MarkedMay mga bakas na hindi nakikita ng mata na mga tanda ng sakit, saya, at pagmamahal na iniwan sa puso ng panahon.👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Pagmulat ng aking mga mata. Ang sinag ng araw ay banayad na sumisilip mula sa mga kurtina, nagbibigay ng gintong liwanag sa paligid ng kwarto. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko. Nakayakap pa rin siya sa akin ng mahigpit na para bang kahit sa tulog ay ayaw niya akong pakawalan.Nakangiti akong napapikit muli.Ilang sandali akong nanatili lang sa ganoong posisyon, nakikinig sa mahinang tibok ng puso niya.Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya. Napakagwapo niya kahit tulog. Ang asawa kong minsan ay nababalot ng lungkot at hinagpis, ngayon ay may kapayapaan na sa kanyang mukha.Nagmulat siya ng mata, bahagyang namungay pa, pero agad akong nginitian."Good morning, mahal..." bulong niya, paos pa ang boses mula sa pagkakatulog. Mas malalim ito kaya tila nagwawala na naman ang sistema kom "Good morning din sa'yo, mahal ko..." sagot ko
LurkingSa likod ng katahimikan, may matang laging nagbabantay, pusong laging nagmamasid, at damdaming matagal nang kinikimkim.👨⚕️ HIDEO ADONISKahit araw ng mga puso ay hindi nagpapahuli ang bawat departamento aa mga dekorasyon nila upang ipadama ang diwa ng araw na ito. Pero mas bida ang Cardiology Department sa mga sandaling ito. My programa sila sa araw na ito na libreng konsulta, at mababang presyo ng ECG at ibang procedure para sa mga may karamdaman sa kanilang puso. Kaninang pagpasok ko dito sa opisina ko ay bumungad sa akin ang mga roses, cards, at chocolates na siyang nasa table ko. Nasanay na lamang ako sapagkat taon-taon naman akong binibigyan ng mga staff at Nurses maging ng ibang mga Doctors ng mga Valentine gifts. Mamaya rin ay ako ang magbibigay sa kanila ng greeting cards kapag bumisita ako sa bawat departments. Pero sa taong ito, walang makakapantay sa iniregalo sa akin ng Diyos, ito ay ang aking asawang si Marikah. Habang umuupo sa swivel chair ko
Intertwined Tila ba ang ating mga tadhana’y magkalapat na sinulid na magkaiba sa simula, ngunit sa bawat hibla ay unti-unting nagtagpo, nag-ugat, at naging iisa.👨⚕️HIDEO ADONIS Saktong isinara ko ang maleta nang maramdaman ko ang mga bisig ni Marikah na yumakap mula sa aking likuran. Napangiti ako’t marahang hinaplos ang mga kamay niyang nakapulupot sa akin. Lumulukso ang puso ko sa tuwing ganito siya ka-clingy sa akin. Ngayong araw ang flight ko papunta sa International Doctor's Conference. Tatlong araw rin akong mawawala. May mahalagang diskusyon tungkol sa bagong banta ng isang posibleng pandemya, at kailangan ng matinding paghahanda ng mga medical experts sa buong mundo.“Baka hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko sa loob ng tatlong araw,” mahina niyang sabi, ramdam ko ang kaunting pangungulila sa tinig niya. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha, pinagmamasdan ang bawat detalye ng babaeng mahal ko. Basa pa ang kanyang buhok habang nakasuot na siya ng puting
DedicationAng tunay na dedikasyon ay hindi nasusukat sa oras o pagod, kundi sa puso mong handang magsakripisyo para sa layuning pinaniniwalaan mo👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Kaagad akong mapangiti nang makita si Nurse Chrystallene na abala sa pagsasaayos ng mga supply sa Nurse station. Buong akala ko ay mauuna ako sa kanya, pero mukhang mas maaga pa rin siyang nag-time in. Kahit taga Laguna siya, never siyang nale-late. Kaagad siyang bumaling sa gawi ko at napangiti.“Good morning, Nurse Marikah! Blooming na naman tayo ah!”Ngumiti ako ng bahagya habang nilalagay ang bag ko sa locker.“Ay, alam ko na! Malungkot ka kasi walang bubuklat sa’yo ng three days.” May halong pang-aasar na sambit niya.“Kahit taga Laguna ka, nauuna ka pa rin mag-time in. Maaga ka bang bumibyahe?” tanong ko sa kanya habang naglalakad patungo sa PC at binubuksan ito.“Mga ala una ng madaling araw ay gising na ako, tapos mga alas tres ay bibyahe na. Mga four yata ay nandito na ako tapos matutulog muna ako saglit sa
StandSa gitna ng unos at panghuhusga, ang mahalaga ay kung paano ka nanindigan—hindi para sa gusto ng iba, kundi para sa totoo mong paniniwala at pangarap sa buhay.👨⚕️HIDEO ADONIS Pagpasok ko pa lang sa private plane, agad na tumama sa paningin ko ang isa sa mga iginagalang kong doktor — si Dr. Mouse Rosswell Velaroza, ama ni Dr. Rat Velaroza.Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit. Nang magtama ang aming mga mata, agad din siyang tumayo para salubungin ako, sabay kamayan."It's nice to see you, Dok Canliagn," bungad niya, may pamilyar na ngiti sa kanyang mukha."So glad na sabay tayong pupunta roon," tugon ko, magaan ang loob habang tinatanggap ang mainit niyang pagbati.Habang nagsisimula na kaming mag-ayos ng aming mga gamit, pasimpleng tumingin ako sa paligid. Hinahanap ko si Dok Rat dahil nabanggit niya noon na sasama siya sa medical conference na ito.“Where’s your son po?” tanong ko, medyo nagtatakang wala siya roon.Napangiti si Dok Mouse, sabay iling.“That big ra
AwakenLubos na nagising ang mga puso para sa bagong pag-asa at pakikibaka dahil sa mga pagsubok na siyang paparating. Mas magiging matatag na haharapin ito. 👰♀️ MARIKAH SYCHELLE “Aba, Ginoong Maria,Napupuno ka ng grasya,Ang Panginoon ay sumasaiyo.Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,At pinagpala namanAng 'yong anak na si Hesus.” Taimtim kong pag-usal, habang patuloy kong iniikot ang hawak kong rosaryo.“Santa Maria, Ina ng Diyos,Ipanalangin mo kaming makasalanan,Ngayon at kung kami'y mamamatay.” Pagpapatuloy ni Nurse Chrystallene.Nagtinginan kami at sabay na sinambit ang salitang 'Amen'.Kasalukuyan kaming nandito sa chapel ng hospital at sabay na nagdasal ng alas tres ng hapon. Nag-sign of the cross kami. “Maayos na pakiramdam mo?” tanong niya habang sabay kaming tumayo at naglakad palabas.“Oo, hindi naman na ako binabagabag,” sagot ko, na ramdam ang kaunting ginhawa mula sa aming pagdarasal.“Kasalanan ito ni Dok Hera, kakairita talaga 'yon,” napairap siya, na tila n
TetheredKahit gaano kalayo ang marating natin, mananatili tayong nakatali sa isa't isa ng mga alaala, pangarap, at pagmamahal.👨⚕️HIDEO ADONISSinabi ko na nga ba ay maaabutan ko ang traffic. Umalis ako kanina nang dumating na sila Lola, Lolo, at Manang Dona. Ang aking asawa ang siyang mag-aalaga ngayon kay Lolo sapagkat mag-luluto sila Manang pati si Lola, at tutulong si Athena sa mga ito. Kaysa mainis sa traffic ay nilakasan ko ang aircon ng sasakyan dahil mukhang mahaba-habang hintayan ito. Naka-attached ang cellphone ko sa isang holder, nakita ko ang sunod-sunod na notification ni Les. Nakabukas pala ang data ko at nalimutan ko na isara kaninang kinuha ko ang pina-reserve kong lansones at rambutan, naubusan ako ng dalandan kaya maghahanap na lang akk mamaya dito sa Lipa. Ang traffic talaga rito ay hindi na nagbago. Pinindot ko ang video call, kaagad naman niya ito sinagot. “Magpaliwanag ka, bakit ngayon mo lang sinabi na ikinasal ka na? Ni hindi ko nga alam na nagka-girl fri
GraceThe arrival of a child is a blessing from God—a reminder that with every new life, He pours out His endless love and grace.👨⚕️ HIDEO ADONISA few days later...Simula nang mawala siya, ang mga sumunod na taon ay naging mapurol. Bawat kaarawan ko, hindi ko na naramdaman ang kasabikan o kaligayahan. Sa labis na lungkot na bumalot sa akin, ang tanging hangarin ko tuwing sasapit ang aking kaarawan ay makita siyang muli. Isang simpleng hiling—ang mawala na sa mundo ito.Ngunit sa taon na ito, tila may bagong simula. May mga pagdapo ng kasabikan at kaligayahan na matagal kong nawalang dama. Isang bagay na hindi ko inasahan, pero dumating—siya. Ang babaeng nagbigay liwanag sa madilim kong mundo, ang nagbigay ng pag-asa upang makabangon muli.Siya ang bagong buhay ko.Ang aking asawa—si Marikah.At siya’y tulog pa rin, ang mga labi ay nakangiti habang pinagmamasdan ko siya. Inaasahan ko na mauuna siyang magising, sapagkat sabik na sabik siya para sa aking kaarawan. Nabanggit ko pa ng
ThresholdSa dulo ng bawat sakit, may hangganan at sa hangganang iyon, nagsisimula ang paghilom👨⚕️HIDEO ADONIS Sunod-sunod ang mga pangyayari ngayong araw at ang pinakahuli, isang insidenteng hindi ko inaasahan, ay naganap sa Annex Building. Mabilis kong nalaman ang kaguluhang nangyari roon, at ang masaklap, iyon ang naging sanhi ng maagang panganganak ni Head Nurse Cat. Dahil wala pa sa tamang gestational weeks ang mga sanggol, kailangang ilagay sila sa ilalim ng mahigpit na obserbasyon sa NICU.Hindi ako nag-aksaya ng oras. Agad akong nagtungo sa Annex upang personal na kamustahin ang mga empleyado, at upang alamin ang totoong takbo ng sitwasyon. Kinausap ko rin si Dok Mouse at ramdam ko ang bigat ng kanyang nararamdaman, lalo’t ito ang kanyang unang mga apo. Humingi ako ng paumanhin, alam kong wala man akong direktang kinalaman, responsibilidad ko pa rin ang kapakanan ng lahat sa ospital. Mabuti na lang din at tapos na mag entrace exam si Dok Rat bago ito mabalitaan kaya naman
👨⚕️ HIDEO ADONIS At ngayon, kaharap ko na ang taong responsable sa pagkamatay ng mga taong pinakamahalaga sa buhay ko, pati na rin sa pagkawasak ng pamilya ng asawa ko, at sa pagkawala ng ama ni Arkey.Mataman akong nakatingin sa kanya, tuwid at hindi nagpapatinag. Iisang lamesa lamang ang pagitan namin, ngunit tila abot ng tingin ko ang lahat ng kasalanang pilit niyang ikinukubli sa malamig niyang anyo. Sa kanyang likuran, nakapuwesto ang tatlong pulis na nagsisigurong hindi ako gagambalain o mapahamak sa kahit anong posibleng galaw ng hayop na ito.Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik, na tila bawat tibok ng puso ko ay umuukit ng galit sa dibdib ko.Ganito pala ang pakiramdam na makaharap ang isang demonyo.Hindi siya sumasalubong sa titig ko, pero ramdam kong alam niyang naroon ako na huling taong dapat niyang balewalain.Hindi ako lalaban ng salita. Hindi ko kailangang sumigaw, sapagkat ang bigat ng katahimikan ko ay higit pa sa anumang panunumbat. At sa pagkakataong ito, ak
Trigger Warning ⚠️This chapter contains sensitive content including:• Physical & emotional abuse• Trauma and mental distress• Violence and murder• Medical and psychological themesPlease proceed with care. If any of these topics are difficult for you, consider skipping this chapter or reading it when you feel emotionally ready. Your well-being comes first.If you're struggling, don't hesitate to seek help from someone you trust or a mental health professional.---WrathAng poot ay lason na iniinom ng puso sa pag-aakalang iba ang mamamatay.👨⚕️HIDEO ADONISMatapos kong i-message si Dok Rat sa Messenger ng "good luck" para sa kanyang entrance exam ngayong araw, ibinalik ko ang atensyon ko sa kasalukuyan. Nasa loob ako ng opisina kasama sina Dok Ivo at Dok Maxwell. Tahimik na nagbabasa ng dyaryo si Dok Ivo habang si Dok Maxwell naman ay walang imik na nagsi-scroll sa kanyang hawak na tablet.“Agay... lahat ng articles, puro HC Medical City ang headlines,” biglang reklamo ni Dok
Vengeance Paghihiganti ang tula ng pusong sugatan na isinusulat sa apoy, binibigkas sa dilim. At sa bawat taludtod ng poot, ang kalaban ay unti-unting nilulunod sa sariling kasalanan.👨⚕️HIDEO ADONISNaabutan ko pa ring maraming press ang nag-aabang sa labas ng Main Building ng HC Medical City. Mabuti na lang at mabilis rumesponde ang mga security personnel at military na ipinadala sa utos ni Dok Ivo. Hindi biro ang abala kung sakaling makapasok ang media sa loob ng ospital.Pasimpleng lumiko ako patungo sa basement parking na eksklusibo lamang sa mga empleyado ng ospital. Mabuti at may sariling bahagi roon ang mga may HC employee sticker na isang desisyong matagal nang ipinatupad para sa ganitong mga pagkakataon.Paghinto ng sasakyan ko, saktong tumawag si Doktora Les. Kaagad ko itong sinagot.“I was about to go to the Main Building, pero nalaman ko na sa Annex mo ipinadala ang mga gamit ko for my clinic office.”“Yes, Les. Sa Annex ka muna. Magulo pa rito sa Main.”“Labis ang kab
DissonaceParang bagyong tahimik at sa labas, payapa ang langit,pero sa loob, may unos na hindi magkasundo ang puso’t isip.Isang himig na pilit inaawit ng damdamin,ngunit kinokontra ng tunog ng lohika.👨⚕️HIDEO ADONISPinagmamasdan ko si Athena habang seryoso niyang pinipino sa food processor ang mga walnuts. Wala siyang imik, nakatuon lang sa gawain na parang isang siyentistang nag-eeksperimento sa gitna ng tahimik na kusina.Nang maging halos pulbura na ang mga ito, napangiti ako nang ibuhos niya ito sa all-purpose flour, haluan ng chocolate chips, at dahan-dahang minasa gamit ang kamay. Makinis ang kilos niya, parang alam na alam ang ginagawa hindi lang basta pagluluto ito, may layunin.Ako ang nag-request. Alam kong mahilig siyang mag-bake, kaya sa kanya ko na lang ipinagawa ang cookies na matagal ko nang gustong matikman. Pero sa totoo lang, higit pa doon ang dahilan.“Tingnan ko lang kung hindi siya matuluyan kapag kinain ito,” mahinang sambit ni Athena, kasunod ang isang m
FearlessSa bawat pagsubok na dumarating, piliin mong tumindig.Ang tapang ay hindi laging sigaw—minsan, ito'y tahimik na pagyakap sa sakit habang patuloy kang lumalaban.👨⚕️ HIDEO ADONIS Parang walang nangyari.Ganyan ko mailalarawan ngayon si Niniana na kapatid ni Dok Rat, habang nakahiga sa recovery bed. Kung hindi ko hawak ang clipboard na may records niya, baka nakalimutan ko pa ang pangalan niya.Hindi pa nga lumilipas ang 24 oras mula nang isalba siya sa ICU, pero heto’t alerto na, may kulay na ang pisngi, at tila parang hindi muntik barilin sa loob ng sasakyan.Vehicular accident raw. Sa hindi pa rin klarong dahilan, nadiskaril bigla ang gulong ng sasakyan niya—tapos may lalaking nakamotorsiklo ang lumapit at nagtangkang pagbabarilin siya.“Nunca! Que bom que trouxeste o meu carro, Niniana! A blindagem ali é muito resistente.”(Mabuti na lang at ang sasakyan ko ang dala mo, Niniana! Napakatibay ng bulletproofing niyon.)Napatingin ako kay Dok Rat habang nagsasalita siya. N
UnravelUnti-unti siyang nabubuking, hindi bilang pagkasira, kundi bilang pagbubukas ng lihim na matagal nang itinago ng puso.👨⚕️HIDEO ADONISHindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga litrato namin ng asawa ko sa gallery ng cellphone ko ang mga kuha ni Harmony noong nasa Ugbo kami. Tila ba may sariling liwanag ang ngiti ni Marikah; sino ba naman ang hindi mahahawa sa ganoong kasaya at tapat na ngiti? Natutuwa ako’t tila nahilig na rin siyang magpakuha ng litrato ngayon, malayo sa dating Marikah na halos palaging umiiwas sa camera.Habang tinititigan ko ang mga larawang ito, bumalik sa alaala ko ang mga unang buwan niya sa Surgery Department. Noon, ramdam na ramdam ko ang pagiging mailap niya,hindi sa mga pasyente, kundi sa mga kasamahan naming staff. Tahimik lang siya palagi, mas pinipiling mamalagi sa hospital chapel kaysa sumama sa lounge o makihalubilo sa amin. Para bang may bakod siya noon sa pagitan ng sarili niya at ng mundong ginagalawan namin.Kahit naka-dut
Tenderness Sa katahimikan ng isang haplos, naroroon ang dasal—hindi sa salita, kundi sa pusong marunong magmahal nang walang alinlangan👨⚕️ HIDEO ADONISNapahaba at napasarap ang tulog namin ni Marikah. Pagdilat ng mga mata ko, alas singko na ng hapon.Buti na lang talaga at wala akong naka-schedule na surgery ngayon. Halos si Athena na rin ang humahawak ng karamihan sa mga paperwork sa ospital. Unti-unti na rin niyang tinatanggap ang responsibilidad bilang kapalit ko sa Board of Directors ng HC Medical City.Ang totoo niyan, malaking ginhawa sa akin ang lahat ng ito.Matapos kong tuluyang mabayaran ang malaking utang ko sa mga Xi, lalo pang napadali ang merging nang ikasal sina Athena at Dok Ivo. Sa kanilang mga kamay, alam kong mas mapapatakbo nang maayos ang ospital ito'y magiging mas moderno, mas matatag, at mas makatao.Ngayon, mas kaya ko nang tutukan si Marikah at ang pagbubuntis niya. Mas mahalaga siya kaysa sa alinmang titulo o tungkulin.Pero bago ko tuluyang talikuran an
Intention Sa likod ng bawat kilos na payapa, naroon ang layuning dalisay—Pag-ibig ang binhi, at kabutihan ang ani ng pusong tunay.👨⚕️HIDEO ADONISIsang panibagong araw na naman ng pagpapanggap, isa na namang hakbang upang mas mapalapit ako sa halimaw. Kailangan kong makakalap ng mas matibay na ebidensya. Gusto man naming ipahuli siya agad-agad, wala kaming sapat na lakas ng ebidensya. Lalo na at naka-pending ang kaso, sapagkat hindi pa rin natutukoy kung saan nagtago ang dati niyang pagkatao.Kaya kailangan kong paghandaan nang husto ang bawat galaw. Hindi ito basta kasong pwedeng isapubliko nang walang matibay na basehan. Sa sandaling mailantad ko sa buong mundo ang tunay niyang pagkatao. Ang pagiging kriminal niya, dapat ay wala na siyang matakbuhan.Kung hindi lang sa lakas ng koneksyon niya mula sa mga taong bahagi ng black market at mga notoryus na personalidad ay matagal na sana siyang nahuli. Kaya’t pinaasikaso ko na kay Dominador ang pagsuyod sa lahat ng contact niyang ma