon o kaya may nakain siyang hindi natunaw.Her schedule of giving birth will be next week. Ngunit may posibilidad ding mapaaga ang kanyang panganganak. Marahan niyang ini-angat ang kanyang kamay papunta sa kanyang s

  • The Devil's Desire   Chapter Eighty Five: Nayumi Montañez

    --Marrius--Halos magbaga ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ang pigura iyon na naghihiyaw at tila walang pakialam na nagsasayaw sa gitna ng dancefloor. She was surrounded by men na halos lumuwa ang mga mata habang nakatitig sa dib-dib nitong halos lumabas na sa lalim ng uka ng suot nitong spaghetti strap na bestida. She dance in the middle as if there's no tomorrow. Hanggang taynga ang lapad ng ngiti nito, while he was there standing furiously.Nagpaalam lang ito na uuwi ng Manila dahil may importane itong aasikasuhin, but she never came back.Dalawang linggo siyang naghintay, pero ni anino nito hindi na nagpakita pa sa kanya. He tried to call her, pero palaging unattended ang cellphone nito.Nagsimula siyang mag-alala, inisip na baka may nangyari rito, kaya matapos ang dalawang linggong paghihintay sa wala ay nagdesisyon na siyang lumuwas ng Manila para hanapin ito. Only to find her this way.Kumuyom ang kanyang kamao at mariin na nagtagis ang kanyang bagang. Sobra si

  • The Devil's Desire   Chapter Eighty Four: Overwhelmed

    Ipinikit niya ang kanyang mga mata at taimtim na nag-alay ng panalangin sa harap ng puntod ng kanyang kuya William. Nang magmulat siya ng mga mata, isang masuyong ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Minasdan niya ang larawan ng kapatid na nasa gilid ng lapida. In that picture, he was smiling widely. "Kuya.." mahinang sambit niya. "Kumusta ka na? Sana katulad ng larawan mong ito, nakangiti ka rin diyan sa kinaroroonan mo habang nakatanaw sa amin. I know you are watching us, we are okey kuya. Next month pangalawang harvest na ng sakahan mula ng mawala ka, and we are copping. Sa tulong ng mga magsasaka alam kong makakabangon ang sakahan. Ate Beth and Kathleen is also doing fine." Inabot niya ang larawan nito at marahan iyon na hinaplos, "Ako rin kuya.." anas niya sa malamlam na mga mata. "I know you are seeing me now.. gusto kong sabihin na masayang-masaya ako sa mga sandaling ito. I finally found my home in Leandro's arm. Alam kong hanggang sa huli, hindi kayo nakapag-usap ng maay

  • The Devil's Desire   Chapter Eighty Three: Ultrasound

    Hindi niya mailarawan ang saya sa mukha ng asawa habang nakatingin ito sa monitor ng ultrasound.His eyes are twinkling from gladness. At the same time from unshed tears. Sobrang higpit rin ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis. At bumalik sila ngayon sa kanilang OB para malaman ang gender ng kanilang pangalawang baby. He accompany her everytime. He was with her since her first ultrasound, na kahit anong busy nito, naghahanap talaga ito ng oras para lamang samahan siya."I want to always be with you in this journey with our second baby. Gusto kong maramdaman niya na nasa tabi niya lang ako. His or her heartbeat, gusto ko, ako ang unang makakarinig. I want everything about him or her in details, mga bagay na hindi ko nagawa kay Briel. Sa pagkakataon ito, babawi ako Ciel. Pangako." Naalala niyang sabi nito sa kanya when she was on her second month. He said that with all the gentleness in his eyes while caressing her still flat belly. Tulad

  • The Devil's Desire   Chapter Eighty Two: Honeymoon

    --Marrius--Mula sa pagkakasadsad sa manibela ay nanlalaking ini-angat ni Marrius ang kanyang mukha. Gimbal sa nangyari."Fuck!" Mura niya ng may maramdamang likido na umagos mula sa itaas na bahagi ng kanyang ulo.Nang tingnan niya ang mukha sa front mirror ng kanyang pick up, doon niya nakita ang sugat sa kanyang noo. Nakuha niya marahil iyon ng masadsad ang kanyang ulo sa manibela dahil sa impact ng kanyang pagpreno.He gritted his teeth. His inside is like magma ready to erupt. Sino ba ang tangang babaeng iyon na bigla nalang tumakbo sa direksyon ng humaharurot niyang sasakyan? He darted his eyes infront, there's no sign of her. Nabangga niya ba ito? O basta nalang itong umalis matapos ang ginawang katangahan?He was annoyed thinking about her foolishness, and thinking about her running away. Magkagayon man bumangon pa rin kahit paano sa kanyang dib-dib ang pag-aalala ng maisip na baka nga nabundol niya talaga ito.Nang maisip iyon, dali-dali niyang hinawakan ang seradura ng pin

  • The Devil's Desire   Chapter Eighty One: Marrius

    "Pwede bang ako naman ang makipagsayaw sa napakagandang bride, Tito Leandro?" Kapwa sila napabaling ni Leandro kay Marrius. "Kanina pa kasi ako naghihintay, pero parang wala ka yatang balak na paupuin siya. Kung hindi ninyo napapansin nakadalawang salang na kayo ng kanta." Natatawa nitong dugtong."When you're this inlove with your wife, hindi mo mapapansin ang oras, Marrius." Nagtaas ito ng kilay. "Yeah, hindi mo na kailangan ipangalandakan sa mukha ko, dahil halata naman. Now, pwede ko na ba siyang hiramin para maisayaw?"Leandro look at her with raised brow. Tila sa kanya nagpapaalam.Isang ngisi ang ibinigay niya rito. "Asikasuhin mo muna iyong mga ibang bisita. Pagbibigyan ko muna ang Marrius na 'to." She said chuckling.Bumitiw siya rito at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Marrius."Isang kanta lang Mauricius. Pagod na si Ciel." "No problemo Tito Leandro." Kindat pa nito sa Tiyo."Anyway may ipakikilala nga pala ako sayo mamaya, anak siya ng isang kaibigan. Dapat kahapon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status